Dawn POV "Mahirap gawin iyon Eros, ngayon pa na hawak nila ang anak ko! Hawak nila ang nag-iisang taong maituturing kong pamilya. Gusto ko siyang bawiin ngunit pinipilit ko pigilan ang sarili ko sa ngayon dahil alam kong mahirap silang kalabanin." Napabuntonghininga ito bago hinawakan ang mga kamay ko at pilit na pinaparamdam sa akin na wala akong dapat ikatakot. "But your child needs you Yesha, you need to talk to Flix or talk to your son." Napanganga ako at naramdaman ko muli ang pagpunas nito sa mga luha na nasa gilid ng aking mga mata. "W-What do you mean?" "Ang akin lang sa tingin ko hindi mo kailangan na hintayin pa ang panahon. Marami na ang nasayang Yesha at isa pa, alam kong sobra-sobra na ang pangungulila mo sa anak mo kaya walang mali na lapitan mo siya at magpakilala. At