Episode 3

2027 Words
"Anak." Napatingin siya sa bukana ng pinto, nakita niya ang kanyang ina na nakatayo doon at tinatawag na siya. Biglang lumiwanag ang kanyang mukha, sabay tumayo na siya, ibig sabihin kasi ay uuwe na sila sa kanilang bahay. "Nanay!" Nakangiting sabi niya lumapit siya dito. "Halika na anak at uuwe na tayo. Paalam ka na kay Cheche." Sinunud niya ang bilin nito. Lumapit siyang muli sa kasamang bata at nagpaalam. "Bye Cheche uuwe na ako." Wika niya dito. Paglapit niya sa kanyang ina ay nakikipag usap naman ito kay Ate Rose. Naririnig niyang nagpapasalamat ang kanyang ina dito dahil sa pag iwan sa kanya doon. "Nanay buti po maaga po kayo umuwe." Hawak siya sa kamay nito, malapit na sila sa kanilang bahay. "Oo anak, pinauwe na agad ako ng tatay mo para makapagpahinga daw ako. Bukas kasi ay maglalabada ako anak." Napatingala siya dito. Naisip niya ang malaking bahay na iyon at makakapunta na ulit siya. "Nanay! Pupunta tayo sa malaking bahay?!" Masayang tanong niya sa ina. Kita ang excitement sa mukha niya. "Oo anak at isasama kita doon." Sabi nito, kaya napatalon siya sa sobrang saya na naramdaman niya. "Yehey Nanay! Yehey!" Patalon talon pa siya. Nakita niyang tumatawa ang kanyang ina sa kanyang ginagawa. "Gustong gusto mo talagang pumupunta doon anak ano?" Tanong nito sa kanya. Nabuksan na nito ang kahoy na pintuan nila, at pumasok na sila sa loob ng bahay. "Opo nanay ang ganda kasi doon po." Masayang sagot niya sa ina. "Saka gusto ko po sanang makilala yung batang lalaki na mabait nay." Dagdag pa niyang sabi. "Ah yung nakita nating dumungaw sa bintana tapos ay kumaway pa sa iyo anak?" Tanong ng kanyang ina. "Opo nay." Kumukutitap ang kanyang mga mata sa sobrang saya. Dahil nga sa sobarang excited siya sa pagpunta nila doon ay natulog siya agad ng maaga. Nagulat pa ang kanyang tatay dahil nagpaalam siya dito na kailangan na niyang matulog agad at narinig niya na ang nanay na niya ang nagpaliwanag dito. "Kaya pala anak, sasama ka kay nanay bukas doon?" Masaya siyang tumango dito, nakahiga na siya niyon at nakahanda na para matulog. "Oh basta anak huwag na huwag kang maglilikot doon ha, susundin mo si nanay anak ha." Bilin pa ng kanyang tatay. "Opo tay." Sagot niya dito. Habang naglalakad sila ng kanyang nanay papunta doon ay todo kapit siya sa kamay ng kanyang ina, bilin kasi iyon ng kanyang tatay at malayo kasi ang nilalakad nila para makarating doon, at baka bigla daw may kumuha sa kanya kaya dapat ay humawak siya sa kanyang ina ng mahigpit. Sobrang excited siya sa pagpunta doon at sana ay makilala na niya ang bata na nakita niya doon at maglaro sila para lalong masaya. "Nay nakikita ko na yunh bahay na malaki." Masayang sabi niya sa ina. Mahigit isang oras din silang naglakad bago makarating doon pero hindi niya dama ang pagod at excited talaga siya. "Oo anak. Magpapakabait ka ulit ha." "Opo nay, promise po." Itinaas pa niya ang kanyang palad sa pangangako niya sa ina. "Oh Analyn pasok! Pasok kayo ng anak mo. Hello baby Hanna." Nakangiting bungad sa kanya ni Aling Lagring sa tingin niya ay masaya din ito dahil naroroon na sila. "Hello din po." Hinawakan siya nito sa bumbunan at bahagyang ginusot ang kanyang buhok, dama niya na tuwang tuwa sa kanya ang babae. "Alam mo ba baby Hanna may niluto ako kaninang umaga at tinirhan kita. Masarap iyon magugustuhan mo." Masayang pagbabalita nito. "Talaga po. Salamat po." Bumilog pa ang kanyang mga mata sa sobrang saya, ang ibig sabihin ay makakakain na naman siya ng masarap at kakaibang pagkain. "Nakakatuwa talaga ang anak mo Analyn eh napakacute talaga." Narinig niyang sinabi nito sa kanyang ina. "Tara doon tayo sa bandang likuran at maupo muna kayo para makapagpahinga. Ilalabas ko maya maya ang mga damit na lalabhan mo Analyn." Turan nito sa nanay niya. "Sige po ate Lagring. Salamat po." Doon sila pinadaan nito sa bandang gilid ng malaking bahay. Napakasarap talaga sa mata niya ang bahay na iyon kahit saang angulo niya tignan, para siyang isang bahay sa fairy tales na naiisip niya. Ang mga palamuti sa paligid ay nakakapagbigay sa kanya ng mga ngiti, sa tantiya niya ay napakasarap tumira sa ganoong bahay. Tapos ay ang dami pang mga halaman sa paligid at maraming bulaklak, napakaluwag din. At yung playground na iyon ay nakita niyang muli, pangarap niyang makapaglaro din doon. Wish niya na sana ay makilala niya ang batang lalaki na iyon at yayain naman siyang maglaro sila doon. Pero dahil sa hindi sinabi na nanay niya magpunta siya doon ay hanggan tanaw na lang siya pero okay na rin iyon atleast at nakikita pa rin niya ang playground na iyon. Mayron kasi doong maliit na slide tapos may siso din at duyan, colorful din ang sahig at ang buong paligid. Sa batang edad niya ay nakaramdam siya ng inggit sa kung sinumang bata na nakatira doon kasi buti pa iyon ay pwedeng pwede na maglaro, at baka nagsawa na nga kasi hindi naman niya nakikita na may pumupunta doong bata. Nakaupo siya ulit sa maliit na upuan at nakatanaw siya doon. "Analyn oh kainin niyo muna ni baby Hanna at baka nagutom na kayo sa paglalakad." Napatingin siya sa gawi ng kanyang ina at nakita niyang may plato na iniaabot si tita Lagring sa nanay niya, bigla siyang nakaramdam ng pangangalam ng kanyang sikmura at nagugutom na pala siya hindi lang niya alintana kanina. "Hanna halika dito." Tawag sa kanya ng ina, nakangiti siyang lumapit sa ina. Pagtingin niya sa plato ay may nakita siyang apat na bilog na mukhang mga tinapay at may mga desenyong kulay. "Ano po ito nay?" Tanong niya dito, inabutan siya ng isang bilog ng kanyang ina at kinuha niya iyon. "Donut iyan Hanna. Masarap iyan." Nakatawang sabi ni tita Lagring sa kanya "Teka magtitimpla ako ng maiinom niyong juice Analyn, iwan ko lang kayo saglit ah." Narinig niyang nagpasalmat ang nanay niya dito, sinundan pa niya ang pagpasok ng babae sa pintuan. Naisip niya kung ano kayang itsura doon sa loob niyon, siguro ay napakaganda sa loob, naisip din niya na sana ay makapasok din siya doon. Kinain na niya ang hawak na pagkain at talagang bumilog ang mga mata niya sa nalasahan. Hindi niya akalain na may ganoong kasarap at katamis na tinapay. "Nay ang sarap." Puno pa ang bibig niya sa pagsasalita. Pumasok sa isip niya na napakaswerte ng mga batang nakatira doon dahil araw araw ay ganoon kasarap ang nakakain nilang pagkain. "Oo nga anak ang sarap, magpasalamat ka mamaya pagdating ni ate Lagring ha."Bilin pa nito, tumango siya bilang pagsang ayon. Sumusubo siya ng tinapay habang paunti unti siyang naglalakad sa lugar na iyon at lumilinga linga pa siya sa itaas na bahagi ng bahay, nagbabakasakali siya na matanaw niya ang batang lalaki na iyon na nakita niya nung nakaraan. Hindi na siya nakatiis at nagtanong na siya sa kanyang ina. "Nanay nasaan na iyong bata po sa bintana?" Tanong niya dito, saktong naririyan na rin si tita Lagring kaya iyon ang sumagot sa tanong niya. "Si Sir Brake Hanna. Naroon siya sa itaas at nagbabasa ng libro, may summer class kasi ang magkapatid pero tatlong oras lang naman iyon itinatagal everyday." Nakatingin siya dito habang nagsasalita ito, iniimagine niya ang ginagawang pag aaral ng dalawang bata daw na nakatira doon at naiisip nga niya na napakatalino siguro ng mga batang iyon kasi ay masipag mag aral. "Baka mamaya ay makita mo na sila Hanna. Hintayin mo lang." Wika pa nito sa kanya. Bumalik na siya sa kanyang upuan pagkatapos niyang makakain at makainom ng masarap na juice, nagpasalamat muna siya kay tita Lagring kaya naman tuwang tuwa ito sa kanya, naririnig niyang sinasabi nito sa kanyang ina. Pinagsasawa niya ang kanyang mga mata sa magandang paligid, wala naman siyang magawa dahil hindi na niya binitbit ang mga paperdoll niya, umaasa kasi siya na lalaruin siya ng batang lalaki doon. Hihintayin na lang niya na matapos iyon sa pag aaral. Sa pagkakatanda niya ay mukhang mabait ang batang lalaki na iyon at maganda ang mukha, wish niya na sana ay maisipan nitong pumunta sa playground at yayaim siya doon para payagan din siya ng kanyang ina na makapunta doon. Hindi na niya alam kung gaano katagal siyang nakaupo, parang sumasakit na ang pwet niya sa tagal kaya naisipan niyang tumayo at lumapitbsa ina, pinanuod niya ito sa pagkukusot ng mga damit. "Anak naiinip ka ba?" Tanong sa kanya nito habang nakaupo at sige sa pagkusot. "Hindi po nay." Maagap na sagot niya, ayaw niyang malaman nito na ganoon nga ang nararamdaman niya at baka hindi na siya nito isama ulit doon. Ang naisipan niyang gawin ay sumayaw sayaw siya habang kumakanta ng mahina para mawala sa isip ng nanay niya na naiinip siya, hinihintay niya kasi ang bata doon at baka bumaba iyon doon maya maya. "Hanna ayum si Sir Brake oh." Sabay pa silang mag ina na napatingin sa dakong itinuro ni tita Lagring, nakita nga niyang palabas ng bahay ang bata at may anong hawak sa kamay, biglang lumiwanag ang bukas ng kanyang mukha at naexcite siya, nararamdaman niya na titingin ito sa gawi niya at yayayain siya nito doon sa playground. Hindi nga siya nagkamali dahil luminga na ang batang lalaki sa gawi niya na nakangiti, mukha itong napakabait sa tingin niya, nakita rin niya na ang isanf kamay nito ay tumaas na tinatawag siya na lumapit. Lumaki ang kanyang mga mata at gustong gusto na niyang lumapit. Tumingin siya sa kanyang nanay, humihingi siya ng permiso dito na makalapit siya sa batang lalaki na iyon at baka kasi ayaw nito na gawin niya iyon. "Sige Hanna lapit ka na sa kanya. Napakabait nang bata na iyan." Napatingin siya kay tita Lagring, kasunod ay tumingin siya sa nanay niya at nakita niyang tumango ito, ibig sabihin ay pinapayagan nga siyang lumapit sa batang lalaki. Sa tantiya niya ay masmatanda nga ito sa kanya. Medyo atubili pa siya dahil nahihiya siya. "Hello po kuya." Panimula niya dito, nakangiti pa rin ito kaya medyo nababawasan na ang nadarama niyang kaba. "Hello baby girl! What is your name?" Tanong nito, sa pagkakaintindi niya ay nagtatanong ito ng pangalan niya. "Hanna." Maikling sagot niya dito. "Wow! It's a cute name Hanna. Nice to meet you." Sabay inilahad nito ang palad sa kanya. " I'm Brake Hanna, may name is Brake." Nakangiting wika nito. "Hello po." Yun lang ang nasabi niya, english kasi ang salita nito hindi niya masyado maintindihan, kaya napapatanga siya dito. 'Come. Do you want a chocolate. I'll give you some." Yaya nito sa kanya sa gawi ng playground, kaya nakaramdam siya agad ng kasiyahan at sa wakas ay makakatapak na siya sa doon, naaamazed siya sa nilalakaran niyang lapag, malambot kasi iyon, nakita niyang may itinuturo itong isang maliit na upuan may parang box sa ibabaw at nakita niyang ipinasok nito ang isang kamay sa loob ng box. Paglabas niyon ay may hawak na itong chocolate. "Here. Eat this." Utos nito, natuwa siya at agad niyang kinuha ang chocolate na hawak nito at isinubo. "It's delicious!" Nakita niyang sumubo din ito ng chocolate. Bumilog ang mga mata niya sa nalasahan, parang napakasarap niyon at ngayon lang siya nakalasa ng ganoong chocolate. Parang gusto pa niyang humingi ulit sa batang lalaki kaya nakatingin siya dito. "You want some more Hanna?" Buti at nahulaan nito ang saloobin niya, nakita niyang lumusot muli ang kamay nito doon sa loob ng box. "Here baby Hanna." Sabay abot sa kanya ng isa pang chocolate, ang bilis ng kamay niya na nakuha iyon at sinubo ulit, mukha talaga siyang sarap na sarap sa kinakain habang nakatingin sa bata. Nakikita naman niya na mukhang natutuwa naman ito sa kanya, naisip niya na totoo pala ang sabi ni tita Lagring na mabait na bata ito. Sa murang edad niya ay ninais na niyang maging kaibigan ito. "Let's play here. You want?" Nagtataka siya sa sinasabi nito dahil alam niya na hindi tagalog iyon alam naman niya na english pero hindi siya marunong, ang parang naiintindihan niya ay play, kaya napaisip siya siguro ay niyayaya siyang maglaro nito. Kay luwag ng pagkakangiti niya na tumango dito wala siya pakialam kahit marami pa siyang chocolate sa loob ng bibig, kaya nagulat siya dahil bigla itong tumawa ng malakas at nakaturo sa bunganga niya. Ang ginawa niya ay tumawa din siya ng malakas sa harapan ng bata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD