IKA-DALAWAMPU’T PITONG PATAK

1644 Words
MATAPOS kumain ay nagprisinta si Juniel na siya na lamang ang maghuhugas ng plato ngunit pinigilan siya ni Aling Sita. “Hayaan mo na, si Gwendolyn na ang bahala riyan.” Pinagpatong-patong ni Aling Sita ang mga plato saka kinuha ang tabong may lamang tubig at isinawsaw ang mga kamay. “Ikaw lang ba ang nakaligtas sa sunog sa ampunan?” “Hindi po. Sa awa ng diyos ay ligtas kaming lahat.” Ngumiti si Aling Sita. “Mabuti naman kung ganoon. Mabuti na lamang pala at nakilala ka namin, Wala ka na palang uuwian ngayon. Saan na tumitira ang mga kasamahan mo?” “Sa simbahan po sa Sitio. Iyon na muna po ang pansamantala naming tahanan. Sa ngayon po ay naghahanap ako ng trabaho dahil kailangan ko pong kumita at nais kong bumalik sa ampunan para tulungan silang buuhin iyon.” Lalong lumawak ang ngiti ni Aling Sita. “Napakabuting bata. Pagpalain ka ng panginoon.” Nahuli niyang umirap si Gwen na mukhang hindi kumbinsido sa sinabi ng sarili nitong ina. Nagkibit na lamang ng balikat si Juniel. Nilakasan na ni Juniel ang sariling loob para magtanong. “May alam po ba kayong puwede kong upahan?” Ngumiti ang ina ni Gwen. “Kung gayong wala ka na palang matutuluyan, bakit hindi ka na lamang tumira kasama namin?” Pinandilatan ni Gwen ang ina. “Inay!” “Bakit? Puwede naman dito sa atin si Juniel. Dalawa lang naman tayong nakatira dito sa bahay.” “Hindi nga natin sigurado kung talagang mabuti siyang tao tapos pagtitiwalaan ninyo na kaagad,” reklamo pa nito. Napayuko naman si Juniel dahil sa sinabi ni Gwen. Tama naman ito. Walang sinong basta na lamang magtitiwala sa taong kailan lamang nakilala. Ngunit, nais sana niyang tutulan ang sinabi nitong hindi sigurado kung mabuti ba siyang tao. Dahil kahit kailan ay hindi pa siya nanakit ng tao. Ngunit ang humusga ng isang taong kailan lang nakilala ay mas hindi naman katanggap-tanggap. “Gwendolyn! HIndi kita pinalaki na manghuhusga agad ng ibang tao.” “Inay, bakit po ba mas pinabuburan ninyo na siya ngayon? Kailan n’yo nga lang po siya nakilala, hindi ba? Hindi pa tayo sigurado sa katauhan ng lalaking iyan.” Tumayo si Juniel mula sa kinauupuan. “Hayaan n’yo na po, Aling Sita. Hindi ko naman po masisisi ang anak ninyo. Isa pa po ay bagong salta lamang ako sa lugar ninyo.” Umingos si Gwen. “Sabi ko na sa inyo, Inay.” “Titingin na lamang po ako sa iba at baka may alam silang puwede kong maupahan.” Tumayo rin si Aling Sita saka nilapitan siya. “Hindi na. Ang perang ibabayad mo sa iba ay ilaan mo rito sa bahay upang kapalit ng pagpapatira namin. Dumito ka na lang para kahit paano ay may maasahan ako sa pwesto sa palengke. Nag-aaral pa sa high school itong anak ko kaya malabong matulungan niya ako sa palengke.” Malakas na bumuntong hininga si Gwen. “Tama ang inay. Makatututol pa ba ako? Sige na, dumito ka na nga lang,” halatang napipilitang sabi nito saka ibinalik ang atensyon sa paghuhugas ng mga plato. “Huwag po kayong mag-alala at gagawin ko po ang lahat para makatulong. Magtatrabaho po akong mabuti.” Hindi gusto ni Juniel na mangako ngunit nais niyang bigyan ng pag-asa ang mag-ina lalo na si Aling Sita na ibinigay ang buong tiwala sa kanya. Nais man ni Juniel na mag-aral sa kolehiyo ngunit mukhang malabo na iyon ngayon. Oo, nais niyang magtapos ng pag-aaral, ngunit sa ngayon ay priority muna niya ang makaipon upang mapaayos ang nasunog na ampunan na hindi pa rin niya alam kung sino ang may kagagawan niyon. SA PAGTIRA ni Juniel sa bahay nina Aling Sita ay mas napalapit siya kay Aling Sita at pinipilit na rin niyang mapalapit kay Gwendolyn. Dahil isang taon na lamang ay dise otso na si Juniel, tsinaga muna niya ang pagiging kargador sa pantalan at ang pagtulong kay Aling Sita sa palengke habang ang anak naman nito ay nag-aara pa. Mukha namang masigasig sa pag-aaral si Gwendolyn at nais makatapos. Sa pagkakaalam pa nga niya ay kumuha ito ng exam upang makapagpatuloy sa kolehiyo. Ibinaba ni Juniel ang mga bibit saka dali-daling kumuha ng tubig para abutan si Aling Sita. “Salamat Juniel,” sabi pa nito na naupo na rin. Nakita ni Juniel sa hapag na nag-aara si Gwendolyn. Nakita nga niyang nakasulat doon ang buo nitong pangalan na Gwendolyn Roa. “Roa pala ang apelyido mo,” puna nito habang nakatitig sa sulat kamay nito. Mabilis na tinakpan nito ang tinitingnan niya. “Bakit ka ba nanggugulo? Umalis ka na nga,” taboy pa nito. “Lalo akong hindi maka-concentrate sa ginagawa ko eh.” “Sa Calculus ka na pala.” Inungutan na naman siya nito. “Ano naman sa iyo?” “Sagot sa number five ay letter b,” pasimpleng sabi niya saka tumalikod at naglakad na patungong sala. Hindi na nagtaka pa si Juniel nang sulyapan si Gwen at titigan nito ang sariling papel matapos niyangs sabihing letter B ang sagot doon. Napag-aralan na kasi niya iyon at hindi maikakailang buhay na buhay pa iyon sa kanyang alaala. Iyon ang subject na nagustuhan niya sa lahat ng mga subjects. Gusto naman niya halos lahat ngunit may mga subjects lang talaga ang nangingibabaw. Kayang-kaya niya iyong sagutan kahit hindi nagko-commute. Hindi sa ganoon siya kagaling, kung hindi ay alam na kaagad ng memorya niya ang isang bagay. Paupo na sana si Juniel sa two seater na kulay maroon na sofa nang naglalakad na patungo sa direksyon niya si Gwen. “Huwag kang umupo,” parang boss na utos nito sa kanya. Nakakunot ang noo na napatitig si Juniel kay Gwen. Nakasuot ito ng puting maluwang na t-shirt at tokong pants. Maipagkakamaling hindi ito mahinhing babae base sa mga kasuotan nito. Galagaw kung maituturing si Gwen ngunit hindi pa niya napansing nagdala ito ng lalaki o kaibigang lalaki. “Anong tinitingin-tingin mo?” “Ano na naman iyan, Gwen? Kung magpapaturo ka, magpaturo ka na lang. Hindi iyong mang-aaway ka pa?” Biglang sumimangot si Gwen. “Inay naman eh. Pasok na nga po kayo sa kwarto ninyo at magpahinga.” Bahagyang umangat ang sulok ng labi ni Juniel. “Anong nginingiti-ngiti mo?” Patay! Nahuli yata siya nito. Agad yumuko si Juniel para itago ang pangisi. “W-Wala.” “Sinabi na ni inay ang agenda ko kaya turuan mo na ako.” Marahas na nag-angat si Juniel ng tingin. Ngayon lang siya naka-encounter ng babaeng hindi marunong makiusap kung may ipapasuyo. Tanging si Gwen lang yata ang babaeng hindi marunong makiusap bagkus ay nag-uutos pa. “Ano? Tuturuan mo ba ako o manonood ka na lang?” Maangas pa. Napaisip tuloy si Juniel kung may lalaki bang magkakagusto sa katulad ni Gwen na animo ay isang maton. Medyo punggok nga lang ito pero bata pa naman kasi si Gwen at sa tingin niya ay tatangkad pa ito. Tumayo na si Juniel. “Saang part ka ba nahihirapan?” tanong niya habang naglalakad patungo sa hapagkainan. Hinila niya ang bakanteng upuan, kinuha ang lapis na gamit nito pati ang libro kung nasaan ang sasagutan. Itinuro ni Juniel sa hintuturo ang isusulat. “Kukunin mo muna ito…” Saka hinimayhimay ang pagpapaliwanag habang inisa-isang isinasain sa papel. Umupo sa tabi niya si Gwen at manghang napatitig sa sinusulat niya. “Wow! Isa ka palang henyo. Paano mo nalamang iyan ang sagot? Nag-aral ka na? Kung ako nga lang ang masusunod, ayaw kong mag-aral. Gusto kong magtrabaho na. Wala namang mababago kung magtatrabaho ka na agad. Ganoon din naman, mag-aaral ka ‘tas kapag naka-graduate, magtratrabaho rin,” inis na reklamo nito habang nakapalumbaba at nakaupo na rin, ilang pulgada ang layo sa kanya. “Kaya ka nag-aaral at magtapos sa pag-aaral para kapag naka-graduate ka sa kolehiyo ay magandang trabaho ang mapapasukan mo,” paliwanag niya rito. Mas lalong sumimangot si Gwen. “Parehas lang iyon. Magtratrabaho ka pa rin. Basta, gusto kong magtrabaho na agad balang araw nang ako naman ang makatulong sa inay.” Napangiti si Juniel. Nakikita niya ang determinasyon sa mga mata ni Gwen na nais nga nitong magtrabaho para makatulong. Napansin na siguro nito na nahihirapan din ang ina nito kaya siya ang kinuha para tumulong. Hindi na nag-isip si Juniel nang sagutan niya ang lahat ng homework nito. Ilan lang ang itinuro niya at ang iba ay simagot na niya hanggang matapos. Nagligpit din agad si Gwen upang ihanda ang sinigang na bangus. Nakaliskisan na iyon ng ina nito at hinugasan na lang. Naghimay na rin siya sa mabilisang himay, hinugasan ang gulay. Naghiwa ng kamatis at sibuyas sakaiInilagay na ni Gwen lahat ng sangkap. “Salamat sa pagtuturo. Kung hindi pa siguro ako matatapos dito ay baka hindi pa ako makapaghahanda ng tanghalian,” sabi nito sa kanya habang siya ay nakaupo pa rin. “Gusto mo ba ng tulong?” “Hindi na. Kaya ko na ito. Tikman mo na lang ang niluto ko kapag natapos na.” Hinintay lang ni Gwen na kumulo ang niluluto, naglagay lang ng kaunting MSG at asin. “Juniel, tikman mo nga kung puwede na ang lasa.” Iniumang niya ang panandok na may sabaw at may kaunting nahimay na dahon ng kangkong saka inilapit sa bibig ni Juniel. “Hmm.. Masarap. Tama lang ang timpla.” “Salamat. Sige, tawagin mo na si inay nang makakain na tayo.” Pakiramdam ni Juniel ay nagkaroon siya ng ikalawang pamilya nang makilala niya sina Aling Sita at Gwendolyn. Sa una ay medyo nahirapan siyang makibagay kay Gwen dahil may kasungitan ito at pagkasiga. Ngunit nang lumaon din ay hindi naman pala mahirap pakitungon si Gwen. Kasing bait din nito si Aling Sita, mas prangka nga lang ito kesa sa sarili nitong ina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD