FLAME MORJIANA LAVISTRE Nang magising ako sakto ala sais ng gabi. Napa hawak ako sa ulo ko dahil ang sakit nito.. "Haist.." inda ko. Dahan dahan tumayo ako at naglakad palabas ng kwarto. Habang naglalakad ako pinilit kong maging tuwid para lang hindi ako mahulog sa hagdan. "Flame, are you really okay? Pwede naman kami ang gagawa." Nag aalala na tanong ni Kuya Storm. Agad akong sinalubong nito sa gitna ng hagdan. "Okay lang ako kuya. Kakain muna ako tapos inom ng gamot." sagot ko. Narinig ko ang pag buntong hininga nito. "Okay sige, kapag hindi kaya huwag pilitin. Let's go, kakain muna tayo tapos uminom ka na ng gamot." mahabang wika ni Kuya Storm. Nang makarating kami sa dining, umupo na ako agad. Andito din ang nga Dela Vega. "Kukuha lang ako ng gamot mo Flame sa kwarto mo." sabi n