Thirteen.

1368 Words
Napatitig ako sa queen size bed na nasa harap ko. Kung anu-ano bigla ang naisip ko, naalala ko rin bigla ang pagyakap ni Vaughn sa akin two nights ago. “Do you like it here?” Mula sa likod ko ay narinig ko na nagsalita si Vaughn. Binubuksan nya na ang unang dalawang butones ng polo nya. He walked straight to the glass walls overlooking the city of the hotel room that we were in. Lumapit ako at tumayo sa tabi nya. “I do, maganda dito.”  Sandali kaming tahimik, nakatingin lang kami sa view at parang relaxed na relaxed kami. “I'm hungry. Let's go?” Maya maya ay sabi nya. Tumango ako, pero nagulat na lang ako dahil bigla nya akong inakbayan at hinila palapit lalo sa kanya. I immediately felt his body warmth and inhaled his musky scent. Para akong biglang nalunod. Hindi ako nakapag react, sumabay na lang ako sa paglalakad nya. We went out of our room na naka akbay pa rin sa akin si Vaughn. Ramdam ko na gumapang na ang init sa katawan ko. I am not used to this. I mean, we are touchy pero sa harap lang talaga ng ibang tao. Whenever we do it, I don't feel weird out dahil may audience, may defense ako na kailangan talaga iyon. But whenever we are alone like this, naguguluhan ako, eh. I like having physical contact with Vaughn, that's a fact, but I hate that I like it.  Narating namin ang restaurant ng hotel na naka akbay pa rin sa akin si Vaughn. I learned to act cool about it. Mag-asawa naman talaga kami, so why not? I should stop feeling weird about it. Bahala na. Gusto ko naman rin, eh. I ordered a steak. Ginutom ako dahil kaunti lang ang kinain ko kaninang bago kami umalis. Na delay and flight namin ng isang oras, but we managed. Nag kwentuhan lang kaming dalawa ni Vaughn. He asked me a few things about the house and randon stuff. “Vaughn? Oh, it's really you!” Palabas na kami ng restaurant ng may dalawang babaeng lumapit sa amin habang papasok naman sila. Naka abrisiyete ako kay Vaughn. Everyone's looking, so we need to look cozy.  Hindi na ako nagulat nang makipag beso sila kay Vaughn, pero nagulat ako nang kausapin rin ako ng babae. “Sasa, you're looking good!” Tiningnan nya ako mula ulo hanggang paa na nakangiti. I forced a smile. “Ah, t-thanks,” Itinago  ko ang kaba at pagtataka. Humigpit ang kapit ko kay Vaughn. Pasimple kong tinitigan ang mukha ng babae. Baka nakaligtaan ko lang sya kaya hindi ko sya makilala but damn it. I don’t know her at all! Humigpit ang hawak ko sa braso ni Vaughn. Bigla ay para akong nanghina at kinabahan. “So, what are you guys doing here in Cebu? Extended honeymoon?” May pang-aasar na nakangiti na sabi pa ng babae. She’s the same height as me; pero pixie cut ang light brown nyang buhok. Wala syang make up aside from a brown lipstick and a winged eye-liner. She’s wearing brown slacks, naka tuck in ang puting sheer blouse nya at naka sampay sa braso nya ang ternong coat ng slacks nya. She looks decent, pero hindi ko talaga matandaan ang babaeng ‘to. “No, Mina. We’re here for business and a little pleasure.” Si Vaughn ang sumagot. Hindi ko alam kung ramdam nya na tense ako pero hindi na lang ako magsasalita kung hindi kailangan. ‘Mina’ as what Vaughn called her, giggled. “I see. We should catch up, especially you, Sasa.” Makahulugan nya akong tiningnan pero nakangiti sya. “I just opened an Italian restaurant a few blocks from here. Dinner’s on me. Deal?” Tiningnan ako ni Vaughn na parang tinatanong kung ano ang gusto ko. I panicked when Mina also looked at me. “Uhm..” Ang tanging nasagot ko. “C’mon, Sasa! Just like the old times, hmm?” Mina said again. “I didn’t know you two we’re close?” Bahagyang nagsalubong ang kilay ni Vaughn. She gasped. Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Mina na tumingin sa akin. “You didn’t tell your husband? Sasa, ano ka ba!” And then she giggled. “This is why we should catch up. C’mon, you guys can grace my new business later.” “Alright, we’ll be there.” Biglang sagot ni Vaughn. I couldn’t read his reaction. Hindi na sya ulit lumingon sa akin dahil naka focus lang sya kay Mina. Parang may kung anong bumara sa lalamunan ko. Holy hell. Hindi ko naman masabi sa kanya na we shouldn’t dahil hindi ko matandaan si ‘Mina’ kaya siguro ay magdadahilan na lang kami mamaya. “Good! My restaurant’s name is La Regina. It’s just two blocks from here to the North. You can come at around seven.” Enthusiastic na sabi nya. Tumango si Vaughn. “Alright, Mina. We’ll see you.” Tumango rin si Mina. “See you both.” Wala na sa paningin namin si Mina nang huminga ako ng malalim. “I don’t remember her, Vaughn. We shouldn’t go.” Mariin na sabi ko nang nasa elevator na kami pabalik sa suite naming dalawa. “Her brother’s my classmate in college. She’s Mina Balboa. We’re in talking terms but I didn’t know about you, two.” Umiling iling ako. Pinagpapawisan na ako ng malamig. “s**t, Vaughn. Hindi ko sya kilala. What do we do?” I bit my lower lip. Para akong nahihilo na ewan sa pag-iisip. Inakbayan ako ni Vaughn at pinisil nya ang balikat ko. “Calm down. Let’s just be careful later.” “I can’t. Paano kung magkamali ako? Vaughn I don’t like this feeling. Babalik na lang ako sa Manila. You can just tell her na may emergency.” Nanginginig na sabi ko. Hindi sumagot si Vaughn. The elevator doors opened at inakay nya ako pabalik sa suite naming dalawa. Hindi nya ako binitiwan. Pinaupo nya ako sa sofa at umupo sya sa tabi ko. “I know you’re scared, butwhat scares me the most is kapag nagkasalubong kayo ulit sa Manila na wala ako. It’ll be harder for you when it happens. At least, this time, we can control the situation.” Seryosong seryoso ang mukha na sabi ni Vaughn. Malakas pa rin ang kabog ng dibdib ko. “Pero Vaughn..” He pulled my hand and squeezed it. “I’m here. You can call me in my cell and I can say na may emergency if we needed to leave.” Nagawa ko na lang tumango kahit na ayoko sana talaga. I trust Vaughn pero ayoko talaga na dahil sa pagiging careless ko ay masira ang lahat ng ito. I wouldn’t know what to do later, honestly. We went out after I calmed down a little. Tatlong resorts and pinuntahan namin and the whole time ay tuliro ako. Vaughn knew I was still not okay with the idea of having dinner with Mina whom I don’t really know kaya hinayaan nya na lang ako. We went back to the hotel past six in the evening. We still have a few minutes before kami pumunta sa La Regina. I looked it up on the internet. Around two weeks ago ay may mga articles na posted about La Regina’s opening. So technically ay nasa soft opening stage pa lang ang resto but with the way it was described, usually ay maeexcite ako. Pero kabaliktaran ang nangyayari. Naramdaman ko na lang na hinawakan ako ni Angelo sa dalawang balikat ko habang nasa harap ko sya. Nagpalit kami into our casual clothes. Naka pink blouse at peach skirt lang ako while Vaughn’s sporting a white v-neck shirt and a jeans. Plain lang ang porma nya pero iba pa rin ang dating nya. “Ready?” Tumango na lang ako. Nandito naman na. Wala na ako magagawa. May point si Vaughn. Anong mangyayari sa akin kung sa Manila kami ulit mag meet ni Mina? I’d look like a food. The driver already knew where to take us. Sobrang lapit lang ng restaurant mula sa hotel. Mina welcomed us the moment we stepped inside.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD