MICHELLE's POV
Malalim akong nagbuntung-hininga habang nakaupo rito sa ibabaw ng kama sa loob ng kwartong aking inookupa sa bahay ng aking pinsang si Rannicia at asawa nitong si Ian.
Pakiramdam ko ay parang napakahaba ng araw na ito.
Nagsimula sa pagkikita namin ni Ian sa loob ng kusina ng bahay na ito kaninang umaga kung saan halatang apektado siya sa aking mga ipinagtapat kagabi.
Sa isipan ni Ian ay alam niyang mahal ko na siya. Pero ang totoo ay sinabi ko lamang iyon bilang parte ng aking paghihiganti kay Tita Melba.
Para kapag tuluyan ko nang maangkin ang puso at katawan ni Ian ay paniguradong guguho ang mundo ni Rannicia. At kapag nasaktan si Rannicia na unica hija ni Tita Melba, siguradong masasaktan din pati ang impaktita kong tita na iyon.
Hindi ko mapigilan ang mapangisi ng mala-demonyo habang iniisip na nasasaktan si Tita Melba.
Kaninang umaga rin kami nagkausap ng aking best friend na si Vina. Inutusan ko itong makipaglapit sa kaibigan at kumpare ni Ian na si Denver na nagtatrabaho sa talyer ni Ian.
Gusto kong maakit ni Vina si Denver para kapag naakit na ang lalaki sa aking kaibigan ay ito ang magiging tulay para kumbinsihin si Ian na pagbigyan ang kung anumang nararamdaman niya para sa akin.
Mas mabuti nang may sumusulsol at nangungunsinti kay Ian para mas matukso pa siyang sundin ang tawag ng kanyang laman para sa akin lalo na at alam niyang may damdamin ako para sa kanya.
Sa bago kong taktika ng pang-aakit kay Ian ay hindi pwedeng maging agresibo ako, kaya kailangan ko ng taong susulsol sa kanya.
Nang makita ko kung paano akong titigan ng kaibigan ni Ian na si Denver nang dalawa beses akong pumunta sa kanyang talyer ay nasisiguro kong uhaw sa laman ang lalaking iyon.
Pwede namang ako ang mang-akit kay Denver, pero syempre hindi maganda iyon para sa aking plano. Dahil kailangan kong panindigan ang sinabi kong mahal ko na si Ian.
Hindi magiging kapani-paniwala ang pag-amin kong iyon kung makikita ako ni Ian na nakikipaglandian pa sa ibang lalaki.
Kaya nga ilang araw kong iniwasan si Renz para maging effective ang aking drama na hindi ko kayang lokohin ang aking sarili na mababaling sa ibang lalaki ang aking pag-ibig para kay Ian.
Speaking of Renz, ngayong araw ay muli kong narinig ang tinig ng boses nito. Na talaga namang nagpaluha sa akin dahil lalo kong na-realize na nami-miss ko na itong kasama.
Hindi ko akalain na mai-in love ako kay Renz. Kasi noong una, nakikipaglandian lamang ako rito. Kaya naman nang mabitin ako sa muntik na naming pagtatalik ni Ian ay kay Renz ko ibinuhos ang lahat ng aking init.
Pero nang iniligtas ako ni Renz mula sa muntikang pagkakabunggo sa akin ng malaking delivery truck ay nagbago ang lahat.
Nag-iba na ang tingin at damdamin ko para kay Renz. At sa totoo lang ay masarap ang ganitong pakiramdam, 'yong may minamahal.
Nang mawala si Lola Fely ay parang hindi na ako nakararamdam ng pagmamahal sa aking puso. Na parang nabubuhay na lamang ako kasi kailangan kong mabuhay.
Nang malaman kong si Tita Melba ang nagmamay-ari ng company na pinagtatrabahuan ko rati ay may nabuhay naman sa aking puso. Hindi nga lang pagmamahal, kundi galit.
Nagagalit ako kung bakit ang isang masamang taong katulad ni Tita Melba ay patuloy ang kaginhawaang natatamasa sa buhay.
Sa totoo lang, sobra akong nalungkot nang mawala si Lola Fely dahil sa isang aksidente at talagang nagkaroon ako ng hinanakit at galit sa aking Tita Melba.
Pero nang mailibing si Lola Fely ay kasama ko na ring ibinaon sa limot ang aking galit para sa aking Tita Melba. Inisip ko na lang na wala na akong kamag-anak. Inisip ko na lang na nag-iisa na ako sa mundong ibabaw.
Pero bigla na lang nabuhay ang galit sa aking puso nang makita ko kung gaano kaganda ang buhay ni Tita Melba nang magsimula na akong magtrabaho sa company nito na pinamamahalaan ng asawa nitong si Tito Jerome.
Hindi ko naiwasang balikan sa aking isipan ang nakaraan kung saan ipinagtabuyan kami ni Lola Fely ng aking Tita Melba. Ang sakit isipin na para pang biniyayaan ang kademonyohan nitong iyon.
Na-realize kong hindi ko pala talaga ibinaon sa limot ang aking galit para kay Tita Melba. Nandoon lamang pala iyon sa isang sulok ng aking puso.
Kaya ito na nga, nandito ako ngayon sa bahay ng anak ni Tita Melba bilang parte ng aking paghihiganti rito.
Alam ko sa aking sarili na mali ang maghiganti, pero tama ba na mamuhay ng masaya si Tita Melba sa kabila ng mga ginawa nito sa amin ni Lola Fely noon?
'Di ba hindi?
Kung nagdusa kami ni Lola Fely noon at kahit ngayon ay nagdurusa pa rin ang aking kalooban sa sobrang kalungkutan dahil sa pagkawala ni Lola Fely ay kailangang magdusa rin si Tita Melba pati na ang buong pamilya nito.
At kanina nga habang nagmumukmok ako rito sa loob ng aking kwarto ay muli ko na namang naalala ang pagkamatay ni Lola Fely.
Mariin akong pumikit at muling nagbuntung-hininga.
Ngayong araw din dumating ang kapatid ni Ian na si Yuki. Magbabakasyon daw. At wala akong ideya kung hanggang kailan mananatili ang malditang iyon dito.
Halata namang hindi ako gusto ni Yuki. Oh well, hindi ko ito kailangang problemahin dahil ang Kuya Ian naman nito ang kailangan kong pag-ukulan ng pansin.
Bumisita rin kanina ang best friend ng aking pinsang si Rannicia na si Kimberly. Kilala ko na ito rati pa rahil nakikita ko ito sa mga larawang ipinapakita sa akin ng aking best friend na si Vina noon.
Si Kimberly ang asawa ng mayamang lalaki na kinakabitan ni Vina. Umuwi pala ng Pilipinas mula sa US si Kimberly para sundan ang asawa nitong nagtatrabaho rito sa Pilipinas.
Nang ipinakilala ako ni Rannicia kay Kimberly ay wala namang kakaiba sa mga titig nito sa akin at feeling ko naman ay wala itong ideya sa pangangaliwa ng asawa nito.
Base sa narinig kong pag-uusap nina Rannicia at Kimberly ay mag-best friend sila since High School at nagkahiwalay lamang nang pumuntang abroad si Kimberly nang mapangasawa si Andrew Millicent.
Ang huling pagkikita raw nina Rannicia at Kimberly ay noong binyag ni baby Levi. Ninang si Kimberly ng anak nina Ian at Rannicia.
Bagong kasal pa lamang sina Kimberly at Andrew nang bumalik si Andrew ng Pilipinas bilang parte ng trabaho nito. At kung tama ang pagkakatanda ko ay ilang buwan pa lamang nang magkakilala sina Andrew at ang aking kaibigang si Vina rito sa Pilipinas.
Sana talaga ay hindi mabuko ni Kimberly na mistress ng asawa nito si Vina rahil baka maging problema pa iyon kapag nalaman nilang best friend ko si Vina.
Eh, kung pahanapin ko na lang kaya si Vina ng ibang lalaking kakabitan?
How about Tito Jerome?
OMG, yes!
Tama! Si Tito Jerome!
Hindi magiging mahirap for Vina na akitin ang asawa ni Tita Melba rahil unang-una ay may experience na ito sa pang-aakit ng older men at pangalawa ay nagkikita sina Vina at Tito Jerome sa company na pagmamay-ari ni Tita Melba.
Natuwa nga ako nang hindi ako nakilala ni Tito Jerome nang magtrabaho ako sa company ng asawa nito. Oh well, bata pa naman ako nang ipagtabuyan kami ng aking Lola Fely ni Tita Melba sa tapat ng kanilang malaking bahay.
Kaya hindi talaga ako maaalala ni Tito Jerome.
Actually, ang una ko naman talagang plano ay ang akitin si Tito Jerome, pero naisip kong kapag nakilala ako nito bilang pamangkin ng asawa nito ay paniguradong agad akong tatanggalin nito sa trabaho at ilalayo ako sa pamilya nito.
Kaya naman umisip ako ng paraan na ang paghihiganti ko ay magiging pangmatagalan.
And the best way to hurt Tita Melba is to hurt her daughter through her son-in-law.
Since matagal nang hindi nagkikita sina Rannicia at Tita Melba rahil kay Ian kaya naman ang mag-asawang Ian at Rannicia ang napili kong paraan para makapaghiganti kay Tita Melba.
Hindi madaling mabubulilyaso ang aking mga plano sa bahay na ito rahil unang-una ay hindi naman bumibisita rito sina Tita Melba at Tito Jerome.
At pangalawa ay wala namang nakatira sa bahay na ito ang loyal kay Tita Melba. Hindi nga ba at pinili ni Rannicia si Ian over her mother?
At si Ian, pareho kaming nakaranas ng pangmamata mula sa impakta kong tita. Kaya kung tutuusin, baka mas maging loyal pa si Ian sa akin kaysa kay Tita Melba.
Ang sarap lang isipin na kaming dalawa ni Ian na minamata-mata ni Tita Melba noon ang magiging dahilan para lumuha ang anak nito.
Napakagat ako sa aking labi. Nai-imagine ko na ang magiging eksena kapag nahuli ni Rannicia na magkapatong ang pawisang hubo't hubad na katawan ng asawa at pinsan nito.
Paniguradong mababaliw si Rannicia.
Napahalakhak ako sa aking isipan.
Dahan-dahan akong tumayo mula sa pagkakaupo sa ibabaw ng kama at humarap sa malaking cheval mirror na nasa loob ng kwartong ito.
Nakasuot lamang ako ng red lace thong na pinatungan ko ng red silk bathrobe na maluwag ang pagkakatali sa baywang.
Naiinis ako sa kapatid ni Ian na si Yuki ngunit inaamin kong may magandang naidulot ang pagdating nito rito sa bahay ng mag-asawang Ian at Rannicia.
Dahil sa pagdating ni Yuki kaya nag-suggest si Rannicia na sa sala muna pansamantalang matutulog si Ian habang sa master's bedroom matutulog si Yuki kasama si Rannicia sa loob ng panahong magbabakasyon si Yuki sa bahay ng mag-asawa.
Pabor iyon sa akin para may posibilidad na masilayan ni Ian ang aking seksing katawan sa tuwing lalabas ako ng kwartong ito para uminom ng tubig sa kusina o pumunta ng banyo sa dis-oras ng gabi.
Katulad ngayon. Alas onse na ng gabi. Paniguradong tulog na si Rannicia at sana ay tulog na rin si Yuki.
Pinasadahan ko pa ng isang tingin ang aking reflection sa salamin mula ulo hanggang paa bago nagsimulang maglakad patungo sa pinto ng kwartong ito.
Sana ay gising pa si Ian.
----------
THIRD PERSON POV
Mabilis na pinapaharurot ni Ian ang kanyang motorsiklo habang nakaangkas sa likod ng sasakyan ang kaibigang si Lemuel.
Sinusubukang habulin ni Ian ang puting kotse na nasa kanilang harapan. Ang kotseng minamaneho ng kaklase ni Ian na si Jordan.
Ian: Hindi ka makalalayo sa amin, Jordan! Ang tigas ng mukha mong pormahan si Donna pagkatapos kong ianunsyo sa buong school campus na wala nang pwedeng manligaw sa kanya rahil binakuran ko na siya!
Lalo pang bumilis ang takbo ng motorsiklo ni Ian na ngayon ay halos nasa kaliwang gilid na ng kotse ni Jordan.
Lemuel: Hoy, Jordan! Bumaba ka riyan! Ang tapang-tapang mong pumorma kay Donna, tukmol ka, pero ngayong nahuli ka na ni Ian ay tatakas ka!
Si Jordan ay pinagpapawisan habang patuloy sa pagda-drive ng kotse nito.
Kabadong-kabado si Jordan dahil alam nitong nanganganib ang buhay nito sa kamay nina Ian at Lemuel.
Kilala sa buong school campus si Ian dahil anak siya ng isa sa mga taong may malaking katungkulan sa kanilang lugar. Kaya naman malakas ang loob ni Ian at ng kanyang mga tropa na gawin ang mga masasamang gawain sa loob ng school campus dahil sa kanyang ama.
Nambubugbog si Ian at ang kanyang mga tropa ng mga lalaking estudyanteng kumakalaban sa mga ito lalo na kapag nalalaman ng mga itong may ibang lalaking pumuporma sa mga babaeng nililigawan ng mga ito.
Madalas ay sa loob ng restroom nagaganap ang pambubugbog. Minsan ay sa loob ng locker room at kung minsan ay sa parking lot ng school.
Pero ang hindi alam ni Ian at ng kanyang mga tropa na ang ilan sa mga babaeng pinopormahan ng mga ito ay kusang lumalapit sa ibang lalaki para magpapansin at lumandi.
Sinubukang ipaliwanag ni Jordan kay Ian na si Donna ang lumapit dito kanina, ngunit hindi nakinig si Ian. Bagkus ay sinapak ni Ian si Jordan sa mukha.
Mabuti na lamang at inawat ni Donna si Ian kaya nakatakas si Jordan. Pero nagulat na lamang si Jordan nang makitang sinusundan na pala ito ni Ian sakay ang motorsiklo ng lalaki at kasama ang isa sa kanyang mga tropa na si Lemuel.
Gustong isara ni Jordan ang bintana sa tabi ng driver seat ngunit naka-focus ito sa pagmamaneho.
Lemuel: Hoy, tukmol! Sinabing bumaba ka!
Biglang dumukot ng bato si Lemuel mula sa loob ng bulsa ng suot nitong pantalon at ibinato sa mukha ni Jordan.
Sapul ang bato sa sentido ni Jordan na naging dahilan para mawala ang focus nito sa pagmamaneho.
Malakas na nagtawanan sina Ian at Lemuel.
Ian: One point!
Ngayon ay nasa mismong tapat na ng driver seat ng kotse ni Jordan ang motorsiklo ni Ian.
Hindi na makapag-focus sa pagmamaneho si Jordan dahil dumudugo na ang sentido nito.
Si Lemuel ay ikinikiskis ang panibagong hawak na bato sa gilid ng kotse ni Jordan.
Si Ian ay patuloy ang panggigitgit sa kotse ni Jordan gamit ang kanyang motorsiklo. Halos tumama na ang sasakyan ni Jordan sa mga nakahilerang puno sa gilid ng daan.
Ian: Ano, ha?! Lalapitan mo pa ba si Donna?! O pipilayan kita rito sa kalsada?! Madilim dito! Walang makakakita ng mga gagawin namin sa iyo!
Malakas na humalakhak si Ian at dinuraan ang dumudugong sentido ni Jordan.
Ian: Ano ang ipinagmamayabang mo?! Itong kotse mong sisirain na namin ni Lemuel ngayon, ha?!
Malakas na tumawa si Lemuel na tuloy ang pagkaskas ng bato sa gilid ng kotse ni Jordan.
Maya-maya pati ang bubong ng kotse ni Jordan ay kinakaskasan na ni Lemuel ng bato.
Si Jordan ay tuloy pa rin ang pagmamaneho kahit nanlalabo na ang paningin habang sina Ian at Lemuel ay patuloy sa pagtatawanan habang ginigitgit ng motorsiklo ni Ian ang kotse ni Jordan.
Ian: Lumaban ka, gunggong! Kotse ang gamit mo, kami motorsiklo lang, pero hindi ka makalaban!
Biglang ipinasok ni Lemuel ang kanang kamay nito sa loob ng bintana sa tabi ng driver seat ng kotse at sinabunutan ang buhok ni Jordan.
Lemuel: Ayaw mong bumaba, ha?
Ipinipilig ni Jordan ang ulo at pilit na kumakawala mula sa kamay ni Lemuel na naging dahilan para tuluyang mawala ang focus nito sa daan.
Si Ian ay tuloy ang panggigitgit sa kotse ni Jordan gamit ang kanyang motorsiklo habang tumatawang nakatingin sa anyo ni Jordan na hindi mapakawalan ang ulo mula sa mahigpit na pagkakasabunot ni Lemuel sa buhok nito.
Hanggang sa marinig ni Ian na bigla na lamang sumigaw si Lemuel.
Lemuel: I-Ian! Ian! May matanda sa gilid ng kalsada! Ian, 'yong matandang babae!
Huli na nang ma-realize ni Ian na bubunggo sa matandang babae ang kanyang ginigitgit na kotse ni Jordan.
Jordan: Aaahhh!
Umalingawngaw sa madilim na kalsadang iyon ang sigaw ni Jordan kasunod ang sigaw ng matandang babae na tumilapon sa kabilang gilid ng kalsada rahil sa malakas na impact nang pagkakabunggo ng kotse ni Jordan dito.
Lemuel: I-Ian, na-nakapatay tayo.
Nanlalaki ang mga mata ni Ian habang pinagmamasdan ang duguang matandang babaeng nakahandusay sa kabilang gilid ng kalsada.
Malakas na sumigaw at hingal na hingal na napabangon si Ian mula sa pagkakahiga sa malaking couch.
Pinagpapawisan si Ian.
Hindi alam ni Ian kung bakit napanaginipan niya ang bagay na iyon.
Matagal nang panahon na nangyari iyon at pinagsisisihan na ni Ian ang mga bagay na kanyang ginawa noon na itinuturing niyang parte ng kanyang kabataan.
Ian: Ma-matagal ko nang kinalimutan ang parteng iyon ng aking buhay. Hi-hindi rapat malaman ni Rannicia ang parteng iyon ng aking kabataan. Paniguradong pag-pagsisisihan niyang pinakasalan niya ako.
Napasabunot si Ian sa kanyang buhok.
Maya-maya ay nagulat si Ian nang bumukas ang pintuan ng master's bedroom nilang mag-asawa at agad siyang nilapitan ng misis na si Rannicia.
Rannicia: Hon, narinig kong sumigaw ka. Anong nangyari?
Nag-aalala ang mukha ni Rannicia habang nakatunghay sa mukha ni Ian.
Biglang niyakap ng mahigpit ni Ian si Rannicia. Nagulat man si Rannicia ay niyakap nitong pabalik ang mister.
----------
MICHELLE's POV
Ang balak ko ay sorpresahin si Ian sa aking nakakaakit na ayos ngayon.
Ngunit ako pala ang masu-surprise.
Mahigpit na magkayakap ang mag-asawang Ian at Rannicia sa loob ng sala.
Bakit ba hindi ako binibigyan ng pagkakataon ng Rannicia na ito na masolo si Ian?
Argh!
Nakakainis!
Nagngingitngit ang aking kalooban dahil hindi ko nagawa ang aking plano para kay Ian sa gabing ito.
Nang bumalik ako sa loob ng aking inookupang kwarto ay agad kong dinampot ang aking phone at tinawagan si Vina.
Mabuti ay gising pa ito.
Michelle: Vina, akitin mo agad-agad si Tito Jerome. Sa Lunes na kung maaari. Kailangang ma-sample-an ni Tita Melba.
Nagdidilim ang aking paningin sa sobrang inis.
Michelle: Sisirain kita, Tita Melba.
----------
to be continued...