CHAPTER 4
Looking for answers
It has been days since what happened on her coffee shop. Gusto na niyang makita ulit ang lalaki na nagmamay-ari ng asul na mga mata. Marami kasi siyang gustong itanong nito. Malakas kasi talaga ang kutob niya na kilala siya nito. At maaaring ito ang maging daan para bumalik ang mga nawala niyang alaala.
Pero ang malaki niyang problema ay hindi niya alam kung saan ito hahagilapin. Hindi niya rin alam ang pangalan nito kaya wala talaga siyang makuhang impormasyon tungkol sa lalaki. Abala si Alyana sa pagbebake ng makita ang isa niyang empleyado na humahangos papasok ng kusina.
“Anong problema Daisy?” Naitanong niya dito. Habol nito ang hininga kaya binigyan niya ito ng isang basong tubig. Nang makainom na ito ay tyaka lang ito sumagot sa tanong niya.
“May isang grupo po kasi ng mga babae doon sa labas na nag e-eskandalo ma’am. Kinakausap na po ni ma’am Star pero hindi pa rin po sila papaawat.” Mahabang sinabi nito na nagpakunot ng noo niya.
“Bakit ngayon mo lang sinabi sakin?” Tanong niya ulit habang naghuhugas at inayos ang sarili.
“Eh. Kasi ma’am akala namin titigil na sila kapag nakausap na nila si ma’am Star pero lalo lang naman po silang nag eskandalo.”
“Ganoon ba? Kakausapin ko sila.” Sabi niya at lumabas ng kusina. Bakit nga ba di niya narinig na nagkakagulo na sa labas? Siguro masyado lang okyupado ang utak niya sa mga bagay-bagay.
Pagkalabas niya ng kusina ay rinig na rinig niya ang sigaw ng mga kababaihan na inaaway ang mga empleyado niya. Napataas siya ng kilay at taas nuong lumapit sa mga ito.
“What is going on here?” Tanong niya sa malamig na boses. Tumahimik ang kaninang maingay na paligid at lahat napatingin sa kaniya. Nakita niyang nakayuko lang ang mga empleyado niya . Nang lingunin niya ang mga babae ay malalaki ang mga mata nitong nakatingin sa kaniya.
“B-buhay ka?” Kinakabahang tanong ng isang babae na nagmukhang clown sa kapal ng make up niya. Tinaasan niya ito ng kilay at tiningnan mula ulo hanggang paa.
“Do I look like I’m dead to you?” Sarkastiko niyang tanong dito. Idiot! Sigaw niya sa kaniyang utak.
Tumahimik ang mga ito kaya nagtanong siya ulit. “Anong problema dito?” Tanong niya sa kaniyang manager. Nag angat ito ng ulo bago sumagot.
“Eh kasi maam pinipilit nila iyong gusto nila. Sinabi ko ng hindi tayo nagseserve ng ganoon dito pero mapilit sila.” Magalang na sagot nito sa kanya. Umasim ang mukha niya. Ang pinakaayaw niya sa lahat ay iyong ipinipilit ang mga bagay na hindi kayang ibigay. Humarap siya sa mga babae.
“So you choose to make a scene here in my coffee shop? Hindi pa rin kayo nagbabago. Mga bully pa rin kayo at mga self-centered bitch.” Hindi niya alam kung bakit niya nasasabi ang mga iyon. Pero pakiramdam niya may sariling utak ang bibig niya. “Umalis kayo sa coffee shop ko ngayon din bago niyo pagsisihan ang gagawin ko.” Napalunok ang mga ito sa sinabi niya at nagmamadaling lumabas sa kaniyang coffee shop. Napabuntong hinga nalang siya bago hinarap ang mga empleyado niya.
“Okay guys. Let’s go back to work.” Anas niya at bumalik na ng kusina. Hindi niya maintindihan ang sarili. Nang makita niya ang mga babae she felt sudden rage towards them. Hindi niya alam kung bakit. But she has this feeling na kilala niya ang mga ito. The way they acted earlier. Ang mga gulat nilang ekspresyon sa mukha. Kasali din kaya ang mga ito sa nawala niyang alaala? She really has to know everything as soon as possible. Kung kinakailangan niyang kausapin ang mga magulang ay gagawin niya. Maaaring may alam ang mga ito. Tatanungin niya rin ang boyfriend niya. They must’ve knew something she doesn’t.
Gustong manapak ni Kean sa mga oras na iyon pagkatapos niyang mabasa ang mga papeles. Nang mabasa ang report ng tauhan niya ay kumulo kaagad ang dugo niya. Hindi maisip ni Kean na kayang gawin ng mga biyenan lahat ng iyon. Sa sarili pa nitong anak.
How dare them do this to me?! How dare them play me?! They will pay dearly. f**k them! f**k all of them! Mariin niyang sigaw sa kaniyang isip. Nilukot niya ang mga papel sa kaniyang kamay at itinapon ito sa kung saan. He hurriedly picked up his phone and dial someone. “I want you to investigate what happened almost four years ago. I want every details as soon as possible.” He firmly said then hangs up. He gritted his teeth in so much anger he felt.
Humanda kayong lahat sakin. Bulong niya sa sarili bago umalis ng kaniyang bahay.