SSP 2

2082 Words
Cacia’s POV Sobrang laki ng mansiyon. Nakakalula ang kisame. Ang taas din ng hagdanan, pero may elevator naman kaya sakaling tinatamad kang umakyat, puwedeng sa elevator ka na lang sumakay. Ganoon ka-hightech sa bahay na ito. Ang inaasahan ko, maraming kasambahay ang makakasalubong ko na babati sa akin pagpasok sa loob, pero tatlo lang ata ang nakita ko. Bakit kaya? Sabi ni Kuya Badong ay maupo muna ako sa sofa kaya nandito ako nakaupo sa malambot na sofa habang naghihintay. Akala ko malaki na iyong sofa namin sa bahay, pero may mas malaki pa pala. Sabagay, sobrang lawak din ng sala ng bahay na ito kaya tama lang din ang malaking sofa. Ang tv, sobrang laki din. 262 inches ata ito. Para kang nanunuod na ng sine kapag nanuod ka ng movie o teleserye. Ang dami ring banga rito na tila gawa sa ginto, ang ganda talaga ng lahat. Parang palasyo na nga talaga ang bahay na ito and I think apat na beses ang laki nito sa laki ng bahay namin. Saka, pansin ko na ang linis ng buong paligid, kahit isa, dalawa o tatlo lang ang kasambahay dito ay maayos na maayos ang lahat. Ang bango-bango rin kaya mukhang maarte itong lalaking bumuli sa akin. Napatingin ako sa hagdan nang makita kong pababa na si Kuya Badong. Sa tingin ko ay nasabi na niya sa amo niya na narito na ako. “Manang Selya?” tawag ni Kuya Badong habang nasa kalagitnaan siya ng hagdan. Agad namang lumitaw ang isang ginang na tila galing sa kusina. Nagmamadali itong lumapit kay Kuya Badong na ngayon ay nakababa na sa hagdan. “Ano iyon, Badong?” “Linisin ninyo ang Ma’am Cacia ninyo. Paliguan, pabanguhan at saka ihatid sa kuwarto niya. Kung anong kailangan niya ibigay ninyo. Kayo na ang bahala sa kaniya dahil aalis kami ngayon ni Sir Zelan. I-tour niyo na rin siya dito sa bahay kung kinakailangan,” utos sa kaniya ni Kuya Badong. “Sige, kami nang bahala sa kaniya, Bagong,” sagot nito at saka na niya sinenyasan ang mga kasama niya para lumapit sa akin. Tumayo naman ako para salubungin sila. Sana lang mababait ang mga ito. Pero bakit kaya sinabi ni Badong na linisin at paliguan ako, mabaho ba ako? Mukha ba akong malibag? Sabagay, hindi pa nga pala ako naliligo. Biglaan kasi ang pangyayaring ito kaya hindi rin ako handa. “Hello, Ma’am Cacia. Ako si Selya, ang mayordoma sa mansiyon ni Sir Zelan,” pagpapakilala nung kausap ni Kuya Badong kanina. Siya pala ang mayordoma dito. Sa tingin ko parang magka-edad lang sila ni mama. Mukha rin siyang mabait kasi maamo ang mukha. “Ako naman si Manang Lowie, kasambahay dito,” pagpapakilala nung babaeng pula ang buhok. Halatang may edad na siya kahit pa kulay pula ang buhok niya. Ang weird nga e, parang nagpapakakikay pa siya, pero halatang matanda na ito. “At ako naman si Pila, minsan chef, minsan makeup artist, minsan hairstylist at minsan writer,” sabi naman nung nag-iisang dalaga na narito kaya napangiti ako. May istura ang isang ito, morena at singkit pa. Bakit kaya niya piniling maging kasambahay? “K-kilala mo ba ako?” tanong ko na rin sa kaniya. Kung writer din siya, imposibleng hindi niya ako kilala. Palaging best seller ang mga libro ko at sikat din ako sa mga kapwa writer ko. “Yes po, kilalang-kilala ko po kayo. Idol ko po kaya kayo sa pagsusulat. Lahat ng libro ninyo ay mayroon ako at mayroon ding pirma. Hindi ako absent sa mga book signing mo po,” masaya nitong sagot sa akin kaya napangiti ako. Sa tingin ko tuloy ay may makakasundo ako dito. At habang nagkukulong ako sa bahay na ito, baka maibalik ko na ang mood ko sa pagsusulat kasi palaging tahimik dito. Sana nga. “Salamat, Pila, ha!” sagot ko naman sa kaniya. Lumapit ako sa kaniya at saka ko hinawakan ang kamay niya. Tuwang-tuwa siya lalo. Nilabas pa nito ang cellphone niya para makipag-selfie sa akin. Mabuti na lang talaga at may isang kalog sa kanila. Iyong dalawa kasi parang mga seryoso sa buhay. “Nga pala, Manang Pila ang itawag mo sa akin. Baka magalit si Sir Zelan kapag Pila lang ang itatawag mo po sa akin,” pagtatama naman niya kaya nagulat ako. “M-manang? Eh, bata ka pa, Ate Pila, ah?” pagtataka ko tuloy. “Ganoon po talaga. Sundin niyo na lang po para hindi kami mapagalitan,” sabat ng mayordoma kaya tumango na lang ako. Weird talaga ni Zelan. Sumama na ako sa kanila. Dinala nila ako sa magiging bedroom ko. Room na mas malaki pa kaysa sa room ko sa bahay namin. Mabuti na lang at hindi pala kami magtatabi ni Zelan sa iisang kuwarto. May sarili akong room dito. Mas hightech dito kasi may voice command ang lahat. Tv, ilaw, speaker at kung ano-ano pa. Ang laki-laki rin ng closet room, para akong pumasok sa mga botique sa mall. Ang daming magagandang damit, bag, alahas, sapatos at bags. Lahat ng kailangan ko bilang babae ay nandito na. Papasok na dapat kami sa banyo nang bigla akong huminto. “Sandali lang, guys. Talaga bang papaliguan ninyo ako?” tanong ko sa kanila. Para kasing tanga si Zelan. Akala ba niya ay hindi ako sanay maglinis ng katawan ko? Sa tanda ko na ito ay kailangan talagang may magpaligo pa sa akin? Ganoon din ba siya? Nagpapaligo sa mga kasambahay niya. Nakakahiya kaya ang ganoon. “Ma’am Cacia, ganoon po talaga, e. Kung ano ang inutos ni Sir, dapat gawin, kasi kapag nalaman niyang hindi namin ito ginawa, lagot na naman kami sa kaniya,” sagot sa akin ni Ate Pila. Napatingin tuloy ako sa buong paligid. Siguro may CCTV dito. Siguro may mga camera sa lahat ng sulok ng bahay na ito. “Ako na lang, kaya ko na sarili ko. Hindi naman na ako bata. Akong bahala sa kaniya. Sabihin niyo nalang na pinaliguan ninyo ako, ganoon na lang siguro, nakakahiya kasi na makita ninyong lahat ang lahat-lahat sa akin,” sagot ko at saka ako naupo sa kama. Lumapit naman sa akin ang mayordoma na si Manang Selya. Hinawakan niya ang kamay ko at saka ako tinayo mula sa pagkakaupo sa kama. “Sorry, Ma’am Cacia, pero may mga camera ang bawat sulok ng bahay na ito. Hindi tayo puwedeng magsinungaling kay Sir Zelan dahil makikita at makikita niya ang mga galawan natin dito sa bahay niya. Kapag nalaman niyang hindi kami sumunod sa isang utos niya, lagot kaming tatlo. Ayaw naman naming mawalan ng trabaho,” paliwanag niya kaya wala na akong nagawa kundi ang sumama na lang sa kanila papasok sa loob ng banyo. Mabuti na lang at si Ate Pila ang nakasama ko sa loob ng banyo. Siya ang nagpaligo sa akin habang si Manang Selya ay hinahanda na ang mga damit ko. Si Manang Lowie naman nag-ready na ng almusal kasi nabanggit ko kanina na hindi pa ako nag-aalmusal. Ipagluluto niya raw ako ng mga masasarap ng pagkain. “Ate Pila, bakit ba ganoon na lang takot ninyo kay Zelan? Gaano ba kalaki ang sahod ninyo dito at nagtitiyaga kayo kung ganoon naman pala siya ka-strikto o kasungit na tao?” tanong ko sa kaniya habang parang prinsesa akong nakasakay sa bathtub, tapos may nagpapaligo pa. “Walang kagaya sa kahit na saang lupalop ng Pilipinas ang sinasahod namin dito, Ma’am Cacia. Kahit na masungit, palaging galit at seryoso si Sir Zelan, nagtitiyaga kami kasi ang laki ng sahod namin dito,” paliwanag niya habang kinukuskos na ng bath sponge ang likuran ng katawan ko. Ang bango ng sabon, tapos ang laki-laki rin nitong banyo ng kuwarto ko. Kung ganito naman pala kaganda at kalaki ng bahay na titirhan ko, mukhang tatagal ako dito. “Kaya naman pala. Pero teka nga, sa laki ng mansiyon na ito, bakit tatlo lang kayong staff dito? Kaya niyo bang linisin ang ganitong kalaking bahay?” tanong ko pa. Kasi nagtataka talaga ako kung bakit tatatlo lang sila dito. Saka kung iisipin ko, hindi talaga kaya ng tatlong tao ang maglinis ng halos kasing laki ng mall na bahay na ito. “Oo, kaya naman namin. Oo, mahirap nung una pero nung masanay na kami, easy na lang sa amin ang lahat. Saka, sa laki ng sahod namin, sisipagin talaga kami dito. Dati kasi halos bente kaming staff dito. Ayon, may mga tamad, may mga naghahari-harian, may magnanakaw at may malibog na halos sinisilipan si Sir Zelan. Mayroon pang nahuli si Sir na hinihimod ang underwear niyang nagamit na. Nagalit ng husto si Sir Zelan sa mga maling ginagawa ng mga dating kasambahay na kasama namin dito kaya napalayas sila. Tanging kaming tatlo lang ‘yung masipag at matino na natira. Doon na rin niya kami inalok ng malaking sahod, kaya heto, kaming tatlo na lang ang namamahala sa bahay na ito. Sa awa naman ng diyos, nakakaya naming tatlo ang mga trabaho dito,” mahaba niyang kuwento. Sa tingin ko tuloy ay mukhang guwapo at yummy ang lalaking bumili sa akin. Kasi hindi naman siya siguro gaganunin ng ibang katulong niya kung pangit siya. Biruin mo, hinimod ang underwear niya. Nakakatawa naman iyon. “Ayoko sanang itanong ito, pero gusto kong malaman kung magkano ba ang sinasahod ninyo dito sa isang buwan at kinakaya ninyo ang lahat ng trabaho?” tanong ko pa. Para matigil na rin iyong pag-iisip ko kung bakit nagtitiyaga sila dito. Gusto kong malaman kung deserve ba ng sahod nila ang pagpapakahirap nila dito. “Sige na nga po, idol naman kita kaya sasabihin ko na. One million pesos ang sahod ko dito buwan-buwan, si Manang Selya nasa three million pesos na, habang si Manang Lowie naman ay nasa two million pesos na,” sabi niya na kinagulat ko. Kaya naman pala nagtitiyaga sila dito. Kung ako man iyon, papatulan ko talaga ang trabaho na ito. Grabe, hindi mo na kailangang mag-abroad sa laki ng sahod dito, dito pala sa mansiyon ni Zelan ay mabubuhay na ako at kaya mo nang magpatayo ng sarili kong bahay. Kaya ko na ring magtayo ng mga business. “Now I know. Hindi ka nga pala mapapagod sa pagtatrabaho sa bahay na ito kung ganoon naman pala kalaki ang sahod sa isang buwan. Parang gusto ko na tuloy maging staff na lang din dito. Kaso, hindi puwede kasi…” nahinto ako sa pagsasalita. Heto na naman ako. Mapupunta na naman ang topic tungkol sa pamilya ko. Ayoko ng ganito. Pakiramdam ko kinakalat ko na ang baho ng pamilya ko. “Hindi talaga kasi magiging asawa ka na ni Sir Zelan,” sabat niya agad kaya hindi ko na kailangang ibahin ang topic, “Pero, Ma’am Cacia, ready ka ba pagdating sa bed scene?” tanong niya habang mahina ang boses. “B-bakit mo naman natanong iyan?” nahihiyang kong sabi. “Aba, sa tagal na naming kasama si Sir Zelan, alam na namin kung gaano ‘yan ka-wild sa kama. Ilang babae na ang nadala niya sa bahay na ito para tikman. Dinig na dinig namin palagi ang mga ungol at sigaw ng mga babaeng nakakakama niya. Sigurado kaming nadadala ni Sir Zelan sa langit ang mga babaeng nakaka-séx niya sa kuwarto nito.” “G-grabe naman. Natakot naman ako bigla. H-hindi ako ready sa mga ganiyan, Pila. Pakiramdam ko magkakasakit ako kapag nangyari iyong sinasabi mong wild siya sa kama,” sagot ko. Kinabahan ako kasi hindi ko pa nata-try iyon. Twenty seven years old na ako pero virgin pa talaga ako. Virgin pa dahil hindi ko pa binibigay ang perlas ng silanganan sa mga lalaking naging boyfriend ko. Gusto ko kasing gayahin si mama. Gusto ko ay iyong lalaking mapapangasawa ko na ang makaka-virgin sa akin. Iyong siya na ang makakasama ko habangbuhay. Pero tila matutupad na ata ang gusto kong mangyari kasi parang ganoon na rin itong nangyayari ngayon. Kung ayain ako ni Zelan na makipag-séx sa kaniya, hindi ako puwedeng tumanggi gaya nang paalala sa akin ni Kuya Badong, baka magalit at magwala si Zelan. Sabagay, siya naman na ang mapapangasawa ko kasi nabili na niya ako. Hindi na rin ako dapat pang umarte kasi wala akong karapatan. Sa laki ng binayaran ni Zelan, deserve niyang gawin ang mga gusto niyang gawin sa akin. Kawawa talaga ako. Ang tagal-tagal kong iningatan ang pepe ko, tapos sa ganito lang pala mapupunta. Good luck na lang talaga sa kaselanan ko kapag na-first blood na ako ni Zelan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD