CHAPTER 3

1306 Words
MICHELLE's POV Nakita ko ang paglunok ni Ian. Sigurado akong naaaninag niya ang naninigas kong pasas sa loob ng aking white tank top. Michelle: Nagugutom ka na ba, Ian? Sige. Ikukuha kita ng makakain. Tumalikod ako at sinadya kong landian ang lakad ko. Sa sobrang ikli ng shorts ko ay paniguradong nasisilip niya ang dalawang pisngi ng aking pang-upo. Tumigil ako sa pinto bago lumingon sa kanya. Gotcha! Nakatingin ang loko sa mga bola ko sa likod habang naglalakad ako. Bigla siyang nag-angat ng tingin at para siyang batang nahuling may ginagawang kalokohan. Ngumisi ako at tumingin ng nakakaakit. Michelle: Ikukuha na rin kita ng tubig. Baka nauuhaw ka? Mabagal na tumango si Ian. Ian: Sal-salamat, Michelle. Ganyan nga, Ian. Mabaliw ka sa katawan ko. Loyal ka man sa asawa mo, lalaki ka pa rin. May ulo ka pa rin sa ibaba na madalas na gumagawa ng desisyon para sa inyong mga lalaki. Pagkabalik ko ng kwarto ko ay nakita kong nakaupo na sa kama ko si Ian. Hinubad na nito ang suot na sando. Shocks! Napakasarap pagmasdan ng pinagpapawisang katawan ng asawa ng pinsan ko. Pawis na pawis ang malapad nitong balikat pati na ang mga namumutok nitong muscles sa braso. Sobrang sarap! Napakasarap paglandasin ng mga daliri ko sa likod ni Ian kung saan maraming pawis ang tumatagaktak. Ang tiyan niyang maraming umbok ng abs ay talagang nakakaakit. Lumapit ako sa kanya bitbit ang isang plato na may apat na hiwa ng cake at dalawang tinidor at isang basong tubig. Michelle: Pasensya na kung natagalan. Nahirapan kasi akong maghanap ng masarap na ipapakain sa 'yo. Ian: O-okay lang, Michelle. Masarap naman 'tong cake. Umupo ako sa tabi niya at ipinatong ang plato sa aking hita. 'Yong medyo malapit na sa singit ko. Para matanaw niya ang bakat kong perlas sa tuwing kukuha siya ng cake. Michelle: Umusog ka sa tabi ko. Hati tayo. Napansin ko ang malalim na paglunok ni Ian. Umusog siya sa tabi ko. Sapat upang magkadikit ang aming tuhod na parehong basa na ng pawis. Michelle: 'Yan. Magkainan na tayo. Biglang naubo si Ian sa sinabi ko. Napangisi ako. Kunwari ko siyang tiningnan ng may pag-aalala. Michelle: Ayos ka lang? Tumango siya na parang hingal na hingal. Iniabot ko sa kanya ang isang basong tubig. Michelle: Uminom ka muna. Inabot niya mula sa akin ang baso at lumagok ng tatlong beses. Ibinaba niya ang baso sa side table. Michelle: Kain na. Inabot niya ang isang tinidor. Nang yumuko siya para tumusok ng isang hiwa ng cake ay alam kong napansin niya ang bahagya kong nakabuyangyang na singit dahil sa ikli ng aking shorts. Pinagpapawisan ito. Nang makakuha siya ng isang slice ng cake ay mabilis niya itong nilunok. Ilang minuto ang lumipas ay nagkukwentuhan lang kami tungkol sa pamilya. Puro magaganda ang sinabi ko tungkol sa pamilya ni Rannicia. Siya naman ay naikwento sa akin ang naging trato ng mga magulang ni Rannicia sa kanya. Alam ko na 'yon pero nanatili akong nakikinig para makuha ang loob ni Ian. Medyo palagay na ang loob niya habang nagkukwento at hindi na gaanong naiilang tulad kanina. Mahaba na ang nakukwento niya nang tumigil siya sa pagsasalita at mapatingin sa dibdib ko. Ian: Ahm... Michelle, may cake ka sa dibdib. Napayuko ako at tumawa. Ipinahid ko sa aking daliri ang cake at isinubo sa aking bibig habang nakatingin ng malagkit kay Ian. Michelle: Salamat. Ngumiti siya at pagkatapos ay bigla kong idinikit sa pisngi niya ang daliring isinubo ko sa aking bibig. Nagulat siya hanggang bawiin ko ang aking daliri at sa dulo niyon ay may cake. Michelle: May dumi ka sa pisngi. Ngumiti ako ng matamis na ginantihan naman niya ng tawa. Ngunit natigil iyon nang isubo kong muli ang daliring may cake sa loob ng aking bibig. Michelle: Mmm... Nanlaki ang mata ni Ian. Michelle: Huwag magsasayang ng pagkain. Parang nahihirapan siyang huminga at mabilis na inabot ang baso ng tubig. Ilang beses siyang lumagok bago ko hinatak sa bibig niya ang baso. Nakita ko pa ang isang linya ng laway niya na dumikit sa dulo ng baso. May mga tubig na pumatak sa kanyang shorts pero hindi niya ito pinansin dahil sa pagkabigla sa ginawa ko. Michelle: Nauuhaw din ako. Huwag mong ubusin. At tumikim ako ng tubig sa parte ng baso kung saan naipon ang laway niya. This time ay hindi na ko nakatingin sa kanya. Hahayaan ko siyang mabaliw sa kakaisip sa ibig sabihin ng mga ginagawa ko. Ganyan naman ang mga lalaki. Kapag tinatakam, lalong nauuhaw. Lalong nanggigigil. Michelle: Mmm... Sarap... Pumikit ako nang nakatingala ang ulo matapos maubos ang tubig. Nilabas ko ang aking dila at ipinaikot sa aking labi. Para na kaming naghalikan ni Ian sa pagdidikit ng aming mga laway. Parang may mga boltahe ng kuryente na dumadaloy sa aking sistema sa isiping 'yon. Tumayo ako bitbit ang baso at plato. Wala akong lingon-lingon na lumabas ng kwarto. ---------- IAN's POV Hindi ko naiintindihan ang mga ikinukwento ni Rannicia. Nakahilig siya sa aking balikat habang nagkukwento. Pero ang isip ko ay inookupa ng babaeng nasa kabilang kwarto. Si Michelle. Ang pinsan ng misis ko. Hindi ko maintindihan ang mga kilos niya tuwing nasa iisang kwarto kami. Hindi ako tanga. Lalaki ako at alam kong inaakit niya ako. Pero hindi niya ipinapahalata. Ang hindi ko alam ay kung bakit. Sinabi niya sa aking mahal niya ang pinsan niya, pero bakit niya ito ginagawa. O hindi kaya akala ko lang? Bakit nga naman siya magkakagusto sa akin? Pero bakit parang iba ang sinasabi ng ulo ko sa ibaba sa sinasabi ng utak ko? Hindi. Libog lang ito. Baka naman dahil sa sexy si Michelle ay kung anu-ano ang pumapasok sa isip ko? Binibigyan ko ng malisya lahat ng kilos niya. Oo. Hot ang pinsan ng asawa ko. Naalala ko noong tumuwad siya kanina sa harapan ko para makipaglaro kay Levi ay umangat ang maiksing tuwalya na suot niya at nakita ko ang kalahati ng kanyang pang-upo. Ang hindi ko lang nasilip ay ang hiyas niya rahil pinagdikit niya ang kanyang dalawang hita. D*mn! Katabi ko ang asawa ko pero maseselang parte ng katawan ng pinsan niya ang tumatakbo sa isipan ko. Naninikip ang shorts ko. Nauuhaw ako. Ian: Hon, inom lang ako. Sandali lang ako. Lumabas ako ng kwarto na tanging boxer shorts ang suot ko. Bakat na bakat ang alaga ko sa loob. Ang dahilan ay ang pinsan ng asawa ko. Napailing ako. Hindi tama na isipin ko ang pinsan ng asawa ko. Nang pabalik na ako sa kwarto naming mag-asawa ay napatingin ako sa pinto ng kwarto ni Michelle. Hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa akin para lumapit at buksan ang pinto ng kwarto ni Michelle ng dahan-dahan. Pagkabukas ko ng pinto ay bumungad sa akin ang hubad na katawan ni Michelle. Nakabaligtad siya ng higa sa kama. Ang harap ng kanyang katawan ang nakadikit sa kama. Kitang-kita ang korte ng katawan ni Michelle sa ilaw na nagmumula sa bintana. Tanging gilid lang ng kanyang dibdib ang nakikita kong halos pumutok na rahil sa pagkakaipit. Ang kanyang matambok na pang-upo ay nang-aagaw din ng atensyon. Ilang minuto ay uminat siya at aaktong iikot. Mabilis na isinara ko ang pinto. Saka ako nagpakawala ng hangin na kanina ko pa pinipigil. Napatingin ako sa kwarto namin ng asawa ko. Sarado. Sa loob niyon ay ang asawa kong magkukwento hanggang sa makatulog kami. Napatingin ako sa pinto ng kwarto ni Michelle. Nakahawak pa rin ako sa doorknob. Kapag pumasok ako sa loob, siguradong walang salitang mamumutawi sa aming mga bibig. Wala ring tulog na magaganap. Argh! Kung anu-ano na ang pumapasok sa utak ko. Pinagpapawisan ako ng malapot. Parang nanghihina ang tuhod ko. Ngunit naroon ang panginginig ng aking kalamnan na may halong excitement. Bigyan Niyo po ako ng sapat na lakas... ---------- to be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD