Be Mine 9 Love is the greatest thing that could happen in your life. But it could also be the scariest nightmare. Masarap magmahal. Pero kapag nagmahal ka, hindi mo rin minsan maiiwasan ang masaktan. Hanggang saan ba ang kaya mong tiisin para sa taong iyong minamahal? - CYRUS Hindi ako nire-reply-an ni Biancx. Kanina naman okay kami eh. Nagti-text pa siya. Tinanong ko pa nga kung kakain na siya ng lunch. Nagreply siya. Sabi niya oo draw. Pero ngayon wala na. Tsk. Tinawagan ko 'yong bantay/spy ko ro'n sa opisina nila, hindi pa raw nakakabalik si Biancx mula kanina. Lahat ng kasabay niyang naglunch nakabalik na. Siya na lang ang wala. Tanginis, hindi na naman ako mapapakali. Lumipas pa muli ang isang oras, wala pa rin daw si Biancx do'n. Tangina, hindi na ako pwedeng umupo na lang dit