Chapter Two

1243 Words
HINDI halos makita ni Pamela ang daan patungong santa praxedes. Ang wiper ng windshield ng sasakyan niya ay halos ‘di kayanin ang malakas na patak ng ulan sa salamin. Kinakabahan sa kaalamang anumang oras ay didiretso ang sasakyan niya sa bangin. Alas-siete y media na ng gabi at hindi niya pa natatanaw ang kabahayan. Napakadilim sa magkabilang bahagi ng daan at alam niyang gubat ang dulo ng bangin. “Buwisit!” Pamela swore for the third time in the span of three minutes. She never swore, but she did now. She was driving in the middle of the night kalakip ang sama ng panahon. Nang maramdamang unti-unting namamatay ang engine ng kanyang sasakyan. Nakuha niya pang tumabi sa gilid ng daan bago tuluyang namatay ang makina. Nilinga niya ang labas ng paligid. Malakas ang ulan at umaalimpuyo ang ihip ng hangin. She was scared but not of the dark per se. Kundi mas kinakatakutan niya kung ano ang masamang nakaabang sa kanya sa dilim. Noong nagdaang gabing mag-check-in siya sa isang three-star hotel ay nabalitaan na niyang may magdadaang bagyo pero hindi niya inalintana iyon dahil maganda naman ang panahon nang umalis siya sa hotel. Besides, kung bumagyo man ay makararating siya sa santa praxedes nang walang aberya. Subalit ngayon ay hindi niya lubos maisip na mamamatayan siya ng baterya sa kalagitnaan pa ng bagyo. Kaninang nasa Sanchez Mira Road siya’y nagsimulang umulan nang mahina. At pagkalipas ng isang oras ay nagsimulang lumakas na ang hangin at ulan. Bakas ang pangamba sa mukha ni Pamela. Her mind was racing with concerns, and having a hard time getting her frustrations out of her system. If only she weren’t impatient to reach Santa Praxedes, sino ba ang mag-aakala na mamatayan siya ng baterya? She sighed and took a glance on her watch. Isang oras pa bago siya makarating sa Santa Praxedes. Biglang naalala ang pagpapakasal niya kay Dylan three months ago. Ang lalaking dalawampu’t dalawang taon ang agwat sa edad niya. Nasa forty-five ang edad ng kaibigan ng kapatid niya na pinagkakautangan nito ng malaking halaga. Good-looking at matipuno ang napangasawa niya subalit wala siyang ni katiting na pagtingin dito. Kinikilabutan siya sa bawat pagdantay ng mga kamay nito sa braso niya noong unang gabi ng kanilang kasal. At ang nakapagtataka ay ang pagpapaubaya nito sa kanya sa sariling hotel sa panahong nasa Hawaii siya. Kahit labis na ang nakikita niyang sensual na init sa mga mata nito noon. Dylan was polite, sweet, and civilized. Golf, shopping, at minsan ay isinasama siya nito sa casino para gawing dekorasyon. Subalit hindi interesado sa kanya si Dylan, sexually. Nagtataka man ay labis niyang ipinagpasalamat iyon. Masuwerte na lang din at mabait ito sa kanya kahit papaano. At ngayon nga’y pauwi siya sa pamilya nito sa Santa Praxedes. Iyon ang usapan nila ni Dylan. Uuwi siya sa bayan ng Santa Praxedes at maghihintay roon hanggang sa pagdating nito at susunduin siya upang sa Maynila na tuluyang mamalagi. May bahay ang asawa niya sa Antipolo. Actually, doon siya galing matapos niyang dalawin ang sarili nilang bahay ni Alec. Naramdaman ni Pamela na kumakalam na ang tiyan niya. Hindi niya naisip na lagyan ng maraming laman ang kanyang sikmura. Subalit huminto siya sa isang coffee shop kanina at um-order ng Caramel Frappuccino latte and ham and swiss croissant. But she was too tired to eat. Nakakadalawang kagat pa lang siya sa croissant ay umayaw na kaagad siya. Now, aside from being tired, she was also hungry. Kung tutuusin ay kulang isang oras dapat ay nasa santa praxedes na siya. But she couldn’t possibly get there by walking along in this kind of weather. Bumuntong-hininga siya. Kaagad may naalala. Pahablot niyang iniabot ang bag na nasa passenger seat at kinuha roon ang cellphone at binuhay. Sino sa mga kaibigan niya ang tatawagan niya para hingian ng tulong? Nasa Maynila ang mga ito at malayo ang lugar na kinasasadlakan niya. Kahit sa santa praxedes ay hindi siya makatatawag. Hindi niya alam ang numero ng landline roon. Nakalimutan niyang hingin o ibigay sa kanya ng asawa. She decided to dial her husband’s number from Hawaii. Dylan could at least call at santa praxedes para utusan ang ilang tauhan doon upang ipasundo siya. Subalit nagbigay ng warning ang cellphone niya na lowbat na siya. In dismay, she furiously threw the cellphone into the adjacent seat. She sniffed. She couldn't stay there and cried. O 'di kaya'y palipasin na lamang ang oras na mag-isa sa gitna ng daan at bagyo. Itinuwid niya ang sarili. She sniffed and pounded on the steering wheel and gave the ignition one more try. Subalit hindi iyon umandar. Muling nawalan ng lakas at pag-asa si Pamela. Ngunit sa nanlalabong window glass, dahil sa ulan, ay may naaninag siyang liwanag nang paparating na sasakyan sa kabilang lane. Malapit siya sa bangin at dahil probinsiya at bumabagyo pa, malamang na aabutin pa ng isang oras bago pa may sasakyan na magmamagandang loob na tulungan siya. Iyon ay kung may bumabiyahe man sa ganitong panahon. Hindi na siya nag-dalawang isip at binuksan ang pinto ng kanyang kotse at saka mabilis na bumaba. Hindi niya ininda ang malakas na hangin at tikatik ng ulan na sumalubong sa mukha niya. Tinakbo niya ang patungo sa kabilang lane at iminuwestra ang kamay upang parahin ang paparating na sasakyan. Bahagyang nag-menor iyon, malayo pa man sa kanya, pero hindi ito huminto. Sa halip ay lumiko ito sa kabilang lane upang iwasan siya at nagtuloy-tuloy na tumalilis. “Hey!” sigaw niya. Ikinaway ang mga kamay sa ere. Ngunit nagpatuloy iyon sa mabilis na pagtakbo. Nanlulumong sinundan niya iyon ng tingin. She couldn’t blame the driver. Kahit siya man ang nasa lugar nito ay hindi rin siya hihinto. Marahas siyang bumuntong hininga. She was suddenly terrified from the delayed panic. Paano pumasok sa isip niyang agad na bumaba sa sasakyan at basta na lang pumara? Itinaas niya ang dalawang kamay sa mukha at muling napaiyak. More helpless than fear. Hindi niya inaasahan na ganito ang mangyayari sa kanya. Now what? Would she stay inside the car until morning? Napangiwi siya sa naisip. Paano kung may masamang taong maparaan at balak siyang gawan ng masama? Pero marunong siya ng martial arts. When she was in elementary and high school, she studied martial arts, more as a form of balanced, full-body moves, and mental discipline. At never niyang nagamit ang natutunan niyang skills na iyon sa masasamang tao. Inikot niya ng tingin ang paligid. The whole place was densely forested. Mga nagsisitaasang puno at bushes na sumasaklaw sa kalsada. She tried to re-arrange her mind. Hindi siya dapat nag-iisip nang hindi makabuluhan upang takutin ang sarili. Kailangan niyang magpakatatag. Tumingala siya sa madilim na kalangitan at malayang tinanggap sa mukha niya ang mga patak ng ulan. Hindi inalintana ang basa niyang kasuotan. May damit siya sa maleta pero hindi niya maisip na maghuhubad siya sa loob ng sasakyan para magbihis. Kahit pa madilim. Titiisin niyang basa ang damit. Mabilis siyang lumakad pabalik sa sasakyan. Malapit na siya sa gitna ng daan nang gulantangin siya ng isang malakas na busina. Lumingon siya at hinawi sa mukha ang bawat patak ng ulan na kalauna’y iniiwas din ang paningin dahil sa nakasisilaw na liwanag mula sa headlights ng isang paparating na sasakyan. She was stunned and frozen. Anumang sandali ay masasagasaan siya ng paparating na kotse. Ipinikit na lamang niya ng mariin ang mata. And all she heard was the car overtaking.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD