6. FOLLOW THE LORD. SINUNDAN pa rin ni Arianna ang Lord na ‘yon sa restaurant kung saan ‘to pumasok. Nagtuloy ‘to sa isang table kung nasaan ang mga kabarkada nito. Namumukhaan niya ang mga ito dahil ang mga ito rin ‘yung mga nasa bar noong nakaraang gabi. “Lord! Who’s that—oh! Ikaw ‘yung…” sabi ng isa, pinaglipat-lipat nito ang tingin sa kanya at sa Lord na ‘yon. Okay. Awkward. Iwanan ba naman siya ng Lord na ‘yon na nakatayo. Bigla na lang ‘tong umupo, ni hindi man lang siya inaya. “Uy, upo ka. Dito o.” Naghila ng isang upuan mula sa kabilang table ang kanina ring nagsalita. Tinignan niya lang ‘to tsaka siya naupo. “Hello, Miss…?” tanong ng isa. Napatingin siya sa walang pakialam na Lord na ‘yon. Iba talaga ang feeling niya. Bakit siya tinawag na Helen nito? Naghintay