MICHELLE's POV
Mabilis akong napabangon habang naririnig ko ang tuluy-tuloy na malalakas na katok mula sa main door.
Argh! Akala ko ba mamaya pa si Rannicia? Nakakairitang asungot 'to!
Napansin kong nataranta si Ian at mabilis na bumaba mula sa kama. Bakat na bakat ang naninigas na ari nito sa loob ng boxer briefs habang nagkukumahog na pulutin sa sahig ang mga saplot nito. Napangisi ako sa nakikitang pagkataranta niya.
"Ian! Michelle! Buksan ninyo ang pinto!"
Mas lalong nagmadali si Ian nang marinig namin ang nakaririnding boses ni Rannicia. Napatingin ito sa akin.
Ian: Ano ba, Michelle? Ano pang itinutunganga mo? Magbihis ka na. Pagkalabas ko rito, pagbuksan mo ng pinto si Rannicia. Didiretso ako ng kwarto namin. Sabihin mong pagod ako at hindi na nakakain.
Nakakahangang kaya pa rin nitong mag-isip ng palusot kahit natataranta na. Kagat-labi akong napangiti kay Ian bago sumagot.
Michelle: Talaga ba? Hindi ka pa kumakain? Pinapak mo nga ang labi at mga pakwan ko.
Sinamaan ako ng tingin ni Ian at dinuro.
Ian: Nadala lang ako, Michelle. Natukso. Huli na ito. Tandaan mo 'yan. Asawa ako ng pinsan mo. Alamin mo kung anong posisyon mo sa bahay na ito.
Nalikom na nito lahat ng pinaghubarang damit at tumalikod na para lumabas ng aking kwarto.
Ian: 'Yong mga butones ng polo ko linisin mo kung ayaw mong magkaproblema tayo.
Nakangisi lang ako sa likod ni Ian habang pinagmamasdan ang maskulado niyang likod. Alam ko namang pilit niyang nilalabanan ang kanyang kaba. Nagtatapang-tapangan sa harap ko. Pero ang totoo ay natatakot siya. Natatakot na kapag muling nangyari ito ay hindi na siya makakapagpigil.
Ngayong nakatikim na siya kaunti ng kaya kong ibigay ay sigurado akong hahanap-hanapin na niya ito. Dito ko na rin sisimulan ang slow seduction. Babaliwin ko siya nang paunti-unti hanggang siya ang gumawa ng first move. Malademonyo akong napangiti sa harap ng aking cellphone na nakatago sa isang sulok ng kwarto rahil sa aking mga naiisip na plano.
Pagkalabas ni Ian ng aking kwarto ay muli kong narinig ang mga sigaw ni Rannicia. Mabilis akong nagsuot ng bra, damit, at shorts bago ako umarteng pupungas-pungas na binuksan ang pinto.
Rannicia: Ano ba naman 'yan, Michelle? Kanina pa ako kumakatok.
Michelle: Pasensya na, Rannicia. Nakaidlip ako. Sabi mo kasi overtime ka kaya mamaya pa tutunog ang alarm ko. Si Ian dumating na. Pagod na pagod kaya hindi na nag-dinner. Kumain ka na muna. Nagluto ako para sa inyo ni Ian.
Nakita kong medyo kumunot ang noo ni Rannicia.
Rannicia: Nakakapanibago. Never namang hindi nag-dinner si Ian.
Malisyosa akong ngumiti sa likod ni Rannicia.
Michelle: Baka naman tumikim ng kaunting putahe bago umuwi? Kaso sobrang pagod siya, eh. Nakakapagod nga namang magtrabaho sa talyer.
Tumango naman si Rannicia at pumasok na sa kanilang kwarto ni Ian. Nagbihis lang at kumain. Pinilit kong makinig sa mga kwento niya kahit wala naman talaga akong interes sa mga sinasabi niya tungkol sa trabaho. Naaalala ko na naman si Tita Melba rahil sa kanya.
Kinabukasan ay naliligo sa banyo si Rannicia nang iwan ko si baby Levi sa paglalaro sa sala at puntahan si Ian sa kusina habang nililikom nito ang mga pinagkainan sa almusal.
Yumakap ako sa kanya mula sa kanyang likuran.
Michelle: Baby?
Damang-dama ko ang paninigas ng katawan ni Ian dahil sa gulat at kaba. Mabilis itong napatingin sa gawi ng banyo malapit sa kusina.
Ian: Michelle, anong ginagawa mo?
Pabulong pero mahihimigan ko ang galit na may kasamang pangamba sa boses ni Ian.
Inamoy ko ang mabangong batok ni Ian na nagpaungol sa kanya. Nakaligo na siya at amoy na amoy ko ang sabong ginamit niyang humahalo sa natural na lalaking-lalaking amoy niya. Dinilaan ko ang kanyang batok.
Muli siyang napaungol.
Ian: Mi-Michelle, si Rannicia…
Michelle: Ssshhh… Isang halik lang, Ian. Tapos babalikan ko na si baby Levi natin sa sala.
Naramdaman ko ang higpit ng hawak ni Ian sa mga bisig ko na nakapulupot sa baywang niya at hinarap ako.
Ian: Michelle, ano ba? Seryoso ako. Tama na. Balikan mo na si Levi sa sala. Mahiya ka sa pinsan mo.
Pabulong pero puno ng galit na sabi ni Ian.
Ngumisi ako kay Ian at idinikit ang katawan sa kanya. Parang napapaso siyang mabilis na umatras.
Ian: Michelle, ano ba?
Napatingin muli siya sa gawi ng banyo bago muling tumingin sa akin. Nandoon ang takot at galit sa mga mata. Takot na baka hindi malabanan ang tukso. Galit dahil sa reaksyon ng kanyang katawan sa aking alindog.
Michelle: Isang halik lang, Ian, kung ayaw mong mahuli tayo ni Rannicia.
Ian: No. Hindi pwede ang gusto mo.
Pinagpapawisan na si Ian. Nagkibit-balikat ako at tumuwad. Kitang-kita ko ang kaba sa mga mata ni Ian nang unti-unti kong hubarin ang suot kong thong mula sa ilalim ng aking skirt. Pinaikot-ikot ko ang aking manipis na thong sa aking daliri.
Michelle: Hahalikan mo ko o…
Sinadya kong bitinin ang aking pagsasalita hanggang sa magsalubong ang mga labi namin ni Ian. Tumagal ng ilang segundo ang paglalaplapan namin bago ako bumitaw sa masarap na halik ni Ian. Nakapikit siyang hinabol ang aking labi ngunit umiwas ako. Nakangisi akong isinuot muli ang aking thong at saktong pagbalik ko sa tabi ni baby Levi ay natapos na sa pagligo si Rannicia.
----------
IAN's POV
Naiinis pa rin ako sa aking sarili rahil hindi ako makatanggi sa mga gustong mangyari ni Michelle. Pilit akong umiiwas pero parang lagi siyang may paraan para pasunurin ako sa gusto niyang mangyari. Hindi ko alam kung hanggang saan ko kayang magpigil.
Aaminin kong matindi ang tama ng alindog niya sa akin ngunit alam kong kailangan kong iwasan dahil may asawa na ako at mahal ko si Rannicia.
Iniisip ko pa rin ang mga pinaggagagawa ni Michelle nang kumatok si Denver sa pinto ng aking office.
Denver: Pare, may special delivery ka. Sexy ng delivery girl mo, ah. Tandaan mo, hindi siya ang lunch kundi 'yong food na dala niya.
Nakita kong lumitaw sa tabi ni Denver si Michelle. Napalunok ako nang makita ang suot nito. Para siyang isang masarap na pagkain sa ayos niya.
Anak ng!
Kinausap ko na ang sarili kong hindi pwedeng magpadala sa tuksong hatid ni Michelle ngunit iba talaga ang alindog niya. Parang kayhirap tanggihan. Parang bumagal ang ikot ng mundo nang makita kong papalapit si Michelle sa aking office table. Sa isip ko ay wala siyang saplot. Handang magpakain sa akin.
Nababaliw na ako!
"Ian?"
Para akong nagising mula sa isang erotikong panaginip.
Michelle: Ito na 'yong lunch mo. Luto 'yan ng asawa mo. Next time huwag mong kalimutan, ah. Ayaw kong nagugutom ka. O kaya natatakam. Subo na.
Hindi ko alam kung alin ang iniaalok niya - ang pagkain ba na luto ng misis ko o ang kanyang katawan.
P*cha! Umayos ka, Ian!
Hanggang sa pag-uwi ng bahay ay iniisip ko pa rin si Michelle. Ayaw kong masira ang pamilya ko.
Pero masisira ba kung hindi malalaman ni Rannicia?
God! Ano ba itong naiisip ko?
Nakatunghay ako sa natutulog na si Levi sa loob ng crib nito nang maramdaman kong may yumakap sa akin mula sa aking likuran. Gustuhin ko mang paniwalain ang sarili kong ito ang asawa kong si Rannicia ngunit hindi maikakaila ang nakakaakit nitong amoy. Amoy ng babaeng nag-aanyaya na makarating kaming dalawa sa langit. Alam ko ring hindi pa makakauwi si Rannicia hanggang mamaya rahil nag-overtime ulit ito.
Sa hindi malamang kadahilanan ay hindi ko tinanggal ang mga bisig ni Michelle na nakapalibot sa aking baywang. Para kaming mag-asawa kung may makakakita sa ayos namin.
Michelle: Tulog na si baby.
Nakakatukso ang hininga niyang dumadampi sa aking kanang tainga.
Ian: Michelle…
Michelle: Alam ko. Nag-aalala ka. Umiiwas. Pero gusto kong sabihin na wala rito ang misis mo ngayon. May ilang oras pa para magpakatotoo ka sa sarili mo. Hayaan mo kong yakapin ka. Pwede mo rin akong halikan.
Gusto kong gawin ang tama, pero mas matindi ang tawag ng tukso. Tama siya. Walang makakaalam.
Hinawakan ko ang dalawang bisig niya at ipinaharap siya sa akin. Muli kong naalala ang tamis ng labi niya sa aking bibig. Ilang beses ko nang natikman ngunit hindi nakakasawa. Mukhang hindi ako nabusog kanina sa luto ng asawa ko. Nagugutom ako.
Sa ilang segundo ay naglalaro na ang mga dila namin ni Michelle. Palipat-lipat kung kaninong loob ng bibig maglilingkisan.
----------
to be continued...