7. DÉJÀ VU. HINDI siya makapaniwala sa taong nasa harapan niya ngayon. Totoo ba ‘to? Si Third? Paanong… Pero bakit parang gulat na gulat din ata ito? “Whoa,” mahinang sambit ni Third. Napakunot ang noo niya. Ito pa talaga ang nagulat gayong siya ‘tong dapat? “Anong tinawag mo sa’kin?” hindi makapaniwalang tanong nito. Nagsalubong ang mga kilay niya. Tinawag niya rito? “Kes…“ Oh, s**t. “…ley. Kesley.” Maski siya nagulat sa hindi niya namalayang nasabi niya. “Kesley. I said Kesley. Ano’ng ginagawa mo rito?” biglang pagtataray niya rito. “Hindi, e! Sabi mo, Keslo! Keslo? Wow! Ann!!!” “Pwede ba? Ang ingay mo,” naiiritang sabi niya. “P-pero… Waaa! Tinawag mo talaga ‘kong Keslo? Teka lang, kailangan kong tumalon!” Pagkasabing-pagkasabi nito no’n, bigla na lang nga itong