Be Mine 8 Few days later, umayos na rin kahit paano ang pakiramdam ni Biancx. Maayos na raw ang pakiramdam niya sabi niya sa mga magulang niya at nakabalik opisina na rin siya kaagad. Kamusta kami? Ako man, hindi ko na alam. Hindi ko alam kung ayos lang ba kami. I'm scared to ask her. Baka damdamin na naman niya at isipin. Natatakot ako. Ipaparamdam ko na lang siguro sa kanya. I will still try my best. Napanaginipan ko kagabi na sinabi raw ni Biancx na mahal niya rin daw ako. Ang sarap pakinggan at sobrang gaan sa pakiramdam na parang akala mo nanalo ka sa lotto. And I'm holding on to that dream. Matutupad 'yon. Tutuparin ko 'yon. Dahil simula pa lang naman ng buhay ko, alam ko nang si Biancx ang pangarap ko. At hindi na magbabago pa 'yon. "Hi, Kuya Cyrus. Are you here to fetch Ate Mabe