IKA-TATLUMPU'T DALAWANG PATAK

1682 Words
GANOON pa rin ang pakikitungo ni Juniel sa dalaga, kinagabihan. Hindi nga raw ito natulog nang maaga para makita siya. “Nagustuhan ko ang pabango,” sabi nito sa kanya. Alanganing ngiti ang ibinigay ni Juniel. “Mabuti. S-Sige, magpapahinga na ako.” Ngunit bago pa siya makahiga ay umupo ito sa tabi niya. “Naghanda ako ng hapunan mo. Kumakain ka muna.” Napilitang umangat sa sofa si Juniel at dumiretso sa hapagkainan. Pinilit ni Juniel na maging civil ang treatment niya kay Gwen kahit na alam niyang parang sinasadya nitong akitin siya sa hindi niya malamang dahilan. Tila may sinusubukan si Gwen kaya ganoon ang trato sa kanya. Hindi niya iyon pinapatulan at hinahayaan lang niya si Gwen hanggang mapagod ito. Nang sumunod na araw nga ay parang bumalik sa dati si Gwen, hindi na malagkit kung tumingin ito o parang may halong kakaiba na hindi niya masabi. Para itong nag-ibang tao noon at ngayon ay bumalik na sa dati. Nang gabing iyon pag-uwi niya ay binigyan niya nang makahulugang tingin si Gwen. “Oh, ba’t ganyan ka makatingin?” takang tanong nito bago ito pumasok ng kwarto. Lumapit pa ito sa kanya at umupo sa tabi niya habang naka-petal position. “Wala naman. Ayos ka na ba ngayon?” balik na tanong niya rito. “Okay naman ako.” Tumingin ito sa kanya at malambing na tinawag ang kanyang pangalan. “Jun…” “Hmm…” “Nagkaroon ka na ba ng crush?” “Wala pa. Bakit?” “Wala naman. Sige, matutulog na ako,” sabi nito na agad iniwas ang tingin sa kanya. Parang sa bawat araw ay nag-iiba ang pinakikita ni Gwen sa kanya. Hindi tuloy niya alam kung natural lang ba ang pabago-bago nito ng ugali patungkol sa kanya o may kakaiba na rito? Isinawalang bahala niya iyon dahil umaasa siyang babalik rin ito sa dati hanggang lumipas ang isa pang taon. Umalis na sa trabaho si Juniel matapos isa rin siya sa natapos na ang kontrata. Nag-apply siya bilang janitor sa isang kompanya ng chemical. Iyon ang unang beses na walang nanlait sa kanya. Dahil chemical ay palagi silang nakasuot ng face mask. Third year college na nga sana si Gwen ngunit napilitan itong huminto. Nagkagulo sa loob ng bahay nina Gwen. Nagsisigaw ito ng tulong. Naabutan ni Juniel ang ganoong sitwasyon. Tumba sa sahig ang ina nitong walang malay, nakabulagta at si Gwen naman ay taranta kung ano ang dapat gawin. “Anong nangyari Gwen?” “H-Hindi ko alam. Bigla na lamang nawalan ng malay ang Inay.” “Tatawag ako ng tricycle para madala ang inay sa ospital.” Tumango si Gwen nang bumalik nga siya ay kausap na niya ang driver na maghahatid sa kanila sa ospital. Karga na niya ang walang malay na si Aling Sita at nasa loob naman ng tricycle si Gwen upang umalalay nang ipasok niya roon ang ina nito. Nag-abot si Juniel ng bayad agad binuhat ang walang malay na si Aling Sita. Bago pa mai-admit sa hospital ay kinakailangan pa raw na mag-down ng pambayad. Bukod sa dalawang daang piso ay wala na siyang iba pang pera sa kanyang pitaka. “Nakikiusap po ako, i-admit n’yo lang ang inay ko at babayaran ko rin kayo,” pumipiyok na pakiusap ni Gwen. “Ako na ho ang bahalang magbayad. Iiwan ko rito si Gwen at nanay Sita, maghahanap po ako ng pambayad.” Sa sinabi niyang iyon ay agad ding kumilos ang nurse na babae at sinamahan siya kung saan ilalapag ang walang malay na ginang. Umiiyak na si Gwen nang makalabas siya sa kwarto na pinagdalhan sa ina nito. “P-Paano nang gagawin ko kapag may nangyaring masama kay Inay, Jun. Hindi ko kayang mawala ang inay ko,” tumatangis na sabi nito. “Kumalma ka lang.” Inalalayan siya nitong maupo sa waiting area. “Gagawin natin ang lahat. Maliligtas ang nanay natin,” sabi niya rito na pinalalakas ang loob nito. Gusto man niyang alalayan doon si Gwen ngunit kinakailangan niyang umalis para maghanap ng pera pang-down at pambayad na rin sa hospital bill. Higit na naaawa si Juniel sa dalaga. Iyon ang dahilan kaya huminto muna sa pag-aaral ito at tumulong na rin sa kanya sa pagtatrabaho. Ang inakala kasi nilang hilo lang ay pagtagal na ni Aling Sita sa hospital na inabot ng isang linggo. May komplikasyon daw ito sa dugo at kulang daw ang mga kagamitan sa ospital na iyon kaya kinakailangan nilang tumungo sa Cavite dahil doon ay tiyak na mapapabuti ang kalagayan ni Sita. Dahil bago lang si Juniel sa trabaho ay nahirapan siya nang ipaalam niya na lilipat sila sa Cavite. “Gwen, kung huwag ka na kaya munang magtrabaho.” Dapat ay naka-enroll na ito sa third year college ngunit dahil tapos na ang enrollment ay tuluyan na rin itong huminto. “Paano ang inay?” “Tutulong naman ako sa gastusin. Ipadadala ko ang lahat ng kita ko. Manatili kayo sa Cavite, kapag nakalipat na ako ng bagong mapapasukan ay susunod din ako roon,” may pangakong sabi niya kay Gwen. Tumango si Gwen na nakahawak sa kanyang pangako. NAKAHANAP ng maliit na bahay sina Gwen. Hinatid lang ni Juniel ang mag-ina roon. “Ako na ho ang bahala sa bahay at sa palengke.” “M-Maraming salamat Jun. Hulog ka talaga sa amin ng langit,” sabi pa ni Aling Sita na nakahawak sa kamay ni Juniel. “Ang mahalaga po ay ang kalusugan n’yo, Nay Sita.” Nakita niyang nagtutubig na ang mga mata ni Gwen. “P-Paano ka sa Bulacan?” “Okay lang ako roon. Ang mahalaga ay kayo at ang kaligtasan ni Nay Sita.” Nagpunas ito ng luhang tuluyan ng pumatak. “M-Malulungkot ako, Jun.” “Dalawang taon lang naman ang kontrata ko sa chemicals. Pagkatapos niyon ay magkikita na rin tayo ulit.” Kinunutan siya nito ng noo. “Ibig mong sabihin, hindi ka dadalaw rito?” “Dadalaw siyempre. Pero, ibig kong sabihin ay pagkatapos ng dalawang taon ay magkikita na tayo at titira na rin ako sa Cavite.” Hindi ngumiti si Gwen na halatang hindi pa rin kumbinsido sa sinabi niya. Hinila niya ang kamay ni Gwen at inilapag ang cellphone na binili niya nang hulugan. “Gamitin mo ito para matawagan at makontak kita.” Lalo itong humagulgol ng iyak. Pinunasan niya ang mga luhang pumatak rito. “Magiging okay ako, Gwen. Isipin na lang natin si Nay Sita.” Sa pagtalikod niya at paglalakad palayo ay halata ang lungkot ni Gwen na animo ay namatayan nang umalis siya. Ang nais niya ay magpatuloy ito sa buhay nang wala siya at mapabuti ang mag-ina. Pakiramdam kasi niya ay isa siyang malas sa dalawa kapag naroon siya. Kung sana lamang ay kaya niyang pagalingin si Aling Sita at hindi lamang ang kanyang sarili ay matagal na sana niyang ginawa. Pakiramdam niya ay ang unfair ng buhay. Dahil ang mga may katulad sana niya ang dapat na may sakit at hindi si Aling Sita. Napakabuti nito sa kanya. Tuwing naguguluhan siya at naalala ang pamilya sa ampunan ay palagi siya nitong inaalo at binibigyan ng mga convincing na salita para hindi siya malungkot. Ito ang tumayong tila tunay niyang ina sa pagkalayo niya sa ampunan. Kung hindi niya ito nakilala ay baka matagal na siyang namatay dahil hindi na niya kakayaning mabuhay sa pait at lupit ng mundo. Kaya nais niyang maging maalwan ang buhay ng mag-ina. Kung may iba at mas madali pa sanang paraan ay baka nagawa na rin niya. Ayaw niyang mahirapa ang mga ito. Dahil para sa kanya, ito ang naging daan upang madiskubre niya ang buhay sa labas ng ampunan at upang paniwalaan na may mga mabubuti pa ring mga tao sa mundo na hindi tumitingin sa panlabas ng kaanyuan ng isang tao. Ang totoo ay maganda ang lahi nina Gwen. Ang ina nito na noon ay hindi pa ganoon katanda ay maganda rin, maganda ang kutis na namana ni Gwen. Kaya alam niyang maganda si Gwen. Liban nga lang sa mga taghiyawat nito sa mukha na kahit natuyo na ay may naiwan pa ring mga bakas ng peklat. Kung kilala nga lang siguro ni Juniel ang ama ni Gwen ay baka hinanap na rin niya ito para humingi ng tulong ngunit kabilin-bilinan ni Sita sa kanya na sa kahit anong paraan ay pigilan niyang magkita ang mag-ama dahil malaki ang atraso nito sa mag-ina. Kinuwento ni Sita kay Juniel ang mga nangyari kung bakit naging ganoon ang buhay ng mag-ina. Singer sa cabaret ang ina ni Gwen nang makilala raw ang lalaking nagpatibok sa puso nito. Akala noon ni Sita ay magiging maganda na ang buhay nito nang malamang may kaya pala ang ama ni Gwen ngunit naging disaster ang lahat nang tumutol ang mga magulang ng lalaki at inilayo rito. Ni hindi man lamang hinanap ang mag-ina. Napakuyom ang kamao ni Juniel. Walang puso ang ama na iyon ni Gwen, na sa halip na hanapin ang mag-ina ay hindi na nito ginawa. Katulad niyang hindi na rin siya pinagkaabalahan pang hanapin ng kanyang mga magulang at pinabayaan na rin siya. Naiisip ni Juniel na halos pareho sila ng buhay ni Gwen. Swerte nga lamang ay may ina si Gwen na tunay na nagmamahal dito. Samantalang siya, ni pangalan ay hindi niya alam. Wala rin siyang ideya kung buhay pa ang mga ito. Tinuro sa kanya sa ampunan na huwag siyang magkaroon ng anumang hinanakit sa mga magulang na nang-iwan sa kanya. Lalo na ang kanyang superiora na palaging pinaaalala sa kanya na maswerte siya at siya ay nabuhay, kumpara sa mga batang pinalalaglag dahil hindi kaya ang responsibilidad. Ngunit halos pareho na rin iyon sa buhay niya. Dahil kung tinanggap ng mga ito ang responsibilidad sa kanya ay hindi sana siya lalaki sa ampuna, baka nag-aara din sana siya ngayon. Ngunit masyadong mapait ang pagkakataon sa kanya at hinayaan na maiwan siya sa ampunan. Kaya hindi niya alam kung tama o mali bang magkaroon siya ng hinanakit sa mga ito, sa kabila ng mga pinagdaanan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD