ATHENA’S POV
MAAGA akong nagising kinabukasan dahil sa katok. Papungas-pungas pa ako nang bumaba. Nawala sa isip kong silipin sa bintana kung sino ang nasa labas. Kaya naman napasimangot ako nang mapagtantong si Graeson ang nasa labas.
“Ang aga-aga mong manggising. Natulog ka ba, huh?” Ang aga-aga, naiinis na kaagad ako sa kanya.
“Kumatok lang ako para tanungin ka kung anong gusto mong ulamin. Ipagluluto sana kita.”
“Ano ba kita nobyo at ipagluluto mo ako?”
“Soon to be. So ano nga? Minsan lang ako mag-alok ng sarili ko maging cook. Ikaw din.”
“Ang aga mong mang-inis, Grae. Pwede bang lumipat ka na sa kabila? Antok na antok– Graeson!” sigaw ko sa kanya nang itulak niya ang pintuan ko. Lumaki tuloy ang awang kaya napadaan siya.
“I said, ipagluluto kita, Athena. Hindi ka ba flattered?”
“Ewan ko nga sa ‘yo. Magluto ka kung gusto mo. Basta ako, matutulog dahil late akong natulog.”
“I know. Magkasama tayo kaninang madaling-araw, remember?” Saglit akong natigilan sa narinig. Naalala ko na naman ang kapahangasan niya kagabi.
Napalunok ako kapagkuwan. Iginiya ko na lang ang sarili ko pabalik sa higaan ko. Pero dahil naunahan ako nang inis, hindi na ako nakatulog. Dinig ko na ang pagkikilos ni Graeson sa kusina ko.
Sa totoo lang, wala naman akong mga stock dahil mag-isa lang ako. Saka wala kaming ref dito unlike sa bayan, sa tinitirhan ng magulang ko. Kaya ano naman ang iluluto niya? Sigurado akong lalabas naman siya mamaya.
Kakahintay kong lumabas si Graeson, nakatulog ako. At nang magising ako, pangko na ni Graeson.
“Ibaba mo nga akong bata ka!” sigaw ko sa kanya.
“Will you please stop calling me bata? Kapag ako mainis, bigyan kita ng bata,” aniya sa akin.
Akmang hahampasin ko ang dibdib niya nang tingnan niya ako nang masama.
“Kapag lumapat ‘yan sa akin ang kamay mo. Ibabalik kita sa kuwarto mo aangkinin kita,” bulong niya sa boses niyang namaos pa.
Ganito ba talaga ang batang ito?
Sunod-sunod ang lunok ko mayamaya. “Ibaba mo na kasi ako,” mahinang sabi ko na lang.
Hindi naman niya ako sinunod kaya napasimangot ako hanggang kusina. Napaangat ako ng kilay nang makita ang mesa naming may nakahaing pagkain.
Hinigit ng paa niya ang lumang upuan namin at masuyo akong pinaupo doon.
“Bibitayin ba ako?”
“Of course not. Papayag ba ako? Siyempre, hindi.” Kumuha siya ng pinggan at inilagay sa aking harapan ko. Sunod niyang kinuha ang kutsara at tinidor.
“Ano ba kasi talaga ang kailangan mo sa akin, Grae?” seryosong tanong ko sa kanya.
Napatitig siya sa akin pagkuwa’y ngumiti. “Dahil gusto na kita?”
“Hindi mo ba nakikita ang agwat ng edad natin? Huh? Hindi ka ba nahihiya? Paano kung pag-chismisan nila tayo, huh?”
“Bakit mo ba sila iniisip, huh? Ramdam kong gusto mo rin ako kaya bakit ako mahihiya? Masama na bang ma-in love?”
“Hindi ka in love, Grae. Mapusok ka lang. Normal na sa lalaki ang libugan talaga kapag nakakita ng hubad,” pagkasabi ko ay tumayo ako at iniwan siya.
Wala akong balak na patulan siya dahil dala lang ‘yan ng kapusukan. After mong ibigay ang sarili mo sa kanya, wala ka nang silibi dahil maghahanap na kaagad ‘yan ng iba.
Hindi sa nag-iinarte ako. Kahit hindi na ako birhen, kailangan ko pa ring mag-ingat sa mga kagaya ni Graeson. Ayoko nang maulit ang mga pagkakamali ko.
Napababa ako nang tingin sa tuhod kong nanginginig. Napakapit pa ako sa lumang kabinet para kumuha ang suporta. Nagdahan-dahan na rin ako.
Hindi pa man ako nakakarating sa may hagdan nang may pumangko sa akin.
“Ibaba mo ako, Graeson, please!”
“I will.” At binaba nga niya ako sa may upuang inukupa niya kanina. Talagang binalik niya ako sa kusina.
“Open your mouth.” Sabay amba ng kutsarang may pagkain. Bahagyang umawang pa ang labi niya noon.
Hindi ako sumunod kaya nakipagsukatan siya nang tingin sa akin. Hindi naman siya nagpatalo. Pero sa huli ay nilapag niya ang kutsara na seryoso.
Ngumiti ako sa kanya. Susuko naman pala, e.
Akmang magsasalita ako nang kabigin niya ang batok ko at siniil nang halik. Para na namang dinarang ang pakiramdam ko sa mga halik niya. Halik kasi iyon na parang mapagparusa at mapusok pa. Sobrang sarap nang hatid din kasi niyon.
Napaawang ako ng labi nang maramdaman ang bahagyang pagkagat niya sa aking ibabang bahagi ng labi. Sinamantala naman niya iyon para mapasok ang loob ng aking bibig at tinudyo-tudyo ang dila. Hindi ko napigilang umungol noon.
Namalayan ko na ring nakatayo na ako habang nakapaloob sa mga mga bisig niya habang mapusok ding pinaglalakbay ang isang kamay na nagdudulot sa akin ng mas nagbabagang init.
“G-Grae,” anas ko nang pakawalan niya ang aking labi. Ngayon lang yata ako nakahinga nang maluwag. Pero muli niyang pinutol iyon at muli akong siniil ng halik.
Saglit pa niyang pinagsawa ang labi sa akin pagkuwa’y bumitaw din.
“Let me claim you, Athena, please,” pakiusap niya sa akin mayamaya habang sapo na ang magkabilaang pisngi ko. Sinasamahan niya rin iyon nang haplos.
“H-hindi nga pwede. Mahirap bang intindihin iyon?” kasunod niyon ang paglunok ko dahil nakagat niya ang ibabang bahagi ng labi niya. Ang hot niya tingnan nang gawin niya iyon. Dadag pa ang mga mata niyang puno na nang pagnanasa.
Naidikit niya ang noo niya sa akin sabay kiskis niyon. “Sobrang hirap intindihin, Athena. Kahit hindi mo aminin, alam kong nagugustuhan mo ang halik ko. Kahit na hindi mo tugunin, lumalabas ang init sa katawan mo kapag magkadikit ang ating katawan.”
Hindi ako nakasagot. Alangan namang sabihin kong nilalagnat ako.
Bumitaw siya sa akin kapagkuwan pagkuwa’y umatras. Sinapo rin niya ang ulo at hinilot.
“I’m sorry.” Sabay pakawala niya nang buntong hininga. Tumingin din siya sa pagkain. “Kumain ka na. Okay? Kailangan ko na yatang bumalik sa kabila.”
“Mabuti pa nga. At please lang, itigil mo na ang pagpunta mo dito.”
“‘Kay,” tipid at seryoso niyang sagot. Tinalikuran na rin niya ako.
Hindi ko alam kung bakit nalungkot ako sa pagtalikod niyang iyon. Parang gusto ko ngang habulin, buti na lang nakapagpigil ako.
Hindi ko nakita na si Graeson maghapon. Sabagay, umalis ako para bisitahin ang bahay namin sa bayan. Balak na umuwi ng magulang ko sa susunod na Linggo dahil may aayusin raw sila pero babalik din ng Maynila kapag naayos na.
Pwede naman akong tumira sa bayan, kaso mas malungkot doon kesa dito. Doon, wala akong makausap, dito marami. At kung makakuha ako ng trabaho sa bayan, balak kong dito pa rin umuwi. Saka umiiwas din akong umuwi doon dahil baka biglang magpakita sa akin ang tauhan ni Lester at ibalik ako sa apartment na iyon na nasa kabilang bayan pa.
Akala ko, nang araw lang na iyon hindi ko makikita si Graeson, mali pala. Dahil apat na araw na mula nang bumalik siya ng Maynila. Nahiya akong magtanong kay Isagani, pero nabanggit sa akin ni Auntie na nagmadaling umuwi nang araw daw na iyon. Iniisip ko nang dahil sa akin at nagdulot din iyon nang kahungkagan lalo sa akin. Kaya nagpasya akong pumasok sa burgeran ng pansamantala.
Malayong kamag-anak na namin iyon pero close kami kaya napakiusapan ko. Sabi ko, out of budget na kasi ako. Ang totoo niyan, may ipon naman ako na kakasya ng isang taon. Mura lang naman ang bilihin dito kaya hindi ko mauubos ang pera na ‘yon. Pinagtrabahuhan ko rin iyon ng ilang taon.
Buti na lang wala akong binabayarang upa sa bahay dahil sa baryo nga ako ako tumutuloy. Hindi naman kasi gano’n kalaki ang sahod ko sa burgeran na iyon. Pero kahit gano’n, nalilibang ako. Nag-apply na rin ako sa hindi kalakihang mall doon. Maganda naman ako kaya nagpasya akong sumubok doon. At habang hinihintay ang resulta ay sa burgeran na lang muna ako.
Kakapasok ko lang noon sa gate namin nang may humintong pamilyar na sasakyan sa kabila. Napahinto talaga ako at hinintay na bumaba doon si Graeson.
Sumilay ang magandang ngiti sa labi ko nang bumaba siya. Pero pinalis ko rin nang mabilis siyang lumipat sa kabilang pintuan at may inalalayang bumaba.
Napaawang ako ng labi nang makita si Chamae na bumaba. Mabilis din ang kilos ni Graeson na pumunta sa likod at may kinuha doon. Bumalik siyang may hila-hilang maleta na.
Magkasama ba sila ng ilang araw? Kaya pala hindi ko nakikita si Chamae sa tambayan nila. Si Sharon at Elwina lang din ang nakikita kong kasama ni Isagani kapag pumupunta ng court. Nanonood din kasi ako minsan ng basketball kapag bored na bored.
Hindi ko na nagawang ihatid sila na papalayo. Inihatid ni Graeson si Chamae yata dahil papunta iyon sa gawi sa Zone nila Chamae. Hindi naman kasi makakapasok ang sasakyan doon kaya siguro naglakad na lang.
Mapait na ngumiti ako pagkapasok. Parang bumigat yata ang dibdib ko kaya ilang beses kong tinampal iyon.
Sabi na, dala lang ‘yong ng kalibugan ni Grae. At ngayon siguro napagtanto na niya ang mali. Ang mga tipo kasi ni Grae ang hindi magseseryoso sa gaya kong matanda sa kanya.
Hindi na ako nakaramdam ng gutom kaya nagpasya akong mahiga na lang.
Dahil malapit ang silid ko na iyon kila Isagani ay dinig ko ang tawanan sa kabilang bahay. Nabuhay na naman dahil kay Graeson. Naririnig ko rin ang boses ni Chamae at Graeson na mukhang masayang nakikipagsabayan sa kuwentuhan.
Napatakip ako ng unan sa magkabilaang tainga ko para hindi sila marinig at pinilit na matulog na lang. Dahil sa dami ng gawa ko kanina kaya siguro ako mabilis na hinayon ng antok.
Napilitan akong mag-igib kinabukasan sa katapat nila Isagani dahil naubusan na ako ng stock ng tubig sa drum.
Nakadalawang balik pa lang ako nang lumabas si Graeson sa bahay nila Isagani, kasunod si Chamae. Mukhang magkatabi yata silang natulog.
Napaiwas ako nang tingin at ipinagpatuloy ang pagbomba sa poso. Pero napaangat din ako nang tingin nang marinig ang boses ni Graeson.
“Ang aga mo yatang magising, Ate Athena,” nakangiting sabi niya.
“Ate Athena,” ulit ko sa aking isipan na ikinakirot ng aking dibdib.
Bakit parang biglang nag-iba na ang tawag niya sa akin? Bumalik na ba talaga siya sa huwisyo?
“A-ah, maaga kasi ang pasok ko.”
“Ah, okay. Balita nga ni Auntie na pumapasok ka sa bayan.” Ngumiti siya sa akin pero hindi ako tumugon.
“Minsan try natin doon, Lab,” singit ni Chamae at kumapit pa nga sa brason ni Graeson. As if makawala naman ang binata sa kanya.
“Talaga? Gusto mo bang kumain doon mamaya?”
“Aba’y gusto! Paalam ako kay Nanay mamaya. Sigurado akong papayag basta ikaw. Saka pwede na akong payagan no’n kasi 20 na ako.”
“Okay. Let's date then!” masayang sabi ni Graeson.
Hindi ko na narinig ang sinabi ni Chamae dahil mabilis kong kinuha ang timbang hindi pa puno at umalis. Mukhang kailangan kong mag-half day mamaya sa burgeran. Hindi ko yata kayang makita ang dalawa mamaya doon. Matutulog na lang ako sa bahay namin sa bayan mamaya, o ‘di kaya maglinis doon.