Chapter Two

2841 Words
"WHAT happened? Ang akala namin lahat ay doon ka na maglalagi sa America?" tanong ni Dingdong sa kanya. Naroon sila sa isang bahagi ng hardin at nakaupo sa isang wooden bench. Nang matapos ang hapunan ay nagkanya-kanya nang trip ang mga kaibigan niya. Ang iba ay nagku-kuwentuhan. Ang iba naman ay nagkakantahan habang may isang tumutugtog ng gitara. At sila, hayun nga sa isang tabi at masinsinang nag-uusap. "Something came up, I didn't expect. So I decided to go home." "Do you mind If I ask? What is it?" Huminga muna siya ng malalim bago kinuwento dito ang tunay na nangyari kung bakit niya mas piniling manatili sa piling ng mga magulang. At pati ang pagpilit sa kanyang magpakasal sa ibang lalaki ay nai-kuwento na rin niya. Hindi itinago ni Dingdong ang galit matapos marinig ang lahat. "Ano pa bang gusto nila sa'yo? You've been a good daughter all your life." "Hindi ko na rin sila maintindihan. Alam ko na concern sila sa akin. Pero nasa tamang edad na ako para magdesisyon sa sarili ko. Hindi ko na kayang ipakipagsapalaran ang kaligayahan ko ng pang habang buhay kapag sinunod ko ang kagustuhan nilang magpakasal ako sa lalaking hindi ko mahal." Kapwa sila natahimik matapos niyang banggitin ang huling salitang iyon. "Charease... I..." "Look, kung iniisip mong may kasalanan ka sa lahat ng nangyari. Wala. It's all my fault. I was the one who gave up on you. At pinagsisisihan kong lahat nang iyon. But at the same time, alam kong hindi ko na maibabalik pa ang nakaraan. I'm sorry for everthing, Archie. Iyon lang ang tangi kong masasabi sa ngayon." Dingdong held her hand. "It's okay now, Charease. Wala ka nang dapat ihingi ng tawad sa akin. I've already move on." Tila isang punyal na itarak sa kanyang puso ang mga salitang iyon. I've already move on... Daig pa ng tape recorder ang utak niya sa pagre-replay ng mga salitang iyon. And it hurts her so much. Bakit kaydali nitong maka-move on sa naging relasyon nila? They'd been together for two years before they broke up. At isang taon pa lamang ng magkahiwalay sila. Bakit siya na naging dahilan ng break-up nila ay wala halos nagbago sa nararamdaman para dito? Pero parang dito ay tila walang epekto ang pagbabalik niya. Mukhang tama nga yata ang sapantaha niya. Tuluyan na nga yata nitong nakalimutan ang masayang nakaraan nila. "Are you okay?" untag nito sa kanya. Napakurap siya. "Ha? Ah— Oo naman. Medyo pagod pa rin ako dahil sa biyahe." Sagot na lamang niya. "Sa tingin ko nga ay kailangan mo pang magpahinga." Anito. "Oo nga." Sang-ayon niya. "So, paano? Babalik na ako sa kanila, sigurado mang-aasar na naman ang mga iyon." Hindi na niya hinintay pang magsalita ito. Tumayo na siya at dire-diretsong naglakad palayo. Malapit na siya sa kinaroroonan nila Panyang nang muli siya nitong tawagin sa pangalan niya. Pati ang iba ay natahimik at tumigil sa kanya-kanyang ginagawa ng mga ito. "Yes?" "Isang taon din tayong hindi nagkita. And we have the same circle of friends. Ayokong magka-ilangan tayo kada na lang magkikita tayo. Kung hindi mo mamasamain. I hope we can be friends." Friends? Friends lang... Pinilit niyang ngumiti kahit na ang totoo'y hindi siya kumportable sa pagiging isang kaibigan 'lang' nito. Ayaw din naman niyang magmukhang bitter. Kailangan niyang tanggapin kung ano man ang desisyon ni Dingdong. After all, siya ang dahilan ng kabiguan nito. "Is it okay with you?" tanong nito. "Oo naman. Ayoko rin na may tension sa pagitan natin kapag nagkikita tayo." Sang-ayon niya. Humakbang ito palapit sa kanya. Tapos ay inilahad ang isang kamay nito. "Friends?" anito. Walang anumang pag-a-alinlangan na tinanggap niya ang kamay nito. "Friends," sagot niya. Napapitlag pa siya nang biglang nagpalakpakan ang mga kaibigan nila. "Ayun oh! Friends na ulit sila!" ani Jared. "Balikan na lang kasi!" anang isa pa. "Huwag mong madaliin, Pare. Baka mausog. Kita mo, pagkatapos ng piyesta sila na ulit!" sabi naman Ken. "Tama!" sang-ayon naman ni Allie. Napailing na lang siya sa sobrang kakulitan ng mga ito. Pero kahit paano'y okay na rin sa kanya ang nagiging takbo ng mga pangyayari. Hindi man nawala ang pagmamahal niya para dito. At least, kahit na bilang kaibigan man lang ay narito siya sa kanyang tabi. Consolation na lang niya iyon. NAKATINGALA silang lahat habang pinapanood nila ang pagkakabit ng banderitas sa kahabaan ng Tanangco Street. Kulay yellow at Violet ang kulay ng mga banderitas. "Nakakaloka! Piyesta na naman! Ang bilis ng panahon ano?" ani Olay. "Oo nga. Ang balita ko nga kay Darrel, masaya ang piyesta dito." Sabi naman ni Allie. "Ay mismo! Hindi mo ipagpapalit sa kahit na saan piyesta!" sang-ayon naman ni Madi. "Paano mo nalaman, hon? Nakapunta ka na ba dito noon?" nagtatakang tanong ng nobyo nito na si Vanni. "Naman! Ayan si Olay oh. Dumadalaw ako dito noon kapag piyesta." "Bakit hindi ko nakita noon ang kagandahan mo?" "Shocks! Ang sweet naman!" kilig na sagot ni Madi. Napailing si Chacha habang pinagmamasdan ang lambingan ng mag-nobyo. Mabuti pa ang mga ito. Tila ba walang problema. Dahil nasisiguro niyang kahit na ano pa ang dumating sa mga ito. Alam niyang magkasama nilang haharapin. Hindi kagaya niya, naduwag at madaling bumitaw. Ang dami niyang pinagsisisihan. Mga dapat ay noon pa niya ginawa. Pero ano pang halaga ng pagsisisi niya? Nangyari na ang lahat ng dapat mangyari. Ang importante sa ngayon ay ang makabangon siya ng paunti-unti. "Mabuti na lang at eksakto ang balik ni Chacha." Sabi ni Humphrey. "Yeah. Ang dami kong na-miss na kasiyahan dito sa atin. Gusto kong bumawi ngayon nakabalik na ako." Sagot niya. "Don't worry, si Dingdong ang bahala sa'yo. I'm sure hindi ka niya papabayaan, 'di ba pare?" wika ni Roy sabay tapik pa sa isang balikat nito. "Roy, dati naman tahimik kang tao. Masama ang impuwensiya sa'yo ng pinsan ko." Tila naiiritang sagot ni Dingdong sa kaibigan. Nagtawanan lamang sila. "Hoy Bansot! Beep! Beep! Huwag mong dumihan ang isip ng My Love ko ha?" nakasimangot na sagot ni Panyang. "Tama na 'yan, baka magkapikunan pa kayong magpinsan eh." Saway niya sa mag-pinsan. "Teka nga, ano bang naiisip ninyong gagawin natin sa piyesta?" tanong ni Olay. Habang pare-pareho silang nag-iisip. Biglang dumating ang Brgy. Captain nila na si Kapitan Gogoy Lombredas. Nakakatandang kapatid ito ni Humphrey. Tumigil ito sa harapan nila at pinarada ang sinasakyan nitong motor. "Oh Kap? Magandang Hapon po." Bati ni Justin. "Magandang Hapon din! Puwede ko ba kayong makausap?" tanong nito. "Sige po, tungkol saan?" ani naman ni Darrel. "Alam naman ninyo na papalapit na ang Piyesta dito sa Barangay natin. Gusto ko sanang hingin ang tulong ninyo kung hindi naman makakaabala sa inyo." Sagot ni Kapitan. "Walang problema. Ano bang klaseng tulong?" si Roy. "Kung maaari sana'y pagtulung-tulungan ninyo na gumawa ng arko sa bungad nitong Tanangco. Paglalaban-labanin natin ang mga arko na itatayo ng bawat street. Siyempre, may premyo iyon."  "Sure. Handa kaming makipag-participate. Para sa ikasisiya ng piyesta dito sa atin." "Mabuti kung gano'n. At kung may sarili kayong plano para dito sa Tanangco ay ipagbigay alam lang ninyo sa akin at nang mabigyan ko kayo ng clearance." Sabi pa ng Kapitan. "Sige po, Kap. Kami nang bahala. Sisimulan na namin ang paggawa ng arko as soon as possible." Sabi naman ni Panyang. Mayamaya ay lumipat ang tingin ng Kapitan sa kanya. "Teka, ikaw ba 'yan Chacha?" tanong ito. "Opo. Kumusta po?" "Mabuti naman. Nakabalik ka na pala. Kelan ka pa nakauwi?" "Nitong nakaraang araw lang po." "Samantalahin ko na rin ang pagkakataong ito. Kukunin na rin kitang judge para sa singing contest sa isang linggo. Kayo nitong nobyo mong si Dingdong." Nagulat siya sa sinabing iyon ng Kapitan. Ang akala pa rin pala nito ay sila pa rin ng una. Napipilan siya. Humingi siya ng tulong sa mga kasama sa pamamagitan ng pagsenyas ng mga mata niya. Pero hindi makapagsalita ang mga ito dahil pinipigilan ng mga itong matawa. Si Panyang ay tutop ang bibig pati na rin si Olay. Ang iba ay kunwari'y deadma lang. "Naku Kap... kasi... hindi na ka—" "Sure Kap. Pupunta kami." Sansala ni Dingdong sa sinasabi niya. "Mabuti kung ganoon." Sagot ng Kapitan. "O sige at maiiwan ko na kayo diyan. Kailangan ko nang bumalik sa Brgy. Hall." Nang makaalis ang Kapitan. Biglang naghagalpakan ng tawa ang mga ito. Napailing siya. Gusto niya minsan kuwestyunin ang sarili kung paano niya naging kaibigan ang mga makukulit at isip batang mga taong ito. "Tumigil na nga kayo." Mahinhin niyang saway. Nagsisimula na ring mamula ang pisngi niya. "Eh kasi... si Kapitan, ang kulit! Hindi maka-move on." Maluha-luhang sa kakatawang sabi ni Panyang. "Pambihira!" "Presidente yata si Kap ng Love Team ninyong dalawa eh. Ka-lhorky itech!" dagdag ni Olay. "Sana sinabi mong totoo kay Kapitan. Nakakahiya naman." Aniya. "Hayaan mo na nga iyon. Hindi natin obligasyon mag-explain sa kahit na sinong tao." Pormal na sagot ni Dingdong. "Ang mabuti pa, Jared." Tawag pansin nito sa kaibigan nito. "Ikaw na ang bahalang mag-design ng arko natin. Just tell us kung anong materials ang kailangan natin. Ako nang bahala doon." Sagot niya. "Okay. Gagawin ko na ngayon din. May idea na ako eh." "I HEARD that Charease is back," ani Don Manuel isang gabing sabay-sabay silang naghahapunan sa mansiyon nito. Tiningnan niya saglit ang abuelo. Mataman siya nitong pinagmamasdan. "Yes 'lo." Usal niya. "Anong plano mo?" tanong nito. Kunot-noong binalingan niya ulit ang matanda. "What do you mean?" "I mean, are you planning to pursue her again?" Nagkibit-balikat lang siya. "I don't know. She just came back." "Couz', don't tell me hindi mo na mahal si Chacha?" singit sa usapan ni Panyang. Simula nang ma-aksidente ang pinsan niyang ito at ma-engage sa kaibigan niyang si Roy. Nagdesisyon itong bumalik na sa mansiyon nila at doon pansamantalang tumigil hanggang bago ang araw ng kasal nito. "Panyang, tumahimik ka nga." Saway niya dito. "Bakit ba lagi mo na lang akong pinatatahimik kapag feelings mo para kay Chacha ang pinag-uusapan?" tila lalo pang nang-aasar na tanong nito. "Wala ka na do'n." sagot niya. "Mamaya na kayo magtalo. Nasa harapan kayo ng pagkain." Saway sa kanila ng abuelo. Tapos ay binalingan na naman siya nito. "Ayaw pa rin ba sa'yo ng magulang ni Charease?" Hindi siya agad nakakibo. Hindi kaila dito ang naging problema nilang iyon nang sila pa ni Chacha. "Honestly, I don't know. It's been a year. And it doesn't matter anymore if they like me or not. Wala na kami, matagal na." Bumuntong-hininga ang matanda. "Sayang kung ganoon. I like that girl. She's beautiful, intelligent, at edukadang babae. Hindi gaya ng ibang babaeng idine-date mo." Anang Lolo niya. Napakamot siya sa batok. Kahit noon pa man ay botong boto na ito kay Chacha. Kaya ganoon na lang ang lungkot nito nang malaman na hiwalay na sila. "Lolo, hindi kaya kayo ang may gusto kay Chacha?" pabirong tanong ni Panyang. "Ay susmaryosep! Pamela Anastacia! Ano bang kalokohan iyang pinagsasabi mo?" malakas ang boses na sabi ng abuelo nila. Napapikit si Panyang nang marinig nitong binanggit ang buong pangalan nito. "Lolo naman, kaya nga po naimbento ang salitang 'joke'. Joke lang po!" Napailing siya. Kahit kailan talaga ay may tama ang pinsan niyang ito. "Bakit hindi mo siya ligawan ulit, apo?" anang Lolo niya. "Ho?" gulat niyang tanong. "Oo nga. Love is sweeter the second time around." Sang-ayon naman ng pinsan niya. "Pero Lolo..." "Anong pero?" tanong ng Lolo niya. "I'm seeing somebody else." "Oh my God!!!" tumataginting na tili ni Panyang. KUNOT-NOONG pinagmasdan niya ang bestfriend niya. Nakasimangot kasi ito at talagang hindi maipinta ang mukha. Masungit ito kahit na kanino. Tanging sila lamang ng nobyo nito ang kinakausap nito ng maayos. Ilang saglit pa ay dumating si Madi. Nagtatakang tiningnan din nito si Panyang. "Anong problema nitong babaeng kakapiraso?" tanong ni Madi. Nagkibit-balikat lamang siya. "Ewan. Kanina pa ganyan eh." "Kagabi pa kamo." Bigla sabi nito. "Eh ano ba kasing problema?" tanong ni Madi. Hindi ito agad sumagot bagkus ay pinakatitigan muna siya nito bago nilukot ang mukha na animo'y iiyak sa sobrang lungkot. "Kasi naman eh. Sasagasaan ko talaga iyang si Dingdong kapag nakita ko siyang nakaharang sa daan!" pagmamaktol nito. "Ano nga kasi ang pinag-awayan ninyong mag-pinsan?" tanong niya. "Kasi bestfriend, hindi ko alam kung paano ko sasabihin ito sa'yo." Sagot nito. "Ang alin?" "Sinabi niya kagabi kay Lolo na may dine-date na daw siyang ibang babae." Parang bomba na sumabog iyon sa pandinig niya. Bigla ay napipilan siya. Bigla ay wala siyang maapuhap na sabihin. Naging blanko ang utak niya. Nagkaroon ng kalituhan sa isip niya. Chacha thought she's okay now. At balewala na rin sa kanya in case na malaman niyang may iba na ito. Ngunit bakit ganito ang nararamdaman niya? Bakit tila pinapatay siya ng selos? "Girl, are you okay?" tanong ni Madi sa kanya. "Oo naman." Mabilis niyang sagot para hindi halatang nakakaramdam siya ng sakit. "Sus, okay lang daw? Echosera! Eh bakit parang mangiyak-ngiyak ka diyan?" ani Panyang. "Hindi ah!" tanggi niya. "Okay lang ako. Tsaka, isang taon na kaming hiwalay." "Best, you can deny it for all you want. But I am your bestfriend. At kilala kita. Hinding-hindi ka makakapag-sinungaling sa akin." Bumuntong-hininga siya. Saka ginagap ang kamay ng matalik na kaibigan. "Look, I'm okay. Okay? Huwag mo akong alalahanin." Aniya. "Basta kung gusto mong umiyak. Narito lang kaming lahat." Ani naman ni Madi. "Thanks Mads," usal niya. Pilit niyang hinamig ang sariling damdamin. Gusto niyang maging okay siya kagaya ng sinabi niya sa mga ito. Kung hindi man sila si Dingdong ang para sa isa't isa. Alam niyang may nilaan ang Diyos para sa kanya. Ang kailangan lang niyang gawin ay maghintay. SA LOOB lamang ng maghapon ay naitayo na ng ibang Tanangco Boys ang base ng arko nila. Ang tanging kailangan na lang nilang gawin ay disenyuhan ito. Naihanda na rin nila Olay ang mga ilalagay sa arko. Mga straw na tinupi at ginawang maliit na star, straw na gawa sa maliliit na bulaklak. Sa itaas ng arko sa bandang gitna ay isang malaking larawan ng ni San Guillermo ang patron ng Brgy. Buting. "Mas okay siguro kung maglalagay tayo ng konting artificial flowers," suhestiyon ni Panyang. "Yeah, I agree." Sang-ayon naman niya. "Para mas lalong colorful ang arko natin." Sabi naman ni Allie. Mayamaya ay dumating si Olay. "O mga friends, eto na 'yong mga iba pang kailangan natin. Pinturahan na natin ang kawayan para bukas ay may matuyo na 'yan at nang mailagay na natin ang mga design." Pastel colors ang ginamit nilang pintura. Gusto nilang iparating na ang mga nakatira sa Tanangco ay makulay ang buhay at masayahing mga tao. Parang sila lang. Ilang sandali pa ang lumipas nang biglang may dumaan na itim na BMW. Tumigil ito sa tapat nila. Bigla ang pagkabog ng dibdib niya nang makita niya kung sino ang nagmamaneho ng kotseng iyon. Sa kanya agad nakatuon ang mata nito. "Hi Charease," bati nito sa kanya. "Hi," usal niya. "Kumusta?" tanong nito. "I'm okay." Sagot naman niya. "Alas-kuwatro na nang hapon, nag-meryenda ka na ba?" tanong ulit nito. Nalilito man kung saan patungo ang pagtatanong nito ay sumagot na lamang siya. "Uhm... hindi pa naman. Bakit?" aniya. "Nagugutom na ako eh. Puwede mo ba akong samahan mag-meryenda?" tanong nito. Tumingin siya sa paligid. Maging sa mga kasama nila na naroon lalo na si Panyang ay may pagtataka sa mukha ng mga ito. "Ah... sige, kaso paano sila?" aniya. Hindi agad ito sumagot. Pinarada muna nito ng maayos sa isang tabi ang sasakyan bago bumaba at hinarap siya. "Huwag mong intindihin ang mga 'yan! Maraming pera pambili ng meryenda ang mga 'yan." Sagot nito. "Teka, madaya ka talaga! Bakit may pera din naman si Chacha pang-meryenda ah?" protesta ni Humphrey. "Pare, ang babae. Hindi pinapagastos." "Kapag nagde-date kayo. Ibig sabihin niyaya mong mag-date si Chacha." Pang-aasar ni Jared. "Uy!!!" tukso ng mga ito sa kanila. "Eh ano," ganti naman ni Dingdong. Sa gulat niya ay bigla nitong hinawakan ang isang kamay niya at hinila siya papasok ng Rio's Finest. Nostalgia engulfed her. She can still remember one year ago. Dito sila madalas nagde-date nito. Ang restaurant na iyon ang naging saksi sa pagmamahalan nila. Madalas din ay iyon ang nagiging taguan nila kapag hinahanap siya ng mga magulang at pagagalitan kapag nalalaman ng mga ito na magkasama sila ni Dingdong. "I missed this place," wala sa loob na usal niya. "Yes. This place misses you as well. And I'm sure, masaya ang Rio's Finest sa pagbabalik mo." Ani Dingdong habang titig na titig ito sa kanya. May kung anong emosyon siyang nabanaag sa mga mata nito. Kung hindi siya nagkakamali. Parang mas sinasabi nito na ito ang nakamiss sa kanya at hindi ang Rio's. Binura niya agad sa isip ang mga iyon. Ayaw niyang mag-assume. Ang Rio's lang ba ang masaya? Ikaw? Hindi mo ba ako na-miss? Kung maaari lang niyang sabihin ang lahat ng iyon sa lalaking kaharap niya. Ngunit hindi na puwede. Ayon na rin dito. May iba na itong minamahal. Kailangan na lang niya sigurong sanayin ang sarili patuloy itong mahalin ng palihim.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD