IKA-TATALUMPU'T WALONG PATAK

1708 Words
“GWEN… Gwen!” Pinilit ni Gwen na magpanggap na hindi niya naririnig ang boses na iyon at pagtawag sa kanya ni Noel. Bukod kay Juniel na iniiwasan niya, ito talaga ang number one niyang iniiwasan. Nang makalapit ito ay agad siyang inakbayan. Kaunti lang ang deperensya ng height niya dahil matangkad siya. “Iniisip mo bang matatakasan mo ako? U.lol! Huwag ako, Gwen. May kasunduan tayo.” Pakiramdam nga niya ay nakipagkasundo siya sa demonyo at hindi sa tao. Alam niya kung gaano ka babaero ang animal na ito at hindi naman siya makikipagkasundo kung hindi dahil kay Juniel. Ayaw niyang pinapatulan ni Noel si Jun lalo naman ang asarin pa ito. Napakarami ng pinagdaanan ng kanyang kaibigan, pati ba naman sa hotel ay mahihirapan ito. Patungo na sana siya sa laundry area para ilagay ang uniporme nang makita siya nito at tawagin. “May ipinahahabol sa iyo si Boss Fina.” Bakit ang bilis ng pintig ng puso niya na nagsasabing nagsisinungaling sa kanya si Noel? “Huwag mong sabihin ginag.ago mo ako ah.” “Pinapupunta ka nga.” Inalis niya ang braso nitong nakapulupot na sa kanyang balikat. “Bakit kasama ka pa?” “Gusto lang matiyak ni boss na sasama ka.” “Sasama ako. Huwag ka nang makulit,” saway niya rito lalo na ang nagmamalikot nitong kamay na panay ang daplis sa kanyang puwitan. “Laki talaga. Taas, baba. Ano kaya pinakakain sa iyo ng nanay mo? Grabe! Sarap mong tuhugin.” Hindi lang kamay nito ang bastos, pati rin ang bibig nito. Sa lahat ng tao ay ayaw na ayaw niyang nakakasama ito ngunit parang kampi rito si Boss Fina na palagi yata silang pinagpapares. Inunahan niya ito sa paglalakad at nagmadali siya sa paghakbang para maiwasan lang ito ngunit nakasunod pa rin ito sa kanya hanggang makarating siya sa tapat ng kwartong sinasabi nito. Nag-alinlangan siya sa pagpasok. “Iyan ba ang kwarto?” “Oo. Nasa loob na ang panglinis mo. Enjoy-in mo na lang.” Malakas talaga ang hinala niyang nagsisinungaling ito ngunit dahil related sa trabaho ay naglakas loob na siya na buksan ang pintuan. “Pasok na!” Bigla ay itinulak siya nito at nagulat siya nang makitang wala naman pala ang panlinis doon. Bigla siyang sinugod ni Noel at isinandal sa pader. “Puwede ko na sigurong hingin ang kapalit. Pinalampas ko ang isang araw. Hindi ko pinatulan si Juniel at hindi ko rin inasar. Kahit kating-kati na ang bibig kong insultuhin ang pangit niyang mukha.” Bahagyang nahintatakutan si Gwen ngunit hindi masyadong pinahalata. “Hindi iyan ang kasunduan natin. Sabi ko, huwag na huwag mo siyang papatulan, throughout sa buong trabaho niya.” “Whatever! Ibigay mo na ang paunang bayad, kahit tikim lang. Sapat na sa akin ang tayuan.” “Tumigil ka nga!” Tinulak niya ito ngunit lalo itong nagmatigas na isandal siya sa pader hanggang nakalas ang unang butones ng suot niyang polo. “Ano ba!” “Isang tikim lang. Taas lang naman at hipo lang ang gagawin ko. Hindi rin tayo magtatagal.” Kitang-kita niya ang nag-aapoy na kakaibang desire sa mga mata nito. “Mamaya may makakita pa sa atin dito, Noel!” “Walang CCTV dito, sira kaya wala ka ng dahilan para magreklamo.” Kumapa ang kamay nito sa hita niya paakyat patungo sa kanyang pang-upo, ang kabilang kamay naman ay busy na sa paghaklit sa baywang niya. Napatingala si Gwen nang akmang hahalakin siya nito. Hinding-hindi niya ibibigay ang kanyang first kiss sa maniakis na ito. Para sa iisang tao lang ang nais niyang ibahagi ang lahat at hindi kay Noel. Sa pag-iwas na halikan siya ni Noel ay isinalin na lamang niya ang tingin sa kisame hanggang maramdaman niya ang mainit nitong hininga sa kanyang punong tainga na unti-unting bumababa sa kanyang leeg, leaving it wet kisses around her neck going down to her top chest. “Kapag may nakakita sa atin dito, papatayin talaga kita.” “Wala iyan! Relax ka lang. Ayaw kong mabitin, Gwen. Kaya umayos ka.” Isang malakas na tulak ng pintuan ang kumuha ng atensyon nilang dalawa ni Noel. Sa bilis ng sandali ay nakahandusay na si Noel sa sahig. Hindi alam ni Gwen kung nawalan lang ba ito ng malay o patay na mula sa pagtulak ni Juniel. She’s definitely dead… in embarrassment when Juniel found them. “J-Juniel.” Madilim ang mga mata nitong parang nag-aapoy sa galit. How she wish na sana nagseselos din ito ngunit alam naman niyang napakaimposible. Sa kinang pa lamang ng mga mata nito tuwing nababanggit nito si Madam Stacey ay alam na niya kung sino ang naiibigan ng puso nito at imposibleng siya iyon. Pangit siya at kung ikumpara kay Stacey Savillana na makinis, maputi at mayaman ay wala siyang maipagmamalaki. Kinakabahang nagpatianod siya kay Juniel nang marahas nito siyang hilahin palabas ng kwarto at hilahin hanggang hallway. Pilit niyang hinihila ang sariling kamay ngunit parang lalong dumodoble ang lakas ng binata at hindi na niya kayang pigilan ito.   “UMUWI na tayo,” tiim-bagang na sabi nito. Mahigpit na hinawakan ni Juniel ang braso niya saka halos hilahin siya habang nadaraan sila sa hallway. “Ayaw kong sumama,” inis na sabi ni Gwen kay Juniel. “Anong gusto mo, buhatin pa kita?” Hindi na nakaimik si Gwen, binawi ang sariling kamay at padabog na naglakad mauna lamang kay Juniel. Hinubad niya ang suot na polo, liban sa gray na pants. Nakasuot siya ng puting sando na bahagyang umuumbok ang kanyang hinaharap na kita na ang gitnang pagitan dahil sa pagkakadikit ng dalawa niyang mga melon. Pahablot na kinuha ni Gwen ang mga gamit sa locker area, nag-punch out at diretsong lumabas sa hotel back exit. Hindi masama ang loob niya na pinagtanggol siya ni Juniel. Masama lang ang loob niya dahil ginawa iyon ni Juniel bilang kaibigan at hindi tulad ng isang taong concern talaga sa kanyang minamahal. Pumara siya ng taxi at agad sumakay roon. Mabilis naman ang reflexes ni Juniel na agad siyang nahabol at nakasakay na rin sa tabi niya. Wala silang imik sa buong biyahe. Hindi lang dahil wala siyang mukhang maihaharap kay Jun, kung hindi dahil hindi niya alam kung paano sasabihin ang totoong dahilan kung bakit niya nagawa iyon. “Dito na lang, kuya.” Nag-abot si Juniel ng bayad sa taxi at nagulat siya sa hinituan nilang dalawa. Zogo hotel ang nakasulat doon. At alam na alam ni Gwen kung ano iyon. “B-Bakit tayo narito?” tanong niya kay Jun matapos hilahin siya nito palabas ng taxi. Hinawakan pa nito nang mas mahigpit ang kamay niya papasok sa loob ng m.otel. Nagbayad ito na room for one daw. Hindi siya iniimik sa tanong niya at sa higpit ng kapit nito sa kamay niya ay parang madudurog na iyon. Nagtutubig na nga ang sulok ng mga mata niya dahil sa luhang pinipilit niyang pigilan. Pagkapasok ng susi sa pintuang itinalaga sa kanila ay itinulak nito ang pintuan at nagulat siya sa kakaibang apoy sa mga mata nito. Hindi apoy ng nasa, kung hindi apoy ng galit sa kanya. Hila-hila pa rin siya nito at para siyang unan na basta na lamang nitong inihagis sa kama. Mabuti na lamang at nasalo siya ng kama, kung hindi ay baka nagaya na rin siya kay Noel. “Ito ang gusto mo ‘di ba?” Kung nagulat siya sa kakaibang kinikilos ni Juniel ay mas nagulat siya nang hubarin nito ang suot na puting shirt at iitsa sa sahig saka tinalunan siya para pumaimbabaw sa kanya. Iniangat nito ang magkabila niyang braso. “Gusto mo ito ‘di ba? Ito na. Ako na lang!” Pinigilan niya ang kamay ni Juniel ngunit napakalakas nito na parang bakal ang nakahawak sa magkabila niyang braso. Walang kahirap-hirap na hinawakan lang ng isang kamay nito ang dalawa niyang braso at ang isang kamay ay iniaangat na ang laylayan ng sando na suot niya. “Jun.. Juniel.. huwag mong gawin ito.” Ngunit hindi talaga iyon ang gusto ng kanyang katawan. Hindi nga makatutol ang kanyang katawan, nakabukaka pa ang dalawa niyang mga binti. Manok na ang lumalapit sa hain niyang palay, pinipigilan pa niya? Ayaw niya kasing sa ganoong paraan. Sana naman iyong hindi dahas. Iyong madama niya kahit katiting na may damdamin ito sa kanya. Nahubad nito ang suot niyang sando pati rin ang zipper ng pants na suot niya ay hindi nito pinalampas para hubarin at hatakin pababa sa kanyang paanan. Sinipa lang nito ang slacks na suot niya para mahubad sa kanyang mga paa. Naiwan ang isang pares niyang panloob na nakaladlad sa ilalim ng matipunong katawan ni Juniel na nakadagan pa rin sa kanya. Namanhid yata ang buo niyang katawan kaya hindi siya makatutol. Bibig lang niya ang nagrereklamo pero hindi ang kanyang katawan at puso. Dahil aaminin niyang, gustong-gusto niya iyon. Gustong-gusto niyang mapunta kay Juniel. Juniel kissed her neck like what he saw when Noel did the same. Sa halip na magreklamo o pigilan ito ay isang mahinang pagsinghap ang ginawa niya. Oh, ‘di ba, baliw nga siya! Siya na itong hina-harass, gusto pa talaga niyang magpasundot kahit alam na niyang mawawala ang twenty-three years niyang iningatan at inilaan para sa isang taong magmamahal sa kanya. Bakit ba? Nakalaan naman para kay Juniel ang lahat ng iyon. Ano pa ang dapat niyang iangal? Napapikit siya at hinihintay na lamang ang susunod na magaganap at pagpapaalam niya sa kanyang V-access. Lumamig ang pakiramdam niya na parang kinukutkot na ng lamig ng aircon ang hubad niyang katawan. Ilang sandali ay tumalukbong sa kanyang katawan ang kumot matapos ihagis ni Juniel iyon sa ibabaw niya. Nakasimangot na lumundag ito at nahiga sa tabi niya ngunit nakatagilid at likod na nito ang nakaharap sa kanya. “Hindi ko maintindihan kung bakit sa dinarami-rami pa ng lalaki ay kay Noel pa? Hindi mo alam kung gaano kabastos ang lalaking iyon. Kukunin lang niya ang kailangan niya sa iyo. Paano kung mabuntis ka?” “H-Hindi naman ako magpapabuntis.” Ay gaga! Bakit ba iyon ang lumabas sa bibig niya? Nahalata na tuloy nito na intensyon nga niya iyon. “A-Anong sabi mo, Gwen?” Marahas na humarap ito sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD