“YOU ARE very lucky.” Ted didn’t feel lucky anymore. Sa katunayan, pakiramdam niya ay isinubo niya ang sarili sa isang malaking torture nang gawin niya ang deal niya kay Anje. Nang puntahan niya ito sa hotel ng mga ito upang kausapin, ang akala niya ay bumalik na siya sa normal. Ang akala niya ay hindi na siya magkakamalisya rito. But just one look from her and the memory of her body came to mind again. Nagawa niyang kalmahin ang sarili hanggang sa makalapit siya rito at sa mga kabanda nito. Ngunit nang hawakan nito ang braso niya ay para siyang sinilaban, lalo na nang hawakan nito ang kamay niya noong nasa restaurant na sila. Nang gawin nito iyon ay sandaling nawala si Ted sa sarili. He never thought it felt good to hold her hand like that. And the biggest torture of all was when he c