CHAPTER 5

1227 Words
IAN's POV Isa-isa nang nag-aayos ng mga gamit ang mga tao ko sa talyer dahil uwian na. Pero ako ay ayaw pang tumayo rito sa kinauupuan ko. Hindi rahil marami pa akong ginagawa kundi rahil natatakot ako sa maaari kong gawin. Nag-text ang asawa kong si Rannicia kanina at sinabi nitong kailangan niyang mag-overtime sa boutique ng manager niya rahil marami raw ang customer. Isipin ko pa lang na maiiwan kami ni Michelle sa loob ng bahay namin ng asawa ko ay hindi na ako mapakali. Para akong kinakabahan na ewan. Pinagpapawisan ako. Parang nanginginig ang buong sistema ko. Hindi ko alam kung bakit. P*cha! Tok! Tok! Muntik na akong mapatayo bigla sa gulat. May kumakatok sa pinto ng maliit kong opisina. Anak ng! Ganito ba ang epekto ng sobrang panginginig ng sistema ng isang tao? Nagiging jumpy? Ian: Sino 'yan? "Denver, pare." Kumpare ko lang pala. Isa rin siya sa mga tao ko sa talyer. Ian: Pasok. Pagkapasok nito ay agad itong umupo sa upuan na nasa harap ng mesa ko. Para itong bata na sobrang excited magkwento. Denver: Pare, ipakilala mo naman ako kay Michelle. Alam mo namang matagal na akong hindi nagkaka-girlfriend. Baka she's the one for me na, pare? Humugis pa ito ng puso gamit ang daliri at itinapat sa kaliwang dibdib nito. Corny nitong kumpare ko. Denver: Grabe 'yong pinsan ng asawa mo, pare, ah. Sexy! Buti natitiis mo 'yang ganyang babaeng makita araw-araw. Kung ako ikaw, matagal ko nang tinira 'yan. She's asking for it, pare! Ian: Itulog mo 'yan. Hindi ka gusto niyon. Denver: Eh, bakit mo naman pinapangunahan, pare? Grabe ka naman! Ako kumpare mo rito. Sa akin ka rapat kumakampi. 'Di ba? Nanlalaki pa ang mata nito habang kausap ako. Animal talaga. Kahit anong iwas ko sa pag-iisip kay Michelle ay may mga taong nagpapaalala sa akin sa kanya. Ian: Sa akin okay lang. Paano naman si misis? Napatingin ako sa aking wedding ring. May asawa na ako pero kahapon at ngayong araw ay aaminin kong may ibang babaeng umuokupa ng isip ko. Ang pinsan ng misis ko. Denver: Mabait naman ako kay kumareng Rannicia. Paniguradong boto 'yon sa akin. Parang bigla akong nainis nang maisip kong magiging girlfriend ni Denver si Michelle. Ian: Kayo mag-usap ng asawa ko. Medyo may halong inis na sa boses ko. Sana hindi nahalata ni Denver. Denver: Eh, bakit ba naiinis ka? Pare, ha, baka naman… Tumingin ito sa akin ng matiim at nagtaas-baba ang mga kilay nito. Nag-iwas ako ng tingin. Bigla akong kinabahan. Denver: Magkwento ka, pare. Huminga ako ng malalim. Siguro nga ay may dapat akong pagsabihan ng nararamdaman ko ngayon. Kaya naman ay ikinuwento ko sa aking kumpare ang lahat ng nangyari kahapon hanggang ngayon. Ikinuwento ko ang mga kilos na ginagawa ni Michelle kapag kaming dalawa lang ang magkasama. Ikinuwento ko ang mga simpleng pang-aakit nito sa akin at ang mga salita nitong sa palagay ko ay may double meaning. Tumango-tango si Denver pagkatapos kong ikuwento lahat. Sandali siyang tumahimik bago nagsalita. Denver: Type ka ng pinsan ng asawa mo, pare. Hirap niyan. Ian: So, sa tingin mo hindi ko lang imahinasyon na inaakit niya ako? Totoong inaakit niya ako? Tumawa ng malakas si Denver. Denver: Pare, lalaki ka. Alam mo kung may motibo ang babae o wala. Base sa pagkakakwento mo, tingin ko talagang gustong magpagalaw ni Michelle sa 'yo. Patulan mo na. Nagulat ako sa sinabi ng aking kaibigan. Ian: Pero, pare… Denver: Walang pero-pero. Titikim ka lang naman. Tanggalin mo lang sa sistema mo. Mas mahirap 'yong palagi kang nag-iisip kung gaano siya kasarap. Kapag natikman mo siya, tapos ang problema mo. Nagugulat ako sa mga sinasabi ni Denver. Palibhasa ay wala siya sa sitwasyon ko ngayon. Hindi niya alam ang pinagdadaanan ko. Ian: May asawa ako, pare. Sira ka ba? Hindi 'yon ganoon kadali. Denver: Pero aminin mo, pare, nagtatanong ka sa sarili mo, 'di ba? Sa tingin mo ba kung hindi mo titikman si Michelle ay magiging okay ka na? Hindi. Sa tuwing magsisiping kayo ng asawa mo, lagi mong itatanong sa sarili mo kung ano ang pakiramdam kung si Michelle ang… Ian: Tama na! Napakuyom ako ng kamao. Alam ko sa sarili kong hindi ako makukuntento kung hindi ko matitikman si Michelle. Ibig sabihin ay hindi ako naiiba sa ibang lalaki na hindi kayang labanan ang tukso. Dahil kung kaya kong labanan ito ay hindi magiging mahirap sa akin ang pakiharapan si Michelle na kaming dalawa lang. Naaapektuhan ako kay Michelle at natatakot ako sa pwede kong gawin sa kanya. Kung halimbawang pagbibigyan ko ang tawag ng laman, makukuntento nga ba ako sa isang tikim o hahanap-hanapin ito ng aking katawan? Argh! Ang hirap mag-isip. Kung nahihirapan ang ulo ko sa itaas, ganoon naman kadali para sa ulo ko sa ibaba ang magdesisyon. Isa lang ang gusto nito. 'Yon ay ang makalaro ang butas ni Michelle. P*cha! Puro kabastusan na naman ako. Denver: Pag-isipan mo, pare. Una na ako sa 'yo. Tumango na lang ako kay Denver. Tumunog ang phone ko. May nag-text. Nag-text si Michelle. "Saan ka na? Hinihintay ka na namin ni baby Levi." Kasunod niyon ay isang picture message. Nandoon ang mga nilutong pagkain ni Michelle. Katabi niyon ay ang anak kong si Levi. Pero hindi ako sa pagkain natakam. Hindi rin ang anak ko ang focus ng mata ko. Kundi si Michelle. Hindi ko alam pero parang napakapilya nito habang nakangiti na kagat ang ibabang labi. Nanunukso ang mata. Nang ibaba ko ang aking tingin sa kanyang katawan ay parang mauubusan ako ng hangin sa katawan. Suot niya ang white lingerie ng asawa ko. Sobrang sikip nito sa kanya. Kumukorte ito sa dalawa niyang malalaking dibdib. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at z-in-oom in ko ang larawan. Tama ang hinala ko. Walang bra na suot si Michelle. Bakat na bakat ang pasas niya. Bakit ganito ang isusuot niya sa harap ng asawa ng pinsan niya? Nag-text ulit siya. "Sorry. Sinuot ko lingerie ni pinsan. I hope you don't mind." Nanginginig ang mga daliri ko na parang kinakabahan habang nagta-type ng reply sa kanya. "Hindi mo kailangang mag-s" D*mn! Na-send ko kaagad. Nag-reply siya agad. "Hindi na kailangang…mag-suot? Ng alin? Ikaw, Ian, ha? Pilyo ka." Para akong kakapusin ng hangin sa katawan. Nag-text ulit siya. "'Yan. Hinubad ko na tuloy. Need pic?" Plak! Argh! Nabitiwan ko ang aking cellphone sa sahig. Pinulot ko ito. Nagulat ako sa aking nakita. Picture message ng lingerie ni misis na nakalapag na sa kama naming mag-asawa. "Hinubad ko na. Uwi ka na. Baka lumamig 'yong pagkain? Mas masarap at malasa ang sabaw kapag mainit pa." Humugot ako ng isang malalim na paghinga. Para akong mauubusan ng hangin sa katawan. Bumabalik sa isip ko ang mga sinabi ng mga tao ko sa araw na ito. "Sarap ni Michelle, pare." '"Yon ang masarap asawahin. May asawa ka na, may babaeng pang-kama ka pa." "Sa gandang-lalaki ni Sir, malamang type siya ni Michelle." "Basta ba hindi mahuhuli ni misis. Pakakawalan mo pa ba 'yong ganoong ka-sexy?" "Titikim ka lang naman. Tanggalin mo lang sa sistema mo. Mas mahirap 'yong palagi kang nag-iisip kung gaano siya kasarap. Kapag natikman mo siya, tapos ang problema mo." Nagulat pa ako nang biglang tumunog ang cellphone ko. Nag-text si Rannicia. "Extended for another hour. Sorry, hon." Napahilamos ako sa aking mukha. ---------- to be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD