Chapter Three

1045 Words
"GAGA! Siyempre, hindi. Kakausapin ko si Mama Love na kung puwede ay maging janitress ka roon o 'di kaya'y server." Bumalatay sa aking mukha ang labis na tuwa nang sabihin iyon ni Aubrey. Dikit kasi sila ng manager sa bar na iyon at pupuwede siyang magpasok ng mga taong nais na magtrabaho. Mabilis na naglakad ang aking mga paa patungo sa kaniya saka niyakap siya nang mahigpit. "Thanks, Aubrey!" Iyon na lang ang nasabi ko saka mabilis na pumasok sa aking kuwarto. Nagbihis ako nang maayos upang matanggap agad. Sa trabahong iyon, hindi kailangan ng resumè o kahit anong ID. Sapat nang makausap ang manager at magpakitang gilas sa kaniya. Nang handa na akong umalis ay sabay na kaming nagtungo sa bar. Tahimik lang kami habang binabaybay ang daan patungo roon. Hindi ko maiwasan ang mapangiti nang mabuhayan ako ng pag-asa.  Kailangan kitang makita. Naniniwala akong makikita kita. "Ang mahalaga sa akin ngayon ay makilala mo siya, Gwyneth." Sinabi niya iyon sa malumanay na paraan habang binabagtas namin ang daan patungo sa office ng kanilang manager. "Sisikapin kong makita siya. Sa ngayon kasi, boses lang niya ang natatandaan ko. I know i was so stupid that time."  "And when you found him, promise me that you will leave this place, okay? 'wag ka sa ganitong trabaho. Hindi bagay sa iyo."  Pilit ang naging ngiti ko sa kaniya saka marahang tumango bilang pagsang-ayon. MABILIS NA LUMIPAS ang oras. Maghahating gabi na at mas lalo pang dumami ang tao. Natanggap ako bilang isang server. Sa ganitong paraan kasi ay mas may tiyansang makilala ko siya. Iisa-isahin kong tanungin ang mga lalak kung may order pa sila. Sa gano'ng paraan ko kikilalanin ang kaniyang boses. Maingay ang paligid. Samu't-saring amoy ng alak ang pumapaligid sa buong lugar. Halos hindi rin magkakita ang ibang tao dahil sa maliliit at patay sinding ilaw na bumabalot sa buong bar na ito. Masakit sa mata. "Table number fifty five!" sabi ko sa bartender at ibinigay sa kaniya ng list of orders. Pagkatapos no'n ay dumiretso ako sa kumpulan ng mga babaeng nagsasaya habang ang isa naman ay umiiyak na halos kakarating lang. Mukhang broken hearted. Sandaling natahimik ang mga babae nang dumating ang kasamahan nilang umiiyak. Nilapitan ko sila upang hingin ang kanilang order. "Good evening, ma'am. May I take your orders?" tanong ko sa malakas ngunit malumanay na tono. Halos masigawan ko na lahat ng taong aking makakausap dahil sa lakas ng tugtugin. Isabay pa ang maiingay na costumer na kung tumawa ay parang wala nang bukas. Mabilis kong inilista ang lahat ng orders nila habang ang paningin ko ay palinga-linga. Umaasang makikita ko na ang aking pakay. "Miss? Are you with us?" Nagulat ako sa pagsasalitang iyon ng babae. Hindi ito mukhang galit ngunit halata sa boses ang inis. "I'm sorry, ma'am. Ano po ulit 'yon?" Yumuko ako upang maging sinsero ang paghingi ko ng tawad. Mukhang unang araw ay masisisante agad ako.  Dumaan pa ang ilang mga oras ay naging abala ako sa pagtatrabaho. Halos makalimutan ko na kung ano ang aking pakay dahil sa dami ng costumer. Sa dami ng nakausap kong lalaki ay wala isa sa mga tinig nila ang naging pamilyar sa akin. Ang kaninang halos nag-uumapaw na costumer ay unti-unting naglaho. Papalapit na kasi ang haring araw, ilang oras na lang. Halos hindi ko maramdaman ang pagod dahil mabilis na pumapatak ang oras nang hindi namamalayan. "How was your day?" tanong ni Aubrey nang puntahan niya ako. Kasalukuyan akong nagpupunas ng lamesa't inaayos ang mga upuang nawala sa direksyon. Maayos pa rin ang kaniyang mukha na para bang hindi napapagod sa sunod-sunod na pagsasayaw. May oras ding wala siya sa stage at tumi-table sa mga lalaki. Minsan pang nakikita ko siyang inaalalayan ng ibang lalaki mapunta sa pribadong lugar. Ngunit kahit naging multi-tasking siya sa araw na ito ay hindi naging mukhang pagod ang kaniyang mukha. Tipid akong ngumiti sa kaniya saka binitawan ang pamunas. "Nakakapagod pero ayos lang. Kailangan ko 'to, e." "Nakita mo na ba siya?" Doon ay unti-unti kong naramdaman ang pagod sa tanong na iyon ni Aubrey. Marahan akong umiling habang nakayuko. Nawawalan muli ng pag-asa. "Unang araw pa lang ito, Gwyneth. Marami pang susunod." Sana nga makita na kita... umaasa pa rin ako. **   "HOLY s**t!" bulalas ni Aubrey nang makapasok kami sa loob ng kaniyang apartment. "Why? What's wrong?" natataranta kong tanong habang nagmamadali hinuhubad ang sapatos.  Pagkapasok ko ng bahay ay nagulat din ako nang makitang maayos na nakasalansan ang mga gamit. Iniwan namin itong bahay na tila binagyo sa gulo ngunit ngayon ay walang kasing-ayos. "What happened?" Sinulyapan ko siya nang may pagtataka sa mukha. Siya naman ay hindi pa rin natitigil sa pag-iling na may kasama pang pagkabusangot. "I'm not sure who did this. But i have this feeling—" "Ang kalat naman ng bahay ninyo!" Sabay kaming napalingon ni Aubrey sa pinanggalingan ng boses na 'yon. Mula sa kusina ay lumabas ang isang lalaking halos kasing edad lang ni Aubrey. Malaki ang katawan nito na tila isang bouncer. Singputi ng labanos ang mamula-mula nitong balat na nakadadagdag akit sa sinomang babaeng magawi ang paningin dito. Maayos ang tindig nito. Lalaking-lalaki. Ang mata niya ay hindi mawawari kung singkit o malaki dahil sa talukap ng mata nito. "Aldrich?" gulat na tanong ni Aubrey na nanlalaki pa ang mata. Unti-unti siyang lumapit sa lalaki na ngayon ay nakabuka na ang dalawang braso. Naghihintay sa paglapit ng dalaga upang yakapin siya. Ngunit napahinto sa paglalakad si Aubrey at tumitig sa kaniya. "Wait! What are you doing here, anyway? How did you know my place?" Sunod-sunod na tanong niya. Lumaylay naman ang balikat ng lalaki na halatang nadismaya dahil hindi naituloy ang kanilang pagyayakap. "Sa tingin ko, hindi yata iyan ang tamang pakikitungo sa bisita." anito na kumawala ang ngisi sa kaniyang labi. Sa paggala ng mata nito sa kabuohan ng bahay ay nagulat ito nang makita ako, na tila ba sa tinagal niyang nakatayo roon ay ngayon niya lang napansin na may tao pala siyang kahapon. "Hindi mo nabanggit sa akin na may kasama ka pala rito." Hindi pa rin nawawala ang angas sa mukha ng lalaki habang sinisipat ang aking kabuoan. Bumaba naman ang aking tingin. Sino siya at ano siya sa buhay ng kaibigan ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD