Three.

1154 Words
I rolled my eyeballs when I saw where we are heading to eat. I should have known since pumasok kami ng BGC. “Seryoso ka ba?” Inis na tanong ko kay Vaughn. “Please? I miss eating here. Ikaw na lang lagi nasusunod.” Parang bata na napanguso sya. Gusto kong matawa. Tama naman sya, ever since we got married, or even before that ay ako na ang 'madalas' na nasusunod. Hindi lagi, dahil pinagbibigyan ko naman sya minsan. Pero the last few weeks ay ako ang nasusunod kung saan kami magdidinner. Nag reresearch ako kung saan masarap. Kailangan rin namin magpakita sa mga tao kaya once ot twice a week ay sa labas kami kumakain. I sighed. Nag iisip pa rin ako. “Pwede naman tayo dumiretso sa Jollibee after this. Please?” Sabi nya pa. Liningon ko sya. Nagkamot ako ng kilay bago ako nagsalita. “Fine. Pero mamaya ha? Sa Jollibee.” Paninigurado ko. Favorite na kainan ni Vaughn ang Gallery Vask sa BGC. Okay, masasarap naman talaga ang pagkain. Noong unang isinama nya ako rito, medyo naloka ako. Ang mahal ng pagkain tapos ang liliit ng portion. Umuwi kami na sobrang bitin ako. Noong nakatulog na si Vaughn, nag utos ako kay Donita na bumili ng pagkain sa Jollibee. Nalaman ni Vaughn iyon, kaya noong pagpunta namin ulit, marami na syang inorder. Pero bitin pa rin. Kaya pinadaan ko sya sa drive thru ng Jollibee after. Hindi kami pwedeng makipagsiksikan at kumain sa Jollibee mismo dahil overdressed kami at siguradong pagtitinginan kami. And we wouldn’t like that kind of attention. Malamang may magpicture sa amin at may umikot na online article that will make us look like we’re begging for attention. We went in. Kakilala ni Vaugh ang chef at may ari ng lugar. Naging magkaibigan na sila since Vaughn likes it here. Binati nya kami at kinamusta. Wala naman akong masabi sa serbisyo at sa lasa ng pagkain pero hindi lang ako sanay sa maliit na serving. Pero syempre ay hindi iyon pwede malaman ng iba. Parang bata na maganang kumain si Vaughn. The fifteen-course meal is satisfying when it comes to the taste. Pero hinahanap pa rin ng panlasa ko ang pagkain na kinasanayan ko. Vaughn talked to the chef as I waited for him outside. Gaya ng promise nya, dumaan kami sa Jollibee drive thru. Large French fries at isang yum burger ang inorder ko. Kumakain ako habang nagdadrive si Vaughn pauwi. Pasipol sipol pa sya habang nagdadrive, mukhang satisfied naman sya ngayong gabi. “So bukas. Ano dadalhin natin?” Sunday bukas, every Sunday night ay nagdidinner kami sa ancestral house nila sa Alabang kung saan nakatira ang grandparents ni Vaughn. Daratig rin ang parents ni Vaughn na sa Tagaytay naman nakatira. Doon rin nakatira ang Tita ni Vaughn na si Rosanna sa Alabang. “I don't know. Wine?” Nakangiwi na tanong nya, pero focus pa rin sa pagda drive. I sighed. “Palagi na lang wine.” “Well, they love the wine we bring.” Kibit balikat na sabi nya. “Bahala na,” Sabi ko na lang rin as I finish my burger. I helped Vaughn take his suit off nang makarating na kami sa kwarto. Quarter to ten na kami nakauwi. “Gusto mo ng massage?” Nakangiting tanong ko. Tumaas ang kilay ni Vaughn. I still swoon at his gorgeousness every damn time pero hindi ko pinapahalata. Bakit pa, eh asawa ko naman na sya. And he hates being complemented. Pakiramdam daw nya naiinsulto lang sya. “Anong nakain mo?” Tumawa ako. “Jollibee.” He pursed his lips na parang nag iisip pa sya. “Okay.” Then he grinned. I got the baby oil tapos dumapa na sa kama si Vaughn. I licked my lower lip. Aminado naman ako na talagang pinagnanasahan ko ng palihim si Vaughn. Hello! Sinong hindi? Matangos na ilong, deep set of brown eyes, prominent jaws. Makapal ang kilay, tapos super kissable lips! Idagdag mo pa na ang sexy nya. Alaga sa katawan. Syempre nakita ko na syang hubad pero kunwari wala lang. Kunwari hindi ako nag init. Over my dead body bago ako umamin. Okay na kami sa ganito ni Vaughn, ayaw kong malaman nya na naaapektuhan ako sa kanya. He was moaning and groaning whenever I hit the right spot on his back. Gusto ko syang sabunutan sa inis, eh. Pero hinayaan ko na lang. Hindi nya naman alam na naaapektuhan ako. “Anyway, may balita na ba sa Destileria Calderon?” Maya maya ay tanong ko sa kanya. “Ohh. Kaya mo ba ako minamasahe?” Natatawa na tanong nya. “Maybe,” I said playfully. He chuckled, “Don't worry. It's only a matter of time.” Confident na sabi nya. And I know he means it. Vaughn might look like he's approachable and your Mr. Nice Guy, but when it comes to business, he can be shrewd and ruthless. And I like him like that. Lihim akong napangiti. “I know you won't let me down.” “You know I won't. Just let me do my thing, honey.” I bit my lower lip. Kinikilig ako tuwing tinatawag nya akong 'Honey' kapag kami lang. Kapag kaharap kasi namin ang ibang tao, we all know it's for the show. Pero kapag kami lang, I think it's sincere. Wala kaming audience, so it means he called me using an endearment on his own. Maya maya lang ay mahina na syang humihilik. Palagi naman syang nakakatulog kapag minamasahe ko sya. At sinasabi nya na masarap ang tulog nya palagi. Well, good. Hindi naman ako nag training noon magmasahe para sa wala. Ibinaba ko ang suot nyang t-shirt. Naghugas ako ng kamay at naghanda na rin matulog. Kinailangan ko pang gisingin si Vaughn the next morning. Natawa na lang sya nang sabihin ko ang oras. “Magpa hatid ka na lang sa office before five para doon na tayo manggagaling papunta sa Alabang.” Bilin nya habang inaayos ko ang necktie nya. Gustog gusto ko talaga ang amoy nya na humahalo sa cologne nya. Medyo tumutubo na ang bigote nya. I'll tell him to shave tomorrow. “Okay. Dadaan na muna ako sa Glorietta. Dadalhan pa ba kita ng damit? Or may spare ka na sa closet mo?” I softly tapped his chest which means tapos ko na ang pag aayos ng necktie nya. “It's fine. Mayroon na akong spare. Anong bibilhin mo?” “Cake na lang siguro.” “Alright. See you later.” He pulled me in and gave me a peck on my cheek. I was left stunned as he walked out the door. Napalunok ako at napa kurap ng ilang beses. Where did it come from? Hindi naman nya ako hinahalikan bago sya umalis. O sobrang nasayahan lang sya sa pagmasahe ko kagabi? Either way, I am not complaining. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD