Chapter Two²

1414 Words
Oh, Londyn! You are a crazy woman! Iniisip niyang naloloka na nga sa pag-ibig si Londyn but unfortunately, not with this man standing in front of her, but with Craig, ang tunay na mahal nito. “I-I’m so sorry, Rigo. Alam mo naman na—” “I know, kailangan mong magtrabaho dahil marami kang commitments ngayon, right? Kaya nga hindi na kita tinatawagan pa.” There was a trace of bitterness in his voice, and she hardly heard it. “Oh, please. Ayoko na munang pag-usapan ngayon ang trabaho,” she said. Trying to sound convincing. Sa isip niya, napakahirap makuha ang puso o simpatiya ng lalaki. Subalit, kailangan niyang maging kapani-paniwala. Rigo laughed sarcastically as he used the walking stick to turn and took a step away from her. Sa nais na alalayan ito ni Nadja at hawakan sa braso ay pinigil niya ang sarili. Gamit ang blind stick ay inalalayan niyon ang lalaki hanggang makarating sa balkonahe. Ayon kay Londyn, ang pag-alalay ang ayaw na ayaw ng lalaki. Ang iparamdam dito na useless at isa itong inutil na walang kakayahang gawin ang mga bagay na kaya ng isang normal na tao. At dahil sa medyo mataas na ang impluwensiya ng teknolohiya, ang gamit nitong blind stick ay mayroong ultrasonic sensor sound wave. Tumutunog ito kapag may nakaharang sa dadanan nito. Kaya malaking tulong iyon to guide the man to his perspective destination. “I can’t believe I’m hearing those words from you, Londyn. Nasanay ako na mas gusto mong pinag-uusapan natin ang tungkol sa trabaho mo rather than preparing for our wedding.” halata ang sarkasmo sa tinig nito. Oh God! Ganoon ba si Londyn tuwing kasama ang lalaking ito? himutok ni Nadja sa sarili. Humakbang siya palapit kay Rigo. At kahit na anong pigil ng dalaga sa nais ay natagpuan niya ang sariling nakahawak sa braso ng binata. Parang napaso siya sa pagdidikit ng kanilang balat. Gusto niyang bawiin ang kamay rito pero huli na para bumitiw. It will take to her grave if does that. “A-alam kong marami na akong pagkukulang sa iyo, Rigo. Kaya nga bumabawi ako ngayon lalo na sa kalagayan mong ’yan.” “I don’t need your sympathy, Londyn!” Napaigtad si Nadja sa pagtaas ng boses ng lalaki. Fear swallowed her up. Nakatiim ang mukha nito sa galit. Hindi inaasahan na ganoon kalaki ang pinagbago ni Rigo magmula nang maaksidente. He was now hot-headed and tyrant. Kailangan pa lang isipin niya muna nang mabuti ang bawat kilos at sasabihin niya. But she had to say something. Hindi maaaring nakatayo lamang siya sa tabi at hindi na magsasalita para lang hindi ito masaktan. “Alam mong hindi iyon ang ibig kong sabihin,” aniya. Bahagyang hinaplos ang binata sa balikat upang kumalma. Nabigla si Rigo sa ginawa ng nobya. Nagtataka ito sa mahabang pagpapasensiya na inilaan nito sa kanya. But he didn’t say a word about it. “Kumusta ang lagay mo habang wala ako rito?” malumanay niyang tanong sa lalaki sa pag-iiba ng paksa. “Quite well,” maikli at malamig na sagot nito. Tumingin ang dalaga sa mga mata ng binata. Ayon sa nakalap niyang impormasyon kay Londyn, sinabi ng doktor na fifty-fifty ang chance upang makakita pa ang lalaki. Masyado raw naapektuhan ang optic nerves sa mga mata nito nang maaksidente ang kotseng minamaneho kamakailan. She bit her lower lip. Hindi alam kung ano ang sasabihin. Hindi niya gusto ang katahimikang namamagitan sa kanilang dalawa ni Rigo. “Uhm, kumain ka na ba? Do you want me to cook for you? I’m sure you will feel better after you eat something.” Matamang natawa ang lalaki. Hindi sadyang lumabas ang mapuputi nitong mga ngipin. “There you are again, Londyn. You really haven’t changed. You always make me believe that foods would make me feel better.” She smiled. Hinawakan ang lalaki sa kamay. “Of course, dahil gusto kong maka-recover ka ng mabilis. May magandang future pa tayong dalawa na naghihintay sa atin. At hindi ba’t may mga pangako pa tayo sa isa't isa?” Nagdaop ang kanilang mga palad at naramdaman ang bahagyang paghila nito sa kanyang kamay. Napilitan siyang humakbang at sumunod dito habang nakaalalay upang marating nila ang mahabang sofa para maupo. Ang akala ni Nadja ay papaupuin din siya ng lalaki sa tabi nito, ngunit nagkamali siya ng inakala. Nagulat siya nang matagpuan ang sariling nakakalong sa lalaki. Sa ginawang iyon ni Rigo ay hindi siya nakapagsalita at nakagalaw. Natuod siya sa kinalalagyan. “Naninibago ako sa iyo, Londyn.” “H-ha?” Agad nailang ang dalaga. Nais kumawala sa mga bisig at pagkakakandong sa lalaki, pero hindi niya magawa dahil hindi siya si Nadja sa mga kasalukuyang oras na iyon. Kailangan niyang umakto bilang kasintahan ng lalaki. “I was thinking about something these past few days noong wala ka.” Kaagad lumukob ang kaba sa dibdib ng dalaga. Nang titigan ito ay walang bakas ng anumang ekspresyon ang mukha ng lalaki “May mga katanungan na hindi maalis-alis sa isip ko,” “A-ano’ng mga katanungan?” “Like you have changed your mind? Matatawag ba iyon na kakalas ka na sa kasal?” Her lips parted. Hindi alam ang sasabihin. “You know, I won’t blame you, Londyn. Mas naiintindihan kita dahil hindi na kita mapapaligaya sa kalagayan ko ngayon.” Kinabahan siya. Pilit na natawa sa sinabi ng lalaki kahit hindi naman nakakatawa. “We’ve already talked about it, ’di ba? Sasama ako sa ’yo sa Batangas to meet your family.” Kung saan man niya nakuha ang salitang iyon ay hindi niya alam. Rigo smiled kindly. “At alam mo rin ba na matagal na ’kong hindi nakakaramdam ng init sa katawan, Darling?” His face was tensed, trying to control himself for something. “A-ano’ng ibig mong sabihin?” she asked in confusion. Ang kabang nararamdaman ay higit na nadagdagan. “Kahit ano’ng gawin ko, nararamdaman kong lumalayo ka na sa ’kin sa tuwing magkakalapit tayo nang ganito. Pero mas naging iba ka ngayon and I liked it.” Sa isang iglap ay sakop na siya ng mga braso nito. He slightly reeled his face and claimed her mouth to kiss. Her eyes widened in astonishment, hindi inaasahan ang ganoong kapangahasan ng lalaki. At dahil sa pagsinghap niya, his tongue slipped between her teeth . . . tasting . . . exploring. Lalong natilihan si Nadja. Oh, God! Hindi niya kaya ang ganoong katinding sensasyon. Ngunit ang makulong sa mga bisig nito’y parang doon siya nararapat, parang iyon ang tama. Being in his arms felt like home. Iyon ang idinidikta ng isip niya kaya naman tumugon din siya ng halik at yakap. Ginaya niya kung paano siya nito hagkan sa mga labi. Subalit biglang huminto sa paghalik si Rigo at bahagya siyang inilayo mula sa katawan nito. Nagtataka ang mga mata habang nakatitig sa kawalan. She gasped. Napangiwi sa nangyaring hindi dapat mangyari. Bumangon muli ang kaba sa kanyang dibdib. Did he notice? bulong ng kanyang isip. Mariing pumikit si Rigo. Nakitang kinokontrol nito ang sarili sa kanya. “Ipapaasikaso na kita sa mayordoma,” wika nito. Speechless, she stared at him. And then bahagyang lumayo at tumayo. Hindi mawari ang nararamdaman sa mga oras na iyon. Ano’ng nangyari at pumayag siyang magpahalik sa lalaking ito? Oh god! She took advantage of him! nababagabag na bulong ng isip niya. Kailangan makausap niya si Londyn sa lalong madaling panahon. Dinudurog ang puso niya sa katotohanang niloloko lamang nila ang lalaki. Sooner or later ay kakalasan din ni Londyn ang lalaking ito. At bakit patatagalin pa niya? Hindi niya kayang dagdagan pa ang sakit na nararamdaman ng binatang ito na umakit sa kanya. “I-I’m sorry, pero kailangan ko nang umalis.” Rigo sighed. “Okay, I can’t force you to stay here with me. But I just hope you will come back tomorrow. I don’t want to wait for another five days, Londyn. Marami pa tayong pag-uusapan at aayusin sa pag-alis natin patungong Batangas.” This was the right time to tell him there would be no Batangas. There was no need to talk about the future nor about the marriage. Dahil ang bride ay kakalas na mismo sa kasalang magaganap. At kahit siya’y hindi na niya kaya pang manloko ng tao. She and Londyn should stop this ridiculous plan. But to her own surprise, she smiled and found herself saying, “Pangako . . . babalik ako bukas.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD