Chapter 5: Midnight swimming

1617 Words
ATHENA'S POV "UGH!" Sapo ko ang akong ulo ng mga sandaling iyon. Nakapikit pa ako dahil alam ko ang pakiramdam ng may hangover. Sigurado akong iikot ang aking paningin dahil sa mga nainom ko kagabi. Pero bigla akong napamulat nang maalala ang huling sandali bago ako makatulog. Napabalikwas ako nang bangon at tiningnan ang paligid. Kaagad na hinanap ng aking mga mata si Graeson. Sa pagkakaalala ko kasi, hinatid niya ako dito. Mabilis na hinawi ko ang kumot na nakabalot sa akin at bumaba. Pero natigilan ako nang makita ang suot ko. Iba na! At wala akong suot na bra! "Graeson!!!" sigaw ko sa aking isipan. Gusto kong isatinig 'yan pero baka magulat sila Auntie at Isagani. Gigil na hinanap ko ang aking sinuot na bra. Napangiwi ako nang makitang naka-hanger iyon kasama ng suot kong shorts. Mabilis kong tiningnan ang baba ko nang mapagtanto ang shorts na naka-hanger. Akmang lalabas ako nang mapansin ang salamin ko sa upuan. Basag! Sino ang nagbasag ng salamin ko? "Graeson talaga!" gigil ko nang sambit. Binuksan ko ang bintana at tumingin sa kabilang bahay. Kita ko na palabas si Graeson sa kusina. Mukhang tatambay sa kubo kaya tinawag ko. "Graeson!" "Oh, you're awake," nakangiting sabi niya, sabay taas ng kamay na may hawak ng tasa. "Pwede ka bang makausap saglit?" seryosong tanong ko sa kanya. Palabas din kasi si Auntie kaya hindi ako pwedeng magsungit sa kanya. "Sure! Pero okay lang ba kung pagkatapos kong magkape?" Napabuga ako ng hangin. May magagawa ba ako? "Take your time." Sabay talikod na lang. Inis na hinila ko ang bra at siunuot iyon maging ang shorts. Sunod kong ginawa ang mag-toothbrush sa baba at naghanda ng makaing almusal. Pero dahil may ulam pa ako na galing kagabi sa kabila ay ininit ko na lang iyon at kanin na lang ang niluto. Nagtimpla na rin ako ng kape na walang asukal para mabawasan ang nararamdaman kong hangover. Pagkaluto ng kanin ay kumain na ako. Nakatanggap kasi ako ng text mula sa katrabaho ko. Pinapunta ako sa restaurant. Iniisip kong okay na ang restaurant at pwede nang magbukas ulit. Kakatapos ko lang maligo nang may tumawag sa akin. At boses iyon ni Graeson kaya nagmadali akong umakyat at mabilis na nagbihis. "Hi!" nakangiting bati niya sa akin. Bagong ligo din pala siya. Saglit akong napatitig sa mukha niya. Bakit parang ang gwapo at ang bango ng binatang ito? "Can I come in?" untag niya sa akin. "Hindi pwede." Napasimangot siya. "What? Sabi mo, kakausapin mo ako tapos hindi mo ako papapasukin?" "Tama ka, kakausapin nga kita. At dito 'yon.” Sabay turo ko ng kinaroroonan niya. “Hindi ka pwedeng pumasok sa bahay ko." "Oh, that's sad." "Talagang sad, Graeson," ani ko. "Sagutin mo nga ako, sino ang nagtanggal n-ng b-bra at s-shorts ko?" "Si Graeson," proud na sagot niya. "At bakit mo 'yon ginawa? Alam mo bang mali ang ginawa mo?" "Paanong naging mali? Eh, mas mali ang matulog na may bra at shorts. Magkakasakit ka sa ginagawa mo. Mahihirapan ka huminga." "Mas magaling ka pa sa akin, e, ako ang may-ari ng katawan ko!" "I know. Pero mali 'yon. Presko kayang matulog na walang bra at shorts." Napataas ako ng kilay. "Naranasan mo na ba?" "Yes," mabilis niyang sagot. "Pero magkaiba naman tayo ng suot. Mas gusto kong matulog ng naka-underwear lang. " "Pwes, 'wag mo akong magaya sa 'yo, Graeson. Sa susunod, 'wag mong papakialaman kung ano ang suot ko. Wala kang karapatang hawakan ako. Maliwanag? At ipapaalala ko lang sa 'yo, mas matanda ako sa 'yo. Magkaroon ka naman ng respeto." "Okay. Hindi ko na papakialaman, unless, may pahintulot." Matamis na ngumiti pa siya kaya hindi ko inalis ang pagtaas ng aking kilay. "Pero hindi naman tayo magkamag-anak. Kaya okay lang naman siguro kung Athena na lang itatawag ko sa 'yo." Napabuntong hininga ako sa narinig. "Bahala ka na nga, hindi naman nga pala kita kamag-anak. Pero binabalaan kita, 'wag mo nang uulitin 'yong pakialaman ako. Masama ako magalit," kunwa'y matapang kong sambit. Akmang isasara ko ang pintuan nang pigilan niya. "Hindi mo ba talaga ako papapasukin?" "Hindi kita kamag-anak, kahit na kaibigan kaya hindi pwede." At nang maalala ang salamin ay sumimangot ako. "Bakit nga pala nasira ang salamin ko?" Napakamot siya sa ulo. "Oh, sorry nga pala. Naupuan ko kagabi. Papalitan ko na lang kung gusto mo." Tumitig siya sa akin. "Tama ang ex mo, maganda ang mata mo, kaya bakit mo tinatakpan mo ng salamin? Wala namang grado kaya bakit gumagamit ka?" Napalunok ako sa naging tanong niya. "May tinataguan ka ba?" "Wala." 'Yon lang at pinagsarhan ko siya ng pintuan. Ang dami niyang tanong. Hindi dapat ako nakikipag-usap talaga sa kanya. “Nga pala, nagustuhan ko ang namagitan sa atin kagabi!” sigaw niya mula sa labas na ikinainit ng tainga ko. Ang walanghiya, doon pa talaga sumigaw! Kulang na lang ipagsabi talaga! Naiiling na tiningnan ko ang pintuan na lang at umalis doon. Pumanhik ako sa silid ko at kinuha ang bag. Kailangan kong bumili sa bayan ng salamin pag-uwi mamaya. Kinapa ko ang telepono kong touchscreen na nakatago lang sa bag. Isa pa 'to sa hindi ko dapat binubuksan. At kung dapat kong buksan ay hindi dito sa amin, sa malayo. NAGPAALAM muna ako kay Auntie bago umalis. Malayo-layo pa ang ibibiyahe ko, sa kabilang municipalidad pa. May kailangan akong kunin sa bahay ko. Mahigit apat na oras ang naging biyahe ko bago makarating sa tapat ng bahay ko na tinitirhan ko dati. Pagbalik ko na lang daananan ang restaurant na pinagtatrabahuhan ko. Kaagad akong nagbayad sa driver ng trickle pagkatigil no'n. "S-salamat po, Kuya." "Long time no see, Ma'am," ani ng driver mayamaya. Ngumiti ako sa kanya. "O-oo nga, Kuya. Lumipat na po kasi ako ng tirahan." "Kaya pala. Hinahanap ka ni Boss Lester, sabi namin, matagal-tagal ka nang hindi umuuwi." Natigilan ako nang marinig ang pangalan ni Lester. "S-sige po, Kuya, pasok na ako." Tumango naman siya sa akin kaya nagmadali akong pumasok. Sinilip ko pa siya at hinintay na makaalis sa tapat ng bahay niya. Hindi ako pwedeng magtagal talaga dito. Kaya mabilis kong hinila ang isang maleta sa ilalim ng aking kama. Naayos ko naman na kasi ang mga gamit ko noon. Nagtawag din ako ng trickle na hindi kakilala ni Lester at mabilis na sumakay doon papunta sa terminal. Nakahinga lang ako nang maluwag nang makasakay sa van pabalik sa bayan namin. Dumaan din ako sa tiangge at bumili ng mumurahing salamin bago pumunta sa restaurant para makibalita. Hindi ko maiwasang mapakunot ng noo nang makitang nag-o-operate na ang restaurant, at kompleto na sila sa empleyado. Bago na rin ang uniporme kaya lumapit ako sa manager. "B-bakit po wala na ang mga dati kong kasamahan?" "I'm sorry, Miss Agustin. Iba na kasi ang may-ari, at kasama ka sa hindi na makakabalik. Hindi ba sinabi sa 'yo ni Fiona?" "H-hindi po." "Pasensya ka na." "Maganda naman po ang record ko, Ma'am. Hindi po ba pwdeng i-refer niyo ako sa bagong may-ari?" Malungkot na ngumiti siya pagkuwa'y umiling. "Kung ako lang ang may-ari nito, ire-refer kita. Kaso hindi, Athena. Kaya pasensya na." Laglag ang balikat ko sa narinig. Nakagat ko rin ang labi ko nang ilinga ang paningin. Iniwan na rin ako ng manager kaya para akong basang sisiw na sa kinatatayuan. Kung alam ko lang magkakaganito ang trabaho ko dito, sana, sumama na ako sa magulang ko sa Maynila. Baka maraming hiring doon. Natagpuan ko ang sarili ko sa parke. Nakaupo ako doon habang nasa tabi ko ang maleta ko. Inilinga ko ang paningin ko sa mga establishimiyento at naghanap nang pwedeng maaplayan bukas. Hindi ko matanong ngayon dahil may bitbit ako. Kaya pagbalik ko na lang siguro. Pasado alas nuebe na ng gabi ako nakauwi sa bahay. Nakita kong may bitbit na alak si Isagani kaya mabilis kong pinasok ang dala kong maleta at lumipat sa kabila. Naaabutan ko si Isagani sa kubo sa likod na mag-isa kaya sinamantala ko na humingi ng alak. Buti na lang, wala si Graeson, pumunta raw ng bayan. Gusto kong uminom ngayon dahil sa masamang balita. Wala naman pala akong hinihintay na trabaho. Hindi ko akalaing mauubos ko ang isang bote ng alak. Hinaluan ko kasi ng juice. Nagustuhan ko ang pinaghalong iyon na alak kaya balewala sa akin kung mag-isa lang ako. Dahil sa pagod siguro kaya nakatulog ako kaagad. Pero nagising din ako ng madaling araw dahil sa init. Madilim din ang paligid kaya alam kong nawalan ng kuryente. Nawala tuloy ang antok ko kaya nagpasya akong maglakad-lakad sa likod. Sa sapa ako dinala ng mga paa ko. Gusto kong lumusong doon para maibsan ang init na nararamdaman ko dahil sa alak. "Hindi makatulog?" Napapitlag ako nang marinig ang boses ni Graeson sa aking likuran. Buti hindi ko pa nahuhubad ang damit ko. Kaloka. Ano kaya ang ginagawa niya dito? "Ikaw pala," sabi ko lang at ibinalik ang tingin sa may sapa. Maliwanag din naman doon dahil sa sinag ng buwan. "Balak kong maligo. Hindi kasi ako makatulog dahil wala ring electric fan. Gusto mo bang maligo rin?" "S-sige, mauna ka na muna." Akmang tatalikod ako nang pigilan niya ako. "Hey, nandito ka na. Kaya sumabay ka na. Saka para safe, may kasama ka. Delikado para sa 'y kung mag-isa ka lang." Matagal bago ako nakaimik. Tama nga naman siya, hindi safe mag-isa maligo dito mag-isa tapos madaling araw. "S-sige. Dito ako tapos doon ka." Sabay turo ng unahang bahagi. "Deal." Ngumiti siya sa akin sabay hakbang papunta sa kabilang bahaging iyon. Bigla akong napatalikod nang maghubad siya ng damit. Sana lang hindi siya hubo gaya noong unang maabutan namin siya sa sapa din. Dahil kung hindi, baka mailang ako na lumusong.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD