UNANG PATAK

2880 Words
=DISCLAIMER= This is an original work of fiction and the results of a mind’s imagination. Any Names, characters, businesses, places, events, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. Do not distribute, publish, transmit, modify, display or create derivative works from or exploit the contents of this story in any way without the Author’s permission. You can kindly coordinate with the Author for a copy of the story. Stealing is a crime, please avoid Plagiarism. Thanks Please follow/subscribe, comment, and add this to your library. *************** ABALA ang lahat ng mga diwatana’t diwatano sa paghahanda sa malaking piging sa kaharian ng Mirabilandia. Mirabilandia ang mundo ng mga diwata kung saan tinatawag sa kanilang lenggwahe na diwatana ang babae at diwatano naman kung lalaki. Ito ang kakaibang mundong nababalot ng hiwaga at mahika. Sa mundo ng mga tao ay kinatatakutan ang lugar na ito dahil ayon sa kanila ito’y isang masalimuot at nakahihindik na lugar na hindi pwedeng marating ng isang ordinaryong tao. Lingid sa kaalaman ng mga mortal na tao—ang mundong iyon ay isang paraisong puno ng kasaganahan at kapayapaan. Nagliliwanag ang kapaligiran na walang bakas ng kadiliman, sumasayaw sa hangin ang iba’t-ibang klase ng halaman, uri, laki at bango na tanging sa Mirabilandia lamang matatagpuan. Ang mga punong kahoy ay umiindayog din sa musikang dala ng hangin at ngiti ng araw na isang sining. Literal na gumagalaw ang mga ito, nagsasalita ang mga puno at ngumingiti ang mga bulaklak at halaman na parang taong may sariling pag-iisip. Ito na ang tinatawag na paraiso sa mundo ng mga mortal. Walang kalungkutan o kasamaan sa puso ng mga diwatano at diwatana. Parang walang mga problema at kung anong unos ang lugar na ito. Malayang nagliliparan ang mga paru-paro at maliliit na ibon. Kung ano ang mayroong halaman sa mundo ng mga mortal ay mayroon din ang mundong ito. Liban sa mga hayop, dahil ang tanging hayop na makikita sa kanilang mundo ay mga lumilipad at maliliit na uri lamang. Ang mga kabahayan ay yari sa kahoy na mistulang bahay kubo. Ngunit ang loob ng mga bahay ay parang mga palasyo sa ganda at tatag. May mga dekorasyon, mga ilaw na malalaking aranya at magagandang muwebles at karamihan ay gawa sa bato, ginto at makikinang na kristal. Ang limang palapag na kastilyong bato na aabot ng pitongpu't-limang talampakan ang taas. Ito ang kinalalagakan ng hari, reyna, prinsesa o prinsipe, natural na palasyo na ang loob ay gawa sa mga bato na may nakabaong ginto at iba’t-ibang klase ng mga mamahaling bato kagaya ng emerald, ruby, sapphire at ang lahat ng klase ng mga mamahaling kristal o hiyas sa mundo ng mga mortal. Ang loob ay may mga palamuting ginto at mga diyamante. Isa lang ang panahon sa kanilang mundo —tag araw lamang, wala silang gabi. Maliwanag lang ang paligid na may bahagyang sikat ng araw ngunit walang buwan. Ang tanda lang nila kapag oras na ng pagtulog ay ang pagpikit ng mga mata ng araw, pagtulog o pagyuko ng mga halaman at mga punong-kahoy sa paligid at ang matinding katahimikan na ibig sabihin ay natutulog na ang lahat pati mga hayop. Kagaya ng ordinaryong kagubatan, ang Mirabilandia ay may itinatanging batis—ang batis ng kalinawan. Ang sinumang uminom sa bilugang batis na kasing linaw ng bolang kristal ay maliliwanag din ang naguguluhang pag-iisip at lilinisin ang maruming puso. Nahahati sa tatlong pangkat ang mga diwatanong nakatira sa mundong iyon. Ang unang pangkat ay ang mga Maharlikang-bughaw na diwatano at diwatana na kalamitang nabibilang sa angkan ng dugong maharlika o mga may katungkulan sa kastilyo -mga mayayaman, hari, reyna, prinsesa o prinsipe. Sila ay may mga natatanging taglay na kapangyarihan na hindi itinataglay ng pangkaraniwang mga diwatano at diwatana. Ang ikalawang pangkat ay ang may dugong Maharlikang-itim. Sila ay mga imortal ng kadiliman, kapangyarihang mangwasak, pumatay at manira. Ngunit ayon sa kanunu-nuan ng angkan ng kasalukuyang hari ay wala ng nabubuhay na ganoong klase ng diwatano sa kanilang lugar dahil namatay na ang ilan sa mga iyon. Maliban sa naiwan at nag-iisang nilalang na milagrong nabuhay at iyon ay si Menendra. Ito na lamang ang nag-iisang diwatana na may dugong maharlikang-itim. Ang ikatlo at huling pangkat ay ang dugong Babang-lubog, ito ang pangkaraniwang nilalang sa kanilang mundo na walang kakayahan o kapangyarihan ngunit kagaya ng lahat ay isa rin silang imortal na kayang magpalutang-lutang lang. Kayang paghilumin ang sariling sugat at hindi tumatanda. Lahat ay mga imortal, kapag nakatuntong sa hustong edad ay humihinto na ang kanilang pagtanda, kasama ang pagbabago sa kanilang kaanyuan. Hindi nadadapuan ng anumang sakit, pwere na lamang kung isinumpa. Namamatay lang kung ang sakit ay isang sumpa o isang klase ng matalim na bagay na manggagaling sa kabilang mundo ang kikitil ng kanilang buhay. Sa kanilang mundo ang mga nilalang -diwatano’t diwatana ay itinuturing na pantay-pantay. Walang alipin at walang nang-aalipin kundi nagtutulungan lamang kaya hindi nauuso ang sakupan ng pamamahala man o kayamanan. Karamihan sa kanilang mga diwatana’t diwatano ay hindi nagtatrabaho at ang kanilang pinagkukunan ng pagkain ay ang mga halaman, prutas man o gulay. Lahat sila ay mga gulay o halaman lang ang kinakain, kumbaga vegetarian sa ating mundo. Dahil ang mga hayop sa kanila ay kaibigan at dapat lang na pangalagaan. Iyon na rin mismo ang nagpapakalat ng mga halaman sa paligid, tuwing dumudumi ang mga ibon. Kaya mahalaga sa kanila ang mga ibon, ito ang nagiging trabahador nila sa pagbibigay sa kanila ng pagkain. Kung sa atin ay inaabot ng buwan o taon bago tuluyang lumaki, lumago at magkabunga ang mga punong-kahoy sa kanila ay inaabot lang ng limang tulog, ibig sabihin ay limang araw. Ang mga halaman naman ay inaabot lang ng dalawang tulog o dalawang araw sa paglaki at pamumukadkad. Tulog ang katumbas ng araw sa kanila. Ang pagkain nila ay walang limitasyon. Hindi katulad sa mortal na tatlong beses ang pagkain sa isang araw. Ang oras ng agahan sa kanila ay ang paggising na ng lahat, tila awtomatiko nang iyon na ang kanilang umagahan. Ang tanghalian naman ay kalahati ng araw sa kanila, ikalawang pagkain o gitnang oras sa mundo ng mga mortal. Ang hapunan naman ay bago ang kanilang pagtulog. Dahil wala silang orasan, ang mga halaman at mga hayop ang nagsisilbing basehan ng kanilang oras. Ang paraan naman ng kanilang pagsasalita ay tila isang makata. Karamihan ay dapat palaging magkatunog na animo ay tumutula. Halos walang gaanong naiibang salita ang mundo nila sa mundo ng mga mortal. Maliban na lamang na mas malalim ang iba sa mga iyon. Ang kastilyong gawa sa matatag na buhangin at mga naglalakihang bato ang pinakasentro ng Mirabilandia kung saan namamahay ang hari, reyna prinsesa o prinsipe na iginagalang sa mundong iyon. Kastilyong mala-palasyo ang loob mula sa mga muwebles na gawa sa ginto, mga natatanging kristal at mamahaling bato bilang palamuti. May malaking fountain sa gitna na may nakapalibot na mataas na hagdan na aabot hanggang limang palapag ng baitang. Tuwing may pagtitipon, ang lahat ng mga nilalang ay iniimbitahan at wala ni isa ang hindi nakadadalo. Bukas-palad at mapagkumbaba ang haring namumuno sa Mirabilandia na si Haru Sendro. PAROO'T PARITO ang mga naroon sa paghahanda para sa selebrasyon kung saan iaanunsyo na ng Hari na si Haru Sendro ang makakaisang-dibdib ng nag-iisang anak niyang prinsesa na si Reha Chrysiana. Ngunit iyon din mismo ang kinababagabag ng kalooban ni Chrysiana. Paano niya sasabihin ang totoo sa kanyang ama ukol sa nilalaman ng kanyang puso? Dahil ang lalaking itinatangi niya ay siyang nais lamang niyang pakasalan higit kanino man. Ilang mga agam-agam na ang dumaraan sa kanyang isipan, kabilang na ang pagtakas sa kanilang mundo kasama ang minamahal na isang mortal na si Leandro. Binabagabag lamang siya ng kanyang kunsensya sa pag-iwan sa kanyang amang hari at ang palasyo. Halos tatlong pares pa lamang ng kanyang mga kamay ang araw na nakilala niya ito. Nang mga sandaling muling nagbalik sa Mirabilandia si Leandro ay unti-unti siyang nahulog mula sa kinang ng mga mata nito at ang ngiting nagpapahiwatig ng ligaya. Kahit ang karangyaan bilang isang prinsesa at lahat ng yaman sa mundo kasama ang kanyang katungkulan ay tila kayang-kaya na niyang ipagpalit at isakrepisyo para sa binata. Dahil ang tunay na nagmamahal ay makikita ang ligaya sa piling ng kanyang minamahal. Isang paraisong nais niyang masaksihan liban sa mundong kinalakhan. Sa pagkumpas ng mga ibon na paaawitin upang maging signal, kasunod ang tugtog ng alpang mala orkestra ay saka siya lalabas ng palasyo at tutungo sa dulong parte at pinagbabawal na lugar ng kanilang mundo upang tumagos sa mundo ng mga mortal na tao at makipagkita kay Leandro upang tumakas na at tumira sa mundo nito. Si Chrysiana ang nag-iisang anak na diwatana ni Hari o Haru Sendro. Ang ina naman nito ay matagal ng namayapa matapos ang pakikipaglaban noon sa angkan ng Maharlikang-itim na nagbigay ng kasawian sa kanilang mundo. Hanggang ang Mirabilandia ay muling naitayo dahil sa kagitingan ng ina ni Chryisiana. Si Chrysiana ang prinsesa o Reha-ng may pinakamagandang tinig, pinakamagandang mukha na hugis puso at may pusong katulad ng isang bathala dahil sa labis nitong kabutihan sa mundo ng mga diwatano. May kapangyarihang pagandahin o bigyan ng buhay ang kahit anumang pangit na bagay sa pamamagitan ng kanyang tinig. Ang ama naman nito na si Haru Sendro ay may kapangyarihang komontrol ng mga bagay-bagay sa kanilang mundo. Nasa loob ng sariling kwarto si Chrysiana at kunwari ay abala sa pag-aayos ng sarili habang kinakantahan ang mga halamang nagkalantahan dahil dumaan doon si Menendra. Si Menendra ay matalik niyang kaibigan at pinagkakatiwalaan, may dugo rin itong banal-maharlika, ngunit kauri nito ang dugo ng kadiliman. Ngunit nangako naman ito sa kanya na hindi gagawa ng kasamaan. Ito lang an kaibigang binigyan niya ng tiwala hindi lang dahil sa awa kung hindi sa pagiging mabuti nito sa kanya at sa Mirabilandia. "Mga mahal kong halaman.. Dinggin ang aking tinig, kayo'y muling maantig. Mamukadkad sa daloy ng kagandahan.." Nagsiangatan ang mga bumagsak at nakayukong halaman, unti-unting bumabalik ang masiglang kulay ng pagkaberde at ang muli na namang pagkabuhay na hindi nagtagal nang ilang sandali. Muling yumukod ang mga halaman at bulaklak sa terasa ng kwarto ng prinsesa. Bumalik ito sa dating lanta at walang buhay. Nag-angat ng ulo si Chrysiana nang mamataan ang pigura ni Menendra na nakatayo sa bukana at dulong bahagi ng kanyang kama. Bukod tanging si Menendra lamang ang may kakayahang kumitil ng may buhay, mapahalaman, hayop, punong-kahoy o anumang may buhay gamit ang klase ng halimuyak nito. Sinadya man o hindi. Ang kapangyarihan ni Menendra ay isang pambihira sa kanilang mundo na kakayahan nitong gumawa ng spell potions o gayuma gamit ang kaalaman at sarili nitong halimuyak. Hindi na siya nagtaka nang mamatay ang mga halaman o may buhay na nadaraanan nito. Kayang-kaya naman niyang magbigay buhay na kabaliktaran sa kapangyarihan ni Menendra. "Parang hindi ka naman masaya sa piging na idaraos mamaya," pantaha ni Menendra na nakasuot ng masilaw na kulay itim, napalalamutian ng mga maliliit na diyamante at mahabang damit. Habang ang kulutang itim na buhok nito ay malayang nakalaylay at hinahangin ang hanggang puwitan nitong buhok. Ang mga kuko nito sa kamay ay mahahaba, matutulis at itim ang kulay habang tila katulad ng sapatos ng dwende ang klase ng sapatos nito. "Ika’y tila handang-handa sa piging mamaya. Ako nama’y kinakabahan at ang diwa'y nababahala." Iniayos pa ni Chrysiana ang mamula-mulang tuwid na buhok, at inipon sa kabilang balikat na umabot hanggang baywang ang haba. Napasimangot si Chrysiana na mas lalong nabigyang-diin ang kulay rosas na papusong labi at nalungkot ang anyo na parang anumang oras siya ay mapipiit dahil sa kagustuhan ng ama. Dapat na nga ba niyang sabihin sa ama ang totoo? Bahala na siguro. “Aking nababatid na ang laman ng iyong isipan at puso ay ang Leandro na minsan mo nang naikwento sa akin. Hindi ba’t nabanggit mo na siya ay isang mortal? Ako’y lubhang tututol sa iyong desisyon, reha.” Kung mababanaag lamang at mababasa ni Menendra ang kinang sa kanyang mga mata ay baka kampihan pa siya nito. Ngunit ano ba naman ang kanyang mapapala kung hindi rin naman nito alam ang salitang pag-ibig? Nakarating sa mahabang pasilyo ang mga paa ni Chyrisiana habang si Menendra ay nakasunod lang sa kanya at nakamasid. Ibinaba ni Chrysiana ang mga braso sa pasilyo habang nakatunghay sa ganda ng paligid. “Gustong-gusto ko ang taong iyon, Menendra,” sambit nito sa ere na nag-i-imagine sa mukha ng makisig na lalaking tinutukoy. “Hindi lang pala gusto, dahil siya ay akin ng iniibig.” Napansin nga ni Menendra ang kakaibang kislap sa kanyang mga mata nang pakatitigan siya nito. “Kailan mo lamang ba siya nakilala?” tanong ni Menendra habang nakatingin din sa tinitingnan niya. Nakalimutan nga pala niyang idetalye sa kaibigan ang simula nang kanilang pagkikita at pagmamahalan. “Nagsimula lamang nang ako ay makarating sa kakahuyan.” Hinila nito ang upuang gawa sa bato at naupo roon. Naghila rin si Menendra at naupo sa tapat niya. “Nakita ko siyang nananakbo roon. Puno ng latay ng dugo ang kasuotan. Bagaman ako ay naghinala na hindi siya katulad natin. Basehan ay ang klase ng kanyang kasuotan,” Huminto siya sa pagkukwento at binabanaag ang bawat detalye sa nakaraan. “Hindi matatagpuan ang klase ng kasuotan niya rito sa ating mundo. Maging ang hitsura niya ay hindi pangkaraniwan. Tila siya ay isang tulisan na naligaw sa ating mundo. Ngunit ang isang palaisipan ay paano siya nakarating sa ating mundo?” Pinakatitigan siya ni Menendra na hinahawi rin ang kasagutan sa mga mata niya. “Isa lamang ang tangi kong mawiwika. May lagusan sa kakahuyan.” Tumango siya bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Menendra. Alam naman ni Chrysiana na walang sinumang mortal ang makapapasok sa kanilang mundo, liban na lamang kung mayroon itong susi o may kasamang diwatanong maghahatid dito. “Ipagpalagay nga nating may lagusan tungo sa..ibang mundo.” Hininaan ni Chrysiana ang tinig nang banggitin ang huling salita. Dahil ang mundong tinutukoy niya ay lubhang ipinagbabawal banggitin sa kanilang mundo. Masasabing malaking kasalanan na nga yata kung may mahuhuling nag-uusap o pinag-uusapan ang kabilang mundo—ang mundo ng mga mortal. Ayon ito sa isang mahabang kwento na nagpasalin-salin na sa mahabang taon. Bata pa si Chrysiana noon ay alam na niyang usap-usapan na ang kinamatay ng kanyang ina ay ang punyal ng isang mortal na tao. Hindi siya sigurado sa detalye ngunit noon ay magkaibigan daw ang mga mortal at ang kanilang lipi. Maraming mga iba’t-ibang punong kahoy ang kanilang mundo at iyon ang ibinibigay na tulong ng kanilang lipi sa mga mortal kapalit na hindi sila sasaktan. Nagbibigay pa nga ng ginto at diyamante na tanging sa mundo lang nila matatagpuan. Halos sampung dekada na ang nakararaan nang magkagulo ang mortal at lipi ng mga diwatano dahil sa kasakiman ng tao. Gamit ang ina ni Chrysiana ay nagtungo ang mga mortal sa kanilang mundo upang kunin at limasin ang lahat ng pinakatatago at itinuturing nilang yaman. Sa kasakiman ng mga mortal at walang kakuntentuhan, kinamkam ang lahat. Ginto, diyamante, perlas at iba’t-ibang klase ng bato at kristal. Kahit pa nga mga prutas, halaman at mga gulay ay kinuha ng mga ito at halos limasin ang laman ng kanilang mundo. Kaya bago mamatay ang kanyang ina ay nagbitaw ito ng isang sumpa na naging laman ng isang kabulaanan. Wala ni isa sa tao ang makararating sa mundo nila liban kung may kasamang diwatano. Hindi nila kailanman magagamit ang kanilang kapangyarihan sa mundo ng mga ito upang makapanakit ngunit may kaisa-isang diwatano ang pupuksa sa kanila at maghahasik ng lagim kapag may naligaw na isang mortal sa kanilang mundo. Ang isang sumpa ay parang naging isang propesiya. Propesiya na iniwan ng kanyang ina at isinulat sa isang bato kalakip ang isang kwintas na iniwan kay Chrysiana. Ang kanyang ama ang naglahad ng kwento ng kanyang ina, sanggol pa siya noon at walang alam sa nangyayari. Ang inang reyna ay namatay buhat sa kamay ng isang mortal na nagpinid ng punyal direkta sa puso ng kanyang ina. Walang ikinilos ang sinumang nilalang sa kanilang mundo upang gumanti dahil hindi iyon naaayon sa guhit ng kanilang bathala. Isang nasusulat sa kanilang propesiya na ang paghihiganti ay walang mararating kundi kamatayan at walang katapusang paninibugho. Mula niyon ay naging kalaban na ang tingin ng mga diwatano sa mortal at pinagdesisyunan na lamang nila na huwag na huwag ng mababanggit ang salitang ‘Kabilang mundo’ o ‘Ibang mundo’ sa sarili nilang mundo. Upang maiwasan na ang tungkol sa nakagigimbal na nangyari noon at hindi na maulit pa ang nakagigimbal na kaganapan. Ang pagpipigil at pagkontrol sa emosyon ay mas malakas sa kahit anumang kapangyarihan. Kaya naging isang sumpang idalawit ang bagay na iyon. Kung mahuhuli mang pinag-uusapan ay habang buhay na pagkakabilanggo sa ilalim ng kanilang lupain ang kapalit niyon. Katumbas na halos iyon ng pagkamatay ng isang diwatano. Kahit pa immortal sila at kayang pagalingin ang sarili ay makapangyarihan pa rin ang tinig ng bawat namumuno sa kanilang kaharian.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD