Dawn POV
"Nasaan na po ang anak ko? Brix Mathison po ang pangalan niya, kinuha po siya sa akin sa kulungan pero ngayon po ay laya na ako kaya balak ko po sana siya kunin." Tiningnan ako ng matagal ng babae saka may tila tinignan sa mga papel nito hanggang sa napabuntong-hininga ito at muling humarap sa akin ang mga mata nito.
"Sorry Miss pero wala na rito ang anak niyo." Natulala ako sa sinambit nito at agad na umalsa ang galit sa aking puso. Paanong nawala? Bakit?
Pinangako nila makukuha ko ang anak ko kapag lumaya ako pero bakit ngayon wala na? Ano ito nakikipagbiruan ba siya sa akin? No!
"Ano ang iyong ibig sabihin? Nakikipagbiruan ka ba? Sinabi sa akin na narito ang anak ko dahil dito siya dinala kaya bakit wala?" Napahawak ako ng mahigpit sa mesa nito at saka padaskol na kinuha ko ang papel na hawak nito parang ang puso ko ay lalabas mula sa aking dibdib habang tinitingnan ang listahan ng mga pangalan na nandoon.
I am trying to be strong kahit sa loob ko ay durog na durog na ngayon. I can't believe this! Bakit ba tinatago nila ang anak ko?
Parang ang mga mata ko ay nanlalabo na pero nagpatuloy iyon sa pagbabasa hanggang sa dumako ang mata ko sa may gitnang parte at doon ako natigilan when I saw his name.
Brix Mathison- Adopted
"I'm sorry, tatlong taon na ang lumipas at wala kaming magawa naampon agad ang bata maliit pa siya kailangan niya ng pamilya kaya—"
"Kaya mas ginusto niyo ibigay siya sa ibang tao kahit na andito ako! Hindi niyo man lang ba naisip na gusto kong makasama ang anak ko? Bakit kayo na lamang ang nagdesisyon? Ako ang ina! Dugo't laman ko ang bata pero inilayo niya siya sa akin ng gano'n lang. Alam mo bang siya ang naging lakas ko para magpatuloy at piliting gawin ang lahat makalaya lang? Kahit na ilang ulit akong saktan, kahit na ilang ulit nila ako pagdiskitahan at kahit ilang ulit akong umiyak sa loob ng kulungan, ay hindi ako nagpatinag dahil alam kong may anak akong naghihintay sa akin sa labas pero bakit? Bakit niyo siya pinamigay? Siya na lang ang meron ko." Nakita ko ang awa sa mga mata nito pero ano pa ang saysay no'n? Ano pa ang saysay ng awa nila kung sila rin ang may rason ng sakit na nararamdaman ko.
"Sorry Miss pero nang dumating ang bata iyak siya ng iyak, sigaw ng sigaw ng mama at nang may biglang pumunta rito ay agad na nagsisigaw at umiiyak ang anak mo at tinawag siyang mama naawa ang mag-asawa at kinuha siya—" nag-init ang luha ko kasabay ng pagbagsak ng mga luha mula sa aking mga mata. Kasi ang unfair! Sobrang unfair na nagawa na lamang nila alisan ako ng karapatan.
"Ako dapat iyon! Hindi niyo narinig na mama ang tawag niya! Ako 'yun ako ang hanap niya pero bakit sa iba niyo binigay! Bakit kung kailan nagkaroon ako ng rason na mabuhay ay saka niyo naman inalis iyon sa akin? Paano na ako ngayon? s**t! Mga sinungaling kayo! Hindi ako naniniwala na wala na siya rito baka tinatago niyo lang. Anak! Brix! Anak ko! Andito na si mama!" Napatayo ako at agad na tumakbo ako sa loob ng isang kwarto kung nasaan ang mga bata at doon tila naghahanap ang mga mata ko, hinahanap ko ang anak ko. Anak ko na gusto ko na yakapin at halikan.
"Brix! Anak saan kana ba? Anak ko! Andito na si mama," wala man lang batang lumapit sa akin kahit na anong tawag ko, samantalang ang iba ay umatras pa at tila takot na takot.
Napaluhod ako sa sahig, hindi ko akalain na mapupunta ako sa ganito. Lahat ng bumuong pag-asa sa puso ko ay agad nawala. Lahat ng mga pangarap ko ay dagliang nawala na parang bula.
Nag-iisa na lamang ako ngayon, walang pamilya, sirang-sira at maduming-madumi.
"Ilusyunada akala mo makakalaya ka rito ng hindi nasasaktan at nabubugbog? Akala mo hindi ka magkakapeklat?"
Mga ngiti ng anak ko ang naging lakas ko, 'yung mga kamay niya noon na pilit akong inaabot ay ang naging lakas ko, gusto kong paglabas ko ay mahahawakan ko na siya ng mahigpit. 'Yung mahigpit hanggang sa maisip niyang hindi ko na siya iiwan.
Lahat ng mga sakit ay gusto kong kalimutan para sa anak ko, pero paano ngayon? Wala na ang sanang magiging sandalan ko. Napunta na siya sa iba, ngayon iba na ang tinatawag nitong mama. Iba na ang makakakita ng unang paglakad nito, unang kaarawan, at iba pang magiging una nito ay hindi na ako ang kasama.
Ang sakit kasi gusto kong maging parte ng buhay niya pero paano?
"Kalimutan mo na ang anak mo gawa na lamang tayo ng bago, kung gusto mo lumaya pagbigyan mo ako at mapapadali ang labas mo."
Lahat ng mga pasakit, pang-aabuso at mga halimaw na nakaharap ko doon sa madilim na lugar na iyon ay pinilit kong kalabanin kasi alam kong may umaasa sa pagbalik ko, na may pamilya akong uuwian pero ang sakit, sobrang sakit at nakakapanghina.
"Miss huwag ka manggulo rito natatakot ang mga bata sa'yo." Napahigpit ang hawak ko sa laylayan ng damit ko at napayuko roon hinayaan ko pumatak ang bawat luha na meron sa aking mga mata.
Hinayaan ko ang bawat butil no'n ay gumawa ng marka sa sahig. Kasi kulang pa nga iyon para mailabas ang nararamdaman ko ngayon. 'Yung puso ko ay napupunit, 'yung pagkatao ko ay unti-unting nawawalan ng pag-asa at ang pagiging ina ko ay tuluyan nang nanakaw sa akin.
Masyado bang malaki kung hingin kong sana ay kasama ko siya?
Masyado bang malaki kung hingin ko na sana yakap ko pa rin siya?
Masyado na ba akong masama para gawin ito sa akin?
Nagmahal lang naman ako! Nagpakatanga lang naman ako! Sinubukan ko lang naman maging masaya pero bakit ito ang kapalit? Bakit siya ang naging kapalit? Bakit ang anak ko pa.
"Miss pag hindi ka pa umalis magpapatawag na kami ng mga taong kakaladkad sa'yo paalis." Napangiti ako ng mapait saka muling umangat ang mukha ko para sandaling tingnan ang mga bata na nasa harapan ko saka muli kong hinarap ang babae na may luha pa rin sa mga mata ko.
"Sa tingin mo ba kung andito siya ay magiging mabuti akong ina?" tila napipi ito at hindi nakaimik kaya parang nakuha ko ang sagot niya.
Tumayo ako na may panghihina, ramdam kong wasak na wasak na ako at hindi ko alam kung kailan ako mabubuo.
Ngumiti ako sa babae at kinuha ko ang isa nitong kamay sa una natakot ito pero, hindi naman nito hinila ang kamay nito mula sa akin at hinayaan lamang ako.
"Salamat at binigyan n'yo ng pagkakataon ang anak ko na magkaroon ng magandang buhay, magkaroon ng kompletong pamilya at maging masaya kahit wala ako."
Pinunasan ko ang luha ko saka ko binitiwan ang kamay nito at humakbang na paalis. Dala-dala ang hapdi at sakit.
'Anak mahal na mahal kita sana masaya ka kasi si mama ay masaya na kapag alam niyang nasa maganda kang lagay at masaya ngunit paalam anak, paalam.'
"Hey! Are you listening?" Napasinghap ako nang biglang maramdaman ko ang kamay nito sa aking balikat kay hindi sinasadyang napapiksi ako.
"Are you okay?" Napaangat ang mukha ko at napatingin ako sa nag-aalala nitong mukha at doon ko lamang napagtanto na masyado na palang malalim ang aking iniisip at hindi ko na napapansin ang paligid.
"I-I'm sorry Leon may inisip lang ako." Kumunot ang noo nito saka napabuntong-hininga.
"Alam mo lagi ka na lang ganiyan, kapag kasama mo ako, kung kailan bumababa na ang pader mo at naipapakita mo ang tunay mong emosyon at kapag lalapit ako ay ang bilis mo naman ulit itaas ang pader na tila ba ayaw mo akong makapasok." Napayuko at hindi ko alam pero ramdam ko naman ang sinseridad sa boses nito pero wala naman kasi akong magawa kung ganito ako. I just can't let my guards down, masyadong mahirap para sa akin na hayaan ang iba na makalapit sapagkat alam kong walang tatagal sa mundo ko, aalis at magsasawa rin sila sa akin.
"I am really sorry Leon. I know this is my job to escort you here in the party pero mukhang hindi ka masaya na kasama ako." Narinig ko ang pag-ismid nito saka naramdaman ko na lamang ang paghawak nito sa kamay ko kaya napaangat ang mukha ko at napatingin ako sa mukha nito na ngayon ay may seryosong emosyon.
"I know you seem to think that you are here for this job pero para sa akin Dawn I would rather let you think that I am a friend and I am just bringing you here to enjoy. Please enjoy the party Dawn, you are my partner not an entertainer." Napangiti ako at gano'n na rin ito. Nakokonsensya tuloy ako sa mga pinapakita ko rito, simula kasi nang makapasok ako sa ganitong trabaho at nakilala ko siya ay naging mabuti na ito sa akin, hindi tulad ng iba na halos bastusin na ako pero siya nirespeto niya ako at halos nga ako na ang kinukuha niya upang dalhin sa mga party at maging escort niya. At masasabi kong masarap sa pakiramdam na nakakakilala ako ng mga ganitong tao.
Sa ganitong trabaho mahirap kang makakita ng tao na hindi ka huhusgahan. 'Yun nga nasanay na rin ako, I just use my mask and let them think what they wanted to think.
"O' ano? You want some drinks? Kukuha ako." Napatango na lamang ako sa sinabi nito and he just tap my shoulder.
"Okay I'll be right back," Sambit nito saka tumalikod sa akin at umalis kaya nagkaroon rin ako ng pagkakataon na igala ang aking mga mata sa mga tao at sa buong lugar kung saan dinadaos ang isang malaking programa na hindi ko naman alam kung ano.
Sadyang sumama lang ako kay Leon dahil sabi niya importante ang event. He even gave me a dress to use na tamang-tama dahil kung hindi niya ako binigyan baka manliliit lang ako pagdating ko rito sapagkat kita ko ngayon na halos lahat ng mga tao rito ay mayayaman.
Sobrang magarbo ang lahat ng bagay ni hindi ko nga alam parang kahit anong gawin ko ay nagmumukha lang akong pulubi sa lugar na tulad ng ganito.
I just felt conscious, kahit ano naman kasi suotin ko parang ang baba pa rin ng tingin ko sa sarili ko.
I wear a red dress with a long slit on its right side kaya kita ang aking hita, hindi naman ako maputi dahil morena ako pero sabi ni Reign makinis daw ang balat ko parang hindi ako galing ng kulungan kaya kahit morena raw e' bagay na bagay pa rin daw ako maging model pero nungka na maniniwala ako roon, masyado lang nito ako pinupuri para hindi ko kaawaan sarili ko.
Naka V-cut rin ang dress ko sa may dibdib kaya kita ang cleavage ko even my back is fully display dahil sa mababang putol sa likod. I felt bare pero this is my job kaya wala akong choice, hindi rin dapat ako mag-inarte.
Hinayaan ko lang din nakalugay ang hanggang beywang kong itim na itim na buhok
"Goodevening everyone! Gaya ng ating pinakahihintay we are about to witness the crowning! As this empire would have a new emperor," lahat ng tao ay nagpalakpakan samantalang nagmasid lamang ako pero naagaw ang pansin ng lahat nang biglang tumutok ang spotlight sa isang bulto na biglang umkyat sa entablado.
Kumuyom ang kamao ko habang kita ko ang pagharap nito sa mga tao na siyang nagbigay ng pagkakataon sa lahat na makita kung sino siya. His posture scream power kaya alam na alam kong walang gustong bumangga rito.
Napangiti ako nang mapait malaki talaga ang pagbabago ng isang tao lalo na pagnakaroon muli ng kapangyarihan.
"Goodevening everyone, I want to thank you all for coming here. This day, is very special for me and for my family. I am now going to handle all the chains of companies we have at malaking responsibilidad 'yun para sa akin ngunit alam ko rin na this empire is the greatest treasure we have. And I would devote myself in making sure it will remain ours. And now that I am the new emperor, I would aim to conquer new victory and let this empire sail a new jouney towards are passion and success. My son and wife will be my motivation, they will stand by my side as we preserve this empire."
Nakita kong umakyat ang isang magandang babae kasama ang isang batang lalaki na nasa edad pito. Humarap sila sa mga tao and that made my heart ache as I can see them happy and complete.
Masaya sila, samantalang ako nandito nag-iisa.
Masaya sila, pero ako ito uti-unting nalulunod.
Masaya sila, pero ako walang ginawa kundi tumakas at pilitin makalimot.
At masaya sila oo masaya kahit alam nilang may taong nasasaktan.
"And with my strength I would make sure no one can bring this empire down."
Nakita kong yumakap ang bata sa ama nito, and it pains me kasi dapat nararanasan din ng anak ko ang gano'n, sana nakasama ko siya. Sana andito siya!
"Now, I won't make it long. I just want to thank my mom and dad for not giving up on me and for giving me opportunity to prove myself again. I promise I won't let you down."
Kita kong tumutok ang isa pang spotlight sa dalawang taong nasa bandang harapan nakapwesto. I can see them, those people who ruined everything. I can see them having the smile because finally they won.
"Dawn here's your drink." Kinuha ko ang wine glass na hawak nito at inisang lagok ang laman nito.
"Hey! Take it slow will you?" hindi ko mapigilan, masyadong nakakasikip ng dibdib, masyadong masakit para sa akin hindi ko alam ang hirap-hirap huminga kung alam mong nandito ka sa lugar kung saan nakikita mo ang mga taong ayaw mo makita.
"R-Restroom lang ako." Natameme ito pero hindi ko na hinintay ang mga sasabihin nito at basta ko na lamang ito nilampasan.
I can't breathe!
I can't stop my eyes from blurring,
I can't stop my heart from aching,
And I can't stop my mind from thinking.
Masyado na akong napuno. Nakita ko pa lamang ang ligayang natatamasa nila ay mas nakakaramdam ako ng pait at galit. I know I don't deserve it pero nanghihinayang ako.
That should be me! Pero alam kong imposible, imposibleng maging parte ako ng buhay na 'yun. Kahit ang anak ko mismo hindi natanggap ako pa kaya?
I am just a dirt, a dirty secret and I can't show myself.
Halos lakad-takbo ang ginawa ko makarating lang ng restroom pero sa aking pagmamadali ay hindi ko akalaing may mababangga ako. At nakita ko na lamang ang pagbagsak nito sa sahig kasama na ang hawak nitong mga gamit panglinis.
"Aray!" daing nito kaya agad na nilapitan ko ito at sa maliit nitong katawan ay nakaramdam ako ng konsensya.
"Okay ka lang ba bata? Pasensya kana ah." Nakayuko lamang ito habang hawak-hawak ang nasaktang pwet.
"Okay lang po ako, mawawala rin po ito." Napakurap ako samantalang bigla-bigla ay umangat ang mukha nito para harapin ako at tila sinuntok ang puso ko sa aking nakita, ang inosenteng mukha nito ay nababakasan ng lungkot, lungkot na nakilala ko kaagad.
Ang haba ng buhok nito at ang inosente ng mga mata nito at kng titingnan ay ang ganda nitong bata.
"Pasensya na rin po kayo hindi ako nakaiwas," agad na tumayo ito kahit medyo dumadaing pa at pinulot ang mga nalaglag nito. Kumunot ang noo ko sa aking nakita paano't nagtratrabho ito rito? Ang bata-bata pa nito.
"Bata nagtratrabaho ka rito?" Natigilan ito saka humarap muli sa akin and there I can see in his eyes the longing at may kumukurot sa puso ko sa aking nakita.
"Ahm hindi po tumulong lang ako sa mga tagalinis kasama ko po ang kakambal ko." Nabuntonghininga ako, sa batang edad nito ay nagagawa na nitong magtrabaho.
"May kakambal ka?" Tumango ito saka nakita ko ang lungkot sa mga mata nito.
"Sige po aalis na ako," nasasaktan ako sa sitwasyon nito. Siguro dahil sa namimiss ko ang anak ko, ang nag-iisa kong anak na alam kong hindi ko na makakapiling.
"Teka bata!" Napalingon ito sa akin kaya ngumiti ako at binigay ko rito ang panyo ko.
"Use this, kapag kailangan mo gamitin mo ito." Kita ko ang panlalaki ng mga mata nito at saka ang konting pagmuo ng luha sa mga mata nito pero agad din nito iyon pinunasan gamit ang palad saka inabot ang binibigay ko sa kaniya.
Tila naman nakaramdam ako ng saya kasi parang nakikita ko sarili ko sa kaniya and I am happy to give her some comfort.
"Salamat po," mahinang bulong nito at walang ano-ano'y tumakbo agad paalis kaya naiwan akong nakatingin lamang sa papalayo nitong pigura and smile, hoping she'll be okay.