Chapter 4: Drunken Athena

2682 Words
GRAESON “HINDI ba pupunta dito ang Ate Athena mo?” Tumingin pa ako sa kabilang bahay nang tanungin si Isagani. “Paano siya pupunta dito kung ininis mo? Bakit mo naman kasi pinisil? Lumala kaya imbes na gumaling.” Saglit akong natigilan. “H-hindi ko nga alam, e.” It was an honest response. Until now, inaalam ko ba kung bakit ko ba ginawa ‘yon kay Ate Athena. Bumukas ang ilaw sa kusina nila Athena. Dinig ko rin ang kalampag ng mga kaldero. Mukhang magluluto pa lang siya. “Marami namang niluto si Tita, ‘di ba?” “Marami naman.” Tinitigan siya ni Isagani. “Kaso, hindi mo ‘yan mapapapunta dito.” “Sa tingin ko nga.” Bitbit ko ang tasa ng kape nang lumipat sa kabila. Tatlong beses akong kumatok pero hindi man lang ako pinagbuksan ni Athena kaya napilitan akong dumaan sa bintana niya. Amoy ko ang niluluto niyang ulam nang pumasok ako sa silid niya. Dinig ko pa rin ang pag-prito niya sa kusina kaya bumaba ako. Napatigil ako sa sofa nang maamoy ang halamang gamot na nandoon. Ah, ginamot niya siguro ang paa niya. Dahan-dahan akong pumunta sa kusina at sinilip siya. Nakaramdam ako nang awa nang makita ang paa niyang may tapal ng mga dahon tapos binalutan ng tela. Hirap din siya maglakad. “A-Ate Athena,” tawag ko sa pangalan niya na ikinatigil niya sa pagbaliktad ng piniprito. “Anong ginagawa mo dito?” tanong niya sa akin. Hindi siya humaharap sa akin. Mukhang galit pa rin. “I-I just want to check on you.” Hinarap niya ako. Napaatras ako nang makita ang hawak niyang spatula. “Ah, gusto mong i-tsek kung nakakalakad pa ako? Eto, nakakalakad pa ako. Salamat sa pagpisil, huh? Namaga lalo!” Halata ang sarkastiko sa boses niya. “I-I’m sorry. Gusto kong–” “Umuwi ka na, Graeson. ‘Wag ka na ring pumasok dito nang walang pahintulot ko. Hindi ka na nakakatuwa sa totoo lang.” “K-kumatok ako pero hindi mo ako pinagbuksan kaya sa bintana mo ako dumaan.” “Alam ko. Pero ayaw kitang papasukin kaya sana inirespeto mo naman. Hindi naman tayo magkaibigan. Kaya itigil mo na ang ganyang gawi. Baka makita ka pa ng iba, ano pa ang iisipin.” “O-okay.” “‘Wag mo na ring iniintindi itong paa ko, kahit masakit, hindi pa naman ako mamatay, kaya umalis ka na.” Pagkasabi niya ay tinalikuran na niya ako. Ilang sandali pa akong nagmasid sa kanya bago tumalikod. Sa pintuan na niya ako dumaan. Hindi na naiwasan ng balikat ko ang malaglag. Nakokonsensya talaga ako sa ginawa ko. It's so childish of me. Simula nang gabing iyon, hindi na ako pinapansin ni Ate Athena. Kahit ako lang nasa bahay ay hindi man lang niya ako magawang kausapin. Tatawagan pa talaga niya ang pinsan na nasa labas, o ‘di kaya ang ina ni Isagani. Hindi ko maintindihan ang aking sarili. Pero nami-miss ko ang presensya niya. ‘Yong kagaya no’ng umakyat kami sa bukid nila Isagani. Kinakausap niya ako na nakangiti. Mas komportable din ako na kasama siya kesa sa mga bata na iyon. Kaya nga hindi ako umalis sa likod niya noon dahil nag-e-enjoy ako sa pag-alalay sa kanya. Ang sarap sa pakiramdam. Saka gusto ko kapag magkadikit ang aming balat. Napatigil ako noon sa paglalaro sa aking laptop nang makita si Ate Athena na pumasok. Halata na parang may hinahanap siya kaya nilapitan ko siya. “M-may kailangan ka ba?” nauutal pa ako nang tanungin siya. Nagsalita siya. Ang akala ko, ako ang kinakausap niya, si Isagani pala na nasa kabilang linya at tinatanong kung saan daw nakalagay ang telepono ng ina niya. Tumingin ako sa tainga niya, de keypad din ang telepono niya gaya ng kay Tita. “Nakita ko kanina sa may taas ng drum sa CR ang cellphone ni Tita.” Kita ko ang pag-ikot ng mata ni Ate Athena nang sumabat ako. Bago pa man siya humakbang ay inunahan ko siya. Ako kasi ang mas malapit sa may kusina kaya inunahan ko siya. Akala ko, matutuwa siya, hindi pala. Nagpaalam si Ate Athena kay Isagani kapagkuwan at hinarap ako. Inilahad niya ang kamay niya para hingin ang telepono pero tinago ko ‘yon sa likuran ko. “Akin na ‘yan. Hinihintay na ni Auntie ‘yan,” seryosong sabi niya. “Ibibigay ko kapag sinabi mong hindi ka na galit sa akin. Isang linggo na Ate. Hindi mo ba ako mapapatawad?” “Walang kinalaman ang cellphone ni Auntie sa atin kaya ibigay mo na.” Napabuntong hininga ako. Mukhang wala siyang balak na batiin talaga ako. Buti siya, nakakatulog. Ako hindi. Malapit na ring ma-drain ang isipan ko kung ano ang gagawin ko para magka-ayos kami. “Nag-sorry naman na ako sa ‘yo at magaling na ang paa mo.” Napatingin naman siya sa paa niya. “Hindi ba pwedeng maging magkaibigan tayo?” Napatitig siya sa akin. “Hindi pwede, Graeson. Magsisisi ka lang.” Sabay hablot niya ng cellphone ni Tita. “Ate Athena, wait!” Ano naman ang pagsisisihan ko oras na maging magkaibigan kami, huh? Hindi ko napigilan ang aking sarili. Napasigaw ako sa sobrang inis. Sa tanang buhay ko, ngayon lang ako nainis sa babae. Sa Maynila? Sila ang lumalapit sa akin at never nila akong ini-snob. Pero si Athena na manang pumorma? Umaayaw pa! Para tuloy akong tanga na nagpupumilit na mapansin niya. Pero teka, aaminin ko na sa sarili ko kung bakit ko ba kasi pinisil ang paa niya. Iyon ay para mamaga. At nito ko lang napagtanto nang ma-realize na nami-miss ko siya. Nagustuhan ko kasi ang pakiramdam nang pangkuin ko siya. At naka-set na sa isipan kong papasakayin ko siya sa likuran ko pag-uwi. Kaso okay na daw kaya nainis ako ng mga sandaling iyon. At pinagsisisihan ko na dahil ilang araw din siyang nahirapan. Napailing na lang ako. Para tuloy akong bata. ATHENA’S POV UMISANG lingon pa ako sa bahay nila Auntie bago mabilis na naglakad papunta sa kinaroroonan niya. Nagbi-bingo kasi siya kaya ako ang nautusan niya. Saktong dumaan ako at nakita niya ako. Kaya ayon, napilitan akong pumunta sa bahay nila tapos hindi ko akalaing nandoon si Graeson. Akala ko sumama kila Isagani sa may court. Bakit kaya hindi na siya bumalik ng Maynila? Balita ko, hinahanap na siya ng pamilya niya sabi ni Isagani. Nagpasya akong lumipat sa kabilang bahay nang sumapit ang hapon. Kaarawan kasi ni Isagani kaya sabi ko, tutulong ako sa pagluluto. Kakauwi lang nila ni Graeson mula sa bayan. Nag-grocery silang dalawa. Bumili din sila ng alak kaya hindi ko maiwasang mapa-iling. Siguradong iingay na naman ang gabi mamaya. Tulong-tulong kami sa paghanda kaya mabilis na natapos ang pag-luto namin. May mga pugon na malaki sila Isagani sa labas kaya malaking tulong, napadali ang aming pagluluto. Napaupo ako sa stool chair nang matapos lutuin ang pansit bihon. Ramdam ko na ang pagod ng mga sandaling iyon. Pansit, spaghetti, suman at dalawang ulam lang naman ang niluto namin. Pero marami dahil konti lang naman pala ang dadalo. Halos mga kaibigang lalaki lang ni Isagani. Inom naman kasi ang sasadyain ng mga ito. Napaangat ako nang tingin nang may humarang sa harapan ko na tao at kasabay niyon ang pag-abot niya sa akin ng baso na may lamang juice. “I’m sorry,” ani ni Graeson sa akin. Inilapit pa niya ang baso ng juice sa mukha ko. “Ano ‘yan?” “Buko juice. For you.” “Bakit mo ako binibigyan?” “Dahil gusto ko. Kanina pa kasi kita nakikitang pagod kakahalo ng pansit. At tinikman ko siya, masarap.” Nag-thumbs up pa siya sa akin na ikinaangat ko ng kilay. “Mukhang madadagdagan ang paborito ko,” nakangiting sabi niya sa akin. “Pinagloloko mo ba ako, Graeson?” “Hindi kita niloloko, Ate. Talagang masarap ang niluto mo na pansit. Kahit na tanungin mo sila.” Napaingos ako pero pinalis ko din mayamaya. “Thanks,” pilit kong sabi na lang at kinuha ang hawak niyang baso. “Um, balik na ako. Pahinga well,” aniya at mabilis na tumalikod sa akin. Umiling-iling ako nang makita siyang pabalik sa loob. Parang bata talaga si Graeson. Minsan nakikita ko siyang naglalaro sa laptop niya. Para siyang bata na adik na adik doon. Dahil dumating pa ang ibang kaibigang lalaki ni Isagani, napilitan akong mag-uwi na lang ng pagkain at sa bahay kumain. Hindi din naman ako iinom kaya hindi na ako nakiupo sa mesa nila Isagani. Kasalukuyan akong naghuhugas ng plato nang kumatok si Isagani. “Hi, Ate. Busy ka ba? Hinahanap ka nila Jose at Neil. ‘Di ba, batchmate ‘yon?” Saglit akong natigilan at inalala ang nabanggit niyang pangalan. “Ah, si Jose Duria at Neil Gumban?” “Mismo! Natanong kasi nila kung sino ang nagluto ng pansit. At nang sabihin ni Graeson na ikaw, ayon, hinanap ka na nila.” Napakamot na lang ako sa ulo. Pahamak talaga ang Graeson na ‘yon. Imbes na nananahimik ako dito magugulo pa tuloy. Napilitan akong lumipat ulit sa bahay nila Isagani. Saglit lang ako dito at magpapaalam na din kaagad. Nasa kubo sila nag-iinuman kaya pumunta ako sa likod. May mga kasama ring mga babae sila at walang bakante banda doon. Meron sa tabi ni Graeson na bakante pero mas pinili kong sa tabi ni Jose. “May problema ang mata mo kaya ka nagsalamin?” tanong sa akin ni Neil mayamaya. “O-oo,” nauutal kong sagot. Kita ko sa gilid ng mga mata ko ang pagtitig sa akin ni Graeson lalo na sa mga mata. “Sayang naman. Ang ganda-ganda pa naman ng mata mo, hindi tuloy nila makita. Dyan nga ako naakit noon, ‘di ba?” ani ni Jose. “Naging kayo ba ni Ate Athena?” singit ni Isagani nang marinig iyon. Si Graeson, hindi pa rin inaalis ang tingin sa akin. “Oo. Kaso ilang buwan lang kami. Tatlong buwan din ‘yon, ‘di ba?” Napalabi ako sa tanong ni Jose. “H-hindi ko na matandaan sa sobrang tagal na.” Hindi naman seryoso ‘yon dahil trip lang yata ako ni Jose noon. Pero hindi ko alam ang katotohanan. “Basta tatlong buwan ‘yon. May picture pa nga tayo–” “Jose, nakaraan na ‘yon. Pwede bang ‘wag na nating pag-usapan?” Sumulyap ako kay Graeson na masuyong nakatingin sa akin. Buti na lang sumingit si Elwina mayamaya at sinabing maglalaro na daw kaming lahat. Bote ng kapalaran ang tawag niya. Kaya naman, na-excite ang mga naroon. Para laruin ang sinasabi ni Elwina. Naglagay ng mga bato si Elwina sa loob ng bote. Tatlong numero lang ang mga nakasulat doon. Mula sa number 1-3. Ang mga numero ay may katumbas na gagawin. Kapag nakuha mo ang bato na may nakasulat na number 1 ay iinom ka ng isang shot ng alak sa ayaw at sa gusto mo. Random question naman sa pangalawa na kailangan mong sagutin. At ang number 3 ay dare na hindi pwedeng tanggihan. Gustuhin ko man umayaw sa laro at umuwi ay hindi ko magawa. Hindi na inaalis ni Jose ang atensyon sa akin. Nagpapaalam na ako sa kanya pero pinigilan niya ako. “Game!” sigaw ni Elwina habang hawak ang isang bote na walang laman. Lahat ng nasa paligid ko ay excited sa laro lalo na ang mga kaibigan ni Elwina na hindi maalis ang mga ngiti. Nasa tabi ng mga ito si Graeson na alanganin ang ngiti sa dalawa. Napapatingin din siya sa akin pati kay Jose. Ilang beses ko pang nahuli iyon. Unang bumunot si Elwina. At number ang nakuha niya kaya uminom siya ng alak. Kita ko ang sunod-sunod na pag-inom ng tubig. Sobrang pait malamang ng alak. Mukhang mauubos agad ang alak dahil halos number 1 ang nabubunot nila. Si Neil at Isagani lang ang number 2. At kami na lang ni Jose ang natitira para bumalik kay Elwina ang bote. Matagal bago buksan ni Jose ang kamay niyang may hawak ng bato kaya sabay-sabay ang mga boses nila na nagsasabing “number 3” sana ang nandoon. Nakangiti naman ako at napausyuso pa ako kay Jose habang dahan-dahan niyang binubuksan. Nagtawanan kami nang mabasa ang number 1. Pero napalis ang tawa ko nang mapansing si Graeson lang hindi tumatawa. Mukhang hindi niya na-enjoy ang laro. Kung sinuwerte siya sa unang round dahil random question din ang nabunot niya, sa pangatlo at sa mga sumunod na bunot ko ay puro number 1. Kaya nakakaramdam na ako nang pagkahilo. Naka-anim na shot na ako sa pitong round. Napatingin ako kay Graeson nang siya na ang nag-alog ng bote at kumuha ng isa. Number 3 ang nakuha niya kaya tuwang-tuwa si Chamae nang sabihin niya ang dare niya. Siya kasi ang sinundan ni Graeson. “Gusto kong lapitan mo ang babaeng gusto mong halikan nang torrid,” kinikilig na utos ni Chamae. Lumunok pa siya at napaayos nang upo matapos iyong sabihin. Inayos niya din ang mahabang buhok at inilagay sa kanang bahagi. “Sure na ba ‘yang dare na ‘yan? Walang magagalit?” seryosong tanong ni Graeson habang nakatitig sa bato na nabunot sa bote. “Wala ‘yan, bro. Bawal nga KJ, ‘di ba?” ani ni Isagani. “Good.” Sabay tayo ni Graeson at humarap kay Chamae. Lahat ng mga nandoon ay nag-cheer kay Chamae at Graeson maliban sa akin . Pero natigilan ang mga ito nang maglakad si Graeson palayo kay Chamae. Napahawak ako sa ilalim ng paa ng upuan nang mapagtantong nakatingin siya sa akin. Kaagad akong nag-iwas at bumaling kay Jose. Napapikit ako nang makita ko sa gilid ng mga mata ko ang pagtigil ni Graeson sa likuran ko. Napasinghap ako nang higitin niya ang aking kamay para tumayo. Kita ko ang pag-awang ng labi ni Isagani nang mapatigin ako sa kanya. “M-mali ka yata nang nilapitan, Grae,” nauutal kong sambit. “Are you, Athena?” “O-oo.” “Eh ‘di, hindi ako mali nang nilapitan.” Sabay kabig niya sa akin. Nagsimula nang mag-ingay ang mga nandoon kaya napalunok ako. Akmang ililihis ko ang mukha ko nang sapuin ni Graeson ang batok ko dahilan para hindi ako makakilos. Nakapulupot na rin ang braso niya sa aking beywang kaya wala akong kawala. Basta ang sunod ko na lang naramdaman ang pagdiin niya ng labi sa akin at ang pagsakop niya sa masuyong paraan. At nagustuhan ko iyon kaya napatugon ako na ikinaungol niya, kaya naging mapusok tuloy ang mga sumunod na sandali na namagitan sa amin. Kung hindi pa may sumipol ay hindi ako mahuhulasan. Mabilis ang pagtulak ko kay Grae at pag-ayos ng salamin ko. Nakaramdam ako nang hiya dahil sa paraan nang tingin ng mga dalagang naroon lalo na si Chamae. Kay Elwina, wala naman, nakangiti pa nga siya kahit na ang pinsan ko na si Isagani. Nailang na ako sa laro na iyon pagkatapos pero si Graeson? Parang nabuhay ang laman niya sa larong iyon. Hinihiling ko nga na laging number 1 makukuha ko para malasing na ako. At kapag lasing na, pwede nang magpaalam sa mga ito. At ganoon nga ang nangyari, sunod-sunod ulit akong nakakuha ng number 1. At akmang iinumin ko ang nasa shot glass ay may humablot doon at ininom. “That's enough. Lasing na lasing ka na.” Sabay kuha niya sa aking kamay at hinila ako patayo. Napapikit ako nang maramdaman ang pagkahilo. Kanina ko pa iniiwasang tumayo, pero heto, bigla na lang akong hinila patayo, nahihilo tuloy ako lalo. “Ihahatid ko lang, bro,” dinig kong sabi ni Graeson. Gusto kong kumontra pero hindi ko magawa. Nag-aagaw na ang antok at hilo ko. Parang gusto ko nang humiga. At sunod na mga sandali ay pinangko ako ni Graeson. Napasiksik pa ako sa matigas at mabangong bahaging iyon ng dibdib niya at pumikit. Nawala na sa sarili kong nagagalit nga pala ako dahil sa kasalanan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD