Dawn POV
Nanghihinang napangiti ako habang titingnan ang kawalan and here I am again, in this the same corner where everything is dark. Ngunit ngayon mas ramdam kong may kasama na namang iyon na takot.
Takot na baka ako'y muling pilitin na ikulong sa parehong lugar na iyon. Though, I don't want to be hurt ay andon pa rin ang mga anino na nagsasabing mangyayari at mangyayari iyon muli. But my heart scream and cried out dahil sadyang ayaw ko na muling mabuwal ang aking katauhan at pagkatao.
But how? Ngayon pa na nararamdaman ko na naman ganitong emosyon ay mas nahihirapan lang ako. I can feel every monster are chasing me like I still have to pay them some of my debts ngunit paano? May ibabayad pa ba ako? Walang-wala na ngang natira sa akin ano pa ba ang pwede kong ibigay?
Ano pa ba ang kaya kong kalimutan at subukang huwag balikan? I am now nobody. Isang taong ubos na at tanging kapirasong pagkatao na lamang ang natira.
I don't need to talk because I know my words are not heard.
"Kung sinong nagkasala sa akin at bumangga sa akin ay hindi ko mabilis makalimutan kaya ihanda mo sarili mo you might find yourself in my bed tied and begging for more,"
Kusang bumagsak na naman ang aking mga luha na sadyang nagpalabo sa aking mga mata. This is what I am afraid of, kung sana lang lumayo na ako nang makita ko siya nang gabing 'yun hindi sana magkakaganito, dahil ngayon sira na naman ang mga pader na ginawa ko upang aking pagtaguan.
Now I am scared, scared to be seen and scared to be caught. I can't let him know or let them know that I still exist.
I really can't.
His eyes, 'yun ang mga matang minsan kong tinititigan at ang minsang nagbigay ng pag-asa sa isang mundo na malapit ng magunaw.
Pero ano ba magagawa ko when that eyes are the same eyes of my feared monster na matagal ko nang pilit tinatakasan?
"D! s**t!"
Umangat ang mukha ko nang marinig ko ang ingay sa may pintuan nang bumukas iyon at may isang taong humahangos na lumapit sa akin kaya walang ganang napatingin ako sa taong nasa harap ko ngayon na walang iba kundi ang aking nag-iisang kaibigan.
"What the hell are you still doing here?" She asked while I can see frustration written all over her face ngunit napabuntong-hininga na lamang ako.
"Alam mo bang hinahanap ka ng suki mong si Leon? He's been asking around about you. Magtatatlong araw ka nang wala! So ano na magtatago ka rito sa apartment mo hanggang sa mamatay ka sa gutom? s**t! Pati ang gurang na isa hinahanap ka sa akin at ako ang kinukulit kung bakit kasi pinipilit mo magtrabaho sa ganitong kalakaran?" Napasuklay ako sa aking mahabang buhok at saka humarap rito na may nakapaskil na ngiti. I know I am good at this at alam ko ring wala akong magawa kundi ang magpanggap, umasa at matutong sanayin ang sarili ko dahil ito ang dapat.
I learned in a hard way, na kailangan alamin ko ang lugar ko at hindi na dapat umasa na makakaalis ako sa ganitong sitwasyon.
"Putek! Huwag kang ngumiti ng ganiyan sa akin bruha! Parang sinasabi mong naiinlove kana sa beauty ko! s**t ka! Sarap mong sabunutan." Napameywang ito at may pakumpas-kumpas pa sa hangin na mas kinalapad ng ngiti ko.
"Oh baby oo nga nakakatomboy ka," mahina at medyo pinalalim ko boses ko na kinalaki ng mga mata nito kaya agad na natawa ko.
"You should have seen you reaction!" Kumunot ang noo nito at sumama ang tingin sa akin samantalang ako naman ay hindi pa rin matigil ang tawa. I really wanted to play tricks on her alam ko kasing mabilis itong maloko. Masyado kasing inosente kahit na ang laki ng bunganga at baliw.
"Tsk baliw ka! Don't tease me with that act! Kasi mabilis akong maniwala dahil totoo namang maganda ako e'." Napailing ako sa sinabi nito at nakita ko pang ng pogi sign ito sa harap ko akala mo naman kinaganda niya, bruha talaga.
"So ano na nga kailan balik mo sa trabaho or baka naman sa wakas naisip mo na sa wakas na huwag na pumasok doon sa trabahong 'yon kasi putek lang bruha magpapapiging ako sa saya," biglang nawala ang ngiti ko sa sinambit nito kasi muling sumampal sa akin ang katotohanan na ganito ang sitwasyon ko.
"Alam mo naman hindi ako pwede umalis Reign masyadong mahirap gawin iyon, mahirap akong makahanap ng trabaho alam mo naman ang records ko kahit anong gawin ko walang kompaniya o trabaho ang handa akong tanggapin—"
"Dahil ano? Dahil minsan kang nakulong? Putek na dahilan naman 'yan hindi naman lahat ng nakulong masasamang tao at kung meron man hindi ba pwedeng magbago?" Tila kinuyumos ang puso ko at muli tila ba ang sakit ay andon sumisilip mula sa aking puso pero pinilit ko itikom at itago iyon kasi wala akong magawa 'yun lang naman kasi ang dapat.
"Kahit sabihin mong wala akong kasalanan pero wala akong katibayan at hindi nabura sa records ko na minsan akong nakulong sa salang pagnanakaw. Sa tingin mo may magtitiwala sa tulad ko kung 'yun agad ang makikita sa records ko?" Nakita ko ang pagbakas ng lungkot sa mga mata nito habang nalalasahan ko ang pait sa aking bibig, pait dahil alam ko naman na ang hina ko at walang-wala akong patama sa ibang taong nagagawa ngayon maipagmalaki ang kanilang sarili.
"Pumayag ka na lang kasi na pahiramin kita ng pera para panimula mo lamang." Lumapit ito agad sa akin at umupo sa tabi ko para hawakan ang dalawa kong kamay na nagbigay sa akin ng pakiramdam na hindi ako nag-iisa.
"Sige na D, alam mo naman matagal na kitang kaibigan kung hindi dahil sa'yo baka matagal na akong nakikipagplastikan sa mga plastik na kaibigan ko dati," Oo alam ko naman na mabuti itong kaibigan at hangad lang nitong makatulong pero alam ko namang hindi ko iyon deserve, at alam ko naman kung saan lang ang lugar ko. Ayokong madamay pa ito sa problema ko, masyado nang madami itong naitulong sa akin isa na roon ang pagtiwala sa akin at pananatili sa tabi ko sa ganoong paraan mas ramdam kong kaya pa rin pala akong pakisamahan at hindi ako ganoon kawalang kwenta.
"Alam mo Reign hindi ko pa rin 'yan tatanggapin sapat na iyong trabaho na binigay ng magulang mo sa akin—"
"s**t! Huwag mo na nga ipaalala 'yan kung pwede ko lang palitan trabaho mo baka matagal ko nang ginawa. I remember how I didn't talk with my father for a month pero gano'n pa rin kung bakit kasi ikaw pa mismo ang kumausap sa kaniya about that." Kinurot ko ito sa tagiliran na kinanguso nito. I never expect I could have a friend pero masarap sa pakiramdam na may nasasandalan ka kapag andon ka sa mga araw na lugmok na lugmok kana.
"Walang problema sa binigay nilang trabaho at least tinanggap pa ako, isa pa 'yun lang naman ang pwedeng trabaho sa tulad ko na may masamang record. Humingi naman ng pasensya ang papa mo sa akin." Umiling na lamang ito saka sinapak ako bago ako titigan ng seryoso sa mga mata.
"Kung ganito ka pa rin kahina paano mo siya makukuha?" isang sampal iyon sa aking mukha at para akong nawalan ng lakas at ang kaninang maskarang suot ko ay agad nawala. Nanlabo ang aking mga mata at naramdaman ko na lamang ang mainit na likidong nanulas mula sa aking mga mata kaya napayuko ako at doon kita ko ang bawat pagpatak ng likido sa aking mga binti.
"I-I'm sorry," mahinang bulong nito saka inilagay ang kaniyang kamay sa aking balikat pero ngumiti ako ng mapait.
"Y-You don't have to, because you are right." Napasinghap ito at agad na hinila ang mukha ko na basang-basa na sa aking luha at saka pilit na hinarap ako rito.
"What the hell Dawn! Alam mo ba iyang sinasabi mo! Kailan mo ba masasab ang mga salitang, hindi kasi matapang na ako?" muling nanghina ako at napailing na lamang. Sanay na kasi ako na ganito na lamang ang paulit-ulit na nangyayari na nauuwi lang sa wala ang lahat kahit na ipaglaban ko.
"R-Reign I choose not to fight for him—" biglang naramdaman ko ang hapdi sa aking pisnge kasabay ng malutong na ingay at pagbaling ng aking mukha.
"What? How can you do that how can you let him go? Akala ko ba bubuo ka lang ng lakas at kukunin mo siya ulit pero ano na naman ito? s**t ka Dawn! You are making a stupid descision! He needs you! And here you are thinking to give him away and let him believe in those lies! Are you even thinking, right now?" I can hear hatred in her voice kahit man ako ay nagagalit na rin sa sarili ko, kung pwede lang na saktan ko ng paulit ulit ang sarili ko ay gagawin ko! Kasi 'yun ang kailangan pero ano pa ba ang use kung hindi naman talaga pwede?
"Slap me if you want pero buo na ang desisyon ko," malamig na sambit ko pero ramdam ko ang libo-libong kurot sa aking puso pati na rin ang patuloy na pagtulo ng aking mga luha.
"I can't believe you—"
"Then what do you want to believe? Na matapang ako? Na tatapang ako? After all this years Reign nandito na ako sa kulungan na ito. Oo lumaya ako sa physical na kulungan pero mentally and emotionally I am still lock behind those bars! How can I be with him? How can I fight for him if I have nothing or If I can't give him reasons to believe me and love me?" hindi na ito nakaimik kaya muli akong nagsalita.
"It's better to let him believe in lies as long as he's happy. Kasi kung sa tingin mo andito siya magiging masaya ba siya na magtago gaya ko? Sa tingin mo mabibigay ko ba ang mga dapat para sa kaniya? Sa tingin mo ba kaya ko bang panagutan at pangatawanan ang responsibilidad ko? Sa tingin mo ba kaya ko siyang ipaglaban kung noon ni hindi ko man lang nagawa iyon? Do you think can I be a good woman for him? C-Can I be a good mother for him?" Napangiti ako ng mapait ang sakit sobra kasi sampal sa akin ang katotohanan na wala akong magawa, na hindi ako karapatdapat.
"Ma-ma." I uttered in front of him pero ngumiti lamang ito ng matamis sabay kumpas ng mga kamay. Oo ako ang mama nito, ako ang ina at sa akin siya galing.
He become my sun, siya ang liwanag sa buhay ko, nag-iisa lamang at alam kong siya na lang ang magiging kakampi ko sa buhay.
"Ayaw mo ba ako tawaging mama? Sige na baby sambitin mo na, it's MA-MA." Ngumiti ito at pilit na inaabot ang aking mukha kaya inilapit ko nga iyon.
"Hindi ko alam kung bakit hinahayaan 'yan dito kasama ang anak niya. Hindi ba dapat nasa DSWD na 'yan ang ingay-ingay nakakairita." Napawi ang ngiti ko at saka tinititigan ang anak ko na ngayon ay ngumingiti lamang habang hinahaplos ang mukha ko.
"Sabi mo pa! Pero sabi nila pinoproseso pa kasi ang kaso niyan at isa pa, wala namang pamilya iyan sa labas kaya walang pwedeng mag-alaga sa bata. Pero pagproseso na ang kaso baka mas mabilis na," humigpit ang kuyom ng aking mga kamay, at napatitig ako sa aking anak, iniisip ko pa lamang na kukunin ito sa akin ay nasasaktan na ako. Hindi ba pwedeng kunin na nila lahat huwag lang ang anak ko? Pwede na nila ibintang lahat sa akin pero sana ang anak ko hayaan na nilang makapiling ko.
"That child is not my son's child so you better don't mess with us! You are just a dirty woman I hired for my son so know your place you don't know what I can do to you!"
'Yung isang ilusyon ko noon ay nagbunga ng ganito, alam ko hindi ako dapat magsisi sapagkat may magandang bunga iyon at iyon ang munting supling na buhat-buhat ko ngayon.
Biglang nakarinig ako nang ingay sa labas ng selda kaya napatayo ako habang buhat ang anak ko at doon nakita ko ang tatlong pulis kasama ang tatlong babae na nakaputi.
Agarang bumilis ang pintig ng puso ko sa kaba sa hindi mawaring dahilan.
Ang bawat yapak nila papasok sa selda ay lubhang nagpabingi sa aking tenga at hindi ko mapigilan na mapaatras.
"Mathison ibigay mo ang bata sa amin," nanlalaki ang mga matang napatingin ako sa pulis na nagsalita at napahawak ako ng mahigpit sa anak ko na ngayon ay nilalaro ang aking damit.
"H-Hindi—Bakit niyo kukunin ang anak ko?" ang luha ko ay kusang bumagsak at pumatak iyon sa mukha ng aking anak kaya tila natigilan ito at tahimik na tinititigan ako. Inosente at walang ano mang salitang lumalabas mula sa bibig nito.
"Malapit na maproseso ang kaso mo kaya mas makakabuti na ibigay sa DSWD ang bata ano sa tingin mo? Na papalakihin mo siya rito sa kulungan?" Napasinghap ako at kasabay no'n bigla na lamang umiyak ang anak ko na sadyang nagpakirot sa aking puso, walang sasakit pa sa sitwasyon na kukunin sa bisig mo ang anak mo at ilalayo.
Kumapit ang kamay nito sa aking damit tila ba alam nitong ilalayo siya sa akin.
Ang anak ko, siya na lang ang meron ako ba't balak pa nilang kunin? Bakit ngayon pa?
Ngayon pa na tila hindi ko na kaya malayo rito. Ang daming mga kung ano-anong bumalatay sa aking utak at sa sobrang takot ay pinilit ko sanang tumakbo pero napigilan at nahawakan ako ng mga pulis. Pero pumipiglas ako habang ang anak ko ay lumalakas na ang iyak.
No...
Ang anak ko...
"Mathison! Tumigil ka! Ano gusto mo? Rito tumira ang anak mo? Hindi mo ba ibibigay sa kaniya ang pagkakataon na magkaroon ng magandang buhay? At mas gugustuhin mong habang buhay iisipin niya na kriminal kaniyang ina?" natulala ako sa sinabi ng babaeng taga DSWD at nanghihinang napatingin muli sa anak ko. Gano'n na ba ako sa selfish? Hahayaan ko bang hindi makita ng anak ko ang buwan, araw o ang maranasang tumakbo sa labas, magkaroon ng kaibigan, makapag-aral at lumaki ng normal?
Pero paano naman ako kung mawala siya? Siya na lang ang meron ako, siya na lamang ang pamilya ko.
Sa aking panghihina ay naramdaman ko na lamang ang pag-gaan ng aking bisig nang kinuha na ng babae ng tuluyan ang tanging yaman na meron ako.
I can see my son trying to lift his hands, pilit na inaabot ako pero wala na akong lakas at napaluhod na lamang ako.
Hindi ko kaya, akala ko kaya ko pero hindi. Hindi ko kaya kasi selfish ako.
"Parang awa n'yo na a-akin na lang siya. Kailangan ko siya. Anak ko ang bata at huwag kayo mag-alala papalakihin ko siya. Please lang maawa kayo sa akin, hindi ako magnanakaw napagbintangan lang ako please... akin na ang anak ko. P-Please parang awa n'yo na. Pasensya na, kung nagkasala ako sa inyo pasensya na! Huwag n'yo lang siya kunin. Huwag siya please." Sigaw ako ng sigaw at pinilit ko gumapang papalapit sa paa ng taong may hawak sa anak ko.
Kung kailangan na halikan ko ang mga paa nito ay gagawin ko.
"P-Parang awa mo na akin na ang anak ko," halos halikan ko na ang paa ng babae dahil kung ang pagiging mababa ay ang tanging nag-iisang paraan para hindi nila kunin ang anak ko ay gagawin ko. Ito na lang ang kaya kong gawin. Ang inang tulad ko ay hindi kaya na mawalay ang nag-iisang yaman na meron siya.
"Ma-ma!" Iyak at may kasamang sigaw ng anak ko na sadyang nagpaguho ng aking mundo.
Sa huli, tinawag niya rin ako, sa huli narinig ko rin iyon mula sa bibig niya ang unang salita niya, pero mukhang huli ko na rin ito maririnig mula sa kaniyang bibig.
No! hindi ako papayag, hindi pwede!
Akin siya! Akin ang anak ko.
"Anak ko!" Humagulgol na ako at niyakap ang paa ng babae samantalang pinipilit ako ihiwalay ng pulis, pinipilit nila akong ilayo sa anak ko, sa anak ko na mahal na mahal ko.
"Bitiwan mo siya Mathison!" no! Ayaw ko dahil ilalayo nila ang anak ko.
Pero hindi ko akalain ang biglaang sakit na naramdaman ko sa aking likod, sakit mula sa pagkapalo sa akin kaya napabitaw ako sa paa ng babae at napahiga.
Kita ko kung paano umatras ang babae at nang akmang babangon ako ulit ay naramdaman ko na naman ang pagpalo sa akin kaya nanlalabo ang mga matang tinitigan ko na lamang ang anak ko.
Nakatingin ito sa akin habang umiiyak at sinisigaw ng paulit-ulit ang mga salitang kumukurot sa puso ko.
"Ma-ma! Mama! Ma!"
Ang hina ng mama mo anak hindi ako makatayo, hindi kita malapitan, hindi kita maipaglaban. Kung sana pwede akong sumigaw at humingi ng isa pang pagkakataon.
"W-Wala akong kasalanan! Huwag n'yo ilayo ang anak ko parang awa niyo na! Anak! Anak ko andito si mama anak!"
Ngunit ang bawat sigaw ko ay hindi nila narinig. Dahil nakita ko na lamang ang mga anino at ang may luhang mga mata ng aking anak.
"Anak mahal na mahal kita," bulong ko sa hangin na pinagdadasal ko na marinig niya.
Sana lang marinig mo anak, sana lang.
"D alam ko mahirap paniwalaan pero ako ang magpapatunay na magiging isa kang mabuting ina. You deserve him! He was taken away from you by force and you don't deserve it inosente ka! And you know that kaya bakit hindi mo ipaglaban? Bakit ka umuupo rito at hayaan na makulong ka sa sakit?" Ngumiti ako ng mapait saka pinunasan ang aking mga luha.
"I won't see him again Reign because he is gone, he will have a good life at hindi niya 'yun makukuha kasama ako. I am miserable and I don't deserve to be a mother. I won't force myself sa tingin mo pagmagkita kami? Ano sasabihin ko? Sa tingin mo tatangapin niya ako? Guguluhin ko lang buhay niya and as a mother I won't like to do that to him. I just can't," agad na naramdaman ko ang yakap nito sa akin at doon binuhos ko muli ang emosyon na nakatago sa aking puso.