CHAPTER 19 Vacation NAPAPANGITI si Alyana habang nakatanaw sa bintana ng van na sinasakyan. Pupunta siya ngayon sa Dahilayan Forest Park sa Bukidnon. May nakapag sabi kasi sa kaniya na maganda daw doon kaya naisipan niyang pumunta. Gusto niya sanang mag beach but she was aiming for something fresh and fun. And then a friend of her suggested the place. Naghanap siya ng impormasiyon sa internet tungkol sa nasabing lugar. Nagandahan siya sa lugar kaya nagpabook kaagad siya sa hotel. And also, nabasa niya ang mga feedbacks at comments ng mga taong nakapunta na doon at lahat ng iyon ay magaganda. So she can't see any reason not to go. “Manong dadaan po ba talaga tayo diyan?” Tanong niya sa driver ng van. Kinabahan kasi siya ng makita ang daan. “Oo maam. Wala man ibang daan. Kaila