When there is evil in this world that justice cannot defeat. Would you taint your hands with evil to defeat evil?
Or you remain steadfast and righteous even if it means surrendering to evil?
" TO DEFEAT EVIL, I SHALL BECOME AN EVEN GREATER EVIL." - Flame Morjiana Lavistre
This book is continuation of season 1 who is in control ( flame morjiana lavistre ) para po maintindihan niyo basahin niyo po muna ang season 1.
WARNING TRIGGERED!!
MAARI PONG MAG LAMAN NG VIOLENCE, S*XUAL, HARRASMENT, CRIME ETC.
Please be aware bawal sa bata mas lalo kung ikaw ay 18 pababa. Don't copy this story plagiarism is a crime.
THANK YOU SO MUCH!
-
Nang magasing ang dalagang si Flame. Halata sa mukha nito ang gulat at hindi mapakaliwa sa mga tao sa paligid niya.
Na pinag tataka naman ng mag kakapatid na Lavistre. Nagulat na lang sila ng bigla itong bumangon at sumiksik sa dulong uluhan ng kama nito.
"He-hey Flame it's me kuya Thunder," kabadong pakilala ni thunder kay Flame. Akmang hahawak ito sa kamay ng dalaga ng sinamaan ito ng tingin ng dalaga.
Na paatras si Thunder sa talim ng mata ng kapatid.
"Flame ako 'to si kuya Thunder Lavistre," ulit na pakilala ni Thunder sa kanya sa mahinahong boses.
"Madrid, what happened to her?" galit na baling na tanong ni Thunder kay Madrid.
"Binabangungot siya," narinig nilang wika ni Mr. Dela Vega.
"Ho? Binabangungot ang kapatid ko?" takang tanong ni Storm sa matandang lalaki.
"Yes, Hijo. Dahil halata sa mga mata niya ang takot. Siya ay binabangungot habang siya ay nasa coma state," paliwanag nito, kaya nagkatinginan ang magkakapatid.
Lumapit ang anak ni Flame na si Cloud at dahan-dahan nitong hinawakan ang pisngi ng ina.
"I'm here, Mama, kaya huwag na kayong matakot,"malambing na wika ni Cloud sa ina.
"C-Cloud?" sambit ni Flame.
Finally, nagsalita na rin siya, kaya nakahinga nang maluwag ang mga taong naroon.
"Yes, Mama. . . It's me. Uhm, are you okay now?" tanong ni Cloud sa kanya.
Umalis muna si Thunder sa tabi ni Flame para makapag-usap ang mag-ina.
"Yes, Sweetie. I'm okay now. And I'm sorry if I scare you," hinging patawad ni Flame sa anak. At niyakap niya ito ng mahigpit.
"Ayos ka lang ba, Flame? Wala bang masakit sa 'yo?" tanong naman ni Dra.Madrid.
Nilingon ni Flame ang doktor. "Wala naman, Madrid. Okay na pakiramdam ko."
"Mabuti naman kung ganoon dahil sobra kaming nag-alala, sa 'yo," saad ni Dra. Madrid sa kanya.
Ngumiti siya rito. "Salamat, Dra. Madrid."
"Uhm, lumabas muna kayong lahat at kakausapin ko lang siya," utos ni Dra. Madrid.
Bumuntong-hininga naman si Thunder. Wala siyang nagawa, kundi lumabas na lang kahit labag sa loob nito.
"Kumusta ang underground?" tanong ni Flame.
Umupo si Madrid sa tabi niya. "Kailangan mo muna magpahinga, Flame bago mo isipin 'yan."
"Ilang araw o linggo akong tulog?" tanong niya kay Dra. Madrid na hindi tumitingin dito.
"Three months kang tulog," sagot ng babaeng doktora na ikinalaki ng mata ni Flame.
"Ti-Three months? Ba-Bakit? A-Ano ba'ng nangyari sa underground? Sino nagpapatakbo roon?" sunod-sunod na tanong niya. Agad hinawakan ni Dra. Madrid ang magkabilahang pisngi niya upang pakalmahin siya nito.
"Si Thunder ang tumayong boss. At gumabay sa kanya si Lance," pahayag nito na agad naman kumalma ang dalaga. "Magpahinga ka na muna at magpagaling ka. At babalik na lang ako bukas," saad pa nito.
Tumango lang si Flame. Nagpaalam na si Madrid. Bumaba na siya at nakaabang sa kanya ang magkakapatid na si Earl, Ezekiel, at Azi, Demitri. At ang magpipinsan na sina Vladimir at Damon.
"Kamusta, Dra. Madrid? Ano, okay na ba talaga si Flame?" sunod-sunod na tanong ni Thunder.
"Yeah, don't worry dahil na-shock lang siya. And everything will be okay. But, she taught, weeks lang siyang tulog. Pero, sa ngayon, need niyang magpahinga para bumalik agad ang lakas niya," paliwanag ni Madrid.
"Okay, salamat." si Ezekiel ang nagsalita.
"Babalik ako bukas para matingnan kung okay na siya. Then, kapag may problema sa behavior niya, tawagan niyo agad ako. Kahit hindi masabi kung ano'ng nakita niya sa panaginip niya, kailangan nating maging maingat at alerto, alis na ako." muling paalam nito bago umalis ng tuluyan.
SAMANTALA, nakaupo si Flame sa kama habang nakatingin siya sa kanyang kamay.
"Magpagaling ka kaagad, Flame," bulong niya. Gusto niyang magpahangin kaya tinungo niya ang beranda. Pinagmasdan niya ang tanawin. "Anong nangyari sa loob ng tatlong buwan?" kausap niya sa kanyang sarili.
"Kumusta na pakiramdam ng kapatid namin?" tanong ni Thunder nang pumasok ito sa kuwarto niya, kasama ang iba niyang mga kapatid at kanilang pinsan. "Kailangan mo raw magpahinga, ayon kay Dra. Madrid," dagdag pa nito.
"Medyo, okay na ako, Kuya," sagot niya.
Lumapit si Thunder sa kanya at niyakap siya nito. "Pinag-alala mo kami ng husto."
"Oo nga, Flame. Nag-alala kaming lahat sa 'yo," sambit naman ni Storm na yumakap din sa kanya.
"I'm really sorry, Kuya. But, I didn't mean to do that. I'm fine, totally fine." Ngumiti ng tipid ang dalaga at kumalas sa yakap ng mga ito.
"It's okay," saad ni Thunder na hinaplos-haplos ang buhok niya. "Huwag mo na isipin ang nangyari. Ang importante ay okay ka na ngayon," nakangiti, pero nangingilid ang mga matang saad pa nito.
"Magpahinga ka muna. At kami na muna bahala sa underground," seryosong bilin ni Earl na halata sa boses nito ang inis.
Tumango lang si Flame at umalis na ang mga ito. Ngunit bigla siyang may naalala.
"Kuya Thunder!" tawag niya sa kapatid na ikinahinto ng lahat at lumingon sila sa kanya. "I saw a man in my dreams. I never saw his face, but I saw a tattoo on his back. At nakita ko rin ang sarili ko sa panaginip ko," nakayuko na pahayag niya. At tiningnan ang kamay niyang may dextrose.
"And then? What next?" tanong ni Vlad.
"Full of blood ang sahig at maraming p*tay na tao.." putol niya sa kanyang sasabihin.
Nanginginig ang mga tuhod niya. At pagdakay nag-umpisa na siyang humikbi.
Agad namang tumakbo si Thunder at niyakap siya nito nang mahigpit.
"Sshh. . . It's fine!" bulong ni Thunder.
"He's right, Flame," saad ni Storm na niyakap din siya nito.
Sino may gawa ng patay*n, Flame?" mariin na tanong naman ni Demitri sa kanya.
Kumalas ang dalawang lalaki sa pagkayayakap sa kanya. Inangat niya ang kanyang ulo at tiningnan ang mga ito.
"Ako," sambit niya dahilan upang mapanganga ang mga ito.
-
A/N;
Muli po akong nag babalik. Muli ko din pong ipapaalala na maari itong mag karoon ng mga hindi ka aya ayang pang yayari. Maari din po kayong mag lagay ng comment if nagustuhan niyo po ang story na ito.
I said already this book is a continuation of the season 1 of who is in control ( flame morjiana lavistre)
Again WARNING TRIGGERED TO ALL READERS. may suitable VI*LENCE, S*XUAL, CRIME and ETC
Thank you so much!!