Chapter 03

2050 Words
MATAMIS na ngumiti si Bella sa kaniyang Uncle Uno nang makita itong bihis na bihis nang umagang iyon at tila ba paalis. “Mukhang may lakad ang napakaguwapo kong Uncle Uno,” wika pa niya na lumapit pa rito at iniangkla ang kaniyang mga kamay sa braso nito. Animo nandidiri naman na pinalis ni Uno ang kaniyang mga kamay sa braso nito. “Bella, tantanan mo ako ngayon. And no, hindi kita puwedeng isama sa pupuntahan ko.” “Saan ka ba pupunta? Bakit ayaw mo akong isama? Magpapakabait ako, Uncle Uno.” “Kung wala kang magawa, isama mo si Aniah. Mamasyal kayo.” “Pupunta ka sa UHB Leisure Club, ‘no?” panghuhula pa niya. “No.” “No? Then, sasama ako sa iyo.” “No way. Panggulo ka lang sa pupuntahan ko.” “Makikipag-date ka?” “Ng ganito kaaga?” “Ayaw mo talaga akong isama, Uncle? Bagong ligo na ako. Maganda rin naman ang suot ko. Fit lang ito sa lakad mo.” Nang makarating sa malawak na garahe kung saan nakaparada ang mamahaling sports car ni Uno ay bumaling pa sa kaniya ng tingin ang binata. “Bella—” Nag-puppy eyes siya rito. “Ang damot.” Marahas na bumuntong-hininga si Uno. “Okay. Get in. Siguraduhin mo lang na hindi mo ako bibigyan ng sakit ng ulo. Maliwanag ba?” Ganoon na lamang ang pagngiti niya nang matamis sa kaniyang Tiyuhin. “Magpapakabait ako, Uncle Uno.” Napapalatak pa si Uno nang ipagbukas siya nito ng pinto sa may passenger side ng kotse nito. “Bakit hindi mo kasama sina Uncle Dos at Tres?” hindi napigilang usisa ni Bella nang makasakay na rin ang kaniyang Tiyuhin sa may driver seat. “Malalaki na sila. May kani-kaniya na kaming buhay, Bella.” “Pero sa kalokohan, palaging sama-sama?” “One for all. All for one.” “Diyan kayo magagaling,” napapailing na wika niya. “Uncle, kailan kayo titino?” “Boring kapag matino masyado, Bella,” ani Uno na nagsimula na ring magmaneho ng kotse nito. “Boring?” ulit niya. Napaisip tuloy siya. Ibig ba niyong sabihin ay boring siya? “So, boring ako?” Napatawa si Uno. “Depende kung aminado ka.” “Uncle!” she hissed. “What? Bakit affected ka? Tinamaan ka ba? Puwes, hindi ko na kasalanan ‘yon.” She rolled her eyes. “Kaya walang love life, eh. Paano ka pagpapalain kung ganiyan ka?” “Bella, hindi ako natatakot kung wala man akong love life.” Totoo naman iyon. Para ngang mas gusto pa nito na manatiling single. Habang ang kaniyang Kuya Prince, masaya na sa love life niyon sa Davao. Masaya siya para kay Maddi at Prince. Deserve naman ng dalawang iyon ang isa’t isa. Makaraan ang ilang sandali ay natigilan pa si Bella nang makita ang tapat ng bahay na hinintuan ng kotse ni Uno. Napakurap-kurap pa siya nang mapagtanto kung saan ang bahay na iyon. Tiyak niya, iyon ang bahay kung saan lumabas ang magarang sasakyan ni Geo Ladjasali noong minsang mag-jogging siya. “U-uncle, ano’ng ginagawa natin dito?” “May kakausapin ako. Bakit?” Puwede bang manatili na lamang siya sa loob ng kotse ng kaniyang Tiyuhin? Paano kung nasa loob ng bahay na iyon si Geo? “Baba na.” Umiling siya. “Hindi na. Dito na lang ako.” “Bella. Alam mo naman ang bilin ng mommy at daddy mo, ‘di ba? Bawal bawal mag-stay sa loob ng kotse.” Nang maisip kung bakit bawal mag-stay sa loob ng kotse ay napilitan si Bella na bumaba na lamang ng sasakyan. “Uncle, dito na lang ako sa labas. Hihintayin kita rito.” Kumunot ang noo ni Uno. “Bakit? Mainit dito sa labas.” “Sisilong ako sa puno na ‘yon,” aniya na lumapit pa sa may puno na nasa malapit lang sa kinapaparadahan ng kotse ni Uno. “Dito lang ako.” “Baka matagalan ako sa loob.” “Eh, ‘di maglalakad na lang ako pauwi kapag napagod ako katatayo rito.” “Sinabi na kasi na ‘wag ng sumama.” “Sige na. Ako na ang bahala sa sarili ko. Malay mo, Uncle Uno, masilayan ko rito sa kalye si Daizuke Ni—Aray!” she hissed. Pisilin ba naman ni Uno ang kaniyang ilong. “Uncle!” reklamo niya. “Puro ka Daizuke. Gising,” naiiling pa nitong wika bago siya iwan sa labas ng bakuran ng mansiyon na iyon. “Ayaw mo ba talagang pumasok sa loob?” Umiling siya. “Dito lang ako.” “Fine. Desisyon mo ‘yan. Diyan ka lang at ‘wag aalis,” bilin pa ni Uno bago ito tuluyang pumasok sa maliit na gate na binuksan ng isang security guard buhat sa loob ng mansiyon. Isang magarang mansiyon. Naiwang naghihimutok si Bella. Ang balak sana niya ay iiwan na niya roon ang kaniyang Tiyuhin. “Kasalanan mo, Bella,” aniya sa kaniyang sarili. “Sama pa kasi.” Marahas siyang bumuntong-hininga. Daig pa niya ang batang paslit na iniwan ng magulang sa isang tabi at pinangakuan na babalik kaya huwag na huwag siya roong aalis. Ilang sandali na siyang nakatayo roon sa labas nang mapakislot pa siya sa tinig na narinig buhat sa may likuran niya. “Hey.” Nang lumingon si Bella ay sandali pa siyang natigilan nang makita na naman ang pagmumukha ni Geo. At nang makabawi ay agad siyang nagbawi ng tingin. Speaking of a devil, aniya sa kaniyang isipan. “Nawiwili ka yata rito?” patuloy pa nito. Kunwari ay walang naririnig si Bella. “Huwag mong sabihin na stalker kita?” Sa punto na iyon ay ipinasya na niyang pumihit paharap kay Geo Ladjasali na animo poste sa kaniyang harapan ngayon dahil sa tangkad nito. “Ikaw, i-stalk ko?” hindi niya napigilang sabihin. “For what? Mukha ka bang ka-stalk-stalk?” Okay, rude na naman siya. Patawarin sana siya ng Panginoon. Sa isip ay nag-sign of the cross pa siya. Si Geo naman ang nagsimula at hindi siya. Nananahimik siya roon nang lapitan siya nito. Tumiim ang labi ng binata. Iyong hitsura ni Geo, para bang gusto na siyang ihagis. “Then, what are you doing here?” Mapakla niya itong nginitian. “Don’t worry, hindi ikaw ang dahilan.” “Tss. Baka naman kunwari ka pang hindi ako kilala. But deep inside, you know me.” Oo na. Kilala na kita ngayon, Geo Ladjasali. So what? You’re still arrogant for me. Hindi ka papasa sa taste ko. Mabuti na lamang at hindi ka UHB Member, aniya sa kaniyang isipan. “Big deal ba masyado kung hindi kita kilala?” sabi na lamang niya. “Hindi ka naman sikat para ma-notice ng lahat ng tao. Ni hindi ka nga UHB member, eh,” ani Bella na tinaasan pa ito ng kaniyang isang kilay. “Alam mo, ang mabuti pa, pumunta ka na sa pupuntahan mo. Para naman mawala ang pangit na nakikita ko sa harapan ko.” Lalong tumiim ang mga labi ni Geo sa kaniyang sinabi. “Pangit?” sarkastiko pa nitong sabi. “Huh! Hindi ka lang bastos. Mukhang malabo na ‘yang mga mata mo. Gusto mo bang samahan pa kitang magpa-check-up sa eye center? Don’t worry, ako na rin ang gagastos. Ang mga kabataan talaga ngayon, lumalaki na ring paurong. Kawawa naman ang mga magulang mo.” “Mas kawawa ang magulang mo sa iyo,” aniya na hindi nagpaapekto sa sinabi nito. Ikinumpas niya ang isang kamay para patigilin ito sa akmang pagsasalita nito. “Enough. Ayaw ko ng makakarinig ng kahit na ano pa mula sa iyo,” aniya na tinalikuran na ito. But deep inside, kumakabog ang dibdib niya dahil sa pinaghalong kaba at inis. Paano kung maabutan pa ito roon ng kaniyang Uncle Uno? Huminga naman nang malalim si Geo para pigilin ang namuong inis lalo sa kaniya. “Bakit hindi ka na lang umuwi? Lalo mo lang pinatutunayan ang pagiging stalker mo. Tss. Siguradong pati ang paglapit mo sa akin sa Leisure Club ay nakaplano sa iyo.” “Pardon?” maang niyang baling dito. “Bakit naman kita pag-aaksayahan ng oras? Ni hindi nga kita kilala. At ‘yong sa Leisure Club, nagkataon lang ‘yon. ‘Wag kang assuming.” “Kapatid lang naman ako ni Jamil. Siguradong kilala mo ang bunso kong kapatid.” Kahit alam niya, hindi pa rin siya aamin na kilala na niya ito. “Kaso, kahit kanino ka pang kapatid na UHB Men, sorry, hindi pa rin kita kilala. Kaya ‘wag mo ng pangarapin na lahat ng tao sa mundo, kilala ka. At para matigil ka sa kakailusyon mo na ini-stalk kita, fine. I’ll leave. Napaka-assuming mo, eh. Akala mo naman ubod ng guwapo. Ni hindi ka nga makapasa sa taste ko,” pang-aasar pa niya rito bago naglakad palayo at tuluyan itong iniwan. Mariin pang napapikit si Bella. Naglakad tuloy siya ng wala talaga sa oras. “Pambihira ka, Geo Ladjasali. Malapit ng kumulo ang dugo ko at mag-init ang bunbunan ko dahil sa iyo” Hindi na nga talaga yata siya matutuwa na makita ang lalaki na iyon na wala rin yatang gagawing maganda sa harapan niya. Ganoon din ba ito kainis sa kaniya kaya naman pinapatulan siya? “Whatever,” inis niyang bulong. KUNG BAKIT NAGPUPUYOS LALO ang pakiramdam ni Geo nang layasan siya ng babaeng iyon. Kuhang-kuha talaga nito ang kaniyang inis. Palibhasa, ito lamang ang nangahas na gawin iyon sa kaniya. “That brat,” mariin pa niyang wika habang tinatanaw ng tingin ang papalayong babae. Bakit ba ito nasa labas ng bahay ng kaniyang lolo’t lola sa kaniyang father side? For what? Hindi nga ba para i-stalk siya? Baka naman over assuming ka lang, Geo, anang isip niya sa kaniya. Huminga siya nang malalim at naglakad na rin papasok sa loob ng gate ng bahay na iyon. Hinayaan niya ang kaniyang kotse na nasa labas lang ng bakuran at paalis din naman siya mamaya. Nang makapasok sa mansiyon ay ang malawak na salas agad ang bumungad sa kaniya. Natigilan pa siya nang makitang may bisita ang kaniyang kapatid na si Jamil na naroon ng mga sandaling iyon. Pero may kausap ito, isa sa Montejero’s Triplets na hindi na niya aalamin kung sino. “Ang aga naman ng meeting ninyo,” aniya sa dalawa nang lapitan ang mga ito sa salas. “May importante lang kaming pinag-uusapan ni Uno,” ani Jamil sa kaniya. “May nakalimutan ka?” “Hmm,” aniya na iniwan na muna ang kaniyang kapatid at ang bisita nito. Malapit na siya sa may grand staircase nang mapahinto sa paglalakad. Kapag kuwan ay pumihit paharap sa may salas. Si Uno agad ang hinayon ng kaniyang tingin na kausap na ulit ng kaniyang kapatid. Napaisip siya. Kung ganoon, si Uno ba ang kasama ng babaeng iyon? Sa Leisure Club ay ang magkakapatid din ang nakita niyang kasa-kasama ng babae na iyon. Related ba ang mga ito sa isa’t isa? Are they in a relationship? Pero imposible dahil balita naman sa Club na single ang triplets. Nagbawi na siya ng tingin at nagpatuloy na sa paglalakad. Ngayon naman ay curious siya sa bagay na iyon. Bumagal lamang ang paglalakad niya nang makarating sa second-floor ng mansiyon. Kung bakit nananalaytay talaga ang inis niya sa babaeng iyon. Idagdag pa na sumagot pa talaga ito sa kaniya kanina. Hindi maganda ang dulot niyon sa umaga niya. Pagkakuha niya sa kaniyang kailangan, sa gamit na silid sa mansiyon na iyon ay ipinasya na rin niya ang umalis. Sinasanay na rin niya ang kaniyang sarili sa bahay na iyon dahil wala namang ibang magmamana niyon kung ‘di siya. Ayaw naman ni Jamil na titira doon dahil magpapatayo raw ito ng mansiyon sa Phase III ng Valle Encantado Village kung saan naroon din ang mga ka-member nito sa UHB Leisure Club. Ang kaniyang Kuya Ken naman ay ang bahay ng mga magulang niya ang titirhan kasama ang asawa’t anak nito. Pero tumutulog pa rin sila roon ni Jamil. Bukod sa sariling bahay ng kaniyang mga magulang, may sentimental value rin sa kaniya ang lugar na iyon dahil naging parte iyon ng kaniyang paglaki.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD