Chapter 12 "Nakita mo ba kung gaano katindi ang titig ni Ms. Liggayu sa akin? Para akong kakainin ng buhay!" Sabi ko kay Jessie no'ng matapos na ang aming klase sa literature. Naglalakad kami sa gilid ng hallway. "Baka naman nagkataon lang iyon, Will." Nakakainis din itong si Jessie. Kami na nga lang ang no lovelife sa barkada namin ay siya pa iyong walang pakialam sa sasabihin ko. What kind of a friend is she? "Creepy naman kasi!" "Tumahimik ka nga lang diyan. Kulang ka lang ata ng damo." Sabi niya. Sinapak ko siya. d**o daw? "Tse!" "Hays! May masama ba sa sinabi kong d**o?" "Oo, feeling ko kasi trato mo sa akin ay kambing na kumakain ng d**o!" "Bakit hindi ba?" "HINDI! Vegetarian lang akong tao!" "Oo nga, damorian ka lang na kambing." "Ang sama mo! Wala ka ngang lovelife ay g