Dawn POV
"Hoy bruha ka ano 'yung narinig ko?" Inis na sambit ni Reign na tila ba galing pa sa impyerno at ngayon ay humahangos. Nanahimik lamang ako habang pinagpapatuloy ko ang ginagawa ko. Hindi ko kasi ito maharap dahil sa hiya.
"So hindi mo ako sasagutin? Langya kang babae ka aalis ka sa trabaho? Bakit magfufull time ka sa pag-eescort? Ano ba 'yan bruha ka! Ano ba ang gusto mong gawin sa buhay mo." Nandito kami ngayon sa hallway ng pagmamay-ari nilang hotel. Habang ako naman ay hila-hila ang mga gamit na panglinis ko. Medyo nahihiya pa nga ako kasi alam ko iba ang tingin sa akin ng ibang empleyado. Akala kasi nila ako ang paborito ng mga taong nasa mataas na posisyon dahil na rin sa lagi akong pinupuntahan ni Reign na isa sa mga amo nila, na kung tutuusin nga ay isa lang naman akong tagalinis ng kalat sa lugar na ito.
Kaya nga sobra-sobra na rin ang pasasalamat ko sa kaibigan ko dahil kahit nakulong ako ay nanatili ito sa tabi ko, siya ang tumulong sa amin ng anak ko nang nasa loob kami, siya ang bumili ng mga gamit at siya lang ang dumadalaw sa amin.
Siya ang natitirang taong maituturing kong pamilya pero mahirap din para sa akin na isipin ang hiya sapagkat alam ko sa mga mata ng iba ay nagmumukha akong palaasa sa kaniya.
Sa lahat kasi siya lang ang may naibibigay samantalang ako wala akong ibang ginawa kundi bigyan siya ng problema.
"Hoy bruha kinakausap kita! Huwag mo namang iparamdam sa akin na bagay pang-ghosting ang beauty ko!" Halos pabulong na sabi niya sa akin habang napahinto kami sa harap ng elevator kasi paakyat na naman ako sa ibang floor upang doon rin maglinis. Ako kasi ang tagalinis ng mga restroom samantalang ang iba kong mga kasama ay ang mga kwarto naman ang nakatoka sa kanila. Hindi naman ako nanghihinayang o nabababaan sa trabaho ko dahil marangal iyon. Kaya lang nahihiya lang ako sapagkat alam ko na kung hindi lang dahil sa kaibigan ko si Reign ay hindi ako mapupunta rito. Baka nga wala akong ibang gagawin kundi ang umasa sa pagiging escort ko.
Mahal na mahal ko itong trabaho kong ito pero bigla na lamang ako nakaramdam ng takot, feeling ko lumiliit na ang mundo ko, na sadyang mabilis na lamang ako silipin ng mga halimaw ng nakaraan ko. Para bang ano mang oras ay mahuhuli ako at babalik ako sa kulungan. I don't want to feel helpless again. Ayaw ko na mawalan ulit.
"Reign gusto ko sana lumipat ng lugar, gusto kong umalis rito. May naipon na rin naman ako kahit konti. Sapat na iyon para makapundar ako kahit maliit na tindahan at sapat na iyon para makaluwas ako ng probinsya. Doon mas tahimik at doon makakasimula ako ng panibagong buhay na walang iniisip na kung ano. I just want freedom, and alam ko madami kanang naitulong sa akin pero Reign siguro kailangan ko rin matutong tumayo sa sarili kong mga paa." Sandaling katahimikan ang namayani sa pagitan namin dalawa. Hindi naman iyon nagtagal dahil nagsalita ito bilang pagbasak sa katahimikan.
"Are you sure about this?" Mahinang sambit nito na halos pabulong na lamang. Alam kong mahirap rin para rito ang hayaan ako sapagkat malapit kami sa isa't isa at hindi namin ni minsan naisip na magkakahiwalay kami. We even share our secrets with each other. At mahirap para sa akin na iwan ito o iwan ang lugar na ito.
She is the only person that I've trusted until now, at kapag lumayo ako tiyak wala na akong kakampi na maituturing tulad niya.
And this place became my home kaya lang parang feeling ko hindi na ito safe para sa akin, hindi na safe para sa pagkatao ko, sa sekreto ko at sa puso ko.
Hindi naman na siguro malaki na hingin ko ang kalayaan hindi ba?
I want to escape,
We will escape dahil hindi lang ako mag-isa tatakas, kasama ko ang mga sekreto at sakit na tinatago ko sa puso ko. I would make sure I'll heal and I'll bury this secrets away. Ayaw ko nang sumugal, ayaw ko nang masaktan o mawalan pa ulit.
Buo na ang desisyon ko, I just hope walang makakapigil sa akin.
"Yes." Maikling sagot ko rito pero hindi ko kita ang reaksyon nito, hindi ko kasi maiangat ang aking mukha para titigan ito sapagkat nahihiya ako, nahihiya ako sapagkat ngayon ko pa talaga naisip na iwan ito kung kailan madami na itong naitulong sa akin.
"Then I'll go with you."
"W-Wait what? Huwag kana sumama sa akin, kaya ko na ang sarili ko, sapat na ang perang naipon ko para maitaguyod ang sarili ko. Hindi kana dapat madamay--"
"No, alam kong sapat ang pera mo dahil halos kayod kalabaw ka para makaipon ng malaking pera dahil gusto mo mabawi ang anak mo pero ang nangyari hindi natuloy dahil sa isang desisyon mo. But I am not doing this para lang sa'yo Dawn. Dahil sa totoo lang gusto ko rin makalayo sa lugar na ito. I want to escape too at ngayon na alam kong gusto mo rin ay baka pwedeng sabay na tayo. We can be each other's strength. Lalo na ngayon na alam nating dalawang mahirap magpagaling."
I don't know what to say tila ngayon ko lamang nakita ang ganitong side ni Reign, parang may bumabagabag sa kaniya na hindi ko malaman kung ano.
Tinitigan ko ang mga mata nito at sa kauna-unahang pagkakataon ay nakita ko ang sakit na dumaan doon.
"Reign." I murmur lowly and she just bow her head and I felt guilt is eating my system, baka kasi sa sobrang sakit na nararamdaman ko ay hindi ko napapansin nasasaktan rin ito at hindi lang ako masabihan sapagkat busy ako sa sarili kong problema. Masyado itong mapagbigay, at masyado itong mabait to the point kaya nitong isakripisyo ang lahat para sa mga importanteng tao sa paligid nito.
I know she is something special and she deserve more love.
"You know, Leon happened." Natameme ako sa sinabi nito, halos bulong na lamang iyon. Buti na lamang walang katao-tao sa paligid and we can talk like this.
Pero mahirap pa rin lunukin ang gulat na naramdaman ko dahil sa sinabi nito.
"What do you mean? Parehong Leon ba sa isip ko ang tinutukoy mo?" Mas lalong bumagsak ang balikat nito and it pains me to see her like this.
"Y-Yes, he turns out to be my FuBu for a year at alam mo naman if you give your body to someone tila sumuong kana rin sa apoy and you give him permission to burn you. And yes, I am wounded dahil ang baba ng tingin niya sa akin, he doesn't even see me for who I am, he can only see you Dawn. Simula nang dumating ka ikaw na lamang ang nakikita niya, his eyes tells me that I won't ever see myself behind his happiness. He only smiles for you, ikaw lang ang kaya niyang seryosohin and there's difference between love and lust at alam kong malaking pagitan natin dalawa dahil ako ay pang panakip butas niya lang, samantalang ikaw 'yung pinapangarap niya. And yeah, I heard my father is planning for our engagement and I can't see myself in this marriage na alam kong hindi nabuo sa pagmamahal. So I decided to let go. I wan't to escape and have the love that I longed. Kung hindi man galing sakaniya e' pwede naman siguro na galing na lang mismo sa sarili ko hindi ba?" Parang hindi ako makahinga sa aking mga narinig, dahil hindi ko akalain na I am hurting her without me knowing.
"I-I'm sorry--"
"You don't have to, ba't ka naman magsosorry? Dahil ba alam mong ikaw ang mahal? Hindi mo naman kasalanan e' dahil ako ang may kasalanan kung noon pa tinigil ko na ang kahibangan ko edi sana nasalba ko pa ang ilang piraso ng puso ko. But yeah, I'm stupid enough to think na baka kapag naibigay ko na ang buo e' baka makita niya rin ako at magawang mahalin pero masyadong illusyunada ako bru, I am not aware that all along hindi naman talaga ako ang klase ng taong pwede nitong mahalin. I am not the person he would cherish. And I thank you kasi kung hindi ka dumating baka hindi pa ako magising sa kalokohan ko. Kung hindi ka dumating baka hindi ko makita kung ano ba talaga ako sa buhay nito. In his heart I would always be a ghost who only appears in his eyes when he needs to and now natanggap ko na ang kaalaman na iyon. I am ready to set him free. And if he would be the one for you then I would stop him kaya nga ayaw kong maging hadlang, ayaw kong maging hadlang ng saya niya ang engagement namin. I just hate it knowing I would for myself unto him kasi pagod na ako sumiksik pagod na pagod. I j-just want love pero bakit ito ang binigay sa akin?" Agad na dinaluhan ko ito at niyakap while I can feel her tears at kung paano yumugyog ang balikat nito.
My bestfriend is in pain because of that man and parang may kasalanan rin ako. And all along akala ko walang pinagdadaanan ang kaibigan ko.
All along kapag binibiro nito ako kay Leon ay inakala kong she's genuine pero hindi pala.
Na kapag niyayaya ako ni Leon lumabas andiyan siya sa tabi at todo taboy pa.
Na kapag kinukwento ko kung saan kami pumunta o ano ginawa namin ni Leon ay ngumingiti pa ito at todo tukso at comment.
Pero 'yun pala nasasaktan ito ng sobra.
"You deserve love Reign sadyang hindi niya lang nakita ang worth mo. He's blind for doing this to you." Napahikbi ito at kumapit pa lalo sa akin kaya hinayaan ko lamang ito hanggang sa mailabas nito lahat.
Ito lang kasi ang kaya kong ibigay sa kaniya. I can only embrace her and make her feel that she's not alone.
Hindi nagtagal ay naramdaman kong tumigil na ito. Pero yakap pa rin ako nito samantalang hinahaplos ko ang buhok nito para pakalmahin na ito ng tuluyan.
And not long ay naramdaman ko ang malakas na pagtampal nito sa likod ko at mahinang tinulak ako para lumayo mula sa pagkayakap namin dalawa.
"Drama langya! Nakakasira ng ganda." She said pero sinamahan ng konting hikbi kaya napangiti ako.
"Gusto ko makaalis ng lugar na ito bruha para makalimutan ang mga f**k boys just like you, you should forget about that asshole na pinaasa ang k**i mo samantalang kakalimutan ko rin ang jerk na dinalaw lang k**i ko pero hindi naman nagstay, 'yung tinikmahan ng matagal pero hindi rin naman niya naging paborito. Ang saklap ng life pero alam ko beautiful pa rin si k**i kailangan lang magheal masyado kasing malaking ASUNGOT ang nanghimasok e'." Ewan ko ba pero halos mahulog na ang panga ko sa mga sinasabi nito, kahit kailan bruha ito at walang ibang ginawa kundi maging baliw.
Nagagawa pa kasi nitong tawanan ang problema, and she is that kind of person na sobrang bilis magtago ng emosyon.
"Alam mo huwag mo idamay ang sa akin because I already accepted the fact na wala talagang pag-asa. I am just someone na hindi nito makikilala."
Oo 'yun naman ang totoo kailanman isa lang akong alaala na hindi na nito kailanman makikita o makikilala man lang.
"Really? But why are you planning to escape? Ayaw mo ba malaman niya ang mga sekretong tinatago mo?" Nag-isang linya ang aking labi and I just felt something is eating my system at 'tun ang galit at isa pang emosyon na kahit kailan ay ayaw ko nang pangalanan.
"Isa na 'yun sa mga rason pero ang unang-una ngayon ay ang makapagsimula na ako ng panibagong buhay."
Tumango ito saka biglang lumarawan din sa mga mata nito ang determinasyon.