CHAPTER 1
CHAPTER 1
No, she can’t
Mabilis na pinaharurot ni Kean ang sinasakyang motor upang maiwala at matakasan ang mga humahabol sa kanya.
Tss. These shits doesn’t know how to quit. Psh!
Mas binilisan niya pa ang pagtakbo ng kaniyang motor hanggang sa hindi na nakasunod ang mga ito sa kanya. Tuwing gabi kapag lumalabas siya at ginagamit ang kaniyang motor ay palagi itong nangyayari. Ngunit palagi din namang bigo ang mga humahabol sa kanya. Nag e-enjoy na nga siya tuwing may humahabol sa kaniya. He always like to have fun. Masayang masaya siya kapag nakikipaglaro na sa kanya ang mga playmate niya. Sila ang pantanggal stress niya araw-araw.
Nang hindi na nakasunod sa kanya ang mga ito ay binagalan niya ng kaunti ang pagpapatakbo. Ngunit ng nasa may intersection na siya ay pinabilis na naman niya ang takbo upang makalusot. Palampas na sana siya ng mahagip ng isang magarang kotse ang likod ng kaniyang motor dahilan para tumilapon ang motor niya kasama siya.
“Shit.” Mura niya ng makaramdam ng sakit. Mabilis siyang umalis sa motor niya at tinanggal ang kanyang helmet. Tatayo na sana siya ng may lumapit sa kaniya.
“Oh my gosh! Mister ayos ka lang?” Taratang tanong ng babaeng nakaluhod sa harapan niya at hinawakan siya sa balikat. Her voice seems very familiar to him. Inangat niya ang kaniyang ulo upang makita ang mukha nito. Nang maiangat niya ang kaniyang ulo ay nanlaki ang kaniyang mga mata.
No. This can’t be. He must be hallucinating. Maybe it’s just his imagination playing again. Tulala siyang napatitig sa babaeng kaharap. He can’t even utter a single word. Hindi niya alam ang mararamdaman sa mga oras na iyon. Pakiramdam niya ay binuhusan siya ng napakaraming yelo. Talaga bang nasa harap niya ngayon ang asawa o namamalikmata na naman siya?
Napalis lang ang iniisip niya ng maramdaman ang kirot sa bandang noo niya.
“You’re bleeding!” Tarantang sabi ng babae at nagmamadaling hinalungkay ang sling bag nitong dala at may inilabas na panyo at inilagay sa noo niya kung saan nakaramdam siya ng sakit. Nakatitig lang siya sa babae habang abala ito sa pagdampi at pagpunas ng dugo sa noo niya.
“Are you okay mister? Gusto mo bang dalhin kita sa hospital?” Tanong nito habang abala sa pagpunas.
“A-alyana?” Hindi niya alam kung bakit bigla nalang iyong lumabas sa bibig niya. Napatigil ang babae sa pagpunas sa kanyang noo. Kumunot ang noo nitong napatingin sa kanya.
“You know my name?” Gulat na tanong ng babae sa kanya na halata ang pangamba sa tono ng boses nito. Kumuyom ang kamay niya sa hindi malamang dahilan. His face became stern and stoic. Marahas siyang tumayo at pinagpagan ang sarili.
“Is that your name? How about your surname?” Malamig niyang tanong sa babae. Gusto niyang kumpirmahin kung ito nga ba ang asawa niya. Nag-aalangang tumango ang babae. Tumayo na rin ito at nagpagpag din ng sarili.
“I’m sorry mister but I can’t give you my full name.” Magalang na sagot ng babae sa kaniya. Mas lalong humigpit ang pagkakakuyom ng kaniyang kamay.
Magsasalita pa sana siya ng may lumapit na apat na lalaki sa kanila. Mukhang mga bodyguards ng babae.
“Miss Alyana, ayos lang po ba kayo maam?” Tanong ng isang lalaking body guard.
“I'm fine Greg. Pwede ba pakiassist si..” tumingin ang babaeng kamukha ng asawa sa kanya. “What’s your name mister?” Pagtatanong nito sa pangalan niya. Umiling siya at itinayo ang kanyang motor.
“No need. I can handle myself.” He said in a cold tone and stride his motor bike. Pinaandar niya ito at mabilis na umalis sa lugar na iyon.
Kean can’t think properly as he drove his motor bike away from the site.
That can’t be Alyana. She’s already dead. She can’t be my baby. f**k!