CHAPTER 12

1818 Words
THIRD PERSON POV Kinabukasan ng araw ng Sabado ay hindi pa rin mawala sa isipan ni Ian ang mga ipinagtapat sa kanya ni Michelle, ang pinsan ng kanyang asawa, kagabi. Ang dahilan kung bakit tumigil ito sa pang-aakit at panlalandi sa kanya. "Ma-mahal na kita, Ian." Mahal na ni Michelle si Ian. At nahihirapan ito sa sariling damdamin dahil alam nitong hindi niya kayang suklian ang pagmamahal na iyon. May asawa na siya at mahal na mahal niya si Rannicia. "Si-sinubukan kong ibaling kay Renz, pero sa tuwing kasama ko siya, ikaw ang nasa isip ko. Sa tuwing hinahalikan ko siya, itong mga labi mo ang iniisip ko. Napakahirap, Ian. Asawa ka ng pinsan ko." Sinubukan pa ni Michelle na ibaling sa ibang lalaki ang atensyon nito, pero hindi nito kayang pagsinungalingan ang sarili. Wala sa loob na hinaplos ni Ian ang kanyang ibabang labi. Bigla ay pumasok sa kanyang isipan ang ilang maiinit na halik na pinagsaluhan nila ni Michelle. Ang unang halik na pinagsaluhan nila ay noong gabing bumigay si Ian sa pang-aakit ni Michelle at sinamantala ang pagkakataong mag-o-overtime ang kanyang asawa. Mabilis na hinatak pahubad ni Ian ang kanyang suot na polo. Nagtalsikan ang mga butones sa sahig. Hinubad niya ang kanyang sando at inihagis na lang kung saan. Lumapit siya sa kama kung saan naghihintay si Michelle sa kanya. Mabilis namang lumuhod sa ibabaw ng kama si Michelle para salubungin ang mga labi ni Ian. Kumapit si Michelle sa batok ni Ian habang ikinulong naman ni Ian ang pinsan ng kanyang asawa sa kanyang mga bisig. Inilabas nina Ian at Michelle ang init para sa isa't isa sa halik na iyon. Pareho silang nasasabik sa isa't isa. Kinukuyumos ng halik ni Ian ang malalambot na labi ni Michelle. Umanggulo siya para madali niyang maipasok sa loob ng bibig ni Michelle ang kanyang dila. Napakasarap pakinggan ng ungol ni Michelle. Lalong nilaliman ni Ian ang kanyang halik sa babae. Labi sa labi. Dila sa dila. Laway sa laway. Halos mapugto ang hininga nilang dalawa. Napapikit si Ian sa alaalang iyon. Naramdaman niyang nag-init ang kanyang katawan. Sunod na pumasok sa kanyang isip ang pangalawang halik na kanilang pinagsaluhan ni Michelle. Natatandaan pa ni Ian ang araw na iyon na humiling si Michelle na halikan niya ito habang naliligo sa banyo ang kanyang asawang si Rannicia. Ayaw sana niyang pagbigyan ang gusto nito pero hinubad nito ang suot na thong at nakita niya sa mga mata nito ang pananakot. Sa isip niya ay baka isumbong nito sa asawa niya ang gabing muntik nang may mangyari sa kanilang dalawa. Tandang-tanda pa ni Ian kung paano nagsalubong ang mga labi nila ni Michelle para tumigil na ito sa pangungulit sa kanya. Ang halik na tumagal ng ilang segundo. Nakahinga siya ng maluwang nang makita niyang nakabalik na si Michelle sa tabi ng anak niyang si baby Levi at sakto namang paglabas ni Rannicia mula sa loob ng banyo. Huminga ng malalim si Ian. Nararamdaman niya ang unti-unting pagkabuhay ng kanyang alaga sa loob ng kanyang boxer shorts dahil sa alaalang iyon. Isa pang alaala ang pumasok sa isip ni Ian. Ang gabing nakatunghay siya sa kanyang natutulog na anak na si baby Levi sa crib nito. Nangahas si Michelle na yakapin siya mula sa kanyang likuran. Naging mahina siya sa pang-aakit nito at nauwi iyon sa maalab na halikan at paglilingkisan ng kanilang mga dila. Nagpapasalamat siyang bumalik siya sa tamang huwisyo bago pa siya tuluyang bumigay sa mga panunukso ni Michelle. Pumikit ng mariin si Ian. Tuluyan nang tumigas ang kanyang alaga sa loob ng kanyang boxer shorts. "Hindi mo alam kung gaano kahirap sa akin na kasama kita rito sa bahay na ito, nakikita araw-araw, naaamoy ang nakababaliw mong amoy gabi-gabi, ngunit wala akong magawa. Dahil wala akong karapatan sa iyo." Naririnig ni Ian ang mga katagang iyon sa kanyang isipan. Mga katagang binanggit ni Michelle kagabi. Iminulat ni Ian ang kanyang mga mata at parang hinihingal siya rahil sa pag-iinit ng katawan na kanyang nararamdaman. Inabot ni Ian ang tasa ng kape na nasa kanyang harapan. Maaga siyang nagising dahil hindi siya pinatulog ng mga sinabi ni Michelle kagabi. Inihilamos ni Ian ang kanang palad sa kanyang mukha. Nagtapat ng pagmamahal sa kanya si Michelle at heto siya at nag-iinit ang katawan dahil sa mga alaala ng mga pinagsaluhan nilang halik. Hindi kaya minahal si Ian ni Michelle dahil sa mga halik na iyon? Umiling si Ian. Ayaw niyang isipin na ganoon nga, pero may isang parte ng kanyang katawan ang sumasang-ayon na maaaring nahulog ang loob ni Michelle sa kanya rahil sa kanyang mga halik. Pero posible bang ma-in love ang isang tao rahil lamang sa halik na natanggap nito mula sa taong pinagnanasaan nito? Naisip ni Ian na pwedeng naipagkamali lang ni Michelle sa pagmamahal ang pagnanasa nito sa kanya. Nasabi ni Ian sa sarili na sana nga ay ganoon na lang. Na akala lang ni Michelle na mahal siya nito pero ang totoo ay purong pagnanasa para sa kanya lamang ang nararamdaman nito. Dahil sa totoo lang ay mas madaling pakibagayan kung pagnanasa lang ang nararamdaman ni Michelle para kay Ian. Mas madali niya itong maitataboy kahit ba minsan ay mabilis siyang bumibigay sa mga panunukso nito rahil alam niyang pride lang nito ang masasaktan. Pero kung mahal si Ian ni Michelle at itinaboy niya ito, siguradong masasaktan ang puso nito. At iyon ang ayaw mangyari ni Ian. Ang makasakit ng damdamin ng iba rahil lamang nagmahal ito. Kaya mahirap para sa kanya ang mag-isip ng paraan kung paano ito palalayuin nang hindi sinasaktan ang puso nito. Nang bigla ay may naisip na paraan si Ian. Kung trabaho lang naman ang dahilan kung bakit nandito si Michelle sa bahay nila Rannicia ngayon, pwede niya itong hanapan ng ibang trabaho at patirahin sa ibang bahay. Tama. Iyon ang solusyon para tuluyan nang makalayo kay Ian si Michelle at hindi na ito mahirapan sa tuwing nagkikita sila araw-araw. Kakausapin niya si Michelle mamaya kung papayag itong hanapan niya ng ibang trabaho. Nasa ganoong pag-iisip si Ian nang marinig niyang bumukas ang pinto ng kwartong inookupa ni Michelle. Nagulat ito nang makita siya sa kusina. Napansin niya sa mukha nito na parang wala rin itong tulog. Hindi kaya pareho nilang iniisip ang nangyari kagabi? Michelle: Gi-gising ka na pala. Ma-magluluto muna ako. Nakita ni Ian na parang umiiwas ng tingin sa kanya si Michelle. Marahil ay nahihiya ito sa inamin nito sa kanya kagabi. Tumalikod si Michelle para simulan na ang pagluluto nang magsalita si Ian. Ian: Uhm... Huwag ka nang magluto. Weekend ngayon. Si Rannicia ang gumagawa niyan kapag weekend. Bigla ay humarap si Michelle kay Ian. Malungkot ang mukha nito. Maya-maya ay nagsalita ito sa napakahinang boses. Siguro ay para hindi marinig ni Rannicia kung sakaling gising na ito. Michelle: Gu-gusto kong gawin ito para sa iyo, Ian. Sa-sa weekend lang kita nakakasama ng buong araw dito sa bahay. Ka-kahit man lang dito ay hayaan mo akong iparamdam ang pag-pagmamahal ko sa iyo. Na-nabanggit sa akin ni Rannicia ang mga paborito mong pagkain. Ka-kaya kung nandito ka sa bahay ay hayaan mo akong iluto ang mga paborito mong pagkain. Nakatitig lang si Ian kay Michelle habang nakikinig. Kitang-kita niya sa mga mata nito ang sinseridad habang sinasabi ang mga bagay na iyon. Ian: Michelle... Nagsisimula nang mangilid ang mga luha sa mga mata ni Michelle. Michelle: Please. Parang naantig ang puso ni Ian nang makita ang pangingislap ng mga mata ni Michelle. Parang gusto niyang punasan ang mga luhang iyon na nagbabadyang tumulo sa mga pisngi nito. Nagbuntung-hininga si Ian at mabagal na tumango. Ian: Sige. Pero, Michelle, pag-usapan natin... Itinaas ni Michelle ang kanang kamay nito at pinatigil sa pagsasalita si Ian. Nagmamakaawa ang mukha nito. Michelle: Wa-walang dapat pag-usapan, Ian. A-alam mo na kung ano ang nararamdaman ko para sa iyo. Sa-sapat na iyon. Ang mahalaga ay alam mo na. Hi-hindi mo rapat suklian ang damdamin ko para sa iyo. A-alam kong may asawa ka na at ma-mahal mo ang pinsan ko. Wa-wala akong balak guluhin ang pagsasama ninyo. Iyon lang at tumalikod na si Michelle para magsimulang magluto. Nakita ni Ian ang pagpahid ng palad ni Michelle sa mukha nito. Marahil ay pinupunasan ang mga luhang naglandas sa magkabilang pisngi nito. Gustong yakapin ni Ian si Michelle para pagaanin ang loob nito pero alam niyang mas pahihirapan niya ito kung yayakapin niya. Mas mahihirapan ang kalooban nito. Hanggang maaari ay dumistansya siya rito para hindi mahirapan ang loob nito. Naisipan ni Ian na mamaya na lang kausapin si Michelle tungkol sa iaalok niyang trabaho rito rahil magluluto pa ito at wala pa ito sa kondisyon para makipag-usap nang hindi nagpapadala sa emosyon nito. Ian: Lalabas na muna ako. Morning jog. Baka pagbalik ko ay gising na si Rannicia at baby Levi? Sabay-sabay na tayong mag-breakfast. Hindi lumingon si Michelle kay Ian at tuloy lang sa pag-aayos ng mga sangkap para sa lulutuin nito. Michelle: Si-sige. Mag-ingat ka. Tinapunan pa ng isang pahabol na tingin ni Ian ang likod ni Michelle bago siya tuluyang lumabas ng kusina. Hindi nakita ni Ian ang mala-demonyong ngisi ni Michelle habang nakaharap sa dingding ng kusina. ---------- MICHELLE's POV Shocks! I'm so proud of myself! Grabe. Kitang-kita ko ang pag-aalala sa mukha ni Ian nang tumingin siya sa aking malungkot na mukha. Pwede na siguro akong mag-artista sa galing kong umarte. Effective talaga ang pagsasabi ko sa kanyang mahal ko na siya. Sorry na lang siya. Parte lang siya ng paghihiganti ko kay Tita Melba at talagang gusto ko lang matikman ang mataba niyang alaga. Ilang araw pa at mismong si Ian na ang gagawa ng paraan para masira ang kanyang sariling pamilya. Siya ang gagawa ng paraan para saktan ang puso ni Rannicia na anak ng babaeng umalipusta sa akin at sa aking Lola Fely. Hindi na ako makapaghintay na dumating ang araw na magdusa si Tita Melba rahil paluluhain ko ang anak nito. Kahit na nga ba wala ng masyadong komunikasyon sina Tita Melba at Rannicia, sigurado naman akong mahal nito ang anak at nasaktan lang ang pride dahil mas pinili ng pinsan ko ang asawa nito kaysa sa mga magulang. Hindi na ako makapaghintay na makita ni Tita Melba na lumuluha ang anak nitong si Rannicia at ang apo nitong si Levi nang dahil sa akin na inalipusta nito ilang taon na ang nakararaan. Na nawalan ng asawa ang anak nito at iniwan ng ama ang apo nito nang dahil sa babaeng ipinagtabuyan nito rati. Gusto kong makitang lumuluha si Tita Melba at mas maganda kung hindi nito kakayanin ang sakit na makikita sa anak nito. Pwede siyang magkasakit or worse, saktan ang sarili. Pasayaw-sayaw pa ako habang nagluluto ng breakfast dahil naaamoy ko na ang aking napipintong tagumpay. At kapag nagtagumpay na ako sa aking misyon ay saka ko iisipin ang damdamin ko para kay Renz. ---------- to be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD