CHAPTER 1

3084 Words
THUNDER LAVISTRE "Boss ano po ang gagawin natin? Baka maging dehado tayo?" tanong ni Mika sa akin. Kahit ako ay hindi narin halos maintindihan ang gagawin ngayon. Mas lalo at nasa delikado sitwasyon ang buong grupo. Nandito ako ngayon sa Underground. Ang ibang tauhan at pinsan ko naman ay mag kakasama sa isang Mission. Ang Mission kung saan kuhain ang armas na kailangan ng Grupo. Matapos ang nangyari tatlong buwan na nakakaraan. At ang pag bura ni Flame sa system namin o ang information namin. Mas lalo na ang ibang importanteng detail. Matagal ito naibalik, dahil sobrang hirap ang mga IT expert namin. Naibalik lang ito nung nakita ko ang USB sa bulsa ng jacket ng kapatid ko. Yun ang suot niya habang nakikipag laban noon sa Lolo na'ming si Alfonso Lavistre. Dahil andun naka save lahat ng files at New code. Kaya namin naibalik din sa dati ang buong system ng T.O.P. "Hindi. Siguraduhin niyo lang na lahat ng mangyayari ay nakikita ninyo. " sagot ko. Napa buntong hininga na lang si Mika. Hindi ko alam na ganito pala kahirap ang mamuno sa ganitong kalaking Organization. Now i know kung anong hirap ng kapatid ko. Dahil hindi biro ang ganitong trabaho niya. "Boss kung ipag papatuloy nila ang pag sugod mauubusan tayo ng tauhan," rinig kong sabi ni Jenica. Isa ito sa mga tauhan namin at isa din itong IT expert. "D*mn it! Ano pa ba pwedeng gawin? Para makuha yung armas na yun?!" ines na tanong ko. Naihampas ko pa ang kamay ko sa mesang nasa harap ko. "Mukhang kailangan na po natin tawagan si Boss Flame," rinig kong sabi ni Divine. "Hindi pwede!" diin kong sagot. Ayoko tawagan ang kapatid kong si Flame. Masyado pa siyang delikado sa stress kabilin bilinan iyon ni Dra. Madrid na huwag na muna itong bibigyan ng stress. Tatlong linggo pa lang simula ng magising ito. Doon pa lang ito nakaka bawi ng lakas. Umayos ako ng tayo nang maka isip ako ng plano. "Okay ito na lang gawin niyo guys!" "Nakikinig kami boss," sagot ni Lance ang kanang kamay ni Flame. "Barbara, Samantha, Wendy at Lance and Ken. Kayo ang kumuha ng armas na yun. Kapag hindi binigay alam niyo na gagawin tapusin silang lahat! Mga insan support na lang kayo ganun din ang iba!" Pag bibigay ko ng utos sa kanilang lahat. Sila Samantha at Wendy pareho silang mga assassin hawak sila ni Flame. Si Barbara ay isa din itong assassin ngunit madalang itong makasama ng grupo sa labanan. Maliban kung kausapin ito ng kapatid kong si Flame at ang mga ka-Grupo nitong sila Jenny, Tatiana,Yuri, Teri at si Toni. "Areglado boss!" sabay sabay nilang sagot. Napa hawak ako sa sentido ko. Ngayon alam ko na talaga kung ano ang pakiramdam ng nakaka bata kong kapatid, kapag nasa mission kami. Ganito ang stress na nararamdaman niya at hirap. "Boss Thunder hindi pa ba kayo sanay? Sa loob ng tatlong buwan kayo ang naging boss namin," pag tatanong ni Mika sa'kin. Nilingon ko ito at natawa ng mahina. Si Mika ang pinaka pinaka leader ng IT. Sa mafia na ito, Kasama niya sila, Jenica, Alice at Divine. "Hindi. Ang hirap ng ganitong trabaho Mika. Hindi ko masabi kung swerte ba ako o hindi, na hindi ako ang inilagay sa position na ito," pag amin ko. Napa ngiti naman si Mika sa sagot ko dito. "Hindi ako kasing talino ni Flame. Ang batang iyon masyadong matalino kaya mahirap siyang tapatan." dagdag ko sa sagot ko kay Mika. Tumingin ako sa malaking screen sa harap namin, kung saan nakikita ko ang kilos ng mga tauhan namin at pinsan ko. Masasabi kong napaka galing na pinuno ng kapatid ko sa edad na bente uno nagawa niya kaming pamunuan. Muli akong nag salita. "Kaya sobra ang hanga ko sa kapatid ko. Alam kong lahat ng gagawin niya at desisyon ay para sa ikakabuti ng lahat, hindi baleng siya ang mag sakripisyo." Alam kong nakikinig sa'kin si Mika. Naiintindihan ko na kung bakit niya kami kinulong noon upang protektahan kami. Kahit inulit niya ang ginawa niya noon, ang lumaban ng mag isa. Ang tanging hindi lang nakaka intinde si Earl. Galit si Earl kay Flame dahil hindi marunong mag tiwala si Flame sa'min. Sabi ko nga, it's not about trust. Ang gusto ni Flame ay huwag kaming madamay lahat. Kung pati kami ay mawawala dahil sa labanan na nangyari tatlong buwan na ang lumilipas. Paano ang mga bata, sino ang maiiwan? Oo aaminin ko na nagalit ako. Pero nawala ng makita ko ang kapatid kong si Flame na halos malagutan na ng hininga. Dahil sa mga natamo nitong sugat galing sa huling laban na kinaharap ng grupo. Lahat ng galit ko nawala ng makita ko ang kapatid ko. Hindi ko kaya mawala ang kapatid ko Kaya nag desisyon kami hindi alisin ang life support nito. Nag ka roon ito ng life support dahil walang kasiguruhan kung gigising pa ito. Humingi ako ng tatlong buwan pa. Iyon ang unang beses ko nag dasal, para ibalik lang ang kapatid ko na si Flame naging malubha ang natamo nito sa huling laban niya sa Lolo namin. Bumalik ako sa reyalidad ng sumigaw si Alice. Na naging dahilan upang lingunin ko ito. "Boss may problema!" "Ano?" Mahinahon kong tanong dito. Tinuro niya ang malaking screen. "Boss si Ken may tama!" rinig kong sabi ni Lance. "Boss wala sa kanila ang armas si Ken din nawawala!" natatarantang sigaw ni Avel. Mag sasalita pa lang sana ako ng biglang may pumasok na tawag. "Boss may ta-tama ako! Sa tag-gilir-ran tatlo.." nang hihina nitong sabi. Bigla naman ako naka ramdam ng kaba. Ngunit kailangan ko parin mag focus. "Okay Ken kalma. . . Huwag ka matutulog tell me kung asan ka?" tanong ko dito. Kalma ba kamo? Galing ko mag salita pero ako itong kinakabahan! "I don't k-know madilim boss Thunder." habol hininga nitong sagot. Kapansin pansin din paran kulob ang paligid ni Ken. Nilingon ko si Mika, na nakuha agad nito ang gusto kong gawin niya. "Boss. I can't b-breathe p-properly!" daing ni Ken. Bwiset talaga! Napa sabunot ako sa buhok ko. "Boss Thunder wala padin ho! Ni isang bakas niya hindi rin mahagip ng rather ng system natin!" Pag bibigay Mika ng impormasyon sa'kin. Na pa hinga ako ng malalim. "Gawin mo lahat ng paraan para mahanap siya!" sigaw ko dito. "Ken huwag ka matutulog, huwag mo na ubusin lakas mo!" pakiusap ko dito. "Lance, Ezekiel and Azi paki hanap si Ken bilis!" utos ko. Narinig ko ang pag sagot nila. "Kamusta wala parin?" tanong ko kay Mika umiling ito bilang tugon. "M- - -" mag sasalita pa lang ako ng may pumasok na isang video call pag bukas bumungad ang kapatid kong babae na si Flame. Halatang nasa balcony ito ng kanyang kwarto. "All men! Makinig kayong maigi!" wika nito kaya napa tayo ako ng maayos. Kahit sila Mika at sila Jenica ay na pa ayos ng upo. "First si Ken nasa isang cargo truck sa west side. Lance puntahan mo na siya bilisan mo. Sahaman mo siya Avel, na kay Ken ang Armas na hanap niyo." utos nito. Nag ka tiningnan kami nila Mika, napa ngiti naman ako mukhang handa na ang nakaka batang kapatid kong si Flame sa labanan. "Yes boss!" sagot nila L.A at Avel (uulitin ko po ang L.A ay Lance Alexander) "Kapag nanlaban sila tapusin niyo agad. Humanda kayo para ganung paraan Jenny!" muling utos ni Flame kina Jenny, Lance at Avel. "Yes boss!" sabay sabay na sagot ng grupo nila Jenny. "You save me Flame. Thanks! But how did you know?" tanong ko sa kapatid kong si Flame. "Kanina pa ako nasa linya niyo, narinig ko ang background ni Ken nung nag salita ito. Ito ang tunog ng isang kulob na lugar. Binase ko lang sa alam ko kung saan ang palitan ng armas at pera." Mahabang paliwanag nito habang kumakain. "Ganun pala.." tumatango kong sagot. "I'm out. Kaya mo na yan.." she said at tuluyan na itong nag disconnected. Napa hinga ako ng malalim at tiningnan ulit sila Mika. Naganap ang mission ng pag kuha namin ng armas sa isang fish port sa navotas. "Magaling ka din po boss Thunder. Sa loob ng tatlong buwan hindi mo kami pinabayaan." ngiting sabi ni Mika. "Oo nga boss. Saka hindi po namin kayo pinag kukumpara ni boss Flame. Mag kaibang magka iba po kayo." segunda ni Alice. Tumango naman ang dalawang babae sina Divine at Jenica bilang pag sang-ayon kina Mika at Alice. Oo tama sila mag kaiba kami ni Flame. Hindi ako naiinggit dahil wala akong dapat ika inggit hindi iyon ang oras para sa ganung bagay. "Boss nakita na namin siya! Dadalhin na namin siya sa hospital." rinig kong sabi ni avel. "Okay. Mika tawagan mo si Dra. Madrid ihanda niya kamo ang Hospital niya for Ken." utos ko at kinuha na ang susi ng sasakyan ko. Si madrid ay isa din itong assassin at isa ding Doctor. Ito ang personal na gumagamot sa'ming Lahat. "Pag alis ko siguraduhin niyong naka sara ang lahat." bilin ko. "Yes boss!" sabay sabay nilang sagot at ako naman ay agad na akong umalis. Alam kong doon din ang punta ng iba kong pinsan na sila Earl. Kaya hindi na ako nag abalang tawagan o sabihan sila. FLAME MORJIANA LAVISTRE Napa hinga ako ng malalim at sumandal ng maayos. Yung kanina t'yamba lang yun wala talaga akong idea kung na saan si Ken. Dahil pagabi na, napag desisyunan ko ng tumayo at pumasok sa kwarto ko. Pag pasok ko nakita ko si Cloud at yung apat kong pamangkin na sila Hermione, Herion, Helliot, Harrion na kapwa din nag lalaro ng domino sa sahig. Hindi ko na lang sila pinansin at nag pa tuloy sa pag baba. Naabutan ko silang nag hahanda na ng hapunan. "Nay.." tawag ko dito. Agad itong tumingin sa'kin. "Oh ikaw pala gutom kana?" tanong ni nanay Fely sa'kin. Tumango ako dahil sa totoo lang gutom na talaga ako. "Okay sige maupo kana at mag hahain na ako. Joyce tawagin mo na silang lahat pati mga bata." utos ni nanay na agad naman sinunod ni ate Joyce. "Okay manang.." sagot ni ate Joyce at umalis na. Isa din itong kasambay dito sa mansion kasama niya si ate Joan. Napa tingin naman ako sa pinto nang bumukas ito. Bumungad sa paningin ko ang mga Dela Vega kasama nila si Crystal at Winter na galing sa practice sa kanilang paaralan. Si Winter ay nakaka batang kapatid namin. Isa itong adopted pero mas ginusto kong dahil niya ang apelyedo namin at official siyang maging kapatid namin. "Oh Mag bihis muna kayo. At bumaba na riin kayo upang sabay sabay na kumain, " utos ni nanay Fely sa mga bagong dating. Nag iwas na ako ng tingin at binalingan ang pagkain sa harap ko. Karamihan gulay ang ulam namin. At may isda din tama para lumakas pa ako lalo. I feel so weak mas lalo sa mga hita ko. Sabi ni madrid ang doctor namin at cindy na ang kapatid nitong nurse. Normal lang daw iyon dahil tatlong buwan akong tulog. "Hija kamusta kana?" tanong sa'kin ng nanay nila Kenneth. "Okay lang po ako." sagot ko na kina ngiti nito. Maya maya narinig na namin ang mga bata. Agad itong nag si takbuhan patungo sa upuan nila at si Cloud ang anak ko ay sa tabi ko. Agad ko nilagyan ng pagkain ang plato ng anak ko. Maya maya nag umpisa na kumain ang lahat. Matapos mag bihis ang mga bagong dating sumabay na ito sila sa amin. Habang tahimik akong kumakain narinig ko ang sunod sunod na pasok ng sasakyan at motor. "Flame mag usap tayo after mo d'yan." Utos ni kuya Thunder. Hindi na ako kumibo o lumingon man lang. Kunga ano man ang oag uusapan hindi ko rin alam. "Hija may problema ba? tahimik ka?" tanong ni Miss Aliyah. "Wala ho. Kumain na lang ho tayo." malamig kong sagot. Narinig kong napa buntong hininga ito pero binaliwala ko na lang iyon Tulad noon ayoko mapa lapit sa kahit sino. "Sobra kaming nag aalala sa'yo nung nangyari ang bagay na iyon." rinig kong sabi ng nanay ni Hanz. Sa pag kakantanda ko ang pangalan nito ay si Miss Helena. "D'yos ko hija! Sa susunod huwag mo na gagawin yun ha? sobrang delikado." sabi pa ulit ng ina ni hanz na si Miss Helena. Nilingon ko sila saglit at nag baba ulit ng tingin sa pag kain ko bago mag salita. "Hindi ako mag sasawang ulitin yun kung kinakailangan.." malamig kong sagot. "Oh baka naman nag papakitang gilas ka lang?" naka ngising tanong ni Kurt. Kung natatandaan niyo si Kurt ay isa sa mga naging kalaban ko noon. "Minsan iniisip ko bakit pa kayo nandito? Pwede na kayong umuwi sainyo. Hindi ko ginawa yun para mag pakitang gilas!" tumayo ako at nag lakad na paalis. Pero tumigil ako agad. "Kung pare pareho kami mamatay walang mag aasikaso sa mga maiiwan namin. Tingin niyo ba ginusto ko ang isakripisyo ang sarili ko? Bakit kaya mo ba kaming ipag tanggol? At kalabanin sila? Hindi naman diba?!" lumingon ako at tinanong ito ng deretso kay Kurt. Nakita ko ang pag ka gulat sa mukha nito. "Kung hindi mo alam ang kahulugan ng pag sasakripisyo. Huwag kang mag salita na parang alam mo ang nilalaman ng isip ko!" dagdag ko dito. Pumatak ng luha na pilit kong tinatago. "Wala kayong alam sa mga nangyayari. Oo nakita niyo, napanood niyo pero wala parin kayong alam." tumalikod na ako at nag lakad na paakyat sa taas. WINTER HELLIANA LAVISTRE Nagulat ako sa ginawa ni ate Flame. Pansin ko na iba ang ugali ni ate simula ng magising ito. Parang hindi s'ya yung dating ate Flame ko. Napa tingin ako kina nanay Fe. "Hi-hindi na siya yung ate ko." wika ko na may kasamang hikbi. May nag bago sa kanya pero hindi ko alam kung ano. Hindi ko pa matukoy. "Panigurado may something na nangyari na hindi niya sinasabi. Nanatili siyang naka tago sa bagay na iyon." rinig kong sabi ni ate Sky. "Huwag niyo na lang ho pansinin ang sinabi niya. Tingin ko may mali talaga dito." paninigurado ni ate Sky. Si ate Sky ang panganay sa Apat na mag kakapatid. Sinundan ito ni kuya Thunder, kuya Storm at si ate Flame. Isa akong adopted pero kung iturin nila ako ay totoong kapatid. Tiningnan ko si ate Sky at ngumuso ako. FLAME MORJIANA LAVISTRE Muli akong bumaba at nag tungo sa dining upang humingi ng paumanhin. "Hindi ko po sinasadya ang sinabi ko. You can stay here any time you want, ako na lang po ang iiwas." deretso kong sabi at tumalikod na ulit. Dumeretso ako sa taas patungo sa office. Nag tungo ako dito dahil gusto ako maka usap nila kuya. Pag pasok ko agad ko silang nilapitan. "Para saan?" Deretso kong tanong kay kuya Thunder. "About sa naka planong party para sa'yo. Dahil sa wakas gising kana." seryosong sagot nito. Naupo na lang ako sa table at tiningnan ang mga gamit dito. "Parang familiar ito sa'kin, Remember nung birthday ko?" tanong ko kay kuya Thunder. Narinig kong nasamid si kuya Storm dahil sa biglang pag tawa. I can't help it but natawa din ako. "So aattend ka?" tanong ni kuya Storm nang matapos tumawa. Umiling ako bilang simpleng sagot bago mag salita. "Ayoko, hindi ako interesado." baliwala kong sagot. "Lahat ng Mafia andun kahit hindi Mafia. About lolo Alfonso naka hanap na ito ulit ng bagong asawa." pag ku-kwento nito. "Wala parin akong pakialam sa kanya. Mag asawa siya kahit ilan niya gusto bahala siya," malamig kong sagot at tumayo na. "Mag papahinga na ako." paalam ko at lumabas na lang. Dumeretso ako sa kwarto ko at dumeretso ako sa balcony ng kwarto ko. Pag labas ko nakita ko ang maraming bituwin na kumikislap. Naramdaman kong may naka tingin sa'kin kaya agad akong lumingon sa kanan ko. Nakita ko si Blake doon at Hanz and Yj(yu-jun). "Good evening miss Flame!" naka ngiting bati ni Hanz sa akin. "Same.." maikling sagot ko. "Flame sana mapag bigyan mo ako this time." Blake said. Nilingon ko ito at sinamaan ng tingin. "Don't push it.." i said at tinalikuran na sila. Pumasok ako ng kwarto ko at nag sara ng dapat isara tulad ng bintana. "Tsk masyado siyang makulit!" asik ko at nahiga na sa kama ko. Marami namang ibang babae diyan hindi niya kailangan ipag siksikan sarili niya sa'kin. Pinikit ko ang mata ko hanggang hilahin ako ng antok.. BLAKE SHIN DELA VEGA Napa buntong hininga na lang ako. Nagalit na naman siya. Alam ko makulit ako pero hindi ko na talaga alam gagawin ko mababaliw na ako. Nung mga panahon na tulog ito at wala ang mga kuya at pinsan nito. Doon ko lang nahahawakan ang kamay niya ng maayos at malaya.. Oo ako ang nag babantay sa kanya nung nasa coma stage si Flame noon. "Okay lang yan. Pag siguro handa na siyang buksan ang sarili niya sa'yo, baka doon na rin niya maisip o makita na seryoso ka sa kanya." seryosong sabi ni Yj. "Hahaha baka pag nakita ka niyang nababaliw sa kanya, baka doon ka pa niya pag bigyan." natatawang sabi ni Hanz. Kaya sinuntok ko braso nito ng malakas na kina-ngiwi niya. "Ngayon mabaliw ka sa sakit. Gago ka!" sigaw ko dito at pumasok na lang sa loob na nag sisilbing kwarto naming mag pipinsan. "Masakit yon tol!" sigaw nito. Natawa naman si Yj kay Hanz dahil sa paulit ulit nitong pag himas sa sinuntok ko kanina. "Mom?" takang tawag ko kay mom. Nakita ko kasi itong malungkot. "Kahit masakit siya mag salita kanina naiintindihan ko kung bakit siya ganun. Kaya hindi ako aalis dito." mom sabay pout nito. Napa kamot naman ako sa ulo ko. Akala ko anong kinakatahimik niya. "Pero kami kailangan na talaga naming bumalik sa Laguna. Tapos may party pa for Miss Flame." sagot ko. "Okay mag kita na lang tayo sa party okay?" tanong ni mommy. "Yes mom." sagot ko. Well totoong kailangan na naming bumalik sa company at mag trabaho ulit ng maayos. Baka sakali pag nilibang ko sarili ko mawala yung nararamdaman ko kay Flame. - A/N; About kay DRAKE MONTELIVANO at ibang story ko na dinelete ibabalik ko po iyon. pero sa ngayon dito muna ako focus may habol po kasi akong word count. Minsan nag mental block din pasensya na. - If my reputation goes down for doing what's right, I don't need it.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD