Chapter 8: Ate Athena

1859 Words
ATHENA’S POV PASADO alas-diyes na noon kaya naupo ako at nakipagpalit sa aking kasamahan para magmiryenda. Naupo ako at nagsimula nang kumain ng kamote cue na binili ko sa dumadaan kanina. Napakamot ako sa ulo ko nang maalalang naiwan ko ang tumbler ko. Tumayo ako at lumabas. Pero natigilan lang ako nang makita ang dalawang taong ayaw kong makita nang araw na iyon. “Hi, Ate Athena!” Pilit lang akong ngumiti kay Chamae at binalewala ang presensya nila. Hindi ko na tiningnan si Graeson. Ni hindi ko nga nakita ang suot niya. Pagkakuha ng tumbler ay pumasok ako sa loob at naupo sa sahig sa pinakadulo. Tago na iyon para hindi na ako mautusan. Hindi naman gaanong marami ang order ngayon. Sana bago ako matapos ay wala na sila o tapos na silang umorder. Nakapikit akong ngumunguya noon nang istorbohin ako ni Lyca. “Ikaw daw gusto nilang magluto ng burger nila.” Nagmulat ako ng mata. “Sino ang nagsabi?” “‘Yong nag-hi sa ‘yo.” “Sabihin mo, tumatae ako ng tubol. Ang hirap ilabas.” Natawa si Lyca. “Sige, sabihin ko.” “Bilisan mo ang pag-serve sa kanila para makalabas na ako dito.” Tumango lang ang kasamahan ko at bumalik sa labas. Sunod-sunod kong sinubo ang kamote cue kaay muntik na akong mabulunan. Mabilis akong uminom ng tubig. Pero natigilan ako kapagkuwan nang may makitang sapatos sa gilid ng aking mata. Dahan-dahan akong nag-angat nang tingin. “Akala ko pa naman nahihirapan ka talagang tumae kaya napasugod ako dito. ‘Yon pala, nahirapan kang lunukin ang kamote na sinubo mo nang sunod-sunod.” Lalo yatang bumara sa lalamunan ko ang kamote dahil sa narinig. Talagang pumunta siya rito para i-tsek ako? “A-anong ginagawa mo dito?” hirap pa niyang tanong sa binata. Imbes na sumagot, naupo siya sa tabi ko na pasalampak din pagkuwa’y hinaplos ang likod ko. Hindi ko alam kung gaano niya katagal iyong hinaplos. Pero nagustuhan ko. Medyo nakaramdam ako nang hinayang nang tanggalin niya ang kamay niya. “Okay na ba?” tanong niya na ikinatango ko na lang. “Sa susunod, dahan-dahan lang kapag kumain.” Sabay tayo niya. Akmang hahakbang siya nang magsalita ako. “Thank you,” mahinang sabi ko habang nakaangat nang tingin sa kanya. Ngumiti lang siya at humakbang na palabas. Nagkasya na lang ako na sundan siya nang tingin hanggang sa mawala siya sa aking paningin. Nagpasya akong tumayo na at bumalik sa labas. Naabutan kong marami ang order kaya tinulungan ko na si Lyca. Ako na ang nagbalot sa plastic ng mga take out at pati mga dine-in ay hinatid ko na rin. Buti na lang naka-order na sila Graeson. Hindi ko napigilang tumingin sa kanila nang marinig ang boses ni Chamae na tumatawa. Para rin siyang kinikilig dahil sa mga sinasabi ni Graeson. Kahit na hindi ko marinig, alam kong nakakakilig dahil sa mga ikinikilos ni Chamae. Sa isip ko kanina, hindi na ako mag-half day, pero mukhang itutuloy ko na dahil nawalan ako nang gana kahit na umalis na sila Graeson. Narinig ko rin kasing papasok sila sa isang mall na malapit. “Ingat ka, Athena!” “Pasensya na talaga, Lyca.” “Okay lang. May kapalit ka naman. Saka hindi ka naman talaga full time dito, ‘di ba?” Tumango ako kay Lyca. Nagpaalam na rin ako kapagkuwan. Sumakay ako ng sidecar bike papunta sa subdibisyon na tinitirhan namin dito. Uso kasi dito ‘yan. Saka para makatulong na rin sa mga residenteng iyon ang hanapbuhay, gamit ang sidecar. Pwede naman siyang lakarin. Kaso mainit kaya sumakay na lang ako. Imbes na maglinis, natulog ako. At paggising ko, kalat na ang dilim. Nagpasya akong hindi na umuwi ng baryo at dito na rin matulog. Lumabas ako para bumili ng lutong ulam at kanin na lang. Bumili rin ako ng ulam para bukas. Meron naman sa ref pero mga frozen foods na lang yata ang natira. Hindi nama kasi nag-stock ang magulang ko ng gulay dahil alam nilang aalis sila noon. Kung sa baryo, diretso higa ako pagkakain, dito nanood muna ako ng TV. At nang makaramdam ng antok ay tumayo na ako at pinatay ang TV. Siniguro ko rin na naka-lock ang pintuan at pumasok sa silid namin ng aking kapatid. May kasama ako sa kuwarto kaya double deck ang makikita mo kaagad pagpasok. Hindi pa man ako nakakahiga nang makarinig nang paghinto ng sasakyan sa tapat ng aming bahay. Pero dahil kalsada iyon, hindi ko na pinansin. Nahiga na ako at nagtalukbong ng kumot. Bigla kong tinanggal ang pagkatalukbong ng kumot nang makarinig ng sunod-sunod na kalampag ng gate at pagtawag sa pangalan ko. Wala naman kasing doorbell doon kaya talagang kakalampagin iyon kung walang sumasagot. Ilang beses ko pang narinig kaya napabangon na lang ako at lumabas. Hindi ko naman binuksan ang ilaw dahil may liwanag na pumapasok mula sa kabilang bahay. Lumapit ako sa bintana at tiningnan kung sino ang nasa labas. Napaawang ako ng labi nang makita ang pinsang si Isagani na nasa gate at habang si Grae naman ay nakasandal sa may pintuan ng sasakyan niya. Napailing ako nang muling tumawag at kumalampag si Isagani. Baka makaistorbo pa sa kapitbahay kaya napilitan akong magbukas ng ilaw at ng pintuan. “Anong ginagawa niyo dito?” tanong ko nang makalabas ako. “Nag-alala si Nanay kaya pinapasilip ka niya dito.” “Gano’n ba. Hindi na ako umuwi kasi balak kong maglinis dito. Uuwi na kasi sila Nanay din, e.” Sinulyapan ko noon si Grae na papalapit sa amin. “Ah, kaya pala, Ate.” Nilingon ng pinsan ang kaibigan niya. “Um, okay lang ba kung iwan ko muna si Grae dito?” “A-ano? B-bakit?” sunod-sunod kong tanong. Kumamot sa ulo ang pinsan. “Kasama ko kasi si Elwina. Nasa loob siya ngsasakyan ni Grae. May pupuntahan lang kami na dalawa.” “Oh,” tanging sambit ko. “Daanan ko na lang siya mamaya. Okay lang ba, Ate?” Tumingin ako kay Grae na inililibot ang tingin. Hindi siya tumitingin sa akin. “M-may magagawa ba ako.” “Salamat, Ate! Promise, hindi kami magtatagal.” “O-okay. Sa sala na lang siya. Gisingin mo na lang ako kapag dumating na kayo.” “Sige, Ate.” Mabilis na nagpaalam ang pinsan kay Grae. Hinatid pa namin sila nang tanaw. “H-hi,” nahihiyang bati niya sa akin. “Tuloy ka.” Nilakihan ko ang awang ng gate at tumalikod na. Napalunok ako nang marinig ang pasara niya ng gate. Hinintay ko siya sa pintuan bago tumuloy sa sala namin. “Dito lang nakalagay ang remote kung gusto mong manood habang hinihintay si Isagani.” Napasimangot si Graeson. “Hindi mo ako sasamahan dito sa labas?” “Inaantok na ako, Grae.” “Okay.” Sabay upo niya sa sofa. Ang kamay niya ay nakapatong din sa taas. Pero hinigit nito mayamaya ang remote at binuksan ang TV namin. “Night,” nakangiting sabi niya sa akin nang tingnan ako. “N-night,” ani ko na lang at tumalikod na. Mabilis ko ring sinara ang pintuan at ni-lock iyon at naupo sa higaan ko. Nahiga rin ako kalaunan. At kahit na anong pilit kong patulugin ang sarili ay hindi ko magawa. Ang isip ko kasi abala sa taong nasa labas. Hindi sa iniisip kong may mawala sa mga gamit namin, kung hindi dahil sa kung ano ang ginagawa ni Grae sa labas. Kagat ang labing naupo ako at tumingin sa pintuan. Hindi ko man lang siya naalok ng maainom pala. Hay, lalabas ba ako at aalukin siya, o magtulug-tulugan? Napahiga ako at nagtalukbong. Pero napabangon din. May isang kumukontra sa aking isipan kasi. Gusto niyang lumabas ako at entertain si Grae, e, may Chamae na ‘yon. Sa huli, namalayan ko ang aking sarili na bumaba sa kinahihigaan at lumapit sa pintuan. Nagulat ako pagbukas ko ng pintuan nang makita si Graeson na nasa labas niyon. “G-Grae,” anas ko. Saglit siyang napatitig sa akin partikular na sa dibdib ko. “Um. Lalabas sana ako para bumili ng alak. Nakita ko kaninang may 24 hours na bukas na convenient store sa kanto. Kaso baka magalit ka. Okay lang ba?” Tama ba ang tanong niya? Baka magalit ako kapag uminom siya? Hoy! Hindi pa kami. “B-bakit naman ako magagalit, Grae?” “I mean, lalabas ako tapos babalik ulit. Gano’n.” “Oh.” Nakaramdam ako nang hiya nang mapagtanto. Iba yata ang nasa isip ko. Sabagay, bored siya kakahintay kay Isagani kaya siguro libangin na lang niya ang sarili sa pag-inom. “Okay lang ba, Ate Athena?” untag niya sa akin. Bahagyan umangat ang kilay ko dahil sa pagtawag niya sa akin ng Ate. “B-bahala ka nga. Basta isara mo lang—” “Papasama sana ako sa ‘yo. Kung okay lang din sa ‘yo.” At nilubos na nga. Nakikiusap ang mga mata niya kaya napapayag ako. “Mabilis lang tayo, huh?” “Opo.” Ah, ang galang niya sa mga matatanda. Akmang hahakbang ako nang maalalang wala pala akong bra. Bigla kong tinakpan ang dibdib ko. Hindi naman iyon nakatakas sa paningin ni Graeson. “Kanina ko pa ‘yan nakita, Ate, kaya bakit mo pa tinakpan? Saka ang liit naman niyan. Walang magkakainteres niyan.” Sinabayan niya nang ngiti kaya nakaramdam ako nang inis. “Heh!” Tatalikuran ko sana siya nang pigilan niya ako. Hinubad niya ang jacket niya at pinatong sa akin. “Ayan, hindi na kita.” Inayos pa niya ang pagkakalagay niya. “Let’s go.” Naiiling na sumunod ako sa kanya. Iniisip niya sigurong nagbago ang isip ko. Balak ko lang naman magsuot ng bra. Para kaming naglalakad sa pasyalan nang magpunta sa convenient store. Ang bagal pa naming maglakad na dalawa habang walang imikan. “Okay lang din ba kung sabayan mo ako? Um, may ladies drink naman yata sila. Pampatulog din ‘yon.” May punto naman siya kaya tumango ako sa kanya. At binilahan niya nga ako ng limang bote ng ladies drink habang ang kanya ay beer in can. Sampung piraso yata ‘yon napangiwi ako. Bumili rin siya ng pwedeng makain namin. Bumili rin siya ng pizza na papasara na. Buti na lang may tira pa, binili na rin niya. “Tulungan na kita sa ibang dala mo.” Ang bigat na kasi ng dala niya. Limang bote ng ladies drink at sampung lata ng beer. Tapos may tube ice pa siyang bitbit. Junk foods at pizza lang akin. “Don’t worry, honey, I’m good.” Saglit siyang natigilan at tumingin sa akin nang matigilan ako. Tinawag ba naman niya kasi akong honey kaya ayon, natigilan ako. Hindi ko rin nagawang ihakbang ang aking paa dahil napatitig na ako sa kanya. “May sinabi ba ako, Ate?” Biglang bagsak ng balikat ko nang marinig ang pagtawag niya ng Ate sa akin. Sa sobrang inis ko, iniwan ko siya at nagpatiuna sa loob ng bahay. Dinig ko pa ang tawag niya pero hindi ko siya nilingon. Okay na sana, e!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD