IPINANGAKO ni Ted sa sarili na hindi na ipipilit kay Anje ang tungkol sa gusto ng mama nito na umalis ito sa banda. Tama nang nakita niya si Anje nang isang beses na puno ng hinanakit ang mga mata. Hindi niya alam kung makakaya pa niyang makita ito nang ganoon uli. Noon pa man ay importante at espesyal sa kanya si Anje. She was like a little sister to him. Ngunit nang makita niya ang mukha nito kanina, nang kinapos siya ng paghinga dahil para siyang sinuntok sa sikmura nang kumislap sa sakit ang mga mata nito, saka lang niya napagtanto kung gaano katindi ang importansiya nito para sa kanya. “Kailangan ko bang isakripisyo ang isang bagay na mahal na mahal ko para doon?” Hindi niya alam kung bakit, pero pakiramdam niya, may mas malalim na kahulugan ang sinabi nitong iyon. Something that c