-=Nathan's Point of View=- "Nang mabasa mo ba ang sulat ko ay may naramdaman ka bang kahit ano? Kahit na kaunting damdamin sa akin? Hanggang ngayon kasi ay mahal na mahal pa din kita. Akala ko nawala na iyon, pero nagkakamali pala ako." hindi ko ba alam kung tama bang ipinaalam ko pa dito ang nararamdaman ko dahil malaki ang chance na muli akong masaktan at hindi ko na alam kung makakabawi pa ba ako kapag nangyari iyon, pero gusto din malaman kung ano ba talaga ang nararamdaman nito sa akin. Ang tagal kong naghintay ng sagot nito, ngunit nanatili lang ako nakatingin sa akin, hindi ko nga alam kung magsasalita pa ito, hanggang sa ako na mismo ang unang sumuko, paalis na sana na ako nang magsimula na itong magsalita. "Nang mabasa ko ang sulat mo ay wala akong naramdaman , may naramdaman m