IKA-DALAWAMPU’T-DALAWANG PATAK

1692 Words
GUSTO rin sanang lumabas ni Juniel nang makitang nakapila ang mga bata sa hallway para pagpilian ng mag-asawa na aampon ng isang bata. Mag-isa lamang siya sa kwarto. Masyado na rin siyang matanda para ampunin. Nasa Obando, Bulacan sila sa Sitio Delfin. Parang malayo sila sa kabihasnan dahil medyo malayo rin siya sa bayan. Malayo sa siyudad ngunit alam niyang mararating din niya iyon. Edad sampung taon pababa lamang daw ang pagpipilian kaya hindi na umaasa si Juniel na mapipili siya. Dumating na rin kanina ang donation. In kind at may mga damit din. Iyong mga damit na lamang ang pinagkaabalahan ni Juniel. Tira-tira na lamang iyon matapos mapagkuhaan na ng ibang mga bata at kung ano ang naiwan ay siya na lamang ang ibinigay sa kanya. Iniangat ni Juniel ang damit na nadampot niya sa karton. “Matino naman at malinis.” Pinagpag pa niya iyon. Ang iba nga ay may tag price pa. Hindi na umaasa si Juniel na makabibili siya ng mga bagong damit galing sa kanyang bulsa. Wala pa siyang trabaho at hindi rin niya alam kung papayagan siya ng mother superiora na magtrabaho. Mga gawaing bahay ang alam ni Juniel, dahil palagi siyang inaasahan doon. At kung minsan ay mag-ayos ng mga sira din sa loob ng ampunan. Pasado alas tres na ng hapon ngunit hindi pa rin nagsisipagpasukan ang mga bata. Isang oras nang nasa hallway ang mga ito para sa pagpili. Hindi na niya alam ang mga nangyayari sa labas matapos ibilin sa kanya na huwag munang lumabas. Hindi naman siya suwail na bata para huwag sumunod. Pinalaki siya ng superiora na maging masunurin at kahit pa nais niyang sumuway ay hindi rin kaya ng kanyang konsensiya. Alam ni Juniel na matatapos din ang lahat at mahahabag din sa kanya ang panginoon. Kailangan lang niyang hintayin ang para sa kanya. Dahil ang swerte ay ibinabahagi sa lahat. Ilang sandali pa ay nagpasukan na ang mga bata nang hindi niya namamalayan. “Umasa ka bang maaampon ka?” tanong ng isa sa kababata niya at halos kasing edad niya. Ito iyong kasabayan niyang huminto sa pag-aaral dahil mas gusto nitong magkumpuni na lang at manatili sa ampunan dahil wala naman daw itong natutunan sa eskwelahan. Iniyuko ni Juniel ang ulo. “H-Hindi ako umaasa. Alam ko namang ang pangit na tulad ko ay imposibleng maampon.” Ngumisi ang batang lalaking kaedad niya. “Mabuti kung ganoon. Huwag kang mangarap nang gising. Dahil kahit matalino ka ay wala pa ring kukuha sa iyo kapag nag-apply ka ng trabaho. Hindi utak lang ang hinahanap nila. Baka nga mas magkaroon pa ako ng trabaho kaysa sa iyo,” pagyayabang sa sabi nito saka siya tinalikuran. Hindi na lamang pinansin ni Juniel ang pasaring nito. May mga tao pa rin namang marunong mahabag at tinitingnan ang laman ng puso at hindi ang panglabas lang na kaanyuan. Lumabas na rin ng kwarto si Juniel. Karamihan naman ng mga naroroon sa ampunan ay ilag sa kanya. Kung hindi kinatatakutan ay parang pinandidirihan pa siya. Tanging ang mother superior lang ang hindi ganoon kung siya ay itrato. Ito kasi ang nakapulot sa kanya. Ayon dito ay iniwan lang daw siya sa labas ng ampunan. Sinadya nga yata siyang ipamigay dahil sa kapangitan niya. Habang tumatagal ay parang papangit siya ng papangit. Lumulubha ang texture ng balat niya lalo na nang umusbong ang mga taghiyawat niya at hindi na niya maalis. Madalas ay naka-face mask na lamang siya para iwasan ang mga ito at hindi na siya maging tampulan ng tukso. Alam naman ni Juniel na wala siyang karapatang mangarap para sa hitsura niya. Ngunit, tao lamang siya at may karapatan ding mabuhay sa mundo. “Nariyan ka lamang pala. Bakit hindi ka lumabas ng iyong kwarto?” tanong sa kanya ng madre, si Mother Superior Alonza. Minsan may mga bagay na kinakailangang gumawa ng dahilan upang magsinungaling para hindi magalit ang ibang tao o para pagtakpan ang ibang tao. At ito ay tinatawag na white lies. “Naging abala po kasi ako sa pagpili ng mga damit. Naging excited po ako nang makita ko ang mga bagong damit.” Ngumiti ang superiora. “Mabuti naman at nagustuhan mo. Pinili ko ang mga iyon para sa iyo at pinaabot ko na lamang nang malaman kong nasa loob ka pa ng kwarto.” Ngumiti na rin si Juniel na napawi ang malalim na inisiip. Tunay na mahal siya ng superior at pinahahalagahan ang katulad niyang pangit. “Marami pong salamat, Mother Superior.” “Walang anuman. Lahat kayo rito ay pantay-pantay at parang mga anak ko na. Walang lamangan at nararapat lamang na pantay ang trato sa bawat isa. Mabuti pa at sumabay ka na sa amin sa merienda. Ang mga kasamahan mo ay nag-merienda na. Nang dumating ang donations ay may dala rin silang mga pagkain na alam kong favorite mo. Ipinagtabi kita.” Nanakbong tinungo ni Juniel ang kusina at nagpatiuna sa madre. Ngunit pagdating doon ay ang batang babae ang naabutan niya. “Sa iyo ba ito?” tanong ng batang babae na dalawang taon lang ang kanyang tanda. “Sorry, nakain ko na ang chicken mo. May angal ka ba?” maangas pa na tanong nito. Kanya iyon. Iyon ang itinabi para sa kanya ngunit kinuha lamang ng batang ito. Umiling na lang si Juniel. “Okay lang. Mas mukha ka namang nagugutom. Busog pa naman ako.” Pinaningkitan siya nito ng mata. “Aba! Anong akala mo sa akin, patay-gutom!” Akmang susugurin siya ng batang babae nang dumating ang mother superior. “Anong nangyayari dito?” Agad na ibinaba ng babae ang kamay na nakaangat na sa ere para sana suntukin siya. Babae ito nguni kung manuntok ito ay akala mo lalaki. Mahilig din ito sa mga damit na panlalaki. Bagaman mahaba ang buhok nito na palaging naka-bun ay mas gusto nitong kumilos na parang lalaki. “Wala po. Aalis na ako.” Paalis na rin ito, ngunit binulungan muna siya. “Humanda ka sa akin mamaya,” sabi pa nito bago siya tuluyang iwan. Kahit matangkad siya ay nagawa pa nitong abutin ang kanyang leeg. NAPAILING na lang din ang mother superior nang makita ang naka-styro na itinabi nito. “Sa iyo iyong itinabi ko. Kinain pala niya.” “Pabayan n’yo na po,” sabi niya na naupo sa harapan ng mahabang mesa. “Alam ko na.” Kinuha nito ang isang styrofoam. “Heto. Wala pang bawas iyan.” “Pero sa inyo po iyan,” sabi niya kay Alonza. “Maghati na lamang tayo,” nakangiting sabi niya saka inilapag ang pagkain sa mesa. “Salamat po sa lahat.” Nang maupo ito ay ginulo-gulo lang nito ang buhok niya. Sana ay ito na lang ang kanyang tunay na ina. Masyado na nga itong matanda para maging kanyang ina, ngunit umaasa siya na nanay na lang niya ito. Dahil kung ituring siya nito ay parang tunay siyang anak. Sa bawat paglipas ng araw ay pakiramdam ni Juniel ay lalo siyang pumapangit. Mukhang tama nga si Andoy, ang lalaking kausap niya kanina. Mukha na nga yata ang basehan sa mundo—ang panlabas na kaanyuan at hindi na ang laman ng puso. Malapit na rin yata siyang mawalan ng pag-asa. Ngunit mas pipiliin niyang maging matatag. Darating din ang para sa kanya, kinakailangan lang niya ng mahabang pasensya. Kinakailangan niya rin na maging mas maunawain para sa mga taong hindi alam ang kanyang pinagdadaanan at kung bakit ganoon ang kanyang hitsura. Sabi sa kanya ng mother superior ay nagkasakit daw siya noong maliit pa. Isang rare na sakit na naging resulta ng kanyang pagkapangit. Ngunit, naririnig niya sa ibang mga madre na bata pa lang daw ay pangit na siya. Alam niyang nagsinungaling sa kanya ang mother superiora para pagtakpan ang kanyang pagkatao at para hindi niya isipin na siya talaga ay isinumpa o anak ng pangit na mga magulang kaya siya ganoon kapangit. Masakit sa kalooban. Lalaki siya at tao lang din para sabihing hindi dapat masaktan. Nagpapasalamat lamang siya na hindi siya naging babae. Baka kung sakaling babae, ay mas maging kawawa. At least kahit paano ay kaya naman niyang ipagtanggol ang kanyang sarili ngunit hindi lamang niya pinakikita sa iba. Mas mabuti na lamang na isipin ng lahat na mahina siya. Ayaw na niyang magkaroon ng kumplikasyon. Ayaw rin niyang mapaaway. Hindi naman iyon ang itinuro sa kanila ng mga madre sa ampunan. Puro kabutihang asal lamang at magandang pag-uugali. Na alam niyang hindi magawa ng ilan sa kanila ngunit naniniwala siyang magagawa niya iyon nang walang pag-aalinlangan. Sa tuwing bago siya matulog ay palagi siyang nagdarasal para sa magandang umaga. Bago pa nga natulog ay inihanda muna niya ang kanyang speech dahil bukas na ang graduation. Tiniyak pa ni Juniel na maayos niyang masasabi iyon sa harap ng maraming tao. Ilang sandali ay may kumatok sa kwarto nila. Apat na walong double deck ang naroon. At nasa ikalawang palapag siya ng double deck at malapit sa pintuan. “Juniel, gising ka ba?” Boses iyon ng madre, nang walang marinig na sagot mula sa kanya ay pumasok na rin ito. “Mother Superior, ano po iyon?” Nakababa na siya sa hagdan mula sa double deck. “Lumabas muna tayo nang hindi tayo makapang-abala ng ibang mga kabataan.” Pagdating sa labas ng pinto ay agad ibinigay ng mother superior ang nakahanger at may takip na plastic. “Para sa iyo ang polo at pants na ito. Para bukas maayos kang haharap sa lahat.” Binuksan ni Juniel ang plastic at natuwa siya nang makita iyon. Isang pares ng pang-formal attire. Longsleeve na light green at itim na pantalon. “B-Binili n’yo po ba ito?” “Huwag mo na lamang itanong. Sukatin mo na.” Excited na doon na mismo ni Juniel sinukat iyon. Mahinang pumalakpak ang mother superior. May kapares pang bowtie. At vest na dark green. Tama na rin para sa school shoes niya. Pati ang sukat ay naaayon, halatang binili nga ng superior. Ngunit saan kaya kumuha ng pera ang superiora? Ang pera kasi sa ampunan ay para lamang sa ampunan at hindi sa luho o pansariling interes.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD