IKA-TATLUMPU'T TATLONG PATAK

1732 Words
ANG pangakong bibisita sa Cavite ay napalitan ng dalawang beses o limang beses lamang sa isang taon nang halos apat na taon ang matuling lumipas na hinintay ni Juniel. Nagdamdam si Gwen sa ginawang iyon ni Juniel kaya nga nang bumalik siya at doon na tumira ay hindi na siya nito pinapansin. “Pabayaan mo na siya, Jun. Lalamig din ang ulo niyan,” sabi sa kanya ni Aling Sita. Pinagmasdan ni Juniel si Gwen habang ito ay nakatayo at nakatunghay sa bintana ng inuupahang bahay. Sa loob ng apat na taon ay malaki na ang ipinagbago nito. Dalagang-dalaga na ito, kagaya niya na may tumutubo na ring maninipis na bigote. Lumapit siya rito. Inalis niya sa plastic ang dalang nabiling chocolate na alam niyang paborito ni Gwen. “Peace offering,” sabi niya sa dalaga na iniaabot ang chocolate. “Huwag ka ng magalit. Nakabalik naman ako ah.” “Sabi mo dalawang taon lang, bakit apat na taon na saka ka pa bumalik?” “Sorry na. Sayang kasi ang offer kung tatanggi ako na i-renew. Saka tingnan mo naman magaling na si Aling Sita at ikaw naman graduate ka na sa kolehiyo.” Sa tulong ni Juniel ay naka-graduate sa kolehiyo si Gwen ngunit hindi nga lang siya nito nakita sa graduation. Dumating naman siya sa graduation ni Gwen, alam iyon ni Aling Sita ngunit hindi na niya pinaalam pa. Ipinaabot na lamang niya ang bulaklak kay Aling Sita para maibigay kay Gwen. “Dapat hindi ka na bumalik eh,” maktol pa nito saka marahan siyang hinampas sa kanyang balikat. “Akala ko mababawasan na iyang tenants mo sa mukha,” pang-aasar na sabi niya rito. Lalo itong nainis at hindi na maipinta ang mukha. “Kala mo naman, gumwapo siya. Parehas lang naman tayong pumangit.” Lumapit pa siyang lalo, kinabig at niyakap ito. “Binibiro lang naman kita. Huwag ka ng magalit. Alam ko namang parehas lang tayong pangit. Ngumiti ka na, lalo kang papangit.” Kumalas na rin siya sa pagkakaakbay at yakap dito. Ngumiti na rin si Gwen kahit alam ni Juniel na labag pa rin sa loob nito dahil masama pa rin ang loob na hindi siya nakabibisita sa mag-ina. Nanghihinayang kasi siya sa pamasahe lalo na at nagtaas na iyon. Tuwing tao ay halos parang napakabilis ng pagtaas nito. “Saan ka na nga pala magtatrabaho ngayon?” “May bagong tayong hotel, dalawang sakay ang layo sa school at hindi naman kalayuan dito. Mag-aapply ako bilang chamber maid.” Naghila si Juniel ng upuang walang sandalan at itinapat dito saka siya umupo. “Bakit naman chamber maid ang aaply-an mo?” “Hindi ako papasa bilang waitress, Jun.” “Sinong nagsabi? Dapat nga mas mataas pa sa waitress ang apply-an mo, tulad ng front office staff o iyong sa opisina,” reklamo niya rito. “Hindi nga puwede. Sa tingin mo ba, papasa ang mukha kong ito? Sa janitress lang ako papasa. Isa pa malaking bilang ang kailangan nila. Sabi mo ‘di ba tapos na ang kontrata mo? Mag-apply na tayo ng sabay roon.” “Hindi rin ako sigurado kung papasa ako roon, Gwen. Hindi natin ito bayan. Hindi katulad sa Bulacan, mabilis ang trabaho.” “Provincial rate pa rin namang parehas. Gusto ko lang naman maka-gain ng experience. Kita mo naman, twenty-three na ako ngayong taon bago pa ako naka-graduate sa college.” Napangisi si Juniel. “Kahit pa, fifty-three ka na, at least graduate ka ng kolehiyo. Congrats!” “Salamat.” “Oh, tama na muna ang kwentuhan, mga anak! Mamaya n’yo na iyan ituloy. Pagsaluhan na natin itong pagkaing dala ni Jun,” sabi ni Aling Sita sa dalawa. Pagdating sa hapagkainan ay pinagsaluhan na nga nilang tatlo ang dala niyang paborito ng mga ito na pansit musiko at litsong manok na mabibili lang sa Bulacan. “Ibinenta ko na rin ho ang bahay ayon sa sinabi ninyo,” sabi ni Juniel kay Aling Sita. Nasa labas si Gwen at sinigurado ng  dalawa na hindi nito maririnig ang pag-uusapan nila. “Salamat, Jun. Nais kong wala nang ano mang bakas pa roon. Ayaw ko nang makita pa si Melchor kahit pa alam ko namang hindi niya ako hinahanap,” may pagdaramdam na himig ni Aling Sita. “Sigurado na ho ba kayong ayaw ninyong ipaalam pa kay Gwen?” Alam ni Juniel kung gaano kahirap ang walang mga magulang, lalo naman siguro ang ama. Ayaw niyang magkaroon ng hindi kumpletong pamilya. “Naipaliwanag ko kay Gwen ang lahat-lahat at tanggap na rin niya na hindi na dapat bumalik sa buhay namin ang manloloko niyang ama.” Mukhang galit na rin ang itinanim ni Aling Sita sa isipan ni Gwen na hindi man lamang hinihingi ang side ng ama nito. Kung siguro ay may kapangyarihan talaga siya liban sa pagalingin ang sarili ay baka nakatulong na rin siya para paghilumin ang sugat sa puso ng mag-ina. Nadala na rin siguro niya ang ama ni Gwen nang makapag-reconcile ang pamilya. “Salamat sa lahat ng tulong mo, Jun.” Ginagap nito ang palad niya. “Kapag nawala ako ay nais kong ikaw ang mangalaga kay Gwen. Alam kong hindi ko dapat siya turuang magtanim ng sama ng loob sa kanyang ama. Ngunit kung dumating man ang araw na magkita sila at maipaliwanag ni Melchor ang side niya, ito’y timbangin mo. Kung sa tingin mo ay may rason ang pag-iwan niya sa aming mag-ina, tulungan mo si Gwendolyn na patawarin ang kanyang ama.” Naantig ang puso ni Juniel sa sinabing iyon ni Aling Sita. May puwang pa rin pala ang ama ni Gwen sa puso nito. Tunay ngang mahal nito ang tinawag na Melchor. “At kung sakali namang kayo ang inalaan ng kapalaran para sa isa’t-isa, hinding-hindi ako tututol. Nais kong malaman mo na gusto kita para sa anak ko, hindi lang dahil kilala na kita kung hindi dahil sa kabutihan ng iyong puso. Sana ay huwag na huwag kang magbabago at pangalagaan mo sana ang anak ko lalo na kapag wala na ako.” Hindi alam ni Juniel kung bakit parang nagpapaalam si Aling Sita na parang ilang sandali na lamang ay hindi na nila makikita ang ginang. Sa pagkakaalala niya ay wala ng sakit ito kaya bakit ganoon ito kung magsalita?  May inililihim ba ito sa kanilang dalawa? Hindi na nagawa pa ni Juniel na mag-usisa. Ayaw niyang pangunahan kung ano ang desisyon ni Aling Sita. Ngunit nais lamang niya ay ligtas ang mag-iina. Kung ano man ang pinagdaraanan nito, sana ay dumating ang sandaling maghilom ang lahat.   UNTI-UNTI rin ay nawala ang pagdaramdam ni Gwen kay Juniel habang tumatagal ang araw. Ngunit nais sana ni Juniel na huwag nang pumisan sa mag-ina dahil alam niyang hindi naman siya kapamilya. Hindi niya alam kung paano sasabihin na ayaw na niyang tumira doon. Mga dalaga at binata na kasi sila at hindi na maganda sa paningin ng mga tao na nakikita silang magkasama. Isang linggo na rin si Juniel doon. Si Gwen naman ay nakapag-umpisa na sa pagtatrabahuang pangarap na hotel. Hindi ipinaalam ni Gwen kay Juniel na nakapag-apply na siya sa isang sikat na five-star hotel. Ipinasa niya ang kanyang resume sa tatlong mga hotel sa kanilang lugar sa Cavite at pinalad siya nang matawagan sa Hotel Savillana. Iyon ang isa sa mga sikat na five-star hotel. Ipinasa na rin niya ang resume ni Juniel na nagbabaka sakaling matawagan din ito. Nais niyang sabay silang makapagtrabaho roon. Sa tingin naman niya ay hindi na magagalit si Juniel lalo na at nawala na rin ang galit niya rito nang hindi ito bumisita sa kanila at panaka-nakang tawag lang ang ginagawa nito. Ibinalik na nga niya ang cellphone ng binata dahil alam niyang makabibili na siya nang mas maganda pa roon. Alam din ni Gwen na wala pang mapapasukang trabaho si Juniel kaya sinamantala na niya ang pagkakataon. Mayroon siyang tatlong buwang training bilang isang housekeeper o iyong tagalinis sa bawat kwarto ng hotel. Gumamit pa talaga siya ng mabigat na makeup, pinanood at pinag-aralan iyon para lamang makapasok siya sa mga pomosong hotel. Nagpapasalamat naman siya at finally tanggap na siya. Hinihintay na lang niya kung kailan kokontakin din si Juniel nang makapasok rin ito at makapagtrabaho. Hindi man nito sabihin ay ramdam niyang kailangan din nito ng tulong niya. Sa apat na taon nilang hindi pagkikita ay ramdam na ramdam pa rin ni Gwen ang mga nadarama ni Juniel kahit na hindi ito magsabi sa kanya. Ramdam niya sa emosyon nito at expression ng mukha ni hindi nito kayang i-fake pagdating sa kanya. Hindi rin alam ni Gwen kung kailan siya nagsimula maging concern para kay Juniel. Ang totoo ay halos mapatalon ang kanyang puso nang makita si Juniel sa bukan ng pintuan, nakatayo at kumakatok. Ngunit hindi niya iyon ipinakita at ayaw na rin niyang umalis pa ito at mawala sa tabi niya. Parang ibinibigay na niya ang bawat sandali ng buhay niya kapiling  si Juniel. Imposible pang mapalitan sa puwang sa puso niya ang binatang nakasama niya noon mga teenager pa sila at magpahanggang ngayon na hindi na nagbabago ng ugali. Bigat na bigat si Gwen sa kanyang mukha dahil makapal na concealer ang inilagay niya para lamang matago ang mga taghiyawat niya. Hindi nga dapat siya nagpapangit para lang magpapansin kay Juniel kaya tuloy simula ng college ay tampulan siya ng tukso lalo na ngayong nagtatrabaho na siya at napapansin ng kapwa niya kasamahan ang kanyang mukha. “Sayan ka talaga Gwen. Perfect ang body, para namang isinusuka ang mukha,” puna pa sa kanya ni Lina, ang isa sa kasamahan niyang housekeeper din at malapit nang maging regular sa trabaho. Hindi niya pinansin ang sinabi nito. Ano ngayon kung pangit ang mukha niya? Bawing-bawi naman sa katawan. May magandang hubog ang kanyang katawan, makipot ang baywang, bilugan ang balakang at medyo may kalakihan ang kanyang dibdib kaya madalas ay sports bra ang kanyang suot upang hindi masyadong lumuwa sa mga suot niya at hindi ma-emphasize. Inggit lang kasi ito dahil siya may dibdib na kayang ipagmalaki, ito ay parang pader. Makinis nga ang mukha, wala namang panama sa puti ng kanyang balat at ganda ng kanyang katawan. Sino kaya ang mas tapon? Itinago na lang din ni Gwen sa kapwa kasamahan na graduate siya ng college dahil nais niyang tumaas ang kanyang posisyon at makapagtrabaho nang matagal doon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD