Dawn POV "Brix laro tayo hali kana!" sigaw ng bata sa aking anak na nakaupo lang sa damuhan at nakatingin lamang sa mga batang kanina pa naglalaro. Bumuntonghininga ako at hindi makapaniwalang ganito ako kaduwag. Kanina ko pa kasi ito pinagmamasdan lamang mula sa isang gilid na hindi pa nito natatapunan ng tingin. At kahit gustong-gusto ko na itong lapitan ay nawawalan ako ng lakas ng loob. Samantalang tapos na ang klase ng mga bata kaya wala silang ginawa kundi maglaro habang naghihintay ng mga sundo nila. And my son is right there, sitting silently na tila ayaw makihalubilo. Na kahit kanina sa klase nito ay hindi ito umiimik at nanatiling nakatingin lamang sa lamesa nito o sa kawalan na lubhang nagparamdam sa akin ng pag-aalala. "Ang KJ mo naman hali ka, laro tayo." Umiling ang ana