Chapter Ten

3836 Words

GWYNETH'S POV MAKALIPAS ang dalawang linggo ay tuloy pa rin ako sa pagtatrabaho sa The Alchemist Bar, hindi dahil sa nahihirapan ako sa trabaho. Hindi rin dahil sa napupuyat at napapagod ako. Kundi dahil ito ang napagkasunduan namin ni Aubrey bago niya ako ipasok dito. Bukod pa roon, dahil ito ang gusto ko. Gusto kong magsimula ng panibagong buhay kung saan, mabubura ang lahat ng pangit na nakaraan ko. Ibabaon ko na sa hukay ang mga alaalang hindi rin naman ako gusto. Gusto ko na ng simpleng buhay. Magtrabaho para kumita ng pera pampadala sa pamilya ko sa probinsya at mamuhay nang tahimik, pero masaya. Mula nang makausap ko si Aubrey noong nakaraan tungkol sa pagkukwento ko sa kaniya ng pagkikita namin ni Grey, hindi na iyon na nasundan pa. Sinabi ko kay Aubrey na tutuldukan ko na kung

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD