Chapter Four

3344 Words
GWYNETH'S POV "LEAVE HER ALONE!" asik ni Aubrey sa lalaki ngunit tawa lang ang naisukli nito sa kaniya. "What do you want?" dagdag na tanong niya pa. Hindi ko maiwasang hindi magtaka. Bakit ganito na lang ang reaksyon ni Aubrey nang makita niya ang lalaki? Bakit parang galit na galit siya? Bakit parang kinasusuklan niya itong makita? "Parang wala naman tayong pinagsamahan niyan, e." Tumawa ang lalaki, parang nang-aasar kaya halata naman kay Aubrey na napipikon siya. Mukhang gustong-gusto ng lalaki na naiinis siya dahil parang tuwang-tuwa ito na nakakunot ang noo ng kaibigan ko. "Talagang wala! Baka nakakalimutan mong ikaw ang humiwalay," ani Aubrey na padabog na hinagis ang bag sa sofa kasabay ng kaniyang pag-upo. Ang mga mata niya ay nakatingin diretso sa sahig habang naka-krus ang dalawang braso. Kunot na kunot ang noo at parang nag-aalab ang katawan niya sa namuong galit. Hindi ko alam kung dapat ko pa ba silang panoorin o dapat na akong umalis dito para magkaroon naman sila ng privacy. Hindi ko naman kasi hilig ang makinig sa usapan ng iba. Turo 'yon sa akin nina mama at papa simula noong ako ay maliit pa. Ganoon din ang aking mga kapatid. Talagang tinuruan kami ng magandang asal. Ako lang talaga ang pasaway. Ako ang hindi nakikinig kina mama at papa dahil may sarili akong desisyon. Ako ang panganay kaya pakiramdamn ko, mas may karapatan akong sumuway. Kaya nga ngayon, hindi ko alam kung sino ang lalaking nakauna sa akin dah hindi ako nag-iingat. Padalos-dalos ako lagi. Sa huli, ako tuloy itong natatalo sa laro ng tadhana. "Bumalik na ako." "May babalikan ka pa ba?" sinamaan niya ng tingin ang lalaki. Agad naman akong na-upo sa tabi ni Aubrey. Tahimik lang na nanonood sa dalawa. Napagdesisyonan kong huwag iwan ang dalawa dahil baka magbatuhan ng mga gamit dito sa bahay. Ganoon pa naman ang ugali ni Aubrey kapag naiinis. Hindi ko hahayaan na maging makalat ulit ang bahay na nalinis na. Ganoon kasi siya sa probinsya. Madalas siyang pagalitan ng nanay niya dahil tamad siya maglinis ng bahay. Lagi kong naririnig sa kabilang bahay na sumisigaw na naman si Aling Nenay dahil sa katamaran ni Aubrey. Kahit medyo malayo ang pagitan ng bahay namin sa bahay nila ay rinig na rinig ko ang malakas na sigawan ng mag-ina. Nakatutuwang balikan kung ano kami noon at kung anong ginagawa namin noong mga bata pa lang kami. Ngayon, heto na kami. Malaki na at hindi na inosente sa mga bagay-bagay. Lalo na ni Aubrey. "Iniimbitahan ka ni Vivi sa kasal niya next month. 'wag daw kitang kalimutan na puntahan," saad ng lalaki sa malumanay na tono atsaka naglakad papunta sa gawi namin ni Aubrey. "Sasama ka ba?" Naroon muli ang pang-aasar sa boses nito kaya malalim na nag-isip si Aubrey sa kung ano ang isasagot. Sino si Vivi? Siguro isa sa mga kaibigan nilang dalawa. Hindi ko maiwasang hindi mamangha. Dati lang, hindi palakaibigan si Aubrey dahil sobrang sungit niya sa mga kalaro namin. Ako nga lang yata ang nakakaintindi sa topak niya noon. Ngayon naman, marami na siyang kaibigan. Nagbabago ba talaga ang isang tao kapag nakapunta na rito sa Maynila? Ano'ng mayroon ba ang Maynila? Bakit parang nag-iiba ang pag-uugali at nakasanayan ng isang tao kapag nakatungtong na rito? Saglit na nag-isip si Aubrey bago nagsalita. "I'll think about it!" "Just call me if you—" "I can call Vivi directly. I have her number." Aubrey rolled her eyes. Talaga 'tong babaeng 'to, napakasungit. "Okay. So, see you when I see you." Iyon lang ang sinabi ng lalaki at agad na umalis ng apartment namin. Mabilis ko namang hinarap si Aubrey na hanggang ngayon ay nanginginig pa rin ang katawan. Hindi ko malaman kung dahil ba sa inis iyon o ano pa man. Ngunit halata sa kaniya ang pagpipigil na kumawala kung ano man ang saloobin nito. Hindi ko maiwasang mapatitig na lang sa kaniya. Tila ba ang lungkot ng kaniyang mga mata. Galit ang mukha ngunit ang loob niya'y nasasaktan. Hindi ko alam kung totoo ba itong nababakas sa kaniyang mukha. Sino ba ang lalaking iyon sa buhay niya? Bakit ganito na lang ang epekto ng lalaking iyon sa kaniya? Kung titingnan si Aubrey ngayon, parang kaunti na lang ay bibigay na siya. Nangingilid ang luha niya sa mga mata at kaunti na lang, raragasa 'yon na parang isang ilog na walang katapusan ang pag-agos. Hihintayin na lang na matuyo, doon lang matatapos. Hindi ko inalis ang paningin sa kaniya hanggang sa siya na ang kusang nagbasag ng katahimikan. Tumayo ito at nagpunta sa kusina na agad ko namang sinundan. Hinayaan ko siyang kumuha ng malamig na tubig atsaka nagsalin sa baso't ininom ito. Matapos no'n ay kumawala sa kaniya ang isang malalim na buntong-hininga. Parang pagod na pagod siya. Parang hingal na hingal siya. Ganoon ba kalakas ang epekto no'ng lalaki sa kaniya? Para siyang sigarilyong naupos. Para siyang kandila na naubos. At parang posporo na saglit lang tumapang, sa huli ay natupok "Sino 'yon?" Sa wakas ay natanong ko na. Hindi ko na kaya pang patagalin ang mga naiisip ko. Pakiramdam ko, inip na inip na akong hintayin na siya ang unang magsalita. Curious lang kasi talaga ako kung ano ang papel niya sa buhay ng kaibigan ko at ganoon-ganoon na lang kung umasta si Aubrey matapos kausapin ito. Ex-boyfriend ba ni Aubrey 'yon? Isang kaibigan na nakaaway niya? O isang taong minahal niya pero hindi siya minahal pabalik? O baka naman, lahat ng nabanggit? "Let's not talk about him. He's just a waste of time," aniya na umikot pa ang mata. Alam kong hindi masikretong tao si Aubrey. Pero alam ko rin na may mga panahong hindi siya nagsasabi unless, kaya na niyang sabihin. Naglakad siya papunta sa gawi ko saka humarap sa akin. "Bakit?" tanong ko. "Matutulog na muna ako. May pasok pa tayong mamayang gabi. Matulog ka na rin." "Sige, susunod na ako." Iyon na lang ang nasabi ko nang magsimulang maglakad si Aubrey papalayo sa akin. Ngunit bago siya tuluyang umakyat paitaas ay nakita ko pang lumaylay ang kaniyang balikat. Nagpakawala siyang muli ng matunog na buntong-hininga. Base sa kalkulasyon ng pag-iisip ko, hindi malabong malalim ang koneksyon ng dalawang iyon. Nasisiguro kong may malalim na sugat ang nagdala kay Aubrey para maging ganoon ang pakikitungo niya sa lalaki. At ang nakakainis doon, bakit si Aubrey lang ang naaapektuhan? Bakit parang wala namang pakialam iyong lalaki sa kung ano ang isipin o gawin ni Aubrey? Hindi ko maiwasang hindi mag-alala sa kaibigan ko. Kung ganoon na ganito ang nararanasan at nararamdaman niya, dapat sana magtagal pa ako rito na kasama siya. Hanggang sa maging ayos ang pakiramdam niya. Kabayaran man lang para sa mga tulong na naibibigay niya sa akin. Umakyat na ako sa kuwartong para sa akin habang malalim pa rin ang iniisip. Pero hindi na iyong nangyari kay Aubrey ang iniisip ko ngayon. Iyong lalaking pinagkalooban ko na ng ginto kong p********e. Nakakainis. Nakakaasar. Bakit na ang tanga-tanga ko? Sa tanda kong 'to, nabubudol pa ako? At hindi pera ang nabudol sa akin, kundi ang hiyas ko. Naaasar ako sa sarili ko. Hindi ko naman gustong maging ganito ang buhay pero bakit kasi ako uminom ng araw na iyon? Edi sana, hindi ako namomroblema ngayon. Edi sana, nag-a-apply na ako ngayon sa mga kumpanyang pasok ang pinag-aralan ko. Inis kong binagsak ang sarili sa hindi kalambutang kama. Tumingin ako nang masama sa kisema na para bang nakikita ko roon ang sarili kong nakikipagtalik sa lalaking iyon. Fuck! Bakit hindi ko maalala ang mukha niya? Bakit masyadong nalasing to the point na hindi ko na naidilat masyado ang mga mata ko para kabisaduhin ang mukha niya? Naaalala ko naman ang lahat. Ang haplos, ang sakit, ang sarap— lahat ng naramdaman ko no'ng mga oras na iyon, sariwa pa sa akin. Ngunit ang hindi malinaw sa akin ay kung papaano ako napunta sa ganoong sitwasyon. Nakakainis talaga! Na-r**e ba talaga ako? Eh, hindi naman r**e 'yon dahil ako nga itong may gusto. Hindi ko matatawag na r**e 'yon dahil ako ang nagyayang tabihan ako ng lalaking iyon. Ako ang nang-akit at naiinis ako. Bakit ako nang-aakit? Inis akong bumangon. Ginulo ang buhok at bahagyang sinabunutan 'yon. "Tanga-tanga mo talaga, Gwy!" pinagalitan ko ang sarili. Ano na lang ang sasabihin ni mama at papa? Na iyong panganay nilang anak na pinag-aral, pinagtapos nila sa maayos na unibersidad, binigyan ng magandang edukasyon, tinuruan ng tamang asal, at ang anak nilang hindi mag-aasawa ng maaga dahil pagtatapusin pa ang mga kapatid sa pag-aaral, heto at isa nang ganap na disgrasyada. Paano kung mabuntis nga ako? Paano na ang pangarap ko? Buti sana kung 3M siya— mayamang malapit nang mamatay. Edi may pangsustento siya sa magiging anak namin. Eh paano kung hindi pala mayaman? Edi nganga kami parehas? Argh! Nakakainis talaga! Pero… isang buwan naman na ang nakakaraan. Hindi man ako dinadatnan dahil irregular ang menstruation ko, hindi rin naman ako nakararamdamn ng sintomas na buntis ako. Siguro kailangan ko nang magpa-check sa isang ob-gyne. Para malaman ang sagot sa mga tanong ko. Hindi pwedeng magmukmok lang ako rito na walang ginagawa. Bukas na bukas din, magpapatingin ako. At sana, hindi magbunga ang pagkakamaling ginawa ko. **** "NAKITA MO na ba siya?" Agad na tanong sa akin ni Aubrey nang magkaharap kami sa washroom nitong bar. Mabuti na lang at kahit pasaglit-saglit ay nagkakasalubong kami ni Aubrey sa bar na ito. Hindi naman kasi madaling magkasalubong ang dalawang tao sa lugar na ito dahil bukod sa maraming tao, malakas din ang espasyo nito. Parang isang high class bar kaya high profile din ang mga taong narito. Puwera siyempre sa mga trabahador na tulad ko. Pero ang mga customer dito, sa pagkakaalam ko, may sinasabi ang pangalan sa Pilipinas. Kumbaga, mga kilalang tao at pulitiko. Kaya hindi rin masyado nagpapapasok nang kung sinu-sino rito unless, mayaman ka talaga at marami kang connections. Mahigpit ang security pwera sa akin noong panahon na iyon dahil kilala ako ni Aubrey at pinagbilin niya ako sa mga taong nagtatrabaho rito. Hindi rin kami masyado nagkikita ni Aubrey dahil lagi siyang nasa iba't ibang kuwarto. O kung hindi man doon, sa makipot na entablado. Ni sa panaginip noon ay hindi ko inaasahan na sa ganitong trabaho babagsak si Aubrey. Hindi ko akalain na kaya niyang masikmura ang ganoong trabaho. Pero sino ba ako para husgahan iyon? Sino na ako para husgahan ang kaibigan kong kumakapit na lang sa patalim para maging mas madali ang pamumuhay? Hindi ko siya masisisi. Dahil alam kong hindi niya rin ito gusto. Nalungkot ako sa tanong ni Aubrey. Kanina pa ako nagsi-serve at nag-e-entertain ng mga customer pero ngayon lang ako napagod. Sa tanong niya lang na iyon. Doon ko lang naramdaman na nagtatrabaho pala ako. Umiling ako sa kaniya. "Hindi pa. Hindi ko nga halos mapakinggan nang maayos ang boses ng mga narito, e. Bukod sa malalakas ang tugtog, marami pang babaeng maiingay," angal ko habang naghuhugas ng kamay. Totoo naman. Ang iingay ng mga babaeng customer dito. Hindi ko naman siyempre masisisi dahil natural iyon sa lugar na ito. Hindi lang talaga ako sanay sa ganitong kaingay na mundo. Kung hindi ko lang talaga kailangan na makita ang taong hinahanap ko, hindi ko naman papasukin ito. Dahil bukod sa malayo ito sa course na napag-aralan ko, ni sa panaginip ay hindi ko kayang magtrabaho sa ganitong lugar. Live kissing scene, live s*x, live party. Hindi 'yan ang mga gusto kong makita sa pangarap kong trabaho. Pero dahil sa lintek na pag-aasam na makita ang taong hinahanap, susubok ako… kakayanin ko. Kung tutuusin, pwede ko naman nang tigilan ang paghahanap sa kaniya dahil hindi naman ako buntis. Nalaman ko ito nang minsang magpa-check up ako sa ob-gyne. Pinagpapasalamat ko ang bagay na iyon at talagang pinangakong hindi na mauulit. Pero gusto ko pa rin siyang makita. Gusto ko pa rin malaman kung ano ang dahilan niya at bakit siya nagpaakit sa akin—sa akin na birhen ng araw na iyon. Tiningnan ko si Aubrey na abala sa pag-aayos ng sarili si Aubrey dahil may performance daw siya mamaya. "Galingan mo ang paghahanap. Sure akong bumabalik-balik 'yon dito. Baka tinitingnan ka lang mula sa malayo." I made face no'ng sinabi 'yon ni Aubrey. "At bakit naman niya gagawin 'yon?" "Malay mo, milyonaryo pala 'yong ginahasa mo?" Nanlaki ang mga mata ko. "Hindi ko ginahasa 'yon, ah! Mamatay ka man ngayon sa harap ko." "Malay mo, sugar daddy mo na pala na mag-aahon sa inyo sa kahirapan," aniya pagkatapos ay tumawa nang malakas. Mahina ko siyang hinampas sa braso pero tawa pa rin siya nang tawa. "Tumigil ka na nga!" "Omygod, Gwy! Nakipag-s*x ka talaga sa matanda?" pagbibiro niya sa akin nang hindi pa rin tumitigil sa pagtawa. Napapaisip tuloy ako kung ano hitsura ng lalaking nakasiping ko. Letse! Baka nga matanda na iyon? Sobrang nakakahiya! Atsaka tinitingnan mula sa malayo? Bakit parang ang creepy? Kunot-noo ko siyang nilingon. Kahit ang paningin niya ay nasa malapad na salamin na nasa harap namin. Anong sinasabi niyang tinitingnan mula sa malayo? Sigurado naman akong nakalimutan na n'on kung ano ang nangyari sa amin. Baka nga sa araw na iyon, hindi lang ako ang nabiktima niya. Instead of asking her what is running on my mind, iba na lang ang tinanong ko. Tiningnan ko siya mula sa mga nakalagay na kolorete sa ulo niya hanggang sa talampakan niya. "Ikaw? Saan ang punta mo niyan? Bakit halos wala ka nang suot na damit, a! Hindi naman ganiyan kalaswa ang sinusuot mo kapag sasayaw ka?" tanong ko nang makitang halos tinatakpan na lang ng maliit na tela ang mga maseselang parte ng katawan niya. Hindi naman kasi ganoon ang kalamitang suot niya kapag nagsasayaw. Kahit papaano, natatakpan pa nang maayos ang pang-itaas niyang katawan. Habang ang pang-ibabang suot naman niya ay sobrang ikling palda na kita na rin halos ang bulaklak. Pero ang ngayon, iba. Kulang na lang ay maghubad na siya. Suot niya ay isang pulang lace lingerie na halos wala ka nang matatakpan. Maski ang dignidad mo, nakabalandra. "May customer ako. Hinihintay na ako sa paraiso," sagot niya na humagikgik pa ng tawa. Kunot-noo ko naman siyang pinagmasdan habang naglalagay ng kolorete sa mukha. "Paraiso? Saan naman 'yon? Isa ba 'yon sa mga pangalan ng bar?" Mas tumawa si Aubrey sa sunud-sunod kong tanong. Napasimangot ako nang makitang halos pagpawisan siya sa pagtawa. Ano'ng nakakatawa sa tanong ko? Si Aubrey talaga. Masyado akong ginagawang inosente. Puwede namang sabihin na lang ang dahilan, pinagtatawana pa ako. "Paraiso. Tawag 'yon sa kwarto kung saan ginagawa ang milagro." Nanlaki ang mata ko sa sagot niya matapos ang mahabang pagtawa. "You mean, private room?" pagkukumpirma ko. "Yes!" "Teka, kakagaling mo lang doon, ah?" Totoo. Dahil sabay namin kaming pumasok kanina. At nang magsimulang dumami ang tao, hindi ko na siya nakita pa. Ang sabi ng mga kapwa ko server, nasa private room daw siya kasama ang Alkalde ng kabilang lungsod. Siya raw kasi ang laging hinahanap n'on. Ilang oras matapos ang pagtatanong ko na iyon ay muli kong hinanap si Aubrey sa mga kasamahan niyang clun dancer. Ang sabi naman, nasa customer pa rin daw nito. Kinumpirma ko kung 'yong Alkalde pa rin ba pero hindi na raw. Ibang customer naman daw at parang bago lang pero siya agad ang natipuhan. "Madalas naman ako ro'n. Sanay na sanay na nga ang pu—" "Puso! Sanay na ang puso mo!" Alam ko kung gaano kagarapal ang bunganga ni Aubrey at sigurado akong kung hindi ko 'yon napigilan, makakarinig ako ng mga salitang hindi kaaya-aya. "Bakit paraiso ang tawag mo roon?" Iniba ko na lang ang tanong para kahit papaano, hindi siya ma-trigger na magsalita ng mga bastos na salita. Tumawa si Aubrey saglit pero agad ding nagbuntong-hininga. "Dadalhin ka sa masarap na pakiramdam," ika niya habang isinisilid na ang mga make-ups sa pouch nito. Dahan-dahan naman akong tumango bilang pagsang-ayon sa kaniyang sinabi. Ganoon pala ang iba pang tawag sa private room para hindi naman masyadong malaswa pakinggan. Hindi naman na ako inosente pero hindi rin naman ako sobrang open sa ganitong usapan. Curious lang talaga ako sa kaibigan kong 'to dahil matagal na no'ng huli kaming nagkita. "Mauuna na ako sa iyo, a!" sabi niya nang hindi tumitingin sa akin. Ilang beses pa siyang ngumiti sa salamin bago ako tinalikuran. Akmang lalabas na siya sa pinto ng washroom kung nasaan kami ngayon nang pigilan ko siya. "Sandali lang!" Pigil ko sa kaniya sa labas ng pinto. Nagtataka naman siyang tumingin sa akin. "Ginagawa mo talaga 'yon?" Tukoy ko sa pakikipag-siping sa iba't ibang lalaki. Kahit alam ko namang nang ginagawa niya talaga iyon ay tinanong ko pa. Nagtataka lang kasi ako kung bakit kailangan makarami siyang customer. Hindi ba siya napapagod? Ginagawa niya ba talaga 'to gabi-gabi? Sa iba't ibang lalaki? Ilang taon na siya rito. Ibig sabihin ba n'on, araw-araw, iba't ibang lalaki ang gumagamit sa kaniya? Tumango naman siya na sumilay pa ang matamis na ngiti sa kaniyang labi. Bakit parang totoo ang mga ngiti na iyon? Pero kilala ko si Aubrey, alam ko kapag nalulungkot ang mga mata niya. At base sa nakikita ko, hindi siya masaya. "Ilan sa isang gabi?" Puno ng kuryosidad kong tanong. "I think, more than three or five. Minsan tig-iisang oras. Madalas, sabay-sabay." Walang alinlangan nitong sagot. Diretso ang pagkakatitig niya sa akin walang bahid ng hiya. "Gusto mo bang subukan?" "Hindi, a!" Sunod-sunod ang aking naging pag-iling. Talagang hindi. Wala akong balak, wala akong plano, at maski bayaran ako ng malaking pera, hindi ko gagawin iyon. "Hindi rin naman kita papayagan kahit gusto mo. Masarap sa pakiramdam pero minsan, napipilitan na lang ako dahil sa trabaho. Minsan, kailangan kong ipakitang nagugustuhan ko ang nangyayari kahit sa totoo lang ay nandidiri na ako sa sarili ko." Bagaman nakangiti siya sa akin ay bumabalatay sa kaniyang mata ang lungkot. Sabi na, eh. Kilala ko talaga ang Aubrey na ito. Siya pa rin ang Aubrey na nakilala ko. "Bakit pinili mo pa itong trabaho?" "Gaya ng sinabi ko, easy money. Bukod do'n, may iba pa akong rason na hindi mo pa puwedeng malaman." Sumeryoso naman ang kaniyang mukha nang sabihin niya 'yon. "Mauuna na ako, Gwyneth. Naghihintay na sila sa akin." Pilit akong ngumiti sa kaniya habang pinapanood siyang maglakad papalayo sa akin. Bumagsak naman ang aking balikat nang muling makita ko sa isipan ang mukha ni Aubrey kanina. Para bang marami siyang iniindang problema na hindi niya lang sinasabi sa akin. Gusto ko siyanv tulungan pero paano? Paano ko magagawa 'yon kung maski siya, hindi alam kung papaano tutulungan ang sarili niya? Bagsak ang balikat kong lumabas ng washroom para magtrabaho. Buti na lang talaga at lahat ng server ngayon ay abala. Kundi yari ako sa manager namin at tumatambay langa ko rito sa washroom ng mga employees. "Gwyneth!" Mabilis akong lumingon sa pinaggalingan ng boses. Si Aubrey. Papalapit siyang muli sa akin. Lakad takbo ang kaniyang ginawa na tila nagmamadali. Bakit kaya siya bumalik? "Bakit?" Agad na tanong ko nang makalapit siya sa akin. Hingal na hingal pa siya dahil sa ginawa niyang pagmamadali. "Bakit ka tumakbo? Baka mawala ang make-up mo." "Next week na ang kasal ng kaibigan ko. Sumama ka sa akin. Wala kang kasama sa bahay." Sino roon? Baka 'yong binanggit no'ng Aldrich ba 'yon? Iyong lalaking nagpunta sa apartment? Pero bakit ako sasama? Hindi naman ako imbitado at hindi ko sila kilala. Kunot-noo akong napatingin sa mga mata niya. "Pero hindi ko naman sila kilala." Pagkatapos ay sumimangot. "E 'di ipapakilala kita. Basta sumama ka, a!" Iyon lang ang kaniyang sinabi at nagsimula na muling maglakad papalayo. Wala naman akong magagawa kung iyon ang sinabi ni Aubrey. Isa pa, tama nga naman na wala akong gagawin sa bahay pero baka may trabaho ako n'on. Hindi naman pwedeng hindi ako magtrabaho dahil pinasok ko 'to. Kailangan kong panindigan. Hinayaan kong makaalis si Aubrey nang hindi na siya kinontra pa. Ako naman ay bumalik na sa trabaho… at sa paghahanap sa lalaking kumuha ng pinakaiingatan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD