SSP 4

1776 Words
Cacia’s POV Hindi naman natanggal si Manang Lowie kaya kahit pa paano ay nakahinga na ako ng maluwag. Kaya lang nalungkot ako nang malamang babawasan ng kalahating milyon ang sahod niya ngayong buwan. Kaya naman hiyang-hiya tuloy ako sa kaniya ngayon. Sana pala ay nakinig na lang ako sa kaniya. Nakakatuwa nga kasi hindi siya galit. Okay lang daw. Ang mahalaga raw ay hindi siya natanggal. Babawi na lang daw siya sa susunod na buwan. Sinabi ko naman sa kaniya na babawi rin ako. Na mag-iingat na ako simula ngayon. Nang sa ganoon ay wala nang maparuhasan sa kanilang tatlo. Today, may mga dumating na tao. May nagsukat na sa katawan ko ng isang sikat na stylist. Sabi nung baklang iyon, may mga holywood artist na siyang nasukatan. Pati na rin ng mga sikat na artista dito sa Pilipinas. Sinukatan niya ako para sa gown na isusuot ko sa kasal namin ni Zelan. Pagkatapos may dumating ding makeup artist. Nag-practice siya sa mukha ng tatlong beses. Gusto raw kasing makita ni Zelan kung anong magandang ayos ang para sa mukha ko. Gusto niya ay iyong simple at mukhang walang makeup na suot. Darating daw kasi ang lahat ng kamag-anak niya, pati na rin ang parents niya kaya gusto niyang maging maayos ang kasal namin. Ayon pa kay Zelan, nagpadala na rin siya ng mga stylist sa bahay namin para masukatan na rin ang mga pamilya ko. Mabuti na lang at invited sila sa kasal namin. Actually, nahihiya nga ako kay Zelan kasi puro siya lang ang nag-aasikaso ng lahat. Ako, heto, nakanganga lang at naghihintay sa kung anong mga dapat na gawin. Sabagay, ayos na rin iyon. Wala naman din sa loob ko ang pagpapakasal sa kaniya. Habang nagsusulat ako ngayon, biglang may kumatok sa pinto ng kuwarto ko. Dali-dali naman akong tumayo para puntahan ito kasi baka dala-dala na ni Ate Pila ang merienda ko. Pagbukas ng pinto ay nawala ang ngiti ko nang makita kong si Zelan pala ang narito. Nagulat ako dahil topless siya tapos wet look pa. Towel lang ang suot-suot niya sa ibaba, mukhang bagong ligo si sungit. Napatitig ako sa matipunong katawan niya na putok na putok ang abs. Hulmang-hulma rin ang dibdib nito na halatang batak sa gym. Pakiramdam ko ay tila napaka-perfect nang pagkakagawa ni lord kay Zelan. Walang pangit sa kaniya. Kung mayroon man, baka ugali lang. “Gumayak ka, aalis tayo ngayon,” sabi niya. Kaya pala may mga gamit akong hinandan kanina ni Ate Pila. May out-of-town siguro kami kasi dalawang maleta ang hinanda kanina ni Ate Pila. “S-saan tayo pupunta, Zelan?” tanong ko naman nang tumalikod na siya. “Basta, gumayak ka na lang,” sagot niya saka na ito tumuloy sa kuwarto niya. Napakatipid niya talagang makipag-usap sa akin. Walang oras na hindi siya masungit at seryoso. Parang pinaglihi siya sa sama ng loob. Ano kayang mayroon sa nakaraan niya at ganito siya ngayon? ** Magkatabi kami ni Zelan dito sa loob ng sasakyan. Si Kuya Badong ang driver namin ngayon. Sa buong biyahe, walang kibuan. Tahimik lang, radyo lang ng sasakyan ang maririnig. Hindi kaya bumabaho ang hininga ng lalaking ito? Paano niya nagagawang hindi umimik o magsalita ng mahabang oras. Pati tuloy ako parang pipi ngayong dito sa loob ng sasakyan. Grabe siya, seryoso nga pala ang sinasabi nila na ganitong klaseng tao itong mapapangasawa ako. Pagkalipas ng isang oras, nakarating na kami dito sa isang beach resort. Huminto na ang sasakyan sa parking area. “Dito na tayo mag-stay kasi bukas na ang kasal natin,” sabi niya bago bumaba sa sasakyan. “Bukas na agad?” Nagulat tuloy ako. “Kakasabi ko lang, Cacia. Ayoko nang paulit-ulit. Hindi naman ako joker para lokohin ka,” seryoso niyang sagot nang lingunin ako. Nakatanggap pa ako ng irap sa kaniya kaya nanahimik na lang ako at baka kung ano pang mangyari. Ngumiti na lang sa akin si Kuya Badong nang alalayan na niya akong bumaba sa sasakyan. Paglabas namin ng sasakyan, sumalubong sa akin ang maaliwalas na hangin dito sa beach resort. Ang ganda dito, sobra. Blue na blue ang tubig ng dagat. Napatakbo tuloy ako para magtampisaw agad sa dagat. Hindi ko na naisip na tumuloy agad sa villa o sa bahay na tutuluyan namin dito. Ang sarap ng tubig ng dagat sa paa, parang sumasayaw ang mga alon ng dagat. Sobrang gandang pagmasdan ng mga bundok. Tapos, ang dami pang mga puno ng buko dito. Kung may cellphone o camera lang akong dala ay kumuha na ako nang kumuha ng picture ngayon dito. “Cacia?” tawag sa akin ni Zelan kaya agad naman akong lumapit sa kaniya. “Ang ganda dito, Zelan kaya napatakbo agad ako sa dagat,” sabi ko paglapit ko sa kaniya. “Mabuti at nagustuhan mo. Dito tayo ikakasal bukas. Gusto ko, beach wedding para kakaiba. Umulan o umaraw, tuloy ang kasal. Wala ng makakapigil sa kasal natin,” sabi niya at saka ito tumalikod at naglakad. Sumunod naman ako sa kaniya. “P-puwede ko bang malaman kung bakit gusto mo na rin makasal? At kung bakit gusto mo rin akong pakasalan?” Hindi naman sigurong masamang magtanong. Magiging mag-asawa na kami bukas kaya okay lang naman siguro na mag-open kami sa isa’t isa ng mga ganitong klaseng tanong. “Thiry years old na ako, Cacia. Ang mga kaibigan at kakilala ko, twenty plus palang kasal at may anak na. Pakiramdam ko ay naiiwanan na ako. Kaya gusto ko na rin talagang makasal. Tungkol naman sa iyo, ginusto kong maikasal sa iyo kasi nga gusto ko nang makasal, iyon lang iyon,” sagot niya habang walang emosyon. Puwede ba iyon? Ang pangit naman ng dahilan niya. Pero sabagay, hindi naman din kasi naging kami. Ano pa bang sagot ang gusto kong marinig e, biglaan lang naman talaga itong pangyayari kaya ano pa bang dahilan ang inaasahan kong isagot niya. Hindi ko naman siya naging boyfriend o ano. Tumuloy kami sa villa na kinuha niya. Nandoon si Kuya Badong nang pumasok kami sa loob. Napatayo tuloy siya mula sa pagkakahiga sa sofa nang makitang pumasok kami ni Zelan. “Okay lang, Badong. Kung pagod ka, mahiga ka lang diyan,” sabi sa kaniya ni Zelan. Mabuti pa sa kaniya, mabait itong mokong na ito. Sa iba, walangya, e. Mukhang close na close na rin talaga sila. “Thank you po,” sagot naman ni Badong saka muling bumalik sa pagkakahiga sa sofa. Ang tanong ko ngayon sa isipin ko ay kung magtatabi ba kami sa iisang kuwarto o hindi muna? Tuloy-sunod pa rin ako kahit saan siya magpunta. Nagtu-tour kasi siya dito sa villa. Hanggang sa makarating kami sa isang kuwarto. Nagulat ako kasi bigla siyang humiga sa kama. Nagulat din siya dahil hindi niya inaasahan pagdating dito ay nakasunod pa rin ako sa kaniya. “Oh, what are you doing here?” tanong tuloy niya habang nakakunot ang mga noo. “T-tapos na ba tayong mag-usap? Akala ko kasi ay hindi pa kaya nakasunod lang ako sa iyo nang nakasunod kahit saan ka magpunta,” sagot ko naman sa kaniya habang nagkakamot ng ulo. “Nung umalis tayo kanina sa dagat, iyon na ‘yun, tapos na tayong mag-usap,” sagot niya. Nakatanggap na naman tuloy ako ng pag-irap sa kaniya. Tatanga-tanga na naman ako. Tiyak na maiirita na naman ito sa akin. Umalis na lang ako at hindi na nag-sorry kasi alam kong magagalit lang siya kapag nag-sorry lang ako. “Sandali,” pigil naman niya nung palabas na ako sa pinto ng kuwarto niya. Huminto tuloy ako saka muling lumapit sa kaniya. “Bakit?” “Ibili mo ako ng kape sa labas. Gusto kong magkape. Kumuha ka na lang ng pera sa wallet ko, nasa table iyon. Kung gusto mo rin ng kape, bumili ka na rin ng iyo,” utos niya. Tamang-tama, gusto ko rin talaga ng kape kapag galing sa mahabang biyahe kaya ayos ito. Para rin makagala ako sa labas. Hindi ata alam ni Zelan na love na love kong nagko-coffee sa labas. “Teka, anong klaseng kape ba ang gusto mo, Zelan?” tanong ko pa bago umalis. “Basta mainit na kape, iyon na ‘yun,” maikli niyang sagot. “Okay, aalis na ako,” paalam ko sa kaniya saka ako lumabas sa kuwarto niya. Nakangiti akong bumaba sa hagdan kasi sa wakas ay makakatikim na ulit ako ng kape. Naalala ko tuloy ang mga kaibigan kong sina Lia, Melissa at Lhai. For sure nagme-message na sa akin ang mga iyon ngayon. For sure nagtataka na sila kasi wala na akong mga social media account. Kainis si Zelan, bakit kasi kailangang pa-deactive pa niya ang lahat ng social media account ko. Nakakapagsulat ako pero hindi ko rin sure kung papayagan niya akong makapagpasa sa publishing house na pinapasahan ko palagi. Kasi kapag nagpasa ako dapat naka-open ang starbook account ko. Kainis, pero itutuloy ko pa rin iyong sinusulat ko kasi baka kapag naging okay na kami ni Zelan balang-araw ay payagan na niya akong mag-social media. Pabalik na ako sa beach resort habang dala-dala ang mga kape namin ni Zelan nang biglang may dumating na sasakyan. Muntik pa akong mabunggo nito kaya nagulat ako. “Hoy, titignan niyo naman ang dinadaanan ninyo. Hindi niyo ba nakikita na may tao?” Bumukas ang bintana ng sasakyan. Namilog ang mga mata ko nang makita kong si mama ang driver ng sasakyang iyon. Pagkatapos tuloy-bukas na rin ang pinto ng mga kotse para lumabas ang kambal at pati na rin si Kuya Casper Iyon tuwa at iyak ko ay biglang naghalo. Sa tuwa ko ay nabitawan ko ang mga kape para yakapin sila. Tinawagan pala sila ni Zelan. Dito na rin sila mag-stay ngayong gabi para sa kasal namin bukas. Kaya pala naka-ready din ang isang villa. Sabi ni Zelan, puwede raw na sa villa nila muna ako tumuloy. Hindi rin siya nagalit nung sabihin kong nalaglag ko ang mga kape sa gulat ko nang makita sila. Hindi siya nagalit kasi alam niyang narito sa harap namin ang pamilya ko. Si papa lang ang wala dito. Sabi ni mama ay may mahalaga itong lakad ngayon at bukas. Pero sa tingin ko ay wala naman talaga siyang lakad, hindi lang siguro siya makaharap sa akin ngayon kasi dahil sa kaniya kaya ako maikakasal na lang ng ganitong biglaan. Okay na rin siguro na wala siya kasi hindi ko pa rin kayang harapin at kausapin siya matapos ang mga kasalanang ginawa niya. Ikakasal ako bukas ng wala si papa. Sana hindi maging problema iyon para kay Zelan. Kasi buo ang pamilya niya bukas, sa akin lang ang hindi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD