-=Nathan's Point of View=- Sa wakas ay dumating na din ang pinakahihintay ko, unang araw ng klase, five am pa nga lang ay ginising na ako ni Elijah, mas mukha pa ngang excited ito sa akin. "Sigurado ka bang nasa bag mo na ang lahat ng kakailanganin mo?" pang pitong beses na nitong tanong sa akin. "Opo..... hindi ba nga chineck mo na din ang bag ko nang ilang beses?" natatawa ko na lang na sinabi dito, bigla naman itong napakamot ng uli. "Gusto ko lang kasing maging maayos ang unang araw mo sa school." nahihiya naman nitong paliwanag, kapag ganito si Elijah ay hindi ko talagang maiwasang panggigilan ito, ang cute cute kasi nito. "I know, and thank you...." ang sinabi ko dito, kasunod ay hinalikan ko ito sa labi ng banayad. "What was that for?" nakangiti naman nitong tanong. "Wala lan