Twelve.

1295 Words
“Hi Abi! Nasa meeting ba si Vaughn? He's not answering his cellphone.” I've been calling Vaughn for three times now at hindi sya sumasagot. Kahit nasa meeting sya ay sinasagot nya basta tawag ko kaya nagtataka ako kung ano ang dahilan bakit hindi sya makasagot. “Hi Mrs. Arciega. Mr. Arciega asked me to charge his phone for him as he forgot to do so. He's currently in the boardroom. Do you want me to inform him?”  Napabuga ako ng hangin. Pambihira. “No, it's fine. Just tell him na tawagan ako pagkatapos. Thanks, Abi! You're the best.” Masiglang sabi ko. I heard her chuckle. “Thanks, Ma'am.” Nag work out ako habang hinihintay ang tawag ni Vaughn. Tinanong ako ni Donita kung anong oras kami pupunta ng grocery mamaya dahil ipapahanda nya na raw ang sasakayn. I told her na mamayang hapon na. Wala pa akong gana lumabas sa katanghaliang tapat. Papunta na ako sa dining hall para kumain ng lunch nang tumawag na sa wakas si Vaughn. “Hey, is everything okay? I'm sorry, lowbat ang cellphone ko kanina kaya hindi ko nasagot tawag mo. But Abi informed me to call you right away.” Halos hindi ko na masyado maintindihan ang sinabi ni Vaughn sa bilis ng paliwanag nya. “Okay lang, ano ka ba?” Natatawa na sabi ko. “Itatanong ko lang sana kung tuloy ba tayo sa Sabado sa Cebu? Magsisimula na kasi akong mag pack kung sakali.” Thursday na ngayon at ayoko na gahulin sa oras mag pack ng mga gamit namin. Although isang araw lang naman kami, bibisitahin lang namin ang pinapagawang resort ni Vaughn doon. It's not totally his alone, bale tatlo silang may ari at ang sabi kasi ay in two months ay bubuksan na. “Nasa schedule ko na 'yon, but let me call August to confirm.” “Ah, okay. Text mo na lang ako if ever. Maaga ka ba uuwi?” “Yes, sabay na tayo mag dinner. Alright?” “Yes, boss. See you later.” Binilisan ko na lang mag grocery dahil ayoko mag rush mag luto ng dinner namin ni Vaughn. Wala naman syang particular na sinabi na gusto nya kainin kaya nag fish fillet na lang ako. Paborito kong gawing fish fillet ang cream dorry. Hindi kami nawawalan ng supply dito para kapag nag crave ako ay mayroon. Gumawa ako ng white sauce from scratch na pinanuod ko sa youtube ang pag gawa. Pero alas siete na at wala pa rin si Vaughn. Nakapangalumbaba na ako sa dining table, sobrang lamig na rin ng niluto ko at ng kanin pero ni text o tawag ay wala. I tried calling him pero unattended naman sya. Napabuntong hininga na lang ako. I waited until eight, tapos kumain na ako mag isa dahil gutom na ako. I called Abigail and asked her kung anong oras umalis si Vaughn sa opisina and she told me na alas kwatro pa lang ay umalis na sya. So I don't know where he went, or when is he going home. Nagbabad na lang ako sa laptop at nanuod ng movie. Pasado alas onse na at wala pa rin si Vaughn. Okay, medyo naiinis na ako. Okay lang naman na late sya umuwi, kahit na naghintay ako. Basta magsasabi sya. This is the first time this happened. Nainis ako bigla. Alam ko naman na walang mangyayaring masama sa kanya since he has his security details pero hindi ako mapakali. I hate feeling this way. Natulog na lang ako. Bahala si Vaughn sa buhay nya. Naalimpungatan ako nang maramdaman ko na may dumagan sa akin. Nakabukas ang lampshade sa side ko kaya hindi naman ako nag panic dahil sa Vaughn pala. Nasa likod ko sya at nakayakap sya sa akin. I froze when I realize our position. Ramdam na ramdam ko ang init ng katawan nya sa likod ko. His hard chest felt like a wall at my back. Mahigpit ang braso nya sa bewang ko. I swallowed as my heart became to get erratic. “V-Vaughn?” I called. Gumalaw ako para humarap sa kanya pero humigpit ang kamay nya. Bahagya lang akong nakagalaw. Doon ko naamoy ang amoy ng alak. Uminom sya! “Vaughn!” Mas malakas na tawag ko. He just groaned in response. Iniinda ko na lang ang lakas ng t***k ng dibdib ko. Hindi ako mapakali. Nakayakap sa akin si Vaughn and while I like the feeling... ewan ko kung ano ang dapat kong maramdaman. Or maybe it's just because he's drunk? Yeah, tama. He looked drunk.  I saw his clothes on the floor, as well as his shoes and socks. Nanlaki ang mga mata ko. So naka brief lang sya ngayon? Mabilis na kumalat ang init sa katawan ko. Holy hell! Halos hubad pala si Vaughn sa likod ko. Anong gagawin ko? I tried to release myself from his grip pero para syang nagigising kapag nagtatangka akong umalis. Isinisiksik nya pa ang mukha nya sa batok ko kaya nakikiliti ako. Ang ending, hindi na ako nakabalik sa pagtulog. Umaga na nang umiba ng posisyon si Vaughn kaya sya na ang kusang kumalas sa akin. Doon lang ako nakahinga ng maluwag. Unti unti kong ipinikit ang mata ko. Bahala na, gusto ko matulog. Ang mga katulong na lang ang bahala sa agahan ni Vaughn. Pasado alas onse na ako nagising. Late na raw nagising si Vaughn sabi ng mga katulong at hindi na kumain ng agahan. Nag bilin na lang na tumawag raw ako kapag nagising na ako. Kumain muna ako ng brunch, then I called him. “Hi. Medyo kakagising ko lang.” Siniglahan ko ang boses ko. Kunwari walang awkward moment na nangyari kagabi. And he might not even remember it since he seemed drunk or something. “Hey. Kumain ka na ba?” Mahina ang boses nya na parang may iniinda syang sakit. “Yes. Ikaw?” “Hindi pa, wala akong gana. I have a hangover.” Kaya naman pala. “May meetings ka ba today? Sana hindi ka na muna pumasok.” I was just saying that pero okay na okay for me na pumasok sya. Baka magtaka lang sya sa weird na magiging way ko ng pakikitungo sa kanya kung sakali. “It's okay. I wanted to apologize about last night. August requested na magkita kami and one shot led to another. I was about to call you but my phone's been acting up. I just asked Abi to buy me a new one.” Ramdam ko naman na apologetic sya, eh. Pero mag aapologize ba sya sa pang yayakap nya kagabi? I mean, not that I didn't like it. Pero wala sa 'usapan' iyon, eh. Hmmmm. “O-okay lang.” I cleared my throat dahil parang may naka bara. “Babawi ako. I promise maaga ako uuwi later.” “May.. gusto ka bang particular na kainin?” “What did you cook last night? Can you cook that again later?” “Fish fillet. Sure. See you later.” Nakaramdam ako ng goosebumps sa batok ko and I don't know what it is. Kausap ko lang naman si Vaughn. Alas sais daw ay nasa bahay na si Vaughn ayon sa kanya so alas singko ay nag ready na ako mag luto. Ganado ako na mas sarapan pa ang ginagawa ko. I don't know, I feel like I have to make Vaughn realized what he missed last night. Iniiling ko na lang ang ulo ko kapag naaalala ko 'yung pag yakap nya sa akin sa kama last night. Wala namang malisya 'yun. He's just drunk. But why do I feel a little disappointed knowing he did that just because he's drunk? Parang.. Hindi ba pwedeng kasi gusto nyang gawin?  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD