“Donita naman, hindi ba ang sabi ko, tatlong galon ng fresh milk ang bilhin mo? Bakit isa lang ang nandito? Hindi ka rin naka bili ng patatas!” Hindi ko napigilan magtaas bahagya ng boses nang ma check ko na ang mga plastic at ecobags na nasa kitchen counter.
Ako ang usually namimili ng mga supplies, pero bago kami umalis kahapon ay nagbilin na ako kay Donita, na syang pinaka batang kasamabay namin sa mansion na sya na ang mamili dahil siguradong tatanghaliin ako ng gising. I gave her a long list of what to buy.
Kita ko na napangiwi at apologetic na tumingin sa akin si Donita. She's only twenty years old. Isang taon na raw sya rito sa mansion at sabi ng mayordoma na si Rodora ay medyo pamali mali minsan si Donita. Pero mabait at masipag naman.
Ilang beses na syang nagkakamali pero wala naman ako balak na sesantihin sya o paalisin. She's good when it comes to house chores, medyo sumasablay lang talaga sa ibang utos katulad ng pag grocery. But I still give her the chance thinking na she will do better next time.
“Sorry senoyorita. Babalik na lang po ako sa grocery.” Akmang aalis na sya pero pinigilan ko sya.
“Hayaan mo na.” Inisip ko na lang na nalito sya sa haba ng listahan na binigay ko.
“Sorry po talaga.”
I sighed. “Sige na, bumalik ka na sa mga gagawin mo. Ako na mag aayos rito.” Mahinahon na ang boses na sabi ko.
Matipid syang ngumiti bago mabilis na umalis sa kusina.
I started putting the supplies into their respective storage area. Ilinagay ko naman sa freezer ang mga frozen goods with the help of another helper. Tatawagan ko na lang si Vaughn kung ano ang gusto nyang hapunan mamaya. We have our own personal chef, pero tuwing hapunan, as much as possible ay gusto ko na ako ang nagluluto or tutulong ako.
Naghugas ako ng kamay matapos kong mailagay na sa mga lalagyan ang mga supplies. Sumilip ako sa pool. Kasalukuyan iyon na linilinis dahil may mga dahon na nalaglag mula sa puno ng bayabas at kaimito. May nag suggest sa amin ni Vaughn na putulin na lang dahil nakaka pangit raw tingnan sa interior ng pool area pero ayaw namin.
Besides, namumunga ang mga puno. Sayang naman kung para lang naman sa itsura ng pool area ang icoconsider.
Dumiretso ako sa gym. Nag treadmill ako for thirty minutes tapos ilang minuto rin akong nag leg press at nag dumbbells. Mas ginaganahan ako buong araw kapag nag exercise ako. Syempre hindi ko naman kaya araw-araw, pero kapag kaya ko at wala akong ibang gagawin kagaya ngayon, I see to it na makakapag exercise ako.
Minsan nagjajogging rin ako kapag maaga ako nagigising. Masarap mag jogging rito sa village. Kahit madilim ay alam kong safe at kilala kami rito ni Vaughn. Naiikot ko ng isang ikutan ang buong village minsan. Minsan hanggang sa clubhouse lang tapos uuwi na ako.
Nagpupunas ako ng pawis nang mag ring ang cellphone ko. I can still remember when I was still a noob for an Iphone. Pero ngayon ay kabisado at sanay na ako.
Hubby Calling..
Hindi iyon sweet, it's actually sarcasm. And for everyone's amusement na rin once na nakita nila ang pag ring ng mga cellphones namin. Wifey naman ang pangalan ko sa cellphone nya.
“Ano?” Humihingal pa na tanong ko.
“May ginagawa ka ba?”
“Kakatapos ko lang mag exercise. Bakit ka napatawag?”
“An article about you just went up. I sent you the link. Check it out then call Stevie immediately how you want this handled.” There's urgency in his voice.
Oh. Kapag ganito ka tense si Vaughn ay malamang na may kung ano na namang paninira ang napost tungkol sa akin. Stevie is our PR specialist. Kailangan namin ng PR specialist dahil importante ang mga pangalan at reputasyon namin. And it's not easy if you have a billionaire husband.
Madalas ay si Stevie mismo ang tumatawag sa akin kapag may ganitong pangyayari, pero this time ay naunahan sya ni Vaughn.
I opened my email. Doon kami nag uusap ni Vaugh. May link nga sya na sinend.
Bumulaga sa akin ang itsura ko na masama ang tingin kay Shyra Young. I chuckled upon seeing the picture. Okay, hindi ko alam na may nakapag picture at nacapture ang pagmemake face ko sa likod ng bruha na iyon. Kasama sa picture na wagas maka ngiti si Shyra habang kausap si Vaughn.
Binasa ko ang article. Lalo akong natawa. Siguradong binayaran ni Shyra o inutusan nya kung sino man ang nagsulat noon para gawin ang article. The article says na insecure ako kay Shyra at selosa ako na wala sa hulog kahit na magkaibigan lang talaga sila ni Vaughn.
Gaga talaga 'yung babae na 'yon!
Akala nya ba papatalo ako sa ka-cheapan nya? Huh.
I dialled Stevie's number. Hinihintay nya na lang raw pala ang tawag ko dahil nag usap na sila ni Vaughn. I told him to call someone at kuhaan ng statement tungkol sa pagka obsessed ni Shyra kay Vaughn.
Let's see kung may mukha pang ihaharap ang babae na iyon sa madla.
This happened three times now. The first two articles are more subtle. Simpleng paninira na kesyo may sinigawan raw ako sa mall, at 'yung isa naman daw ay may sinampal raw ako ng pera. It's ridiculous. Kaya hinayaan ko na kahit na alam kong si Shyra ang may pakana. It's a pathetic move. Gusto nyang masira ang maganda kong image.
Pero dahil talagang sinasagad nya na ako, kahit naaawa ako sa parents nya na balita ko ay mag a-announce na ng bankruptcy next week, wala akong magagawa. Tao lang ako, nababadtrip rin.
Marami kaming writers, journalists and iba pang media entities in our pockets. Siguradong alam na ni Stevie paano paaandarin ang story na makukuha nya.
Maganda ang panahon kaya nang makapagpahinga na ako ay nagbabad ako sa swimming pool. Nagpapadala na lang ako ng snacks sa mga kasambahay.
Umahon lang ako nang sabihin nila na luto na ang lunch.
Minsan nakakaramdam ako ng lungkot seeing as how I am eating alone in a twelve seater dining table. May sariling kainan ang mga kasambahay at tamang oras ang pagkain nila once na maayos na nila ang kakainin ko. Marami akong nakain sa sobrang pag iisip.
Bumalik ako sa kwarto naming mag asawa pagkatapos kong kumain at magpasalamat sa chef.
Nag linis ako. Bihira lang kami magpapasok ng kasambahay sa kwarto namin. Hindi sa wala kaming tiwala, we just think na medyo personal ang kwarto namin. Ganoon rin naman si Vaughn even before we got married.
Tinawagan ko si Vaughn para tanungin kung ano ang gusto nyang hapunan. Kapag hindi sya nagoovertime ay pasado alas sais ay nasa bahay na sya.
“I feel like having dinner outside. Susunduin na lang kita around seven. Alright?” Imbes ay sabi nya.
“Okay, noted.” Sang ayon ko naman agad.