THUNDER LAVISTRE Lumipas ang dalawang araw ng hindi pa nagigising si Flame. Ngayon andito kami sa UG pilit inaayos ang gulo kahit papaano paunti unti nagagawa naman namin. Hindi kami katulad si Flame na kapag inakusahan mo imbes na itanggi, sasagot pa ng tama. "Mga Boss, tayo pa rin ang sinisisi ng mga Police at ibang kamag anak ng Ford at Lee sa pagkamatay ng kaanak nila." si Mika iyon. Busy itong umiinom ng juice. "Nag labas na tayo ng statement. At sinagot na rin mga tanong nila na wala tayong kinalaman d'yan." si Earl naman na ang sumagot kay Mika. Kahit ang mga Dela Vega mas kinampihan kami. Hindi namin ito ginawa para mag hugas kamay. "Nakakainis dahil sa sunod sunod na pangyayari na ito nag ka gulo na lahat. Lalo pang liliit ang mundo natin, may kalayaan pa ba tayo?" Inis na t